LE_Q1_Filipino 7_Lesson 1_Week 1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
null
2024
DepED
null
Tags
Summary
This document is a Filipino lesson plan for 7th grade, covering the first week of Quarter 1. It contains learning objectives, activities, and assessment criteria. The lesson plan is part of the MATATAG K to 10 Curriculum.
Full Transcript
7 Kuwarter 1 Lingguhang Aralin Aralin sa Filipino 1S Modelong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7 Kuwarter 1: Aralin 1 (para sa Unang Linggo) SY 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implement...
7 Kuwarter 1 Lingguhang Aralin Aralin sa Filipino 1S Modelong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7 Kuwarter 1: Aralin 1 (para sa Unang Linggo) SY 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa School Year 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan. Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Mga Tagapagbuo Manunulat: Rachel C. Payapaya (Philippine Normal University-Mindanao) Ma. Teresa P. Barcelo Tagasuri: Joel C. Malabanan, Ph.D. (Philippine Normal University - Manila) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected]. FILIPINO/ BAITANG 7/ UNANG KUWARTER (ARALIN 1 para sa Unang Linggo) I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, malikhain, at kritikal na pag-unawa at Pangnilalaman pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon ng Katutubo (ANYONG PATULA) at tekstong impormasyonal (eskpositori) para sa paghubog ng kaakuhan at pagpapahalagang Pilipino, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens. B. Pamantayan sa Nakabubuo ng biyograpikal na sanaysay ng isang tauhan sa binasang akda at comic book na isinasaalang- Pagganap alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na pananagutan at kasanayan. C. Mga Kasanayan at Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng katutubo kaugnay ng mga tekstong Layuning pampanitikan. Pampagkatuto 1. Nakikilala ang mga pangkat ng katutubo ng bansa 2. Naiisa-isa ang anyo ng panitikan sa panahon ng katutubo Nauunawaan ang tekstong ekspositori gamit ang mga kasanayang pang-akademiko. 1. Natutukoy ang paksa, layon at ideya sa teksto 2. Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon 3. Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye D. Nilalaman Panitikan sa Panahon ng Katutubo (Anyong Patula) - Kaligirang Pangkasaysayan - Elemento at Detalye E. Integrasyon Multikultural na edukasyon II. Batayang Sanggunian sa Pagkatuto Cabardo, R., Dy, J. L., Ipaz, J. P., & Bejison, R. M. (2022). Tuon-Dunong: Batayang Aklat at Modyul sa Filipino 7 (V. M. Villanueva, Ed.) [Filipino]. Johnny and Hansel Publications. Chua, Michael Chaleston B. (2013) Ang Tunay na Pinagmulan ng mga Pilipino https://xiaochua.net/2013/01/10/xiaotime-10- january-2013-austronesian-ang-tunay-na-pinagmulan-ng-mga-pilipino/ Cuyugan, P. The Asian Parent. https://ph.theasianparent.com/fun-history-can-teach-child-read-alibata?utm_source=article- bottom&utm_medium=copy&utm_campaign=article-share Komisyon sa Wikang Filipino. (2021). Filipino at Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino. https://www.bsp.gov.ph/Media_And_Research/Public_Advisories/Paliwanag-sa-Tema-ng-Buwan-ng- Wika.pdf Panitikang Pilipino: Filipino Modyul para sa Mag-aaral 7. Santiago, L. (2007). Mga Panitikan ng Pilipinas. C & E Publishing Inc. Quezon City. Salazar, Z. A. (2004). Kasaysayan ng Kapilipinuhan. https://bangkanixiao.files.wordpress.com/2012/09/zeus-salazar-kasaysayan-ng- kapilipinuhan.pdf Villanueva, V. M. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino). VMV Publishing House. Makati: Bangkal III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha 1. Maikling Balik-aral Unang Araw ng Dating Kaalaman Ang halimbawang gawain ay TUKOY-LARAWAN: Tukuyin ang pangkat ng mga katutubo na makikita sa maaaring gawing gabay para larawan. Magbahagi ng mga nalalaman tungkol sa kanila. Isulat ang sagot lubos na maunawaan ang sa meta cards at idikit sa tapat ng larawan. mga paksa. Maaari rin itong imodipika ng guro. A B C Maghanda ng mga larawan ng katutubo, metacards at pandikit para sa gawaing TUKOY-LARAWAN. Sagot: A. Ifugao https://www.pinterest.ph/pin/711568809846664616/ B. Ita https://brainly.ph/question/24246408 C. Maranao (binibigkas na https://www.pinterest.ph/pin/538743174148406895/ Meranaw) Itanong: Anong pangyayari ang naaalala mula sa mga larawan? Sa inyong palagay, marunong na bang sumulat ang ating mga ninuno? Patunayan. 1. Panghikayat na Gawain Ang Baybayin (baybay, to spell) ay ang isa sa B. Paglalahad PUNA-BAYBAYIN: Nakakita na ba kayo nito? Ito ang isa sa lumang alpabeto sinaunang sistema ng ng Layunin natin na tinatawag na Baybayin. Ihambing ito sa ating kasalukuyang alpabeto. pagsulat ng mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila. Ang mga titik ay binubuo ng mga katinig at patinig at kadalasang sinusulat mula kaliwa patungong kanan. Itanong: Paano natin mapapahalagahan ang ating https://ph.theasianparent.com/fun-history-can-teach-child-read-alibata lumang alpabeto? Sariling 2. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin kultura? Ang tuon sa unang kuwarter ay tungkol sa Panitikan sa Panahon ng Katutubo. Ang pag-aaral tungkol dito ay magpapalalim ng ating pag-unawa at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Ito ay magbibigay kaalaman tungkol sa ating identidad, tradisyon, kultura at lipunan. BUO-AKROSTIK: Isulat ang ALAM NA tungkol sa panitikan sa pamaraang akrostik. Ang akrostik ay isang pamaraan sa pagsulat na ginagamit ang bawat letra ng napiling salita sa pagbibigay ng mensahe, paliwanag o depinisyon. Maaaring pangkatan ang gawain at ilahad sa klase 3. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin ang awtput. TUKOY-SALITA: Isaayos ang mga ginulong letra sa loob ng pangungusap upang mabuo ang diwa. 1. Ang NIPAKANTI ay nagmula sa salitang Latin na “litera” na ang ibig sabihin ay titik. Sagot: 2. Ang PALINSALADI ay pagbigkas o pasalitang pagbabahagi, pagtuturo o 1. panitikan pagpapalaganap, o paglilipat ng karunungan sa pamamagitan ng pasalitang 2. pasalindila tradisyon. 3. bugtong 4. sawikain 3. Ang NGOTGUB ay isang pahayag na may nakatagong kahulugan upang lutasin. 5. awiting-bayan Ito ay payak at maikli lamang. 6. epiko 4. Ang INKAWISA ay tinatawag na maiiksing kasabihang may dalang aral. 5. Ang NGITIWA-YABAN ay tradisyunal na awit tungkol sa damdamin, opinyon at karanasan ng ating mga ninuno. 6. Nagsasaad ng kabayanihan ang pangunahing tauhan sa IKOPE. C. Paglinang Kaugnay na Paksa 1: Kaligirang Pangkasaysayan sa Panitikan sa Panahon ng Ikalawang Araw at Katutubo Pagpapalalim Maaaring pagpipilian at 1. Pagproseso ng Pag-unawa iangkop sa konteksto ang mga gawaing inihanda. TALA-SAGOT: Itala ang mga Katutubong Panitikan na alam na/ nabasa/napakinggan. Isulat ang sagot sa grapikong presentasyon sa ibaba. Ipangkat ang klase sa gawaing TALA-SAGOT. Itanong: Bilang mag-aaral, paano kayo makakatulong upang maraming kabataan ang mahikayat na bumasa ng panitikang Pilipino? Mula sa inyong sagot, ano ang inyong kinagigiliwan? Bakit? HULA-SAGOT: Punan ang kolum na HULANG SAGOT batay sa iyong nalalaman. Pagkatapos na basahin ang teksto, sagutin ang huling kolum. Tanong Hulang Sagot Pinal na Sagot 1. Sino ang mga katutubong - Pilipino? 2. Ano ang mga katangian ng - mga Katutubong Panitikan? 3. Ano ang mga pangyayaring nakatulong sa pagpapaunlad ng - Katutubong Panitikan? 2. Pinatnubayang Pagsasanay BASA-TALA: Basahin ang teksto at gawing gabay ang mga katanungan sa pag- unawa nito. Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Bago pa man ang pananakop ng mga Kastila noong ika- 16 na siglo, may mayamang kaban ng panitikan na ang ating mga ninuno. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating A. Ano ang lahi – mga bugtong, sawikain, kuwentong-bayan, alamat, epiko, pasalindila at kasabihan, palaisipan at iba pa. pasalinsulat na panitikan? Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng B. Ano ang mga panitikan ibang bansa na pasalindila (oral) at pasalinsulat (written) na sa panahon nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at ng katutubo? kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, relihiyon, adhikain at mga pangarap. Kalimitang nagtitipon-tipon ang mga katutubo upang pakinggan ang mga salaysayin, pamamahayag at iba pa. Paulit-ulit na pinapakinggan ang mga panitikan hanggang sa ito’y matanim sa kanilang isipan. Sa palagiang pakikinig at pagbigkas ng mga panitikan, nagawa nilang maisalin ito sa susunod na henerasyon. Isinulat at iginuhit naman ang ibang akda sa mga kahoy, kawayan, bato at dahon. Ayon sa kasaysayan, ipinasunog ng mga Kastila ang sinaunang panitikan sa paniniwalang galing ito sa diyablo. Ngunit di nalipol ang lahat na panitikan mga kantahing-bayan, bugtong, salawikain, kasabihan at iba pa dahil ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao. Ita o Negrito Batay sa “Waves Migration Theory” ni Henry Otley Bayer (Chua, 2013) ang kauna-unahang naninirahan sa Pilipinas ay ang mga Ita o Negrito na ang ibig sabihin ay maliit at maitim na tao. Mayroon na silang mga bulong, awitin at kasabihan na ginagamit noon. Ang mga Indones o Indonesyo na nagmula sa Timog-silangang Asya na may kabihasnang nakahihigit sa mga Negrito ay nakarating din ng bansa. Marunong na silang magtanim ng halaman at mangisda. Mayroon silang mga alamat at epiko, pamahiin at mga bulong na uri ng panitikan. Ang mga Ifugao at mga Kalinga sa Mountain Province ay mula sa unang Indones sa bansa. https://manilagrapika.wordpress.com/tag/indonesyo/ Ang mga Malay o Malayo naman ay nagdala ng pananampalatayang pagano at awiting panrelihiyon. Sila ay mga ninuno ng mga Musilm sa Mindanao. Ngunit sa teorya naman ni Peter Bellwood ng Australian National University, naniniwala siyang ang tunay na mga ninuno ng ating lahi ay ang mga Austronesian na eksperto sa paglalayag. Sinuportahan naman ito ng Pilipinong historian na si Floro Quibuyen noog 2020 na naniniwalang nagmula sa Taiwan ang mga Austronesian. Sa kabuoan, ang katutubong panitikan ay tagapagbatid ng kultura sa bawat rehiyon ng bansa. Sa pamamagitan ng panitikan, naipapahayag ang kanilang damdamin hinggil sa daigdig na nakapalibot sa kanila. Sa mga tulang Pilipino, makikita ang pagiging orihinal at malikhain. https://manilagrapika.wordpress.com/tag/indonesyo/ 3. Paglalapat at Pag-uugnay Ang mga halimbawang gawain ay maaaring gawing SAGOT-PINAL: Punan ang kolum na PINAL NA SAGOT batay sa iyong gabay at pagpipilian para nalalaman. Lagyan ng emojis kung naunawaan ba ito o hindi. lubos na maunawaan ang mga paksa. Maaari rin itong Tanong Pinal na Sagot imodipika ng guro. 1. Sino ang mga katutubong Pilipino? 2. Ano ang mga katangian ng mga Katutubong Panitikan? 3. Ano ang mga pangyayaring nakatulong sa pagpapaunlad ng Katutubong Panitikan? 4. Ano ang magagawa mo upang mapreserba at makatulong sa Ikatlong Araw pagpapaunlad ng mga Pasagutan ng pangkatan. katutubong panitikan? Maaaring sa pisara ipasulat ang sagot. LISTA-PANITIKAN: Uriin ang mga panitikang pasalindila at pasalinsulat. Maaaring isahan o Pasalindila pangkatan ang mga gawain. Pasalinsulat BUO-ISLOGAN: Bumuo ng isang islogan na naglalahad ng natutuhan tungkol sa Ilahad ang rubrik ng aralin. gawain. LIKHA-TAUHAN: Mula sa binasa ay bumuo ng character profile. Ipakilala ang mga katutubo sa binasang teksto at ang panitikang dala nila. Ilahad sa klase ang nabuong islogan. Maaaring sumulat o gumupit sa gawaing LIKHA- TAUHAN. Ang character profile ay mga detalye tungkol sa isang tao o pangkat. Ililista ang mahahalagang detalye nila upang madaling makikilala at matatandaan. Maaaring baguhin/palitan ang mga tanong. Mga Tanong: 1. Sino-sino ang unang pangkat ng mga katutubo sa bansa? 2. Ano ang mga katangiang katangian taglay ng bawat pangkat? 3. Ano ang mga panitikan sa panahon ng katutubo? 4. Bakit mahalagang malaman ang kasaysayan ng Katutubong Panitikan? 1. Pabaong Pagkatuto D. Paglalahat Gawing gabay ang konsepto sa pagtalakay at lubos na pagpapahalaga sa natutuhan sa aralin. TATAK-IMPAK: Magpahayag ng realisasyon, integrasyon, emosyon at aksiyon mula sa paksang tinalakay. Realisasyon ay tungkol sa Realisasyon Integrasyon bagong natutunan. Integrasyon ay ang pag- uugnay ng natutunan sa Emosyon Aksiyon iyong buhay. Emosyon ay ang damdamin mula sa binasa. Aksiyon ay ang angkop na tugon o kilos mula sa natutunan. BINTANA-UNAWA: Ilahad ang natutunan mula sa talakayan. Kaligirang Anyo ng Panitikan Pangkasaysayan Panitikang Katutubo (Balita) Katangian Kahalagahan 2. Pagninilay sa Pagkatuto GABAY-NILAY: Dugtungan ang mga pahayag batay sa iyong karanasan. Sa linggong ito: Nalaman kong _________________________________________________. Naranasan kong _______________________________________________. Naramdaman kong ____________________________________________. Para sa akin, ang mga panitikan sa panahon ng katutubo ay______________. Bilang mag-aaral____________________________. SURI-KAALAMAN: Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay may kaugnayan sa paksang tinalakay. Kung walang kaugnayan ay mangyaring isulat ang tamang sagot. E. Pagtataya 1. Bago dumating ang mga mananakop, may sariling panitikan na ang Pilipinas. 2. Ang mga pangkat-etniko ay mayroong tula, awiting-bayan at mga epiko. 3. Ang kalikasan, tulad ng katutubong panitikan, ay nanganganib noong unang panahon. 4. Nasunog lahat at wala nang natira sa mga panitikang Pilipino nang dumating ng mga Espanyol. 5. Maarami sa mga katutubong panitikan ay hango sa ibang bansa. 6. Naglalarawan ng mayamang tradisyon at kaugalian ang mga katutubong panitikan. Sagot: 7. Ang sistema ng pagsulat noon ay tinatawag a ALIBATA. 8. Hango sa karanasan ng tao ang mga kasabihan noon ngunit 1. / 2. / nakakasakit-damdamin ang mga kahulugan nito. 3. Di nanganganib 9. Ang mga Muslim ay nagmula sa lahing Malay. 4. May natira pa dahil sa 10. Sinunog ang mga katutubong panitikan ng mga Espanyol pagsasalindila 5. orihinal mula sa sariling dahil ito raw ay gawa ng diyablo. bansa 6. / 7. Baybayin 8. Di nakasasakit damdamin 9. / 10. / F. Pagbuo ng Anotasyon Itala ang Naobserbahan Epektibong Pamamaraan Problemang Naranasan Estratehiya Kagamitan Pakikilahok Iba pa. G. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? Inihanda ni: RACHEL C. PAYAPAYA Sinuri ni: JOEL C. MALABANAN, PhD Institusyon: Philippine Normal University-Mindanao Institusyon: Philippine Normal University-Manila