ESP 10 Module 7: Mga Yugto ng Makataong Kilos at Hakbang sa Moral na Pagpapasiya PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Judith J. Mercolita
Tags
Summary
This document is a lesson plan on the different stages of human actions and steps in moral decision-making, suitable for Grade 10 students. It includes discussion points and activities, and emphasizes the importance of making sound moral decisions.
Full Transcript
Grade 10 Judith J. Mercolita ESP 10 Module 7: Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Layunin: Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1. Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.-ME...
Grade 10 Judith J. Mercolita ESP 10 Module 7: Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Layunin: Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1. Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.-MELCs 7.1 2. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos.MELCs 7.2 3. Naipapaliwanag ang batayang konsepto. MELCs 7.3 4. Nakapagsusuri ng sariling mga kilos at pasiya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang mga kilos o pasiya. MELCs 7.4 Pagganyak: “Picture Analysis” PANUTO: Suriin ang mga larawan, Tukuyin ang nais ipahiwatig nito. Bahala na si Batman!! Ano kaya gagawin ko? Mga Tanong 1. Ano ang iyong napapansin sa mga larawan? 2. Naranasan o nagawa mo na ba ang magsagawa ng isang pagpapasiya para sa iyong sarili o sa ibang tao? 3. Ano ang naging bunga o resulta ng iyong pagpapasiya? V. MALAYANG TALAKAYAN/PAGPAPALALIM Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Sa nakaraang modyul, natutuhan mo na may limang salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya: kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi. Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Kung tatanungin kita, mula sa iyong iba’t ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang Madali ba ang mga ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot ng tagumpay o kabiguan? Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais pumunta. Gayon din ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos. Kung iyo lamang titingnang mabuti sa bawat araw na nagsasagawa ka ng kilos, may mga kilos na hindi mo kailangang pag-isipan Paghinga Pagbahing Paglakad Ngunit mayroon ka ring mga kilos na kailangan mong pag-isipan at pagnilayan tulad ng: Pagpasok sa Pakikinig sa Gagawa ng klase tinuturo ng guro takdang aralin Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. May 12 yugto ito at nahahati sa dalawang kategorya ito: ang isip at kilos-loob Isip Kilos Loob 1.Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin 3.Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin 5.Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghusga sa paraan 7.Praktikal na paghuhusga sa 8. Pagpili pagpili 9. Utos 10.Paggamit 11. Pangkaisipang kakayahan ng 12. Bunga layunin Upang lalo nating maunawaan ang mga yugto ng makataong kilos, basahin at unawain natin ang situwasiyon ni Alvin at tukuyin kung paano gagamitin ang mga yugtong ito. Naririto ang halimbawa. Sitwasyon: Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito. 1. Pagkaunawa sa layunin Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na. 2. Nais ng layunin Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito. 3.Paghuhusga sa nais makamtan Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito. 4. Intensiyon ng layunin Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Alvin na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili, bilhin niya ang bagong modelo ng cellphone o hayaang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung itinigil na niya ang ideya na bilhin ang cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-isip pa siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral na kilos ay nagpapatuloy. Pinag-iisipan na niya ngayon ang ibat ibang paraan upang mabili ang bagay na iyon. Bibilhin ba niya ito ng cash o installment?. 5. Masusing pagsusuri ng paraan Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga nasabing pagpipilian. Hindi bibilhin Bibilhin ng CP 6. Paghuhusga sa paraan Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga, pagbabayad paunti- unti, o pagnanakaw; pagkatapos ay huhusgahan niya ang pinakamabuti sa lahat. 7. Praktikal na paghuhusga sa pinili Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan 8. Pagpili Bibilhin ang CP Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan ang kaniyang isip ay nag- uutos na bilhin ang nasabing cellphone 9. Utos Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad 10. Paggamit Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang isinagawang kilos 11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya ng cellphone 12. Bunga Ito ang resulta ng kaniyang pinili Moral na Pagpapasiya Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anumang isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito. Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili. Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago ka magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (listen process). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa anumang moral na dilemma. Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya 1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. 2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine Possibilities) Mahalaga na tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito. Ano ang maaaring maging epekto nito, hindi lamang sa sarili di para sa ibang tao. 3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own) Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya. Halimbawa, maaari mong tanungin ang iyong sarili. Ito ba ang nais ng Diyos na gawin ko? Ito ba ay naaayon sa kaniyang kautusan? 4. Tingnan ang kalooban (Turn inward) Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? o ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal mong nararamdaman ukol sa sitwasyon? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya na iyong gagawin,kailangan na ikaw ay magiging masaya. 5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help) Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya’t napakahalaga na tumawag sa kaniya sa pamamagitan nang panalangin. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na magagamit sa sandaling dumaranas sa mahirap na sitwasyon. 6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision) Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano ang iyong mga plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba ay masaya rito? Ito ba ay batay sa moral na pamantayan? Tandaan: Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pasiya. Dito nakasalalay ang maaaring kahinatnan ng iyong buhay. Kaya’t ang wastong pagpili ay dapat pag-isipan at bigyan ng sapat na oras at panahon. Sa pagpapasiya, kailangan kang magplano dahil ito ang makapagbibigay sa iyo ng tamang kaisipan sa iyong pagpili at higit sa lahat dumulog sa Panginoon para sa pinakamatalino, tama at makataong pagpapasiya. GAWAIN 21: Bilang isang mag-aaral napakabilis ng araw para sa iyo kung kaya’t napakabilis din gumawa ng pagpapasiya. Isipin mo na nilikha tayo ng Diyos at binigyan niya ang tao ng isip at kilos-loob na magagamit mo sa pagsasagawa ng mabuting kilos na nagpapakita ng pagmamahal hindi lamang sa kapuwa kundi lalo’t higit sa Diyos. Ito rin ang magsisilbing mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito sa matututuhan mo sa moral na pagpapasiya. Ano ang konseptong naunawaan mo mula sa SLeM, sagutin ang mga tanong sa pyramid graphic organizer. Isulat ang sagot sa blangkong parte ng pyramid. GAWAIN 21 Maraming Salamat po!!!