Filipino Lesson 1-6 Q1 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a Filipino lesson plan covering various aspects of writing, including types of writing (academic, technical, journalistic, referential, professional, creative), paragraph structure and composition.
Full Transcript
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN-AKADEMIK ARALIN 1: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin siya sa pag-iisip. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT PAGSULAT - Pisikal na aktibiti -...
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN-AKADEMIK ARALIN 1: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin siya sa pag-iisip. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT PAGSULAT - Pisikal na aktibiti - Mental na aktibiti - Komprehensib - Mataas na uri ng komunikasyon - Salita, simbolo at ilistrasyon Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006) Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Badayos (2000) Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006) Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006) MGA PANANAW SA PAGSULAT SOSYO - salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. KOGNITIBO - anumang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman. SOSYO-KOGNITIB - pananaw sa pagsulat, isang paraan ng patingin sa proseso ng pagsulat. MENTAL NA AKTIBITI - pagiisip at pagsasaayod ng isang tekstong pagsulat. SOSYAL NA AKTIBITI - pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksiyon o tugon sa teksto. BISWAL NA PAKIKIPAG-UGNAYAN PERSONAL NA GAWAIN - tumutulong sa pag-unawa Ang sariling kaisipan, damdamin at karanasan. SOSYAL NA GAWAIN - Pagganap sa acting mga tungkuling panlipunan at sa pakikisalamuha sa isat Isa. MULTI-DIMENSIYONAL ORAL DIMENSYON MULTI-DIMENSYONAL - Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. BISWAL NA DIMENSYON - Mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalatad ng mga nakalimbag na simbolo. MGA LAYUNIN SA PAGSULAT IMPORMATIBONG PAGSULAT - makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. - Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT - makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. MALIKHAING PAGSULAT - Ginagawa ng mga Manunulat ng mga akdang pampanitikan maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. -. Wika nga ni Arogante (2000) - pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal. ANG PROSESO NG PAGSULAT Bago mag-sulat (Pre-writing) Aktwal na pagsulat (Actual Writing) Muling Pagsulat (Rewriting) Pinal na Awtput (Final Output) MGA URI-NG PAGSULAT AKADEMIΚΟ - Layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. TEKNIKAL - tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. - impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay- solusyon sa isang komplikadong suliranin. - pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. JOURNALISTIC - Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. REPENRENSYAL - Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes. PROPESYONAL Isang tiyak na propesyon. - Police report-pulis - Investigative report - imbestigador - Legal forms, briefs at pleadings - abogado - Patient's journal - doktor at nurse MALIKHAIN - pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. - imahinasyon ng manunulat. - Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. - Pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay. Aralin 2: AKADEMIKONG PAGSULAT KAHULUGAN - Isinasagawa para sa madaming kadahilanan. - Publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa mga komprehensya. - Intelektuwal na Pagsulat. - Carmelita Alejo et al. (2005) - may sinusunod na particular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay suporta sa mga ideyang pangangatwiran. AKADEMIKONG PAGSULAT - Akademya - institusyong pang-edukasyonng maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasamayan at karunungan. - Elemento - mag-aaral, guro, administrator, gusali, kurikulum, at iba pa. - Inaasahang Pagsulat ay tumpak, normal, impersonal at obhetibo. (https://grammar.about.com) KALIKASAN KATOTOHANAN - Nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. EBIDENSYA - gumagamit ng mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan Ang katotohanang kanilang inilalahad. BALANSE - Kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw. KATANGUAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT -Ayon sa https://www.uefap.com, Ang akademikong pagsulat sa wikang Ingles at linear. - Ano mang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema. - Ayon sa https://www.uefap.com may iba pang katangian KOMPLEKS Higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksihon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano Mang Pagsulat na gawain. OBHETIBO Halip na personal Impormasyong ibibigay at Ang mga argumentong nails Gawin, haljp na Ang Manunulat mismo o Ang kanyang mambabasa EKSPLISIT Ugnahan sa loob ng teksto Responsibilidad ng Manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung pano Ang ibat IBANG bahagi ng teksto ay nauugnay sa isat Isa. Signaling words PORMAL Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa sa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. TUMPAK facts and figures ay inilalahad ng tumpak o walang labis at walang kulang. WASTO wastong mga bokabularyo o salita. Maingat dapat ang manunulat sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat. RESPONSABLE kailangang maging responsable sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento responsable sa pagkilala sa mga hanguan ng impormasyong kanyang ginamit. LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT - matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at Ang mga tanong na ito. MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanayang posisyon hinggil sa isang paksa MAPANURING LAYUNIN Analitikal na pagsulat. Ipaliwanag at suriin Ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin Ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. IMPORMATIBONG LAYUNIN posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT - Akademikong pagsulat ay isang pangangailangan. - Ginagampanan Ang gawaing ito na lubhang mahalaga. LUMILINANG NG KAHUSAGAN SA WIKA - Sa apat na makrong kasanayang pangwika, Pagsulat Ang pinakahuli. - Pagsulat Ang pinakahuling natutuhan ng isang tao at pinakamahirap linangin. - Hindi sapat Ang mataas na antas ng kasanayang pangwika sa pakikinig at pagbasa. LUMILINANG NG MAPANURING PAG-IISIP - Akademikong pagsulat ay tinitignan bilang isang proseso, kaysa bilang isang Awtput ito ay maaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain. - Mahusay na Manunulat ay isang mahusay na mambabasa. LUMILINANG NG MGA PAGPAPAHALAGANG PANTAO - Tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral. - Nililinang Ang karapatan ng bawat mag-aaral. ISANG PAGHAHANDA SA PROPESYON - Lahat ng propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat. ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT - Pinakapopular sa mga ito ay Ang reaction paper at term paper dahil sa Dallas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral. - Anyone ito ay hinati sa tatlong kategorya - Unang kategorya - karaniwang anyo (madalas ipagawa sa mga mag-aaral tulad ng Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati, at Rebyu.) - Ikalawang kategorya - personal (Nakatuon ito sa mga manunulat, sa kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa, maging sa kanyang mga personal na karanasan. Replektibong sanaysay, Posisyong papel, Lakbay-Sanaysay at Pictorial Essay. - Ikatlong kategorya - iba pang anyo (walang IBANG dahilan Ang pagkakategorya ito maliban sa residual Ang mga ito. Hindi nabibilang Ang mga ito sa una at ikalawang kategorya. Bionote, Panukalang Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong. ARALIN 3: PAGSULAT NG ABSTRAK KAHULUGAN - Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa Pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings, at papel-pananaliksik na naisumite sa komprehensiya at iba pang Gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto. - Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang aklat na How to Write an Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mga mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. ANO-ANO ANG MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK? 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang sulatin na gagawan ng abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan ng bawat bahagi mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon. 3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. 4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. 5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito. 6. Isulat ang pinal na sipi nito. URI NG ABSTRAK IMPORMATIBONG ABSTRAK - Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto. - Nilalagom dito ang kabuluhan, kahalagahan, suliranin, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel. - Kadalasang binubo ng 200 salita. DESKRIPTIBONG ABSTRAK - Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto. - Binibigyang pansin ang kaligiran, suliranin, layunin, at paksa ng papel, pamamaraan at hindi ang resulta, kongklusyon at rekomendasyon. - Kadalasang binubo ng 100 salita. KRITIKAL NA ABSTRAK - Ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang rebyu. - Bukod sa nilalaman ng isang impormatibong abstrak, binibigyang-ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik. PAGSULAT NG ABSTRAK - kailangang maunawaan at magkaroon ng ideya ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit kailanagan ding gustuhin niyang palalimin pa ang nauunawaan sa pamamagitan nang pagbasa sa buong pananaliksik. ARALIN 4: PAGSULAT NG BUOD AT SINTESIS PAGSULAT NG BUOD - Ang buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa. - Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinapanood, o pinakinggan. KATANGIAN NG BUOD 1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. - Ang buod ay dapat sumasagot sa mga pangunahing katanungan tulad ng sino, ano, saan, kailan, bakit, at paano. 2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. - Tanging ang mga impormasyong nasa orihinal na teksto ang dapat na isama. Hindi dapat dagdagan ito ng pansariling ideya o kritisismo ng nagsusulat. 3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto. - Tanging hinihingi sa ganitong uri ng sulatin ay ang paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa katulad ba linaw ng orihinal. 4. Gumagamit ng mga susing salita. - Dapat gamitin ang mga susing salita na ginamit sa orihinal na teksto. Ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto. 5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe. - Kung para sa personal na pangangailangan ang buod, malaking tulong na ito ay naihahayag sa sariling pananalita. HAKBANG SA PAGBUBUOD 1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye. 2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya. 3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod- sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan. 4. Kung gumamit ng unang panauhan ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng Ang manunulat, o siya. 5. Isulat ang buod. PAGSULAT NG SINTESIS - Pagsasama-sama ng mga ideya na may iba't ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o presentasyon. - Sintesis ay hindi paglalagom, paghahambing, o rebyu. Sa halip, ang sintesis ay resulta ng integrasyon ng iyong narinig, nabasa, at ang kakayahan mong gamitin ang natutuhan upang madebelop at masuportahan ang iyong pangunahing tesis o argumento. - Kritikal na kasanayan at krusyal sa pagbubuo, at paglalahad ng impormasyon sa pang- akademiko at di-akademikong tagpuan. - Halos nagkakatulad ang laman at paraan ng pamanahon, posisyon, at reaksiyong papel. - Bagong kaalaman dulot ng malawakang pag-aaral at pananaliksik. URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS 1. BACKGROUND SYNTHESIS - Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. 2. THESIS-DRIVEN SYNTHESIS - Ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin. 3. SYNTHESIS FOR THE LITERATURE - Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik- tanaw o pagrebyu sa mga naisulat na literatura ukol sa paksa. - Ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS 1. Linawin ang layunin sa pagsulat - Mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng pagsulat ng sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito susulatin. 2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito - Kung alam ng susulat ang layunin, malalaman rin kung saan hahanapin ang mga sangguniang makatutugon sa layuning ito. Madali ring matutukoy kung akma ang nahanap na sanggunian. 3. Buuin ang sulatin - Tiyakin ang sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing ideya ng isusulat. Ihayag gamit ang buong pangungusap. Dapat naglalaman ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan dito. 4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin - Maghanda ng isang balangkas na susundan sa pagsulat. Ang balangkas na ito ay nakaayon sa iba't ibang teknik sa pagdedebelop ng sintesis. 5. Isulat ang unang burador - Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador ng sintesis 6. Ilista ang mga sanggunian - Gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binibigyang- pagkilala ang mga akda na pinaghanguan ng impormasyon. 7. Rebisahin ang sintesis - Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at sa mga detalye. 8. Isulat ang pinal na sintesis - Mula sa rebisadong burador, maisusulat na ang pinal na sintesis. ARALIN 5: KAHULUGAN NG BIONOTE - Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay“ - Nagmula rin sa wikang Griyego ang salitang graphia na ang ibig sabihin ay “tala“. Ang biography ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao. - Mula rito ay nabubuo naman ang bionote. - Isang maikling talatang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa. - Dapat ding tandaan na maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat, maaari itong magbago nang mabilis dahil sa mga naidaragdag na impormasyon sa isang indibidwal. Maraming mga rason kung bakit kailangan ang isang bionote. Sa pagtalakay ng http//www.theundercoverrecruiter.com sa mga dahilang inilahad ni Levy (2015), kabilang sa mapaggagamitan nito ang sumusunod: - Aplikasyon sa trabaho - Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog - Pagsasalita sa mga pagtitipon - Pagpapalawak ng network propesyonal MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE - Kailangang maging malinaw sa iyo ang balangkas na iyong susundin. - Tinutukoy ng pagbubuo ang balangkas ang prayoritasyon ng mga impormasyong isasama. - Mahalaga ang lahat ng detalyeng iyong isasama, maging estratehiko sa paglalagay sa mga impormasyong ito. HABA NG BIONOTE - Kadalasang maikli lamang ang bionote. - Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong talata, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang bionote. KAANGKUPAN NG NILALAMAN - hindi lahat ng natamo at mahalagang impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong isama sa bionote. - Bionote ay isinulat para sa isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon. Dahil dito, mahalagang isiping mabuti ang mga impormasyong kailangang isama. - Bigyang-pansin ang pag-alam sa konteksto ng okasyon o sitwasyon. ANTAS NG PORMALIDAD - Antas ng mga salitang gagamitin. - Nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa mismong tagapakinig at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan nito. - Mahalagang isaalang-alang ang pormalidad/impormalidad ng sulatin sapagkat kahit gaano ito kahusay, kung hindi naikonsidera ang lebel ng sensebilidad ng mga tagapakinig o mambabasa, hindi ito magiging epektibo sa pagahahatid ng mga impormasyon ukol sa ipinakikilala. LARAWAN - Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng larawan at hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan. - Iminumungkahing maglagay ng larawang kuha ng isang propesyonal na potograpo. MGA HAKBANG PAGSULAT NG BIONOTE 1. TIYAKIN ANG LAYUNIN - Magsisilbi mong gabay kung ano ang mga impormasyon ang mahalagang isama at mula rito ay matutukoy mo rin ang magandag paraan upang mailahad ito. - Kapag tiyak na ang layunin, matutumbok mo ang mga detalyeng nararapat na mabasa o marinig ng mga tao. 2. PAGDESISYONAN ANG HABA NG SUSULATING BIONOTE - Nakadepende rin sa layunin ang magiging haba ng bionote. - Mahalaga rin ang pagdedesisyon sa haba ng bionote sapagkat kadalasan ay may kahingian ang mga organisasyong hinihingi. 3. GAMITIN ANG IKATLONG PANAUHANG PERSPEKTIB - Makakatulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote. - Inilalahad ang pinakamahahalagang tagumpay na natamo. 4. SIMULAN SA PANGALAN - Kapag pangalan ang unang nakita sa bionote, mayroon na agad katauhan ang taong ipinakikilala, at unang mairerehistro sa kamalayan ng mga tao ang pangalan ng ipinakikila. - Mahalaga ito dahil ang pangalang ang pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at sinusundan naman ng mga ginawa at natamo na paksa. 5. ILAHAD ANG PROPESYONG KINABIBILANGAN - mahalagang banggitin na ang ipinakikilala ay kabilang din sa naturang komunidad; o kung hindi man, kabilang sa isang larangan na may kaugnayan sa kanila. - Sa pamamagitan nito, maitataas mo ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao. 6. ISA-ISAHIN ANG MAHAHALAGANG TAGUMPAY - Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang namay kinalaman sa audience ang kailangang isama sa iyong bionote. - Dapat piliin lamang ang mga impormasyong ibibilang na maaring makapagpataas ng antas ng pagkilala sa iyo. - Kadalasang limitado ang espasyo sa pagsulatng bionote, krusyal ang pagdedesisyon sa mga impormasyong ilalagay dito. 7. IDAGDAG ANG ILANG DI-INAASAHANG DETALYE - Mahalaga na may element of surprise ang pagpapakilala sa iyo. Ito ay magandang teknik upang mapukaw ang interes nila, basta tiyakin na ito ay maiuugnay sa okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo. 8. ISAMA ANG CONTACT INFORMATION - impormasyon kung paano posibleng makipag-ugnayan sa iyo upang mapalawak ang network sa propesyon at upang makonsulta ang paksa ng bionote ukol sa ekspertis na larangan. - Kabilang dito ang e-mail, social media account, at numero ng telepono sa trabaho o personal nanumero. - Sa ganitong paraan, napapadali nito ang ugnayan mo sa ibang tao. 9. BASAHIN AT ISULAT MULI ANG BIONOTE - Pagkatapos gawin ang bionote ay basahin ito nang malakas. - Sa pagbasa mo nito, makikita mo ang mga dapat mong ayusin, tanggalin man o dagdagan. - Masusuri mo rin kung epektibo ang paglalahad nito. - Mula sa iyong personal na mga puna, muli itong isulat. ARALIN 6--PANUKALANG PROYEKTO - Ayon kay Nebiu (2002), ito ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong magresolba ang isang tiyak na problema. Ito ay kadalasang nakasulat minsan naman ay sa anyong oral na presentasyon o kaya'y kombinasyon ng mga ito. URI NG PANUKALANG PROYEKTO 1. MAIKLING PROYEKTO - Karaniwang naglalaman ng dalawa hanggang sampung pahina 2. MAHABANG PROYEКТО - Naglalaman naman ng mahigit sampung pahina Mga Dapat Gawin Bago ang Pagsulat ng Panukalang Proyekto 1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo 2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto 3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto 4. Pag-organisa ng mga focus group 5. Pagtingin sa mga datos estadistika 6. Pagkonsulta sa mga eksperto 7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa 8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad Pagsulat ng Panukalang Proyekto at Ang Mga Elemento Nito MGA BAHAGI l. Titulo ng Proyekto Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala. ll. Nilalaman Ill. Abstrak Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang pagtatalakay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsible sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet. IV. Konteksto Ang bahaging ito ay naglalaman sa sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto o mga datos na nakolekta mula sa iba't ibang sanggunian V. Katwiran ng Proyekto- PAGPAPAHAYAG SA SULIRANIN - Tiyak na suliraning pinagtutuunang solusyunan ng panukala. PRAYORIDAD NA PANGANGAILANGAN - Pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa pagkakaroon ng suliranin. VI. Layunin - Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. lisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala. VII. Target na Benepisyaryo - Kung sino ang makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito. VIII. Implementasyon ng Proyekto Kung sino ang makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito. ISKEDYUL- Detalye ng mga plinanong aktibidad. ALOKASYON- Ipapakita dito ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul. BADYET - Buod ng gastusin at kikitain ng panukalang proyekto. PAGMONITOR AT EBALWASYON- Kung paano at kailan isasagawa ang mga aktibidad para mamonitor ang pag-unlad ng proyekto PANGASIWAAN AT TAUHAN- Maikling deskripsyon ng bawat miyembro ng grupo na gumawa ng panukalang proposal. MGA LAKIP-Karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang lalong magpatibay ang panukalang proyekto.