LE_Q2_Filipino 7_Lesson 1 Week 1 PDF

Summary

This document appears to be a Filipino lesson plan for Grade 7, focusing on the content for Quarter 2, Week 1. It includes learning objectives, activities, and resources for a teacher.

Full Transcript

7 Kwarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Filipino ss 1 Modelong Banghay Aralin sa Filipino 7 Kwarter 2: Aralin 1 (Linggo 1) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyo...

7 Kwarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Filipino ss 1 Modelong Banghay Aralin sa Filipino 7 Kwarter 2: Aralin 1 (Linggo 1) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATAG K to 10 Curriculum sa taong panuruan 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan. Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Mga Tagabuo Manunulat Mercy B. Abuloc (Philippine Normal University - Mindanao) Tagasuri: Joel C. Malabanan, Ph.D. (Philippine Normal University - Manila) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected]. BANGHAY ARALIN FILIPINO, IKALAWANG KWARTER, ANTAS 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong Pampanitikan (Tuluyan) sa Panahon ng Katutubo at tekstong impormasyonal (eskpositori) para sa paghubog ng kaakuhan at pagpapahalagang Pilipino, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng brochure para sa bayograpikal na sanaysay ng isang tauhan sa binasang akda na isinasaalang- alang ang elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan. C. Mga Kasanayan at Layuning Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa Panahon ng Katutubo kaugnay ng mga Pampagkatuto tekstong pampanitikan. a. Natatalakay ang kasaysayan sa pag-usbong ng panitikan sa sinaunang panahon. b. Nakapaglalahad ng mga sariling kaalaman ukol sa kasaysayan ng panitikan sa sariling lugar. c. Napahahalagahan ang kasaysayan ng panitikan sa bansa sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa mga akdang binasa. Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa. (a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay at tunggalian) at detalye sa tuluyan D. Nilalaman Kaligirang Pangkasaysayan ng mga Ninunong Austronesian Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat) E. Integrasyon Lokal na Kasaysayan Literasing Pangkapaligiran Kasaysayan ng mga Ninuno nating Austronesian bilang Tagapaglikha ng Panitikan 1 II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Cabardo, R., Dy, J. L., Ipaz, J. P., & Bejison, R. M. (2022). Tuon-Dunong: Batayang Aklat at Modyul sa Filipino 7 (V. M. Villanueva, Ed.) [Filipino]. Johnny and Hansel Publications. Cabardo, R., Dy, J. L., Ipaz, J. P., & Bejison, R. M. (2022). Tuon-Dunong: Batayang Aklat at Modyul sa Filipino 8 (V. M. Villanueva, Ed.) [Filipino]. Johnny and Hansel Publications. Komisyon sa Wikang Filipino. (2021). Filipino at Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino. https://www.bsp.gov.ph/Media_And_Research/Public_Advisories/Paliwanag-sa-Tema-ng-Buwan-ng-Wika.pdf Panitikang Pilipino: Filipino Modyul para sa Mag-aaral 8. Santiago, L. (2007). Mga Panitikan ng Pilipinas. C & E Publishing Inc. Quezon City. Salazar, Z. A. (2004). Kasaysayan ng Kapilipinuhan. https://bangkanixiao.files.wordpress.com/2012/09/zeus-salazar-kasaysayan-ng- kapilipinuhan.pdf Villanueva, V. M. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino). VMV Publishing House. Makati: Bangkal. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO A. Pagkuha ng Unang Araw Ang mga nakitang Dating 1. Maikling Balik-aral halimbawang gawain ay Kaalaman Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain: maaaring maging gabay o LETRAHAN: Sa pamamagitan ng crossword puzzle, punan ang kahon ng mga pagpipilian para lubos na titik upang mabuo ang mga salitang kaugnay sa aralin. maunawaan ang mga paksa na may kinalaman sa mga tula sa Panahon ng Katutubo. 2 3 5 1 4 U O 2 N N 1. Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. 2. Ito’y isang masining na paraan ng pagpapahayag ng sariling opinyon at saloobin. 3. Ang mga pahayag na ito ay binubuo ng mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang- araw-araw na pamumuhay. 4. Ito ang tawag sa mga uri ng palaisipan na nasa anyong patula. 5. Ito ay isang mahabang tulang pasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o higit pang bayani o maalamat na mga nilalang. BAHAGI-KAALAMAN: Bumuo ng isang pangkat na may apat (4) na miyembro at talakayin ang sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang pangunahing layunin ng mga panitikan sa panahon ng katutubo? 2. Paano pinalaganap ng mga katutubo ang panitikan noon? 2. Pidbak (Opsiyonal) 3 B. Paglalahad ng 1. Panghikayat ng Gawain Malaki ang ambag ng gawaing Layunin Gawin ang sumusunod na paraan sa interaktibong talakayan: ito upang makuha ang atensiyon ng mga mag- aaral. KONEK-PAHAYAG: Pag-ugnayin ang mga simbolo para makabuo ng kaisipan. Gamiting modelo ang gawaing inihanda. Mga pinagkuhanan ng larawan: 1. Nag-uusap na mga bata. https://clipart- library.com/clipart/students- talking-cliparts- 6.htm#google_vignette 2. Tenga. https://www.istockphoto.com/i llustrations/human-ear-cutout 3. Mapa ng Pilipinas. https://www.123rf.com/photo_ 11649061_illustration-of-flag- BUO-PAHAYAG: Batay sa inyong pananaw, kumpletuhin ang mga pahayag. in-map-of-philippines.html Ang alamat ay isang kuwento tungkol sa _______________________________. 4. Si Paruparo at si Langgam. Habang ang pabula ay mga akdang na siyang dahilan kung bakit https://ph.pinterest.com/pin/ ito kinagigiliwan ng mga. Ang kuwentong posong naman ay ang 584553226610917225/ kuwentong noong sinaunang panahon. Ang mga akdang ito ay mga panitikan na lumaganap sa bago dumating ang mga 5. Alamat ng Pinya. Kastila. https://mgakwentongpambata. blogspot.com/2017/06/alamat 2. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin -ng-pinya.html TULONG-DUNONG: Sa isang malayang talakayan, pagtulungang masagutan Sa bahaging ito, mahalagang ang sumusunod na tanong: maipahayag ang kahalagahan 1. Ano-ano ang mga mahahalagang elemento sa akda? kung bakit dapat pag-aralan 2. Ano ang mga mahalagang pangyayari sa binasang akda? ang paksa na may kinalaman 3. Anong aral o mensaheng nais iparating ng mga akda sa mambabasa? sa akdang tuluyan sa Panahon 4 4. Batay sa binasang akda, anong pangyayari sa kuwento na iyong naranasan ng Katutubo tulad ng alamat, sa totoong buhay? pabula, at kuwentong posong. 5. Ano ang silbi ng mga akdang tuluyan sa Panahon ng Katutubo sa buhay ng ating mga ninuno? 3. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin UGNAY SALITA: Magbigay ng mga salita na maaaring iugnay sa mga salita Paghahawan ng balakid. Ang na nasa gitna ng bilog. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ibinigay gawaing ito ay pwedeng gawing (maaaring dagdagan ngunit hindi puwedeng bawasan) upang bumuo ng pangkatan para ang lahat ng depinisyon o kahulugan. mag-aaral ay may partisipasyon sa loob ng klase. C. Paglinang at Ikalawang at Ikatlong Araw Tiyaking bago ipabasa ang Pagpapalalim Kaugnay na Paksa 1: Alamat halimbawang kuwento sa anyo 1. Pagproseso ng Pag-unawa ng alamat, muling magamit ang Patnubay na Tanong: Basahin ang mga gabay na tanong bago basahin ang akda mga susing salita sa pag- bilang gabay sa inyong pag-unawa. uugnay sa konteksto ng bagong 1. Anong mga karanasan ang maaaring ibahagi sa binasa, pinakinggan, aralin. Sa ganitong paraan, pinanood? mahalaga ang patnubay upang 2. Ano kaya ang silbi ng alamat sa ating mga ninuno? maiproseso ang iba’t ibang 3. Paano nakatutulong ang iba’t ibang elemento ng alamat sa pag-unawa ng palatandaan ng pag-unawa. isang akda? Mahalagang maghanda ng pamatnubay na iba’t ibang anyo ng gawain upang magabayan ang mag-aaral sa 5 2. Pinatnubayang Pagsasanay nilalaman at kasanayan sa Gawin ang sumusunod na paraan upang unawain ang tauhan, tagpuan, lunsarang babasahin sa tulong banghay, at tunggalian ng isang kuwento mula sa Alamat. ng mga pagsasanay. PINATNUBAYANG PAGBASA: Sama-samang basahin ang isang alamat. Gawing gabay ang mga munting gawain upang lubusan na maunawaan ang tauhan, tagpuan, banghay, at tunggalian ng akda. Ang Pinagmulan ng Bohol Alamat Mula sa Kabisayaan Noong unang panahon, ang mga tao ay naninirahan sa ulap kung saan ang kaisa-isang anak na babae ng Datu ay nagkasakit. Nagdulot ito ng bagabag sa Datu at hindi mapakali kung kaya’t ipinatawag niya agad-agad sa tanod ang manggagamot. Nang dumating ang matandang manggagamot sa tahanan ng Datu, winika ng Datu na maaari nitong gawin ang lahat na makakapagpapagaling sa kaniyang anak. Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang nag-iisang anak ng Datu at kinausap ang Datu sa labas ng tirahan nito. Matapos nito ay ipinatawag ng Datu ang kaniyang nasasakupan sa isang pagpupulong. “Makinig kayong lahat sa akin. Para sa mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay, may sakit ang aking anak na babae at hinihingi ko ang inyong tulong. Upang maibalik ang mabuting kalusugan ng aking anak, kinakailangan ninyong ang tagubilin ng manggagamot,” wika ng Datu. A. Si ______________ ay isang ________________ na lider at _____________na ama. Handang siyang magsakripisyo para sa kaniyang anak. 6 Ipinag-utos ng manggagamot na dalhin ang anak ng Datu sa malaking puno ng Balite at ipinahukay ang mga lupang nakapaligid sa ugat nito. Agad na sinunod ito ng mga kalalakihan tanda ng kanilang pagmamahal sa kanilang Datu. Binuhat nila ang anak ng Datu gamit ang duyan at masigasig na hinukay nila ang lupang nakapalibot sa ugat ng puno. Matapos nilang maghukay ay ipinag-utos ng manggagamot na ilagay ang anak ng Datu sa kanal na nabuo mula sa paghuhukay. “Ang ugat ng puno ng Balite ang makakapagpapagaling sa anak ng Datu,” wika ng manggagamot. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bumuka ang lupa at nahulog ang anak ng Datu. Humingi ito ng tulong ngunit huli na ang lahat. Nalaglag ang anak ng Datu sa isang daluyan ng tubig at nagpagulong-gulong dito pababa. Nakita ng dalawang bibe ang pagkahulog ng anak ng Datu at agad tinulungan. Namahinga ang dalaga sa likod ng mga ito at nangangailangan ng tulong upang gumaling kung kaya’t nagkaroon ng pagpupulong. “Kinakailangan niya ng tirahang matutulugan.” Ipinag-utos ng pagong sa palaka na kumuha ng dumi mula sa puno ngunit hindi nito kinaya. Sumunod na inutusan naman ang daga ngunit nabigo rin ito. May isang nagnais na sumubok. “Ako! Susubukan ko,” wika ng isang palaka ngunit pinagtatawnan lamang siya. Sinubukan ng palakang gawin ito at sa wakas ay nakapagdala siya ng ilang butil ng buhangin. Isinabog sa paligid ng pagong at lumitaw ang isang pulo at naging pulo ng Bohol. Dito nanirahan ang babae ngunit ito ay nanlalamig kung kaya’t nagkaroon ng pulong muli. “Kailangan mainitan ang dalaga.” Nagsalita ang maliit na pagong at sinubukang kumuha ng kidlat sa ulap upang makagawa ng liwanag. Isang araw, gumalaw ang ulap at tinangay ang pagong kung kaya’t nakakuha ito ng kidlat. Mula rito ay nakalikha sila ng araw at buwan na nagbigay ng init at liwanag sa dalaga. Simula noon ay nanirahan ang dalaga sa pulo kasama ang isang matandang lalaking 7 kaniyang nakilala. Nagsama sila at nagkaroon ng kambal na anak, ang isa ay naging mabuti at ang isa naman ay naging masama. Ang mabuting anak ay inihanda ang Bohol para sa pagdating ng mga tao. Gumawa siya ng kapatagan, mga ilog, at maraming hayop ngunit ang ilan dito ay sinira ng masamang anak. Nagkaroon ng pagtatalo ang mabuting anak at ang masamang anak at dahil dito naglakbay ang masamang anak sa kanluran at dito siya namatay. Nagpatuloy ang mabuting anak sa pagpapaganda sa Bohol at inayos ang lahat ng ginawa ng masamang anak. Nilikha ng mabuting anak ang mga Boholano mula sa lupa at dinuraan kaya sila ay nabuhay. B. Batay sa nabasa magbigay ng tatlong salita na puwedeng ilarawan sa lugar na Bohol. 1. ________________ 2. ________________ 3. ________________ “Kayo ay naging lalaki at babae, iiwan ko sa inyo ang katangiang kasipagan, mabuting pakikitungo, kabutihang-loob, pagpapahalaga sa kapayaan, at katapatan. Ikinasal sila ng mabuting anak at hinandugan ng iba’t ibang butong itatanim upang gawing magandang tirahan ang Bohol. Hindi nagtagal, lumikha ang mabuting anak ng isang igat at isang ahas. Lumikha siya ng malaking alimango at sinabihang humayo at tumango sa lugar na nais nila. Sinipit ng alimango ang igat at lumikha ng isang lindol na naging dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol. Naging paboritong pagkain ito ng mga Boholano, samantalang ang mga palaka at pagong naman ay kanilang iginagalang. 8 3. Paglalapat at Pag-uugnay C. Isulat ang pagkasunod-sunod na pangyayari sa nabasang alamat gamit ang arrow ladder. D. Magbigay ng mga situwasyon mula sa alamat na nabasa na maglalarawan sa sumusunod na tunggalian sa kuwento. Tunggalian Mga Pangyayari mula sa Alamat Tao laban sa tao Tao laban sa sarili Tao laban sa kapaligiran 9 Pagninilay-nilay. Pag-usapan ang mga sumusunod na tanong: 1. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento at isa-isahin ang kani- kanilang mga katangian. 2. Alin sa mga tauhan ang iyong hinahangaan dahil sa kaniyang ipinakitang pag-uugali? 3. Sino namang tauhan sa alamat ang hindi mo ninanais na gustong tularan at bakit? 4. Ano-ano ang mga mahahalagang aral ang nais na iparating ng akda sa mga mambabasa? 5. Bakit mahalagang basahin ang mga sinaunang akdang pampanitikan? D.Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto Ang mga nakikitang dagdag na Gawing gabay ang konsepto sa pagtalakay at lubos na pagpapahalaga sa konsepto ay mga batayang natutuhan sa aralin. kaalaman na may kaugnay na kasanayan mula sa Gabay BINTANA ng PAG-UNAWA: Balikang muli ang binasang alamat upang iugnay Pangkurikulum. ang iba pang konsepto at kaisipan. Malaya ang gurong gumawa ng 5K na Dapat Mabatid Ukol sa Alamat paraan kung pano ito ilahad o talakayin sa mga mag-aaral habang binabasa at inuunawa ang lunsarang aralin. Mainam na pakatandaan tungkol sa alamat ay ang mga kuwento kung saan mababakas ang ating kasaysayan, mailalahad ang naging katangi-tanging karanasan ng ating mga ninuno, maitatampok ang mga kultura’t paniniwalang taglay nating mga Pilipino na mapagkukuhanan din ng kuwenta o aral na 10 maaaring maging gabay sa ating paglalakbay sa buhay. Mahalagang magkaroon ng alam sa mga alamat na umusbong at patuloy pang yumayabong upang makilala ang pira-pirasong bahagi ng ating mayamang kultura’t kasaysayan. BIGAY-KAALAMAN Austronesian Bilang Tagapaglikha ng Panitikan Sa sanaysay ni Dr. Salazar (2004), “Kasaysayan ng Kapilipinuhan”, sinabi niyang ang pamayanan ay binubuo ng limang kabanata at isa ang mga Austronesyano ang dumating at namalagi sa bansang Pilipinas. Ang mga Austronesyano ay nagdala ng mga kagamitan, kaalaman, at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay na siyang pinakabatayan sa pag-usbong ng kalinangang Pilipino at sa pagkabuo ng sinaunang Kabihasnang Pilipino. Sa pagdating ng mga Austronesyano, nagkaroon ng malaking pag-unlad ang kalinangan. Sa paglitaw ng mga metal tulad ng ginto at bakal, napaunlad nang husto ang mga pinamana ng mga ninuno sa larangan ng agrikultura, pagpapalayok, pagpapanday, at iba pa. Dahil sa mga pag-unlad na ito, umusbong ang sinaunang kabihasnang Pilipino na may angkop na pantayong pananaw ang bawat pamayanan. Nagkaroon na rin ng mga pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa mga karatig na lugar at ng pakikipagpalitan ng mga kalakal, bagay, at ideya mula at patungong Tsina at Timog-Silangang Asya. Maraming teorya kung saan nagmula ang mga Austronesyano at kailan sila dumating sa bansa. Gayunpaman, pinaniniwalaang sila ay dumating sa panahon ng Neolitiko. Patunay nito ay ang pagkaroon ng mga kasangkapang batong pinakinis ang kalakaran. Ginamit ito ng mga Austronesyano sa paggawa ng mga sasakyang pandagat na kanilang ginamit sa paglipat-lipat ng lugar. Ang tipikal na mga kasangkapan sa paggawa ng bangka (wangka) ay mula sa tridacna gigas, mga kabibeng malalaki. Mga halamang ugat ang pinakalaganap na pagkain ng mga Austronesyano. Ilang halimbawa nito ang gabi at ube. Paano nga ba naapektuhan ng pamumuhay ng mga Austronesian ang uri ng mga sinaunang panitikang tuluyan? Ang mga Austronesian ay kilala bilang mahusay sa paglalayag. At kung napapansin natin na kadalasan sa mga akda o kuwentong-bayan isa ang pangingisda ang pangunahing hanap-buhay ng mga ninuno gamit ang bangka o tinatawag na wangka ng mga Austronesian. Maliban sa pangingisda, makikita 11 rin sa panitikang tuluyan noon ang mga Pilipino ay natutong magsaka at magtanim ng palay na masasabing ito ay hango sa mga Austronesyano lalong- lalo na ang paggamit ng mga kagamitang pangsaka. Ikaapat na Araw 2. Pagninilay sa Pagkatuto Gabay na Tanong sa Pagninilay. Dugtungan ang mga pahayag. Pagkatapos ng mahabang talakayan, Mahalagang malagom ang Nalaman kong ______________________________________________________________. naging pagninilay ng mga mag- Naranasan kong ____________________________________________________________. aaral batay sa naging Naramdaman kong __________________________________________________________. karanasan sa buong proseso ng At gusto kong gawin ang _____________________________________________________. pagtuturo. IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO A. Pagtataya 1. Pagsusulit Maaaring hikayatin ng mga SURI-PILI. Panuto: Suriin ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot. guro ang mga mag-aaral na magkaroon ng quiz notebook 1. Anong paraan ng pagkukuwento ang pangunahing ginagawa ng ating mga upang masubaybayan ang ninuo para ipahayag ang naiisip, nadaraman, at iba pa. kanilang pang-akademikong A. pasulat pag-unlad. Ang quiz notebook B. pasalindila ay maaari ding magsilbing C. pagte-text homework notebook. D. palarawan 2. Paano madalas isunusulat ang mga kuwentong-bayan? A. patula B. tuluyan C. palimbag D. pabaliktad 12 3. Ano-ano ang madalas na tampok sa mga kuwentong-bayan ng isang pook o lugar? A. wika at kultura B. pagkain at sayaw C. kaugalian at tradisyon D. relihiyon at paniniwala 4. Anong panitikan ang nagbibigay ng kuwento ng pinagmulan ng isang bagay? A. dula B. alamat C. maikling kuwento D. karunungang bayan 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa elemento ng alamat? A. tauhan B. banghay C. saknong D. tunggalian 6. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang alamat? A. pagkakaroon ng isang tauhan B. pagkakaroon ng isang suliranin C. pagkakaroon ng iba’t ibang kabanata D. pagtalakay sa pinagmulan ng isang banghay 7. Isang bahaging ipinapakilala sa bahaging ito ng kuwento ang tagpuan at ang tauhan. A. banghay B. kasukdulan C. simula D. kakalasan 8. Ano ang tawag sa pinakamahalagang tagpo ng maikling-kuwento. A. banghay B. kasukdulan C. simula D. kakalasan 13 9. Ang mga Austronesyano ay pinaniniwalaang dumating sa panahon ng ____________. A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko 10. Ang _______________ ay isa sa patunay na isa ang mga Austronesyano ang nakaimpluwensiya sa panitikang katutubo. A. Pangangaso B. Pangingisda C. Paggawa ng mga kagamitan yari sa metal D. Laht ng nabanggit 2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin Magsaliksik ng isang alamat. Mungkahing gawin ang alamat o kuwento ng pinagmulang pamayanan o mga bagay na kilala sa inyong lugar. Gawing gabay ang patnubay para sa pagbuo ng burador. Bibigyan Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5 ng Tuon Pamagat Angkop at malinaw Tauhan Mahusay na paglalarawan ng mga tauhan kumpleto at may katangian. Banghay May maayos na pagkasunod-sunod ng pangyayari. Tunggalian Nagdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa. Aral Dapat at angkop sa buhay Kabuong 17-20- Pinakamahusay Marka 14-16- Mahusay 12-13- Medyo Mahusay 14 B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa Hinihikayat ang mga guro na Problemang Naranasan at Anotasyon pagtuturo sa alinmang Epektibong Pamamaraan magtala ng mga kaugnay na Iba pang Usapin sumusunod na bahagi. obserbasyon o anumang kritikal na kaganapan sa pagtuturo na Estratehiya nakakaimpluwensya sa pagkamit ng mga layunin ng aralin. Maaaring gamitin o baguhin ang Kagamitan ibinigay na template sa pagtatala ng mga kapansin- pansing lugar o alalahanin sa Pakikilahok ng mga pagtuturo. Mag-aaral Bilang karagdagan, ang mga tala dito ay maaari ding maging sa mga gawain na ipagpapatuloy sa susunod na araw o mga At iba pa karagdagang aktibidad na kailangan. C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Ang mga entry sa seksyong ito ay mga pagninilay ng guro ▪ Prinsipyo sa pagtuturo tungkol sa pagpapatupad ng Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? buong aralin, na magsisilbing ___________________________________________________________________________ input para sa pagsasagaw ng ___________________________________________________________________________ LAC. Maaaring gamitin o ___________________________________________________________________________ baguhin ang ibinigay na mga Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? gabay na tanong sa pagkuha ng ___________________________________________________________________________ mga insight ng guro. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 15 ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 16

Use Quizgecko on...
Browser
Browser