FILIPINO 3 - Lesson 1 PDF
Document Details
Eljean Christian D. Desierto
Tags
Summary
This document is a lesson plan or study guide on Filipino reading and writing skills, focusing on academic writing. It discusses different types of writing and their characteristics, including creative, technical, professional, and referential writing, and provides examples and summaries of each. The document offers information about the importance and types of writing as well as the process and structure of academic writing.
Full Transcript
FILIPINO PAGBASA AT PAGSULAT SA PILING LARANGAN (Akademik) Inihanda ni: Eljean Christian D. Desierto ⮚Ayon kay Cecilia Austera, etal. (2009), ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao g...
FILIPINO PAGBASA AT PAGSULAT SA PILING LARANGAN (Akademik) Inihanda ni: Eljean Christian D. Desierto ⮚Ayon kay Cecilia Austera, etal. (2009), ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. ⮚Ayon kay Mabini (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng bumabasa at babasa. ⮚Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsusulat. PAGSULAT? ANO ANG 1. Mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng mga taong sumulat. 2. Personal o ekspresibo na kung saan layunin nito ang maipahayag ang sariling pananaw, karanasan o naiisip o nadarama ng manunulat. 3. Panlipunan o sosyal layunin nitong makapag- ugnayan sa ibang tao sa lipunang ginagalawan. 4. Masanay ang kakayahang mag organisa ng kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 5. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 6. Mahubog ang kaisipang ng mga mag-aaral. 7. Pagtuklas ng bagong kaalaman at makapag- ambag ng kaalaman sa lipunan. 8. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng impormasyon mula sa ibat-ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsulat. KAHALAGAHAN Nagbigay si Arrogante (2000) ng apat na kahalagahan ng pagsulat. Ito ay ang kahalagahang panterapyutika, pansosyal, pang-ekonomiya at pangkasaysayan. NG PAGSULAT Kahalagahang Pagpapahayag ng saloobin Panterapyutika Nakakatulong ito upang Kahalagahang magkaroon pansosyal ng interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang mga kausap. Ang pagsulat ay maari ring ituring Kahalagahang bilang isang propesyonal na pang-ekonomiya gawain.. Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na balita sa Kahalagahang kasalukuyang panahon ay Pangkasaysaya maaring magamit na n reperensiya sa hinaharap. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 1. WIKA – nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang kaisipan , kaalaman, damdamin, karanasan ng taong nais sumulat. 2. PAKSA- mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. 3. PAMAMARAAN NG PAGSULAT- paglalahad ng kaisipan ng manunulat batay rin sa layunin o pakay pagsulat. a. Impormatibo- magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. b. Ekspresibo- magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang paksa batay sa sariling pag-aaral. c. naratibo- magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa pagkaka-ugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. d. Deskriptibo- maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay, pangyayari batay sa nakita, narinig o natunghayan at naranasan. e. Argumentatibo- naglalayong makapagbigay ng lohikal na pangangatwiran. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT 4. KASANAYANG PAMPAG-IISIP- dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga. 5. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PASULAT- sapat na kaalaman sa wika at retorika. 6. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN- paglatag ng kaisipan o impormasyon sa isang maayos at organisadong paraan. URI NG PAGSULAT Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Pangunahing layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makakaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) May layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. URI NG PAGSULAT Propesyunal na Pagsulat (Professional Writing) Ang sulatin na ito ay may kinalaman sa tiyak na larangan. Dyornalistik na Pagsulat Ito ay isang sulating may kaugnayan sa mamamahayag. Pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo at iba pa. URI NG PAGSULAT Reperensiyal na Pagsulat Layunin sa salitang ito na bigyang pagkilala ang mga pinagkukunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis. Akademikong Pagsulat o Intelektwal na Pagsulat Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. PROSESO NG PAGSULAT BRAINSTORMI NG/ OUTLINING/ PAGPAPLANO BALANGKAS DRAFTING/ BURADOR POLISHING REVISING/EDITING / PAGSISINOP REBISYON/EDITING NG PAPEL PROSESO NG PAGSULAT 1. PAGPAPLANO Ito ang pangunahing yugto ng pagsulat ng anumang anyo ng sulatin. Sa yugtong ito sinasagot ang mga tanong na kung ano ang paksang susulatin at kung paano ito isusulat. 2. BALANGKAS Sa yugtong ito, inilagay ang mga ideya na produkto ng brainstorming. Gagawa ang manunulat ng magiging estruktura ng kanyang sulatin na kalimitan nahahati sa tatlong bahagi. Nagsisilbing skeleton ng sulatin. PROSESO NG PAGSULAT 3. PAGSULAT NG BURADOR Mula sa salitang burador malinaw na nangangailangan pa ito ng pagbubura o pagpapakinis sapagkat taglay pa nito ang kamalian. 4. REBISYON/ EDITING( REVISING/ EDITING) Sa yugtong ito, maaaring magdagdag at magbawas ng impormasyon ang isang manunulat na sa tingin niya ay nakakapagpapaunlad ng sulatin at angkop sa panlasa ng mambabasa. PROSESO NG PAGSULAT 5. PAGSISINOP NG PAPEL (POLISHING) Pagkikinis ang pangunahing tuon ng sa yugtong ito ng pagsulat. Sa yugtong ito sinisinop ng manunulat ang maliit na pagkakamali sa papel. Gaya sa editing, ang tuon sa yugtong ito ay ang pagbabaybay, pagbabantas, gramatika , at pagtatangal ng mga pangungusap na hindi mahalaga sa paksang tinalakay. 1. Abstrak 2. Sintesis/Buod 3. Bionote 4. Panukalang Proyekto 5. Talumpati 6. Adyenda 7. Katitikan ng Pulong 8. Posisyong Papel 9. Repleksyong Sanaysay 10. Pictorial- essay 11. Lakbay- Sanaysay AKADEMIKON G PAGSULAT Inihanda ni: Gng. Ma. Patrosenio P. Sollano Akademikong Pagsulat Ito ay nagluluwal ng mga pormal na sulatin, ulat, eksperimento, imbestigasyon, pagsusuri o kritisismo, rebyu, pamanahong papel, tesis, disertasyon, sanaysay tungkol sa kasaysayan, at mapanuring sanaysay. Akademikong Pagsulat Malikhaing Pagsulat ❖ Lantad ang organisayon at ❖ Mas Malaya ang pagpili estruktura ng wika na maaring lalawiganin, balbal, o ❖ Ginagabayan ng mga teorya, kumbersasyonal at pormal ang tono ❖ Istrektong kombensiyon ng pagbabantas, pagbabaybay, at gramatika. ✔ Katangian din ng akademikong sulatin ang pagkilala sa mga sanggunian at ginagamit na saliksik ng manunulat. ✔ Sa mga sipi, kinikilala ng manunulat ang pinagmulan nito. ✔ Ang direktang sipi ay ipangkaloob sa panaklong at tahasang binabanggit kung kanino ito nag mula. ❑ Ang pagkilala sa mga sanggunian ay magsisilbing pansupurta o ebidensiya sa mga pahayag ng isang mananaliksik. ❑ Tumitibay ang mga argumento kung ginagamitan ng makabuluhang pahayag buhat ng mga naunang iskolarat palaisip(pilosopo). ❑ Ebidensiya ang lawak ng kaalaman ng manunulat ang sangguniang kanyang babangitin. ❑ Ang paggamit ng pahayag, impormasyon at datos nang walang pahintulot at pagkilala ay maitutumbas na pagnanakaw. Ang Estilong Akademiko ❑ Obhetibo ang pagkakasulat ng akademikong sulatin. ❑ Pormal ang wikang ginagamit. ❑ Impersonal na tono ❑ Malinaw na Pangungusap ❑ Lohikal at sistematikong pagpapaunlad ng ideya ❑ Maingat na paggamit ng mga daglat at akronim. ❑ Kapani-paniwala ang isang sulatinng akademiko kapag ang mga ideya o pananaw ay sinusuportahan ng mga ng mga ebidensiya at mga ginagamit na aklat, artikulo, at mga pag-aaral ay kinikilala ng manunulat. ❑ Hindi lamang basta-basta ang mga gagamiting sanggunian. ❑ Dapat kapani-paniwala , akma, sapat, napapanahon, at katanggap-tanggap ang mga ito. Pansinin ang sumusunod na mga 3. Sa pag-aaral ni Topacio (1932), pahayag sa ilalim at tukuyin ang napatunayan niyang may epekto ang hitsura ng mga guro sa mga pahayag na nagtataglay ng pagnanais na matuto ng mga kredibilidad. mag-aaral sa antas elementarya. Sagot: Hindi nagtataglay ng kredibilidad 1. Mahalaga sa pagtuturo ang pisikal na kaanyuan ng propesor. 4. Sa isinasagawang pag-aaral mula Sagot: Hindi nagtataglay ng 2012-2017 ng Kagawaran ng kredibilidad Edukasyon, napag-alaman na may ugnayan ang biswal na anyo ng 2. Sa aking palagay, mahalagang guro, magaan sa mata ang hitsura ng linaw ng at kaniyang tinig, kaaya- propesor upang maging epektibo ayang amoy at hugis ng hugis ng ang kaniyang pagtuturo. mukha sa pagiging epektibong Sagot: Hindi nagtataglay ng pagtuturo. kredibilidad Sagot: Nagtataglay ng kredibilidad Iwasan ang sumusunod na mga paraan sa pagsulat ng Kailangan ding iwasan ng akademikong sulatin. manunulat na laging binabanggit ang sarili sa akademikong sulatin o ang paggamit ng unang ⮚ Sa aking palagay… panauhan sa pagsulat. ⮚ Naniniwala ako… ⮚ Isinasagawa ko ang panayam… ⮚ Sa aking pagkaalala… ⮚ Ipinapanukala ko… ⮚ Sa kritikang ito, aking susuriin… Sa halip, makatutulong ang paggamit ng ikatlong panauhang pananaw sa mga sulatin. Halimbawa: Isinasagawa ang panayam… Ipinanukala… Susuriin sa kritika ang… Maraming salamat! Paanyaya sa Akademikon g Pagsulat DALAWANG URI NG PAGSULAT ❖ Tinatawag na personal at malikhaing pagsulat. ❖ Tula, dula, nobela, maikling kuwento, Malikhaing sanaysay (creative non-fiction) ❖ Ito ay nagluluwal ng mga pormal na sulatin, ulat, eksperimento, Akademikon imbestigasyon, pagsusuri o kritisismo, rebyu, pamanahong papel, tesis, g disertasyon, sanaysay tungkol sa kasaysayan, manwal, at mapanuring sanaysay Paano naiiba ang Malikhaing Pagsulat sa Akademikong Pagsulat? A ❑ Lantad ang M K organisayon A A at L D estruktura I E K M ❑ Ginagabayan ❖ Mas Malaya ang I H K ng mga A I pagpili ng wika O teorya, at N na maaring N pormal ang G G lalawiganin, tono balbal, o ❑ Istrektong P S kumbersasyonal A U G kombensiyon. ❑ L S ng U A L pagbabantas, T A pagbabaybay, I T at gramatika N ESTRUKTURA NG AKADEMIKONG SULATIN ⮚ SIMULA o Kadalasang tinatalakay ang papaksainng mananaliksik at kahalagahan nito. o Layunin ng akda o Pangunahing Pahayag (thesis statement) ⮚ KATAWAN o Naglalaman ng pagtatalakay, pagsusuri, at ebalwasyon. ⮚ KONGKLUSYON O PAGTATAPOS o Mababasa ang buod at ang mahahalagang puntong nais ibahagi ng isang manunulat. o Depende sa hinihingi ng pagkakataon , ang pagtatapos din ng akademikong sulatin ay naglalaman ng rekomendasyon para ibahagi sa mga susunod na mananaliksik o mag-aaral Pagkilala sa Sanggunain ❑Katangian din ng akademikong sulatin ang pagkilala sa mga sanggunian at ginagamit na saliksik ng manunulat. ❑Ang sanggunian ay makikita sa tula, dula, at nobela, pangunahing katangian ng akademikong papel ang bibliograpiya. ❑Sa mga sipi, kinikilala ng manunulat ang pinagmulan nito. ❑Ang direktang sipi ay ipangkaloob sa panaklong at tahasang binabanggit kung kanino ito nag mula. ❑Ang pagkilala sa mga sanggunian ay magsisilbing pansupurta o ebidensiya sa mga pahayag ng isang mananaliksik. ❑Tumitibay ang mga argumento kung ginagamitan ng makabuluhang pahayag buhat ng mga naunang iskolarat palaisip(pilosopo). ❑Ebidensiya ang lawak ng kaalaman ng manunulatang sangguniang kanyang babangitin. ❑Ang paggamit ng pahayag, impormasyon at datos nang walang pahintulot at pagkilala ay maitutumbas sa pagnanakaw. Ang Estilong Akademiko ❑ Obhetibo ang pagkakasulat ng akademikong sulatin. ❑ Pormal ang wikang ginagamit. Sang-ayon sa Academic Writing Portal ng Monash University , ilan pa sa estilo ng akademikong sulatin ay ang sumusunod: ❑ Impersonal na tono ❑ Malinaw na Pangungusap ❑ Lohikal at sistematikong pagpapaunlad ng ideya ❑ Paggamit ng pormal na wika ❑ Maingat na paggamit ng mga daglat at akronim. Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal sa pagsulat ng akademikong teksto: ❑ Mahahabang pangungusap ❑ Kompilkadong estruktura ❑ Di malinaw na tinutukoy ❑ Walang ugnayan ng mga pangungusap sa isang talata ❑ Hindi malinaw ang tema sa talata ❑ Walang ugnayan ng mga talata ❑ Hindi gumagamit ng angkop na transisyon patungong bagong talata. Kredibilidad ❑ Kapani-paniwala ang isang sulatinng akademiko kapag ang mga ideya o pananaw ay sinusuportahan ng mga ng mga ebidensiya at mga ginagamit na aklat, artikulo, at mga pag- aaral ay kinikilala ng manunulat. ❑ Hindi lamang basta-basta ang mga gagamiting sanggunian. ❑ Dapat kapani-paniwala , akma, sapat, napapanahon, at katanggap-tanggap ang mga ito. Pansinin ang sumusunod na mga pahayag sa ilalim at tukuyin ang mga pahayag na nagtataglay ng kredibilidad. 1. Mahalaga sa pagtuturo ang pisikal na kaanyuanng propesor. 1. Sa aking palagay, mahalagang magaan sa mata ang hitsura ng propesor upang maging epektibo ang kaniyang pagtuturo. 3. Sa pag-aaral ni Topacio (1932), napatunayan niyang may epekto ang hitsura ng mga guro sa pagnanais na matuto ng mga mag-aaral sa antas elementarya. 4. Sa isinasagawang pag-aaral mula 2012-2017 ng Kagawaran ng Edukasyon, napag-alaman na may ugnayan ang biswal na anyo ng guro, linaw ng at kaniyang tinig, kaaya-ayang amoy at hugis ng hugis ng mukha sa pagiging epektibong pagtuturo. Iwasansa ang sumusunod na mga paraan sa pagsusulat ng akademikong sulatin. ⮚ Sa aking palagay… ⮚ Naniniwala ako… ⮚ Sa aking pagkaalala… Kailangan ding iwasan ng manunulat na laging binabanggit ang sarili sa akademikong sulatin o ang paggamit ng unang panauhan sa pagsulat. ❑ Isinasagawa ko ang panayam… ❑ Ipinapanukala ko… ❑ Sa kritikang ito, aking susuriin… Sa halip, makakatulong ang paggamit ng ikatlong panauhang pananaw sa mga sulatin. Halimbawa: Isinasagawa ang panayam… Ipinanukala… Sussriin sa kritika ang.. Mahalaga ring pinalilitaw ng mamaliksik ang pinaninindigan sa pagpili ng saggunian at paraan ng pagpapahayag nito. Naglatag ng gabay ang University of Monash kaugnay sa mga dapat iwasan sa pagsulat ng mga akademikong papel. ✔ Maraming paglalarawan o deskripsiyon at kulang sa pagsusuri at analisis. ✔ Mahinang estruktura ng mga pangungusap at talata. ✔ Paggamit ng impormal na wika tulad ng kumbersasyonal na wika, kolokyal, at balbal. ✔ Maling paggamit ng mga sipi. ✔ Kakulangan sa sanggunian ✔ Maling paraan ng pagkilala sa mga sinangguning teksto. ✔ Pag-angkin ng ideyang iba nang walang anumang pagkilala sa orihinal na awtor. ✔ Hindi epektibong pagkakahulugan (paraphrase) sa ibang pangungusap. MARAMING SALAMAT!!!!