EL 150: Lektura sa Yunit 2 PDF
Document Details
Uploaded by PreEminentFarce1014
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala sa lekturang EL 150, lalo na sa Yunit 2. Kasama rito ang mga konsepto at mga halimbawa hinggil sa wika at komunikasyon sa wikang Filipino. Ang pangunahing pokus ay ang mga aspekto ng komunikasyon at ang teorya ng wikang Filipino.
Full Transcript
Teorya ng Kakayahang Komunikatibo Ang teoryang ito ay ipinakilala ni Chomsky (1965) at ipinaliwanag niya rito ang kahulugan ng competence at performance. Ang competence ay sumasaklaw sa kaalaman ng tao tungkol sa kaniyang wika. Ang performance ay tumutukoy sa kakayahan sa...
Teorya ng Kakayahang Komunikatibo Ang teoryang ito ay ipinakilala ni Chomsky (1965) at ipinaliwanag niya rito ang kahulugan ng competence at performance. Ang competence ay sumasaklaw sa kaalaman ng tao tungkol sa kaniyang wika. Ang performance ay tumutukoy sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na aktwal na pagkakataon. Sa nasabing teorya ni Chomsky, mahalaga ang mga salik pangkapaligiran at sosyolohiko. Sinang-ayunan ito ni Cooper (1968), na ang komunikatibo ay nangangailangan ng higit pa sa kakayahang linggwistika. Ang nagsasalita ay alam na iangkop ang paggamit ng wika sa isang partikular na sitwasyong panlipunan. SAGGITAL DIAGRAM (Ulo ni OSCAR) Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging nagmumula sa baga hanggang sa ito’y makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili kaya’y sa ilong. Ang Pagsasalita Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng tatlong salik. Ito ay ang mga sumusunod: 1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya 2. artikulador o ang pumapalag na bagay 3. resonador o ang patunugan Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga tainga. Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang nagsisilbing mga resonador. Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod: 1. dila at panga (sa ibaba) 2. ngipin at labi (sa unahan) 3. matigas na ngalangala (sa itaas) 4. malambot na ngalangala (sa likod) 1|EL 150_N Kaya rian ng Wik ang Filipino ddpungtilan Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema. Katuturan ng Ponema Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng dalawampu’t limang (25) ponema – dalawampu (20) na ponemang katinig at limang (5) ponemang patinig. Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/ Mga Patinig - /a, e, i, o, u/ Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ang salitang bansa, halimbawa, ay mag- iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid, ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino. Sapagkat konsitent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa palabaybayan, matangi /?/ at /ŋ/. Sa ating palabaybayan, ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na letra. Sa halip, ito’y isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (\). Naging makabuluhan pa rin ang tunog na ito kung ito’y papalitan ng ponema. Tulad ng salitang /pa:soh/ ‘walk’ na magiging /pa:so?/ ‘ burn’. Ang /ŋ/ naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrang “ng”. Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, ñ, q, at x. Ang mga titik na ito ay walang tiyak na ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay tinaguriang redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba: c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito tulad ng quarter = kwarter x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito tulad ng taxonomy = taksonomi 2|EL 150_N Kaya rian ng Wik ang Filipino ddpungtilan Anumang uri ng tunog na mapag-aaralan kung ito’y isusulat upang makita kung papaano ito binibigkas ay dapat naikulong sa dalawang pahilis na linya / /. Uri ng Ponema Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto. A. Mga Ponemang Segmental. Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas. Mga Ponemang Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maisaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.), gaya ng makikita sa tsart sa ibaba: Mga Ponemang Patinig. Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay maaari ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog (harap, sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o mababa) tulad ng makikita sa ibaba: Ponemang Malayang Nagpapalitan Pares ng mga salita na katatagpuan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita. 3|EL 150_N Kaya rian ng Wik ang Filipino ddpungtilan Ayon sa talakay nina Santiago at Tiangco, ponema sa kategoryang ito ay maaaring ipalit sa pusisyon ng ibang ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita. Anila, ang malayang pagpapalitang ito ng mga ponema ay karaniwan nang nagaganap sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/, gayundin sa /o/ at /u/. Mga Halimbawa: Politika = Pulitika Tutoo = Totoo Bibi = Bibe Lalaki = Lalake Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, ayundin naman ang /o/ at /u/. Kaakibat nito, hindi nakaapekto ang pagpapalitang ito sa pagbabago ng kahulugan ng mga salita. Subalit hindi lahat ng pagkakataon ay malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema. Maari rin naman maging pares minimal ang mga ito tulad ng mga sumusunod: Mesa = misa Tela = Tila Uso = Oso Mula sa mga halimbawang ito, masasabing hindi malayang nagpapalitan ang mga ponema rito sapagkat nagkokontrast ang mga ito sa magkatulad na kaligiran. Diptonggo at Klaster o Kambal Katinig 1. Diptonggo – alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy. Halimbawa: Sayaw, giliw, langoy, aruy. Gayunman, kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig ito ay napasasama na sa sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo. Halimbawa ng Diptonggo: Ang aw sa sayawan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang w ay nakapagitan na sa dalawang patinig. Ang pagpapantipg sa “sayawan" sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an. Ang patinig ay alin man sa limang titik a, e, i, o, at u. Ang diptonggo ay ang tunog na nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng titik w o y. Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang pantig ng salita. Halimbawa, Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo ay ang tunog na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na liw. Ang salitang sampay (sam-pay) ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay. Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag nahihiwalay ang dalawang titik sa pagpapantig. Halimbawa, ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/ dahil ang titik i at w ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las). Ang salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (sam-pa-yan). Mga halimbawa ng mga salitang may diptonggo 4|EL 150_N Kaya rian ng Wik ang Filipino ddpungtilan /aw/ /ey/ beybi beyk beysbol Leyte keyk reyna /iw/agiw aliw-iw giliw paksiw sisiw aliw baliw liwaliw saliw /iy/ kami'y (kami ay) /oy/ abuloy baboy kasoy lumboy palaboy saluysoy taboy tukoy apoy daloy kuyakoy luoy panaghoy simoy tanghoy tuloy amoy hoy langoy maligoy pantukoy soy totoy ugoy biloy kahoy latoy okoy saboy tabatsoy tsampoy unggoy /uy/ aruy baduy hu 2. Klaster o Kambal Katinig – magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita. Halimbawa: a. KKP – bra/so, gri/po, kre/ma/, so/bre b. PKK – awt/put, eks/tra, ins/tru/men/to c. KPKK – nars, kard d. KKPK – trak/, tran/sis/tor, plan/tsa, klip e. KPKK – kons/truk/syon beyk sand/wits f. KKPKK – trans/pormasyon B. Mga Ponemang Suprasegmental Ang ponemang suprasegmental ay naglalarawan sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng notasyong phonemic upang malaman kung ano ang pagbigkas. 1. HABA at DIIN. Ang HABA ay bigkas na ginagamit ng nagsasalita sa patinig ng pantig na salita. Samantalang ang DIIN ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. PAso (burnt) – paSO (vase) tuBO (sugarcane) – TUbo (pipe) BUhay (life) – buHAY (living) HApon (afternoon) – haPON (Japanese) taSA (sharpen) – TAsa (cup) 2. TONO o INTONASYON. Ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangungusap. Maaaring may bahaging mababa, katamtaman at mataas upang makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan. Nagpapahayag: Maligaya siya. Nagtatanong: Maligaya siya? Nagbubunyi: Maligaya siya! 5|EL 150_N Kaya rian ng Wik ang Filipino ddpungtilan 3. ANTALA o HINTO. Ang saglit na pantigil o “pause” sa Ingles. Ito ay nagbibigay linaw sa mga salita o mensaheng ibig ipahiwatig. Sa pasulat na pakikipagtalastasan, ito ay inihuhudyat ng kama, tuldok, semi-kolon, at kolon. A. Hindi siya si Peter. Ang tao ay hindi si Peter. B. Hindi, siya si Peter. Pinapatunayan ng nagsasalita na ito si Peter. C. Hindi siya, si Peter. Si Peter ang tinutukoy, hindi ang isang tao. 6|EL 150_N Kaya rian ng Wik ang Filipino ddpungtilan