Mga Katangian ng Wika - Filipino 11 Reviewer PDF

Summary

Ang dokumento ay isang pagsusuri tungkol sa mga katangian ng wika, kasama ang mga teorya sa pinagmulan nito. Sinusuri nito ang mga konsepto tulad ng masistemang balangkas, sinasalitang tunog, at ang papel ng kultura sa paggamit ng wika. Ang layunin nito ay magbigay ng pangkalahatang kaalaman ukol sa wikang Filipino.

Full Transcript

FILIPINO 11 REVIEWER MGA KATANGIAN NG WIKA Ang wika ay may iba’t ibang kalikasan o katangian. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa komunikasyon. - Henry Allan Gleason Masistemang Balang...

FILIPINO 11 REVIEWER MGA KATANGIAN NG WIKA Ang wika ay may iba’t ibang kalikasan o katangian. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa komunikasyon. - Henry Allan Gleason Masistemang Balangkas - Organisado - nabubuo sa pamamagitan ng pagsunod sa isang tukoy na proseso; - at batay ito sa mga alituntunin ng balarila o grammar. Sinasalitang Tunog - Ang wika ay sinasalitang tunog. Arbitraryo - Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, ang mga salita ay nagbabago ng kahulugan batay sa iba’t ibang salik. - Nagbabago ang kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. - Nagbabago rin ang kahulugan ng salita batay sa konteksto. Ginagamit ng Tao - Isa pang kalikasan ng wika ang paggamit dito ng mga tao. Ibig sabihin, may kakayahan ang tao na makapagbigay ng ibang kahulugan sa isang salita. Bahagi ng Kultura - Ang wika ay bahagi ng kultura. Ang mga salitang nakapaloob sa isang wika ay nagpapakita ng kalagayan ng lipunan. Daynamiko - Nadagdagan ng mga bokabularyo habang lumilipas ang panahon. - Ang wika ay NATATANGI TEORYA NG WIKA 1. Biblikal: Genesis 11: 1 - 9, Ang Tore ng Babel - Sa Tore ng Babel, nagpasya ang mga tao na bumuo ng isang lungsod at tore upang gumawa ng pangalan para sa kanilang sarili, gamit ang isang wika. - Nakita ng Diyos ang kanilang ambisyon at nagpasya na pakalat-kalat ang kanilang wika upang hindi na sila magkaintindihan. - Dahil dito, hindi natapos ang lungsod at ang mga tao ay pinalaganap sa buong mundo, na tinawag ang lugar na Babel. 2. Siyentipiko: Iba’t ibang Teorya batay sa Siyensya Teoryang Bow-wow - Paniniwala na ang wika ay nagmula sa panggagaya ng tao sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan. - hal. asong tumatahol, agos ng tubig Teoryang Ding-dong - Naniniwala ito na ang wika ay nabuo dahil sa pagbibigay-ngalan ng mga tao sa mga bagay sa kaniyang paligid - hal. dingdong sa kampana, tiktak sa orasan Teoryang Pooh-pooh - Naniniwala dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao. - hal. “Aray!” kung nasasaktan, “Wow!” dahil sa pagkamangha Teoryang Yoheho - Naniniwala na ang wika ay nagmula sa ingay na nililikha ng mga taong magkatuwang at magkakasama sa kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay. - hal. tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabigat na bagay Teoryang Tarara-boom-de -ay - Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang sibilisasyon, sa kanilang mga ritwal at dasal. Teoryang Sing-song - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salitaay sadyang mahahaba at musikal, at hindimaiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. Teoryang Mama - Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay, gaya sa mga bata. KONSEPTONG PANGWIKA 1. Monolingguwalismo - ‘mono’ = one, isa - Ito rin ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa (Japan, France atbp.) - L1 - unang wika 2. Bilingguwalismo - ‘bi’ = dalawa - nagagamit nang matatas ang dalawang wika - balanced bilingual - nagagamit nang matatas ang dalawang wika at hindi matukoy rito kung ano ang kaniyang ikalawa o unang wika. 3. Multilingguwalismo - Ang Pilipinas ay bansang multilinggwal.nakasanayan ang paggamit ng wikang Filipino, Ingles, at iba pang wikang katutubo. - MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education) - Pagturo ng L1 sa K-3 UNANG WIKA (L1) at IKALAWANG WIKA (L2) L1 - unang wika/mother tongue - wikang kinagisnan mula pagsilang L2 - ikalawang wika - ibang wikang natutuhan bukod sa L2 dahil sa exposure sa iba pang wika WALANG L3. Lahat ng wika na natutunan bukod sa L1 ay L2. Konstitusyong 1987: Artikulo XIV Seksyon 6 at 7 SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila. WIKANG PAMBANSA Ayon sa PSA, nasa 182 and bilang ng wika at diyalektong umiiral sa ating bansa. 1934 - Isinagawa ang Kumbensyong Konstitusyonal. - Iminungkahi ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay ibatay sa isa mga umiiral na wika sa Pilipinas. - Ito ay sinusugan ng dating pangulong Manuel L. Quezon. 1935 - Inilahad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 ng Pangulong Quezon na - “Ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika” - Batas Komonwelt Blg. 184 na isinulat ni Norberto Romualdez ang nagtatag ng surian ng wikang pambansa. - Tagalog ang siyang napili bilang isang batayan ng wikang pambansa. Sa pamantayan na dapat ang wikang pipiliin ay, - Wika ng sentro ng pamahalaan - Wika ng sentro ng edukasyon - Wika ng sentro ng kalakalakalan; at - Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasulat na panitikan. 1937 - Noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging wikang pambansa batay sa rekomendasyon ng Surian. 1940 - Nagsimulang ituro ang wikang pambansang Tagalog sa paaralang pampubliko at pribado. 1946 - Hulyo 4, 1946 nang ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan. - Ipinahayag na ang wikang Tagalog at Ingles na opisyal na wika sa Batas Komonwelt blg. 570. 1959 - Agosto 13, 1959: Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog, ito ay naging Pilipino sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Jose E. Romero. 1987 - Pinagtibay sa Saligang Batas 1987 ang implementasyon sa paggamit ng wikang “Filipino” na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 MGA BARAYTI NG WIKA DIYALEKTO /DAYALEK - Ito ang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. IDYOLEK - Dito lumulutang ang katangian at kakayahang natatangi ng taong nagsasalita. - Samakatuwid, ang bawat tao ay mayroong pansariling paraan ng pagsasalita. SOSYOLEK - Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit ng wika. ETNOLEK - Barayti ng wika na nagmula sa etnolinggwistikong pangkat. - Taglay nito ang mga salitang naging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. - Etnolek = etniko + dayalek PIDGIN - Ito ang umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong wika na hindi pag-aari ninuman. CREOLE - At mula sa pidgin, kapag ito ay ginagamit ng matagal na panahon at nagkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan, ito ay tatawagin nang creole. REGISTER NG WIKA Isang barayti ng wika na ginagamit sa isang partikular na tanawing panlipunan. Iniaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap. Ayon kay Michael Halliday, isang linggwistika sa kanyang registry theory, ang rehistro ng wika ay nahahati sa tatlong kategorya: FIELD - tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan at ang mga taong nag-uusap sa loob nito. Ang paksa ng diskurso ay maaaring hinggil sa mga teknikal o espesyalisadong salita na ginagamit ng mga taong nasa partikular na disiplina o larangan. TENOR OF DISCOURSE - tumutukoy sa relasyon ng mga taong nag-uusap sa isang sitwasyon. MODE OF DISCOURSE - tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga tagapagsalita - pasulat o pasalita. - Sa pasulat madalas ay pormal ang mga salitang ginagamit kung ihahambing sa pasalita. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Ang wika ay mahalagang bahagi ng ating lipunan. Nagbibigay ito ng paraan upang tayo ay makipag-ugnayan at makisalamuha. Sa kwento nina Tarzan at Mowgli, makikita ang kahalagahan ng wika sa pakikipag-ugnayan, dahil ang kanilang natutunang wika ay mga tunog ng hayop. Kung walang pagkakataon ang isang tao na makipag-usap, mahihirapan siyang matutong magsalita. Pitong Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday o Michael Alexander Kirkwood Halliday Instrumental: Tumutugon ito sa mga pangangailangan ng tao, tulad ng paggawa ng liham o patalastas. Regulatoryo: Ang tungkuling ito ay may kinalaman sa pagkontrol sa asal ng ibang tao, gaya ng pagbibigay ng direksyon. Inter-aksiyonal: Nakikita ito sa pakikipag-ugnayan, tulad ng pakikipagbiruan at pagpapahayag ng saloobin. Personal: Saklaw nito ang pagpapahayag ng sariling opinyon at damdamin, gaya ng pagsulat ng talaarawan. Heuristiko Ginagamit ito sa paghahanap ng impormasyon, tulad ng pag-interbyu o pagbabasa. Impormatibo: Kabaligtaran ng heuristiko, nagbibigay ito ng impormasyon sa pasulat o pasalitang paraan. Anim na Paraan ng Paggamit ng Wika ayon kay Roman Jakobson Emotive Pagpapahayag ng damdamin at emosyon. Conative Paggamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya. Phatic Ginagamit upang makipag-ugnayan at simulan ang usapan. Referential Pagpapahayag ng impormasyon mula sa mga sanggunian. Metalingual Paglilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay komento sa wika. Poetic Paggamit ng wika sa masining na paraan, tulad ng panulaan at sanaysay. Konklusyon Ang wika ay hindi lamang isang kasangkapan para sa komunikasyon, kundi isang mahalagang elemento na nagbubuklod sa lipunan. Ang mga tungkulin at paraan ng paggamit ng wika ay nagpapakita ng lalim ng koneksyon ng tao sa isa't isa. BAYBAYIN Ang Baybayin Ang baybayin ay isang sistema ng pagsusulat ng mga katutubong Pilipino at patunay ng kanilang sopistikadong kultura. Ang salitang "baybay" ay nangangahulugang "to spell." Katangian ng Baybayin Mayroong 17 karakter ang baybayin: 3 patinig at 14 katinig. Sa UST Library matatagpuan ang pinakamalaking aklatan sa bansa at ang isang mahalagang dokumento na nakasulat sa baybayin tungkol sa pagbebenta ng lupa sa Maynila. Kasaysayan Ang Doctrina Christina noong 1593 ang pinakaunang libro na isinulat sa baybayin. Ginamit ito ng mga Espanyol dahil mas pamilyar ang mga Pilipino sa sistemang ito. Sa paglipas ng panahon, nawala ang baybayin sa kultura ng mga Pilipino. Noong 1930, muling sumigla ang interes sa baybayin kasabay ng pagtatag ng pambansang wika at sistema ng pagsusulat. Si Guillermo Tolentino ay sumulat ng mga aklat tulad ng Ang Wika at Baybaying Tagalog. Makabagong Pagkilala Noong 2018, inaprubahan ng Committee on Basic Education and Culture ang House Bill No. 1022 o ang National Writing System Act, na nagtatakda na ang mga lokal na produkto, street signs, pampublikong imprastruktura, at mga pahayagan ay dapat nakaakda o isinalin sa baybayin. Ibang Paraan ng Pagsusulat Mayroon ding iba pang sistema ng pagsusulat sa Pilipinas, tulad ng Hanunuo (Mindoro), Bulid (Mindoro), at Tagbanwa (Northern Palawan) AUSTRONESIAN HERITAGE Ang Austronesian ay nagmula sa salitang "australis" na nangangahulugang "southern" at "nesos" na nangangahulugang "island". Pinagmulan ng mga Austronesyo Ang video ay naglalarawan sa mga pinagmulan ng mga Austronesyong tao, na ayon sa "out of Taiwan" model ay nagmula sa Taiwan noong mga 3,000 BCE. Ang kanilang paglalakbay ay nagdala sa kanila sa Timog-silangang Asya, sa mga pulo ng Pilipinas, at sa kalaunan ay sa iba pang bahagi ng Pasipiko tulad ng Madagascar at New Zealand. Mga Katangian ng Austronesyo Sa kabila ng kanilang malawak na pagkalat at pagkakaiba-iba ng wika, nagbabahagi ang mga Austronesyo ng mga karaniwang katangian sa kultura, teknolohiya, at mga pananim na kanilang dinala sa kanilang paglipat. Kabilang dito ang mga kasanayan sa agrikultura at mga tradisyon na lumalampas sa mga hangganan ng heograpiya. Konklusyon Ang kasaysayan ng mga Austronesyo ay nagpapakita ng kanilang kakayahan sa paglalakbay at pakikipagkalakalan, na naging batayan ng kanilang malawak na pamayanan. Ang susunod na bahagi ng serye ay tatalakay sa mga impluwensya ng mga mananakop at ang epekto nito sa iba't ibang kultura sa Pilipinas PANAHON NG ESPANYOL Ginamit ng mga Kastila ang wikang Katutubo upang mapalapit sa mga Pilipino - para sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Panahon ng Rebolusyon ginamit ang wikang Tagalog sa paggawa ng mga kautusan at pahayagan ng KKK (Andres Bonifacio) Dito sumibol ang kaisipang: “Isang Bansa, Isang Diwa” Ginamit nila ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kwento,liham, at mga talumpating punumpuno ng damdaming makabayan. Ginawang wikang opisyal ang wikang Tagalog sa Konstitusyon ng Biak na Bato (1899), bagaman walang sinabi na ito ang magiging wikang pambansa ng Republika. Ngunit, nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo,isinaad sa Konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsyonal. Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan ng paggamit ng wikang Tagalog ito gagamitin. Sinasabing ang pamamayani ng mga ilustrado sa Asembliyang Konstitusyonal ang pangunahing dahilan nito. Nakalulungkot isiping naging biktima ng politika ang wikang Tagalog. Nag- uumpisa pa lamang sana itong lumago ay napailalim na naman ito sa wikang dayuhan. Sa Aking Mga Kabata ni Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa kanyang salita mahigit sa hayop at malansang isda.” PANAHON NG AMERIKANO Wikang Ingles ang wikang panturo sa lahat ng antas. Hindi naging madali para sa mga guro na gamitin ang wikang Ingles sa mga mag-aaral upang ituro ang 3R’s (Reading, wRiting, at aRithmetic). Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng unang wika sa pagpapaliwanag kung kaya inirekomenda na gamitin ang mga bernakular na wika bilang wikang pantulong. Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang mga Thomasites (mga gurong ipinadala ng Amerika). Nagkaroon ng mga pagtatalo at diskusyon hinggil sa wikang gagamitin, Ingles o Tagalog. Noong nagkaroon ng kumbensiyong konstitusyunal, naging paksa ang pagpili ng wikang pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit sa Pilipinas ang nararapat na maging wikang pambansa. Nabuo ang Surian sa Wikang Pambansa (na ngayong Komisyon sa Wikang Filipino) na magsasagawa ng mga pananaliksik, gabay, at alituntuning magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Sinang-ayunan ito ng Pangulong Manuel Quezon at ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 134 na wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa. PANAHON NG HAPON Pagsulong ng Wikang Pambansa: Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, nagkaroon ng pagsulong sa wikang pambansa, kung saan ipinagbawal ang paggamit ng Ingles. Tanging ang katutubong wika, lalo na ang Tagalog, ang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Ordinansa Militar Blg. 13: Ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-aatas na gawing opisyal na wika ang Tagalog at Nihonggo. Ito ay bahagi ng patakarang militar ng mga Hapones upang itaguyod ang kanilang propaganda at kontrol. Edukasyon at Pagsasanay: Ipinatupad ang pagtuturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralan. Ang mga guro ay sinanay at binigyan ng sertipikasyon batay sa kanilang kakayahan sa Nihonggo. KALIBAPI: Itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) na naglayong itaguyod ang edukasyon at moral na rehenerasyon, kasama ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino. Debate sa Wika: Maraming talakayan at debate ang umusbong tungkol sa wikang pambansa, lalo na sa pagitan ng mga Tagalista at liberal na tagapagtaguyod ng mga Amerikano. Ang mga argumento ay madalas tungkol sa mga teknikal na aspeto ng wika. Surian ng Wikang Pambansa: Muling binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinangunahan ni Jose Villa Panganiban, na nag-develop ng mga materyales upang mas madaling matutunan ang Tagalog. Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan Pagsasarili at Batas Komonwelt Bilang 570: Noong Hulyo 4, 1946, pinagtibay ang Tagalog at Ingles bilang mga opisyal na wika. Ang mga gawaing pang-ekonomiya ang naging pangunahing pokus ng bansa habang nagbabangon mula sa digmaan. Pagbabago sa Pangalan ng Wikang Pambansa: Noong 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog tungo sa Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7. Pagsusulong ng Filipino: Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos, ipinasa ang mga kautusan na nag-aatas sa paggamit ng Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon at mga dokumento. Saligang Batas 1987: Sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino, nilinaw ang mga hakbangin upang itaguyod ang Filipino bilang wikang pambansa, kasama ang mga probisyon para sa mga rehiyonal na wika. Pagpapatuloy ng Pagsulong: Patuloy na isinusulong ang paggamit ng Filipino sa edukasyon, media, at iba pang aspeto ng buhay, subalit may mga hamon pa rin sa kanyang pag-unlad. Kahalagahan ng Filipino: Sa 2013, inilathala ang depinisyon ng Filipino bilang isang buhay na wika na patuloy na umuunlad sa iba't ibang sitwasyon at konteksto, na nangangailangan ng sama-samang pagsisikap para sa kanyang pagyabong. ADDITIONAL INFORMATION Nagmula ang salitang "wika" sa lengguwaheng Malay Ang Austronesian ay nagmula sa salitang "australis" na nangangahulugang "southern" at "nesos" na nangangahulugang "island".

Use Quizgecko on...
Browser
Browser