Depinisyon at Katangian ng Wika (Unang Markahan)
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalahad ng mga aralin tungkol sa depinisyon at katangian ng wika. Kasama rin sa mga tinalakay ang iba't ibang uri at antas ng wika, pati na ang kahalagahan nito sa lipunan. Nakapaloob din dito ang mga apparatuses sa pagsasalita.
Full Transcript
**[LESSON \#1: DEPINISYON NG WIKA]** **Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang *[lengua]* na ang literal na kahulugan ay dila at wika.** Ito ay ***hinding hindi mahihiwalay sa kultura*** ng isang tao o bansa. Ngunit ayon sa iilang tao, ang wika ay: 1\. *Gleason (1961) -* ang wika ay **masistema...
**[LESSON \#1: DEPINISYON NG WIKA]** **Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang *[lengua]* na ang literal na kahulugan ay dila at wika.** Ito ay ***hinding hindi mahihiwalay sa kultura*** ng isang tao o bansa. Ngunit ayon sa iilang tao, ang wika ay: 1\. *Gleason (1961) -* ang wika ay **masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo** upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. 2\. *Finnocchiaro (1964) -* ang wika ay **isang sistemang arbitraryo na simbolong pasalita** na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ng ganoong kultura upang maipagtalastasan o di kaya\'y makipag-ugnayan. 3\. *Sturtevant (1968) -* ang wika ay **isang sistema na mga simbolong arbitraryo na mga tunog para sa komunikasyong pantao.** 4\. *Hill (1976) -* ang wika ay ang **pangunahin at pinaka-elaborate na anyo ng simbolong pantao.** 5\. *Brown (1980) -* ang wika ay **masasabing sistematiko.** 6\. *Bouman (1990) -* ang wika ay isang **paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar** para sa isang **partikular na layunin na ginagamitan ng berbal at visual na signal para makapagpahayag.** 7\. *Webster (1990) -* ang wika ay **kalipunan ng mga salitang ginagamit at naintindihan** ng isang matuturing na komunidad. **[LESSON \#2: KATANGIAN NG WIKA]** **1. MASISTEMANG BALANGKAS** ¬ **PONEMA** ang tawag sa **makahulugang tunog ng isang wika.** ¬ **PONOLOHIYA** naman ang tawag sa **makaagham na pag-aaral ng mga ito.** ¬ **MOPERMA** ang tawag sa **maliit na unit ng salita.** ¬ **MORPOLOHIYA** naman ang tawag sa **makaagham na pag-aaral ng mga morperma.** ¬ **SINTAKSIS** naman ang tawag sa **makaagham na рag-aaral ng mga pangungusap.** ¬ **DISKURSO** ay ang **makahulugang palitan ng mga pangungusap** ng dalawa o higit pang tao. **2. SINASALITANG TUNOG** ¬ Makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o di kaya\'y may kakayahang makapagbabago ng kahulugan ng isang morperma. **3. PINIPILI AT SINASAAYOS** ¬ Upang maging epektib ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang gagamitin. **4. MAY SARILING KAKANYAHAN** ¬ Walang wikang superior sa ibang wika. Ingles ang wikang intenasyunal, habang Latin o Griyego ang pinagmulan ng sibilisasyon ngunit, hindi masasabing ito ay higit na mataas o namumukod sa ibang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay. **5. ARBITRARYO** ¬ Bawat bansang may sariling wika at may napagkakasunduang sistemang paggamit. **6. GINAGAMIT** ¬ Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng kasangkapang ng saysay. Kapag hindi natin ito ginagamit ay unti-unti itong mawawala at tuluyang mamamatay. **7. NAKABATAY SA KULTURA** ¬ May limitado lamang na salita o tawag sa isang bagay sa isang partikular na lugar dahil sa kanilang kultura. **8. DINAMIKO** ¬ Ang wika ay **nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon.** **9. NANGHIHIRAM** ¬ Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipino at mga \'di katutubong wika. ***Additionals --- Mga APARATUS SA PAGSASALITA:*** 1\. Babagting-tinig 2\. Ngala-ngala 3\. Dila 4\. Laringhe 5\. Bibig 6\. Paringhe 7\. Gilagid 8\. Titilaukan 9\. llong 10\. Epiglotis **[LESSON \#3: VARIETY NG WIKA]** **HEOGRAPIKO** ¬ Ang lenggwahe ay nakabatay sa lugar. **1. DAYALEK/DAYALEKTO/WIKAIN** ¬ ginagamit na wika ng isang tao sa isang lalawigan. **SOSYAL** ¬ Ito ay nakabase sa grupo ng tao interes o gawain. **1. SOSYOLEK** ¬ nakabatay sa pangkat ng lipunan. **2. IDYOLEK** ¬ ito ay personal sa isang speaker **3. REGISTER o REHISTRO** ¬ terminong ginagamit sa okupasyonal o trabaho. ¬ *JARGON* - mga bokabularyo partikular sa isang pangkat ng gawain. **4. PIDGIN** ¬ nobody\'s native language. ¬ *CREOLE* -unang naging pidgin na kalaunan ay naging likas na nilang wika. **5. ETNOLEK** ¬ mula sa mga etnolinggwistikong grupo or mga pangkat etniko. **6. EKOLEK** ¬ wikang natutunan sa loob ng tahanan. **[LESSON \#4: KAHALAGAHAN NG WIKA SA LIPUNAN]** 1\. Ito ay instrumento ng komunikasyon. 2\. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman. 3\. Nagbubuklod sa bansa. 4\. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip **[LESSON \#5: ANTAS NG WIKA]** **1. PORMAL -** Mga salitang *standard dahil kinikilala tinatanggap at ginagamit ang higit na nakararami* lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. **a. PAMBANSA -** salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika at pambalarila. **b. PAMPANITIKAN/PANGRETORIKA -** salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. **2. IMPORMAL -** Ito ay mga salitang *karaniwan, palasak, at pang araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.* **a. LALAWIGANIN -** mga bokabularyong dayalektal. **b. KOLOKYAL -** pang-araw-araw na salitang ginagamit sa pagkakataong impormal. Kadalasan ay binbaliktad o isinasaayos sa ibang paraan ang mga letra sa salita. **c. BALBAL -** tinatawag na *slang* at ang pinakamababang antas ng wika. **[LESSON \#6: KONSEPTONG PANGWIKA]** **1. WIKANG PAMBANSA** ¬ Tumutukoy sa isang wikang ginagamit ng pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. **a. DE JURE -** legal at naayon sa batas. **b. DE FACTO -** aktuwal na ginagamit ng majority o mayorya ng mamamayan. **c. ARTIKULO XIV (14), SECTION 6-9 NG KONSTITUSYONG 1987 isinabatas na ang pambansang wika ay FILIPINO.** **d. Si MANUEL L. QUEZON** ang **Ama ng Wikang Pambansa.** **2. WIKANG PANTURO** ¬ Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto sa sistemang edukasyon. a\. Gumagamit ng FILIPINO at ENGLISH. b\. MTB MLE (Mother Tongue Based Multilingual Education of 2009). **3. WIKANG OPISYAL** ¬ Ito ang wikang tinadhana ng batas bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno. a\. May kaugnayan sa korte, lehislatura at pangkalahatang pamamahala sa gobyerno. **4. BILINGGUWALISMO** ¬ Kakayahang makapagsalita ng dalawang wika. ¬ Bilingual Education Policy (BEP). **5. MULTILINGUWALISMO** ¬ Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba\'t ibang wika. **6. HOMOGENOUS** ¬ Iisang salita na ginagamit ng isang lugar na may iisang lahi o angkan. **7. HETEROGENOUS** ¬ Wikang imbento ng iba\'t ibang grupo sa lipunan. **8. LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD** ¬ Grupo ng mga taong gumagamit ng iisang barayti ng wika at nagkukunawaan sa mga espesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. **9. PANGALAWANG WIKA** ¬ Wikang natututunan maliban sa unang wika (Mother tongue). **[LESSON \#7: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN]** **1. INTERAKSYONAL** ¬ Nagpapanatili ng mga relasyong sosyal. Ex. PAGBATI, PANUNUKSO, PANGAASAR. **2. INSTRUMENTAL** ¬ Tumutugon sa pangangailangan ng tao o tumutulong maisagawa ang kagustuhan ng isang indibidwal. Ex. PAGUUTOS, PAGMUMUNGKAHI, PAKIKIUSAP. **3. REGULATORI** ¬ Pagkontrol ng asal ng tao, sitwasyon o kaganapan. Ex. PATAKARAN, PAGBIBIGAY PANUTO, PAALALA. 4**. PERSONAL** ¬ Nagpapahayag ng personal na damdamin o opinyon. Ex. PAGHINGI NG PAUMANHIN, PAGMUMURA, PAGPAPAHAYAG NG SARILING DAMDAMIN. **5. IMAHINATIBO** ¬ Nagpapahayag ng imahinasyon. Gumagamit rin ng *matatalinhangang salita at idyoma.* Ex. TULA, NOBELA, MAIKLING KWENTO. **6. HEURISTIKO** ¬ Naghahanap ng impormasiyon (nagtatanong). Ex. PAGSUSURVEY, PAGIINTERVIEW. **7. IMPORMATIBO** ¬ Nagbibigay ng impormasiyon o sumasagot sa mga tanong. Ex. PAGUULAT, PANAYAM, PAGGAWA. **[LESSON \#8: TEORYA NG WIKA]** **1. Tore ng Babel** ¬ Iinilalahad sa Bibliya ang kwento tungkol sa Tore ng Babel. Nakapahayag na noong unang panahon binigyan ng Diyos ang tao ng isang wika lamang malaya silang nakikipagkomunikasyon sa bawat isa hanggang sa dumating ang panahong naging mapanghangad na ang mga tao at ninanais nilang gumawa ng isang toreng aabot sa langit. Upang masugno ang kanilang pagiging mapanghangad, pinatusahan sila ng Diyos at binigyan ng iba\'t ibang wika. Bunga nito, sila ay nagkawatak-watak at hindi nalpagpatuloyang masamang hangarin ***[2. Teoryang Pooh-pooh]*** *[¬ Ang isang tao ay napapabulalas bunga ng masidhing damdamin.]* ***[3. Teoryang Yo-he-ho]*** *[¬ Natutong magsalita ang tao bunga umano ng mga pwersang pisikal.]* ***[4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay]*** *[¬ Nagmula raw ang wika mula sa iba\'t ibang tunog na nalilikha tuwing sinasagawa ng mga sinaunang tao ang kanilang ritwal na gawain.]* *[**5. Teoryang Ta-ta** ]* *[¬ Nagmula ang wika batay sa iba\'t ibang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa bawat pagkilos na ginagawa. Ginagaya umano ng dila ang mga kilos na naging sanhi ng pagkatutong bumigkas.]* *[**6. Teoryang Ding-dong** ]* *[¬ Katulad ng teoryang Bow-wow, nagkaroon ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid na likha ng tao.]* ***[7. Teoryang Bow-wow]*** [¬ Ginagawa ng tao ang mga tunog na likha ng kalikasan.] 8**. Teoryang Lala** ¬ Nakabatay sa mga pwersang romansa. **9. Teoryang Mama** ¬ Nagsimula ang wika sa pinakamadaling pantig ng bagay. **10. Teoryang Sing Song** ¬ Iminungkahi ng linggwistikang si Jeperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musical at hindi maikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. **11. Teoryang Hey You!** ¬ Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga tunog na nagpapakilala ng pagkakakilanlan at pagkakabilang. **12. Teoryang Coo Coo** ¬ Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa wika ng sanggol. Ang tunog ay ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa paligid. **13. Teoryang Yum Yum** ¬ Katulad ng Teoryang Tata, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. **14. Teoryang Babble Lucky** ¬ Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. **15. Teoryang Hocus Pocus** ¬ Ayon sa teoryang ito, ang wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. **16. Teoryang Eureka** ¬ Ayong sa teoryang ito, maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya sa pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. ***[\[NOTE: I added the others lang just in case isama kasi sa ibang section 16 theories sila. Focus lang sa naka-italicized at underline.\]]*** **[LESSON \#9: ANTAS NG PORMALIDAD]** **1. Oratorial o Frozen style** ¬ Ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng manonood. **2. Deliberative style** ¬ Ginagamit sa tiyak na bilang ng manonood na kadalasang ginagawa sa loob ng classroom o mga forum. **3. Consultative style** ¬ Tipikal na pakikipagtalastasan na nangangailangan ng pormal na pananalita. **4. Casual style** ¬ Karaniwang makikita sa usapan na magkakapamilya o magkakaibigan. **5. Intimate style** ¬ Nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan kapamilya o karelasyon.