Filipino 11 Q2 W2 M4 Kakayahang Lingguwistiko
Document Details
Uploaded by DivinePigeon
Rizal High School
2020
DepED
Vida Bianca M. Laus
Tags
Related
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- 001.11-KPWKP.pdf - Centro Escolar Integrated School - Tagalog Document (PDF)
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- GNED 11: Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino
- NCR_FINAL_FILIPINO11_Q2_M4 (1) PDF - Filipino Grade 11 Quarter 2 Module
Summary
This DepEd Filipino 11 module, Second Quarter, Week 2, Module 4, focuses on Linguistic Competence and Language. It contains details on writing, reading, listening, and speaking in Filipino, and has exercises and assessments to enhance linguistic proficiency.
Full Transcript
Filipino 11 Filipino – Ikalabing-Isang Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kakayahang Lingguwistiko at Wika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpa...
Filipino 11 Filipino – Ikalabing-Isang Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kakayahang Lingguwistiko at Wika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Vida Bianca M. Laus Editor: Jennie Rose S. Evangelista Tagasuri: Andrew P. Padernal Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM) Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Filipino 11 Ikalawang Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto-4 Kakayahang Lingguwistiko at Wika Manunulat: Vida Bianca M. Laus Tagasuri: Andrew P. Padernal / Editor: Jennie Rose S. Evangelista Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 ng Modyul para sa araling Kakayahang Lingguwistiko at Wika! Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 Modyul ukol sa Kakayahang Lingguwistiko at Wika! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. MGA INAASAHAN Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa mo na ang sumusunod: A. nauunawaan ang pagkakaiba, kahulugan, kakayahan ng wika at lingguwistiko; B. nakapagpapahayag sa sariling pangungusap ng layunin, pananaw, at damdamin hinggil sa wika; at C. nakapagsasagawa ng isang panayam at nagagamit ang wika tungo sa pagkakaunawaan. PAUNANG PAGSUBOK Panuto: Gawin ang bawat kahingian sa mga bilang A. Pantigin ang mga salita B. Baybayin sa buong katawagan 1. linggwistiko ___________________ 4. DepEd ___________________ 2. wika ___________________ 5. DOST ___________________ 3. kultura ___________________ 6. DTI ___________________ C. Daglatin 7. Doktor ___________________ 9. Atorni ___________________ 8. Heneral ___________________ 10. Senador ___________________ BALIK-ARAL Panuto: Tukuyin ang uri ng media batay sa icon, isulat ang sagot sa patlang _____________1. _____________2. _____________3. _____________4. _____________5. _____________6. _____________7. _____________8. _____________9. _____________10. ARALIN Malimit marinig ng mga Pilipino ang Wika kung ikukumpara sa Lingguwistiko, ngunit ano nga ba ang kanilang pagkakaiba? Talakayin natin sa araling ito kung paanong nagsimula lahat at maging pamilyar sa mahabang yaman sa kasaysayan ng wika at lingguwistiko. Mula sa paaralan buhat elementarya hanggang kolehiyo ay mayroong pag-aaral ng wika, dito natutuhan mo ang partikular na patern kung paanong isasama sa pangungusap ang mga salitang natutuhan mo munang bigkasin, kabisaduhin ang tunog at titik o letra, sa paglaon pa ng panahon ay natuklasan mong kaiba ang isang wika sa isa pang wika bagamat pareho ang baybay o spelling. Samantalang mula sa iba’t ibang pag-aaral ay nakita mong ang paggamit ng wika ay maaaring nakabatay sa kultura ng isang indibidwal na nagsasalita, kung ito ang kabooang WIKA paanong naiba dito ang LINGGUWISTIKO? Ang Lingguwistiko o Linggwistika ayon sa pres mary methuen dictionary ay hindi ang pag-aaral ng isang solong wika, o maraming wika, ngunit isang pag-aaral sa kung ano ang gumagawa ng wika; kung ano ang isang wika, kung paano ito naiiba mula sa mga sistema ng komunikasyon ng hayop, kung paano makilala ang isang wika mula sa isang dayalekto, kung paano ang mga bagong wika mula sa mga lumang wika, kung paano nakikipag-ugnay ang kultura at wika, ang kasaysayan ng mga pamilya ng wika, teorya ng wika, kung paano gumawa ng isang computer program na 'maintindihan' o, mas mabuti, upang gumanti nang matindi sa input ng wika. KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA Maipagkukumpara natin ang panitikang mayroon kinalaman sa alamat at pagusbong ng pag-aaral sa wika, sinasabing noong hindi pa laganap ang agham ay nilikha ang alaman upang masagot ang maraming katunungan ng tao kung saan nagsimula ang mga bagay sa mundo, ganoon din ang pag-aaral sa wika ng nagsimulang magtanong ang mga tao kung bakit hindi pare-pareho ang wika ng bawat lahi? Paanong nagkaroon ng unang wika? Paanong pinangalanan ang mga bagay? Teologo (Theologians) ang tawag sa isang taong nakikibahagi o dalubhasa sa teolohiya, itinuturing sa kanila nagmula ang sagot sa maraming katanungan ng tao tunggkol sa wika, nakabatay ang mga teolohiya na ito sa bibliya na nilikha ng Diyos ang wika at tulad sa Tore ng Babel nagkaroon ng iba’t ibang wika sa mundo bunsod ng parusa niya sa pagmamalabis ng tao. Ngunit ang mga gantong palagay sa panahon nina Plato at Socrates ay hindi naging sapat na kapaliwanagan kung kaya nagkaroon ng iba’t ibang pag-aaral, sinasabing ang kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika ay mga Hindu, naniniwala silang wika ng Diyos ang ginamit sa matatandang banal na himno ng Ebreo ngunit nagpunyagi ang mga palaaral at sinuri ang palatunugan, palabuuan, at palaugnayan upang mas maunawaan ang diwa ng mga himno. Mayaman ang sarili nating wika, ito ay hitik sa di mabilang na kahulugan, ngunit kung pagbabatayan ang kasaysayan sinasabing bunsod ng pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa at ang ilang libong taong wikang Griyego at Latin ang itinuturing unang wikang nagkaroon ng anyo sa tunay na kahulugan nito sapagkat ang dalawang wikang ito ang magkasunod na nilinang at lumaganap sa Europa noon panahong iyo. Sinasabing kung saan unang nilinang ang sibilisasyon ay doon din unang nagkaroon ng anyo ang kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika, si Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics ang siyang nanguna sa larangan ng agham-wika. Dumaan sa napakaraming panahon ang pag-aaral sa wika mula Panahon ng Kalagitnaang Siglo (Middle Ages), Panahon ng Pagbabagong Isip (Renaissance), Ika-19 na Siglo. Lumitaw ang itinuturing na makabagong pamamaraan sa paglipas ng panahon at nagkaroon ng iba’t ibang modelo, ngunit masasabing nananatiling hindi nagagalaw ang makalumang pamamaraan sa wika, narito ang mga makabagong pamamaraan: Linggwistikang Historikal (Historical Linguistics) Itinuturing na kauna- unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay mula sa iba’t ibang angkan. Linggwistikang Istruktural (Structural Linguistics) Nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap, sa puntong ito noong 1870 lumitaw ang IPA (International Phonetic Alphabet) na gumagamit ng hindi kukulanging 400 simbolo. Linggwistikang Sikolohikal (Psycho-linguistics) Ito ay bunga o resulta ng gramatika heneratibo upang matugunan ang pangangailangan ng sikolohiya. Anthropological Linguistics - nasa ilalim nito ang Tagmemic Model na tumutukoy sa pagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo(form) at ng gamit (function) ng wika kabilang ang isang yunit ay may iba’t ibang Antas Ponema, Morpema, Salita, Parirala, Sugnay, Pangungusap, at Talakay. Mathematical Linguistics o Linggwistikang Matematikal – pinakahuli ngunit ipinapalagay na syang magiging laganap sa hinaharap ay tinatawag ding computational linguistics. Sa ating bansa ayon kay Constantino (1972: Asuncion-Lande 1970) papapangkat sa tatlong panahon ang pag-aaral sa mga wika. Panahon ng mga Kastila – nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong ika-19 na daantaon. Napatunayan nilang higit na madali na sila ang mag-aral sa mga katutubong wika kaysa ang mga “Indios” ang turuan ng wikang Kastila, isinagawa ng mga prayle ang pag-aaral sa wika. Panahon ng mga Amerikano – napalitan ang mga prayleng linggwista ng mga linggwistang sundalong Amerikano sa panahong ito ang pangunahing layunin ng mga Amerikano ay maisahik sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko. Panahon ng Kalayaan o Kasalukuyang Panahon – taong 1946 ng makamit ng Pilipinas ang kalayaan matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, sinasabing dumami na ang pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas (cf. Constantino 1972) KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO Nahahati ang kakayahang ito sa dalawa, ang kakayahang pangkomunikatibo at kakayahang gramatikal. Sinasabing sa kakayahang Pangkomunikatibo o Communicative Competence hindi sapat na natutuhan lamang ang tuntunin sa gramatika ngunit ang pangunahing layunin nito ay magamit ng wasto at angkop, mailapat ang tamang mensahe upang lubos na magkaunawaan ang dalawang taong nag-uusap. Mayroong mga ideya na may kaugnayan sa Lingguwistiko, kabilang sa mga ito ang katangian ng wika teorya ukol sa wika talasalitaan istruktura ng wika parte ng mga pangungusap pagbuo ng mga pangungusap kabuuan ng isang wika Nanguna si Dell Hymes (1966) na isang linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist ng nilinang nila ni John J. Gumperz ang konseptong kakayahang pangkomunikatibo bilang tugon sa kakayahang lingguwistika, ayon kay Hymes hindi sapat sa isang nagsasalita na magkaroon ng kakayahang lingguwistika upang epektibong makipagtalastasan sa halip ay nararapat na malaman niya ang paraan ng paggamit nito. Magbalik tanaw tayo sa mga paksang tinalakay na ninyo mula elementarya sa gramatika, ang mga paksang ito ay bahagi ng kakayahang gramatikal, ayon kina Canale at Swain ang nasabing kakayahan ay pag- unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Ang mg komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita. Kabilang sa kakayahang lingguwistiko ang mga sumusunod: A. Pasalitang Pagbaybay Pantig - galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita, sa pasulat na paraan ito ay paghahati-hati ng salita na kaaya-ayang paginggan sapagkat wasto ang pagkakasalita Salita – yunit ng wika na tipikal na binubuo ang salita ng isang ugat at mayroon o walang panlapi. Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga pananalita, parilala, sugnay at pangungusap. Akronim - salita na ibunuo batay sa mga inisyal o mga unang pantig ng mga salita. Daglat – pagpapaikli ng salita, sa kasalukuyang praktika dinadaglat ang mga titulo kapag nasa unahan ng buong pangalan tulad ng sa mga titulong Ingles na “Mr.,” “Mrs.” at “Dr.” Ganito rin sa wikang Filipino, ginagamit din ang mga daglat na “G.” para sa Ginoo, “Bb.” para sa Binibini, at “Gng.” para sa Ginang kapag ginagamit sa unahan ng buong pangalan ng sinusulatan. Inisyal - ang unang titik ng isang pangalan o salita, karaniwang pangalan ng isang tao o isang salitang bumubuo ng bahagi ng isang parirala. Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika – pigura, simbolo, o mga titik na ginagamit sa agham at matematik. MGA PAGSASANAY A. Analohiya: Punan ng tamang kasagutan ang bawat bilang, gawing gabay ang pares na mga salita. 1. kakayahang pangkomunikatibo, _____________; kakayahan sa pag- unawa, paggamit sa kasanayan 2. anyo(form) at gamit (function), Anthropological Linguistics; IPA 400 simbolo, _____________ 3. Inisyal ng unang pantig, _____________; Paghahati-hati ng salita, pantig 4. Indios, _____________; Teologo, Theologians 5. _____________, Aristotle; Plato, Socrates B. Paghahanay: Ihanay sa loob ng kahon kung saan nabibilang ang mga salita sa ibaba Simbolong Pang- Salita Pantig Akronim Daglat agham/ Pangmatematika 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. New normal C2H5OH Korona IATF H2O DOH Fil hay Ba Jr. C. Isulat sa patlang kung ang pahayag sa ibaba ay Tama, kung mali ang pahayag Bilugan ang Salitang Nagpamali at isulat sa patlang ang wastong kasagutan ___________1. Nilinang nila Dell Hymes at Socrates ang konseptong kakayahang pangkomunikatibo bilang tugon sa kakayahang lingguwistika. ___________2. Pigura, ukit, o mga titik ana kadalasang ginagamit sa Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika. ___________3. Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika ay mga Griyego. ___________4. Linguist’s ang tawag sa isang taong nakikibahagi o dalubhasa sa teolohiya ___________5. Tumutukoy ang ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya sa kakayahang gramatikal. PAGLALAHAT Panuto: Magsulat ng isang buod o synopsis, deskripsyon ng isang pelikula, dula, tele serye, kwento mula sa aklat na napanood o nabasa mo na. Magtala ng dalawang di pagkakaunawaan sa pagitan ng karakter bunsod sa paggamit ng wika. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ PAGPAPAHALAGA Panuto: Kompletuhin ang pahayag at punan ng mga kasagutan ang salita sa ibaba hinggil sa wikang pambansa. 1. Bilang mamamayan ng Pilipinas layunin kong ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ____________________________________________ upang patatagin at mapayabong ang wikang pambansa. 2. Sa aking pananaw _____________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Ang aking damdamin para sa kalagayang ito ay _________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ PANAPOS NA PAGSUSULIT Mock Job Interview: Humanap ng kapareha sa klase. Magsagawa ng isang recorded job interview. Bawat isa ay bibigyan ng pagkakatong maging taga interbyu at aplikanteng iinterbyuhin sa loob ng 15 minuto. Suriin ang kakayahan ng aplikante maging ng katapagtanong sa layuning makapagpahayag at makapagsalita tungo sa pagkakaunawaan gamit ang pasalitang wika, gawing gabay ang rubic sa ibaba. Kategorya Puntos Komento Angkop ba ang ginamit na mga salita ng 5 - iniinterbyu? Maayos ba ang paggamit ng wika at hindi 5 - palagiang nagpapalit-palit mula sa Filipino tungong Ingles (code switch) ang iniinterbyu? Malinaw bang nagbibigkas ng iniinterview 5 - ang mga salita? Napag-uugnay ba ng iniinterbyu ang 5 - kanilang mga pahayag tungo sa ikalilinaw ng kanilang pananaw at paniniwala? Kabuuang Puntos 20 18 – 20 – Tanggap ka na! 15 – 17 – May potensyal ka 14 – 12 – Tatanggapin sana kita kaya lang.... 11 – pababa – Tatawagan ka na lang namin SUSI SA PAGWAWASTO Sanggunian Mga Aklat: Swann, J. and J. Maybin. Sociolinguistic and ethnographic approaches to language and gender. in Harrington et al., 2008. Swann, J., A. Deumert, T. Lillis and R. Mesthrie. A Dictionary of Sociolinguistics. Edinburgh: Edinburgh University Press, 2004. Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., Geronimo, Jonathan V. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Maynila: Rex Book Store, 2016. Mga Hanguang Elektroniko: https://brainly.ph/question/400946 https://presmarymethuen.org/tl/dictionary/what-is-the-difference- between-language-and-linguistics/ 28-04-2020 https://www.slideshare.net/DanrebConsul/sitwasyong-pangwika-sa-iba- pang-anyo-ng-kulturang-popular https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kakayahang-lingguwistiko-o- gramatikal https://www.slideshare.net/jhengcute/kasaysayan-ng-linggwistika-1 https://www.tagaloglang.com/akronim/