Mga Konseptong Pangwika PDF
Document Details
Uploaded by ModestDeStijl
AMA School of Medicine
Tags
Summary
This document discusses linguistic concepts in Tagalog. It explores communication, language, and its use in various situations. Includes various linguistic examples in Tagalog.
Full Transcript
Module No. 01 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Week 1-2 Lesson Title Mga Konseptong Pangwika Lesson Target Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang...
Module No. 01 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Week 1-2 Lesson Title Mga Konseptong Pangwika Lesson Target Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. Panimula Ano kaya ang maaaring mangyari sa loob ng tahanan kung hindi nakapag-uusap ang bawat miyembro ng pamilya? Ano ang kaya ang maaaring maganap sa paaralan kung di makapagpapahayag ng saloobin ang bawat isa? At paano kung ang bawat tao ay walang daluyan ng pagkakaunawaan? Ganito kahalaga ang magkaroon ng midyum ng komunikasyon. Nakasalalay sa wikang nauunawaan nang lahat ang tibay ng ugnayan at tagal ng samahan. Ito ay ilan lamang sa papel ng wika sa ating lipunan. Sa modyul na ito ay iisa-isahin ang mga konseptong pangwika na makatutulong upang higit na mapahalagahan ang kabuluhan ng wika sa buhay ng tao. Wika Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas. Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na mga titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981). Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa parang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason, 1988) Sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005) Nagsisilbing impukan-hanguan at dluyan ng kultura (Salazar, 1996). Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon) Pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan (Constantino, 1996). Katangian ng Wika May masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantika) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. Sinasalitang tunog dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Buhay. Buhay ang wika ay patuloy na nagbabago, nadaragdagan at nalilinang. Mga Katangian ng Sariling Wika Katagang nanganganak ng salita (word metamorphism)- may kapangyarihan ang ating wika na makabuo ng marami pang salita mula sa iisang salitang-ugat lamang. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalakip ng iba’t ibang panlapi at kumbinasyon ng mga salita. Halimbawa, ang salitang-ugat na buhay (hanapbuhay, nabuhay, pagkabuhay, buhay-Maynila, Sumakabilang buhay, walang buhay,atbp.) Kung ano’ng bigkas, siyang baybay (phonetic simplicity)- Walang piping tunog sa ating wika. Bawat titik na bumubuo sa salita ay may tiyak at ispesipikong tunog o bigkas. Kung paano binigkas, ganoon din ang pagsulat, at kung paano nasusulat, ganoon din bibigkasin. Tunog Kalikasan (onomatopoeia)- isa pa rin sa katangian n gating wika ay ang kakanyahang magaya ang likas na tunog na kaugnay ng mga bagay o kilos na nakapaloob sa salita, ayon sa pag-aaral na ginawa ni Bayani Mendoza de Leon. Halimbawa, “ubo”, “hatsing”, “untog”, “halakhak”, “pagaspas”, “dagundong”, at marami pang iba. Mahigpit na Kasaklawan at Pagkamaugnayin ( neoligistic cohesion) – neologism ang tawag sa pagdurugtong ng unlapi sa mga salitang-ugat, nagkakamit ng isang antas ng kahulugan at nagpapakita ng maugnayin at masistemang istruktura ng wikang Filipino. Halimbawa, ang unlaping ka- na tumutukoy sa uri ng pagkakaugnayan (kakambal, kamag-anak, kasama, kabiyak, kaanak,atbp) Kataga at salitang inuulit – at ang wikang Filipino ay may katangiang pag-uulit ng kataga o salita. Halimbawa, tingting, araw-araw, isa-isa, bitbit, sama-sama, atbp. Pambansang Wika Wikang sama-samang itinaguyod ng mga mamamayan sa isang bansa upang magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanan (Topi Omoniyi, 2010). Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan. Kinkilala at ginagamit ng higit ng nakararami sa pamayanan o ng isang bansa. Madalas ginagamit sa paaralan, opisina, pampublikong lugar at sa mga tanggapan ng pamahalaan. Halimbawa: Filpino = Pilipinas; Pranses = Pransya; Ingles = Amerika Isinasaad sa probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987: Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililnang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Wikang Panturo Opisyal na wikang gamit sa klase at talakayang guro-estudyante. Ginagamit sa mga sa mga aklat pangwika sa paaralan. Wikang mabisa sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura sa paaralan. Halimbawa: Ingles sa pagtuturo ng Agham at Teknolohiya o Filipino sa pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Pilipinas. Batay sa Revised Education program 1957: Ang mga katutubong wika (unang wika ng mga estudyante) ang gagamiting wikang panturo ng iba’t ibang asignatura sa Baitang 1 at 2. Ituturo ang Ingles bilang hiwalay na asignatura simula Baitang 3. Gagamiting pantulong na wikang panturo ang mga katutubong wika sa Baitang 3 at 4. Gagamiting pantulong na wikang panturo ang wikang pambansa sa Baitang 5 at 6. Wikang Opisyal Wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon, halimbawa ay sa mga sangay ng pamahalaan o sa isang kompanya o sa isang organisasyon. Mas tiyak ito kaysa pambansang wika na masaklaw. Ayon sa Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1935: Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy nanopisyal na mga wika. Batay sa Artikulo XV, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1973: Hangang walang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ay magpapatuloy na mga opisyal na wika. Alinsunod naman sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987: Ukol sa layunin ng mga komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Lalo pang pinagtibay ang katayuann ng Filipino sa naunang probisyon. Ayons a Artikulo XIV, Seksyon 6 ng nasabing konstitusyon: Alinsunod ng mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Bilingguwalismo Malawakang gamit ng dalawang wika sa pagpapahayag. Pagkontrol sa dalawang wika na para bang katutubong nagsasalita ng dalawang wikang ito (Bloomfield, 1993) Mahirap hulihin at talagang imposibleng masabi kung sino ang bilingguwal at sino ang hindi (Colin Baker, 2011). Uri ng bilingguwalismo sa bata (Suzanne Romaine, 1999): o One-person, one language – nalalantad ang bata sa wikang sinasalita ng kanyang mga magulang (kahit magkaiba) na ang isang wika ay siyang dominanteng wika ng pamayanang kinabibilangan. o One-language, one-environment- natutunan ng bata ang wikang sinasalita ng mga magulang gayundin ang wikang di-dominante sa pamayanang kinabibilangan. o Non-dominant language without community support – ang bata ay namumulat sa iisang wikang sinasalita ng mga magulang ngunit hindi ginagamit sa pamayanang kinabibilangan. o Double non-dominant language without community support – nasasanay ang bata sa magkaibang wikang sinasalita ng kanyang mga magulang gayundin sa wikang ginagamit sa pamayanang kinabibilangan na iba sa wikang gamit sa loob ng tahanan. o Non-dominan parents – lantad ang bata sa unang wika, sa loob o labas man ng tahanan, ngunit dahil sa isa mismo sa mga magulang ay nasasanay rin siya sa isa pang unang wika. o Mixed – bilingguwal ang mga magulang, may mga sector din sa lipunan na bilingguwal. Kapag kinakausap ng magulang ang bata, nagpapalit-palit sila ng wika. Paglabas ng bata sa pamayanan, katulad ang sitwasyon kaya nasasanay ang bata sa pagpapalit-palit ng wika. Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s.1987: Ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pmamagitan ng pagtuturo ng dalwang wikang ito at sa paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Ang mga wikang panrehiyon ay gagamiting pantulong na mga wika sa Baitang 1 at 2. Ang aspirasyon ng bansang Pilipino ay makapag-angkin ang mga mamamayan nito ng kasanayan sa Filipino upang makapagpanuparan ng kanilang mga gampanin at tungkulin bilang mga mamamayang Pilipino at sa Ingles upang makatugon sa mga pangangailangan ng vayan sa komunidad ng mga bansa. Multingguwalismo Kakayahang makagamit ng dalawa o higit pang wika (Muriel Seville-Troike, 2006). May multilingguwalismo sa bawat bansa a daigdig, anuman ang antas panlipunan o edad (Grosjean, 1982). Lalong marami ang batang bilinnguwal o multilingguwal kaysa monolingguwal (iisa ang wikang nagagamit) at marami sa kanila ang naturuan, gamit ng ikalawang wika o natuto nito sa kanilang pag-aaral, kaysa naturuan gamit ang purong unang wika lamang. Ayon kay Seville-Troike (2006), ilan sa mga dahilan na maaring magbunsod sa isang tao upang maging multilingguwal ay ang mga sumusunod: pagkakasakop sa isang vayan ng usang bansang may ibang wika; pangangailangang makausap ang mga taong may ibang wika upang mapag-usapan ang negosyo at iba pang interes ekonomiko; paninirahan sa ibang bansa na may ibang wika; pagnanais na magtamo ng edukasyon na makukuha lamang kung matututo ng ibang wika; pag-angat sa trabaho o pagtaas ng antas panlipunan na magagwa lamang kung matututunan ang hinihinging ikalawang wika;n at ang pagnanais na makakilala pa ng mga taong may ibang kultura at mapakinabangan ang kanilang teknolohiya o panitikan na magiging posible lang sa pag-aaral ng kanilang wika. Ayon kay Baker (2011), ang kakayahan, pag-unlad, kultura, gamit, balanse ng mga wika, gulang, konteksto at paraan ng pagkatuto ang mga dimensyon ng bilingguwalismo o multilingguwalismo. Register/Baryasyon ng Wika Sa sosyolinggwistika, ito ay salita para sa pagkakaiba iba ng porma ng wika. Nakabatay ang pagkakaroon ng barayti/baryasyon sa paniniwalang may pagka-heterogenous ang wika (Saussure, 1916). Kadalasan ding ginagamit ng mga linggwista ang barayti/baryasyon ng wika para sa pagkakategorya ng wikang mula sa iisang sanga. Nahahati sa ilang dimensyon ang baryabilidad ng wika: a. Heyograpikal – Pagbabago ng wika sa lugar (Ilokano sa La Union, Pangasinan, Ilocos, sa ilang bahagi ng Baguio). Dagdag pa rito ang dayalekto bilang barayti ng wika bunga ng lokasyon o heyograpiya, halimbawa ay Tagalog-Bulacan sa Tagalog-Maynila. b. Sosyal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng sitwasyon at taong kasangkot. (kaswal sa kapamilya, kaibigan o kakilala at pormal naman sa pagtitipon, pagpupulong o kasiyahan). May pagkakataon ang isang tao na gayahin at ibagay ang kanyang pananalita sa pagsasalita ng kanyang kausap upang higit niya itong makapalagayang loob, at upang lalo siyang maging kabilang sa grupo, tinatawag itong convergence (Howard Giles, Communication Accommodation Theory 1982). c. Okupasyunal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o hanapbuhay. (Literatura, Korte, Simbahan, Medisina). Pinayayaman ng propesyon ng isang tao ang wikang gamit niya dahil naipapasok niya rito ang teknikal na kaalaman ng kaniyang larang. Rehistro ng Wika Natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto. Maaari itong sitwasyunal, okupasyunal, at topikal. Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.) Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na daluyan lamang (one-way). Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.) Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa ganitong sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng komunikasyon. (sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at kliyente, atbp.) Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan. Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik na kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan, magkapatid, mag-ina o mag-ama, atbp.) Homogenous na Wika Magkakatulad o iisa lamang ang wika ng mga mamamayan. May kaisahan sa uri o anyo; nagkakaintindihan sa tuntunin nito at naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit ng wika at pakikitungo sa isa’t isa. o Sektor – mga manggagawa na malaya sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa. o Grupong pormal – Bible Study Group na nangangaral o Grupong impormal – barkada o Yunit – pangkat ng mga basketbolista; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan. Heterogenous na Wika Magkakaiba ang wikang sinasalita sa isang lugar. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng mga tao na may iba’t ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa. Nagiging iba-iba, samu’t sari, o marami ang wika dahil sa multikultural na katangian, identidad at pinagmulan. o Internasyonal – United Nations; UNICEF; at iba pa o Rehiyonal – European Union; ASEAN; at iba pa o Pambansa – mga bansa at estado na may iba’t ibang etnolinggistikong pangkat tulad ng sa Pilipinas; Indonesia; Japan; Thailand; at iba pa o Organisayonal – Microsoft; Google; Nestle; at iba pa. Lingguwistikong Komunidad Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa. Nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil napagsasama sama nito ang mga tao upang makabuo ng komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos at kolektibong ugnayans a ikauunlad ng bawat issa. Mga salik ng lingguwistikong komunidad (Saville-Troike, 2003) o May kasisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba (Chomsky, 1956; Lyons, 1970) o Nakapagbabahagi at malaya ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito (Hymes, 1972) o May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika (Labov, 1972) Unang wika Unang kinamulatan ng tao at siyang natural niyang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Maaaring wikang natutuhan sa magulang, unang wikang natutuhan mula kanino man, mas dominanteng wikang gamit ng tao sa kanyang buhay, unang wika ng isang bayan o bansa, wikang pinakamadalas gamitin ng isang sa pakikipagtalastasan, o ang wikang mas gustong gamitin ng isang tao (Skutnabb-Kangas at Philippson, 1989) Ang pagkatuto ng unang wika ay isang nabubuong ugali, pananaw behaviorist (B.F Skinner, 1957) Ang bata ay ipinanganak na may likas na kakayahang matuto ng unang wika, pananaw nativist (Littlewood, 1984). Ang pangunahing saysay ng pagkatuto ng unang wika ay upang gawing bahagi ang isang bata ng isang pamayanang nagkakaintindihan sa isang wika (Clark, 2009). Ang Mother-Tongue Based Multi-lingual Education (MTB-MLE) ng K to 12 Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon ay tumutukoy sa paggamit ng wikang ginagamit ng mag-aaral sa bahay sa mga unang taon ng edukasyon (pre-school hanggang ikatlong baitang) upang makatulong sa epektibo at mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangalawang wika at iba pa Anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang matutuhan ang unang wika (Saville-Troike, 2006). Isang opisyal na wika o wikang namamayani sa lipunan na gamit sa pag-aaral, trabaho at anupamang mahalagang pangangailangan. Maituturing ring ikalawang wika ang dayuhang wika, bagama’t hindi laganap na ginagamit sa lipunan ay pinag-aaralan dahil kakailanganin sa paglalakbay sa ibang bansa o vayan, o sa anupamang sitwsyon na hihingin ang pakikipag-usap sa isang taong may ibang lahi. Wikang Rehiyunal Nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. (Ilokano sa rehiyong Kailokanuhan-Isabela, Cagayan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Ilocos S/N) Lalawiganin Taguri sa wika ng probinsya. (Bulakeño, Pampangeño, Caviteño, Zamboangueño, Davaoueño) Wikang Pampanitikan Kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan. Pabalbal o Kolokyal Karaniwan at impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig. Teknikal na Wika Kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika, teknolohiya at wikang cybernetics. Patay na wika Isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek-ang pag-split ng isang wika-ang pagkawala o pagkamatay ng isang dayalek dahil hindi na ito ginagamit. Namamatay ang isang wika dahil meron itong kapalit na wikang mas pinapaboran ng mga myembro ng komunidad. Pidgin at creole Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nalilinang na bagong wika. Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidgin ang tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya na kahit mali mali, hanggang magkaintindihan ito. Creole naman ang tawag sa wikang nadedebelop sa isang pidgin at nagiging unang wika ng isang lugar. Dayalek Taguri sa wikang ginagamit ng mga etnolinggwistikong grupo. (Bisaya-Cebu, Tagalog-Bulacan, Ilokano-La Union, Kapampangan-Nueva Ecija, Bikolano-Naga, Pangasinense-Benguet) Tinutukoy nito ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura. Maaaring ituring na kasapi ng isang partikular na grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung sila ay kabilang o nararamdaman nilang kabilang sila sa isang kabuuan. Basehan nito ay pagkakaroon ng kapareho sa wika , pinaggalingan , pag-unlad na pangkasaysayan , mga tradisyon at paniniwala , at iba pang salik na nagbibigay-hugis sa kulturang taglay ng nasabing grupo. Idyolek Ang katangi-tanging pananalita ng isang tao, kaugnay sa kanyang pinagmulang dayalektong sinasalita. (puntô o pagbuo ng pangungusap) Tinatawag na Idyolek ang kabuuang katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal. Ang variant o mga linggwistik na katangian ng isang idyolek sa isang linguistic-community ay di kasing laganap sa mga variant na ginagamit ng geographic dialect o ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang mga ito ng indibidwal. (http://akosibebelz.weebly.com/mga-gamit-ng- wika.html UGNAYAN NG WIKA AT TAO Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Ayon sa Genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang wikang ginagamit ng tao,ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay dinebelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t ibang kaalaman. UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong depinisyon, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN Sa Pilipinas ay may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol. Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa lipunang ginagalawan. Slang words - haleer, yuck, praning, japorms, windang at iba pa. Hindi ito lubos na maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan. Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita na tinatawag na Gaylingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa kanilang grupo. Jargon -bawat propesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi basta mauunawaan ng hindi ganoon ang trabaho. Rehistro. Ito ay nakabatay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik. http://akosibebelz.weebly.com/mga-gamit-ng-wika.html ANG PAGKAKAIBA NG WIKA AT DAYALEKTO AY KADALASANG HINDI NALILINAW; NGUNIT ISIPIN NA LAMANG… ANG MGA TAONG GUMAGAMIT NG IBA IBANG DAYALEKTO AY NAGKAKAUNAWAAN SAMANTALANG DI NAGKAKAUNAWAAN ANG MGA TAONG MAY MAGKAKAIBANG WIKA.