Ang Pagsiklab ng Himagsikan ng 1896 PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa 1896 na himagsikan sa Pilipinas. Tinalakay ang mga pangyayari bago at pagkatapos ng Sigaw sa Pugad Lawin. May kasamang impormasyon tungkol kay Emilio Aguinaldo.
Full Transcript
# **Ang Pagsiklab ng Himagsikan ng 1896** ## **Ang Pagkaktuklas Ng Katipunan At Ang Sigaw Sa Pugad Lawin** Nang tuluyang dumami ang miyembro ng Katipunan ay lalong nag-alab ang damdamin ng samahang maging malaya sa pamahalaang Espanyol. Ang ganitong aksiyon at damdamin ng mga Pilipino ay hindi na...
# **Ang Pagsiklab ng Himagsikan ng 1896** ## **Ang Pagkaktuklas Ng Katipunan At Ang Sigaw Sa Pugad Lawin** Nang tuluyang dumami ang miyembro ng Katipunan ay lalong nag-alab ang damdamin ng samahang maging malaya sa pamahalaang Espanyol. Ang ganitong aksiyon at damdamin ng mga Pilipino ay hindi nalingid sa kanilang kaalaman. Natiyak ang kaalamang ito nang mangumpisal si Teodoro Patiño, isa sa mga Katipunero kay Padre Mariano Gil, mang sila ay magkaroon ng hidwaan ni Apolonio de la Cruz, na isa ring kapwa Katipunero. Naipagkanulo niya ang lihim na samahan na naging dahilan ng pagkilos ng pamahalaang Espanyol upang hulihin, dakpin, at pahirapan ang mga kasapi nito. Kaya't noong ika-23 ng Agosto 1896, ay wala ng nagawa pa si Andres Bonifacio kundi ang ipatawag ang mga pinuno ng samahan at napagkasunduang simulan ang paghihimagsik. Sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang sedula at sumigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas", bilang tanda ng kanilang pakikipaglaban. Ang pangyayaring ito ay tinawag na Sigaw sa Pugad Lawin. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng himagsikan. Lumaganap ang paghihimagsik sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nanguna sa himagsikang ito ang mga lalawigang unang isinailalim ng mga Espanyol sa batas militar - ang Batangas, Tarlac, Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, at Maynila, na sumisimbolo sa walong sinag ng araw sa pambansang watawat ng bansa. Nakalulungkot lamang na sa panahon ng pakikipaglaban sa mga Espanyol ay nahati sa dalawang pangkat ang Katipunan. Una ay ang paksiyon ng Magdalo na pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan at kakampi ni Emilio Aguinaldo at ang ikalawa ay ang paksiyon ng Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez na panig naman kay Andres Bonifacio. **Emilio Aguinaldo** Si Emilio Aguinaldo ang namuno sa mga Katipunero sa Cavite. Siya ay isang batambatang pinunong ipinanganak sa Kawit, Cavite at naging Kapitan Munisipal sa gulang na 26. Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno ay naging matagumpay ang lahat ng kanilang laban sa lugar. Natalo niya ang mga kawal na pinamunuan mismo ng Gobernador-Heneral noon ng bansa na si Ramon Blanco. Ang kanyang mga tagumpay ay nagpaningning sa kanyang pangalan at simula noon ay tinawag na siyang Heneral Miong mula sa pagiging Kapitan Miong. # **Ang Kumbensiyon Sa Tejeros** Ang alitan sa pagitan ng dalawang pangkat ng Katipunan ay nakaapekto sa layunin ng samahan. Sa halip na mga Espanyol ang kalabanin ay silá-silá ang nag-away-away. Nagdaan ang ilang buwan at sunod-sunod na natalo ang mga Katipunero sa maraming labanan. Upang maresolba ang suliraning ito ay nagdaos ng isang kapulungan sa Tejeros, Cavite ang pangkat ng Magdalo at Magdiwang noong Marso 22, 1897. Layunin din ng pagpupulong na ito ang pagtatatag ng isang bagong pamahalaan. Idinaos ang isang halalang pinagkasunduan ng lahat na kailangang igalang kung sino man ang maihahalal. Sa kumbensiyong ito nahalal si Aguinaldo bilang Pangulo at si Bonifacio bilang Direktor ng Interyor. Subalit ang pagkakapanalo ni Bonifacio ay tinutulan ni Daniel Tirona sapagkat si Bonifacio raw ay hindi isang abogado. Nagdamdam si Bonifacio at bilang Supremo ng Katipunan ay pinawalang-bisa niya ang resulta ng eleksiyon. Gayumpaman, nanumpa pa rin si Emilio Aguinaldo kasama ang kanyang gabinete bilang pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan noong Abril 1897. Dinakip at inakusahan agad ng pamahalaan si Bonifacio at ang kapatid nitong si Procopio ng pagtataksil sa bayan (treason). Upang litisin ang kaso ng magkapatid ay binuo ang konseho ng digmaan sa pangunguna ni Heneral Mariano Noriel. Tumagal ang paglilitis mula Abril 29 hanggang Mayo 4, 1897. Kahit walang sapat na ebidensiya ay pinatawan ng parusang kamatayan ang magkapatid. Noong Mayo 8, 1897 ang hatol na kamatayan ay binago ni Aguinaldo at ginawang pagpapatapon na lamang sa magkapatid na Andres at Procopio sa malayong lugar upang hindi silá makapaminsala sa pamahalaan. Subalit binawi ni Aguinaldo ang kanyang utos dahil sa paliwanag nina Heneral Mariano Noriel at Heneral Pio Del Pilar na patuloy na mahahati ang kilusan kung mananatiling buhay ang magkapatid na Bonifacio. Kaya, noong Mayo 10, 1897 ang magkapatid na Bonifacio at Procopio ay pinatay sa Bundok Nagpatong sa Maragondon, Cavite. # **Ang Kasunduan Sa Biak-na-Bato** Pagkatapos ng pagpatay kay Bonifacio ay humina na ang mga mapanghimagsik. Ang mga nasakop na lugar ni Aguinaldo ay isa-isang nasakop muli ng mga Espanyol. Noong Hunyo 1897, nasakop ni Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang Cavite. Dahil dito, ang hukbo ni Aguinaldo ay napilitang lumipat sa Talisay, Batangas. Mula rito, sila ay nagtungo sa Bulacan kung saan itinatag ni Aguinaldo ang Republika ng Biak-na-Bato. Noong Nobyembre 1, 1897, pinagtibay ang Saligang Batas ng Biak-na-Bato na binuo nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho. Ito ay hinango sa Saligang Batas ng Cuba. Isinasaad sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato ang paghiwalay ng Pilipinas sa Espanya at ang pagtatayo ng Republikang Pilipino. Kasama ring itinatadhana ng Saligang Batas ang kalayaan sa pananampalataya, kalayaan sa edukasyon, kalayaan sa panulat, at kalayaan sa pagtataguyod ng sariling propesyon. Gumawa ng maraming hakbang si Gobernador-Heneral Primo de Rivera upang mapasuko ang mga mapanghimagsik subalit ang mga ito ay hindi nagtagumpay. Nabuo sa isipan ni Gobernador-Heneral Primo de Rivera at ng iba pang opisyal ng pamahalaan na hindi na nila mapipigil ang rebolusyon kaya nagpasiya silang makipagkasundo. Nagpadala ng kinatawan si de Rivera sa panig ng mga mapanghimagsik subalit tumangging makipag-usap si Aguinaldo. Dahil dito, ang Espanyol-Pilipino na si Pedro Paterno ay nagboluntaryong mamagitan sa dalawang panig upang ang mga ito ay magkasundo. Dahil sa kanyang pagsisikap, tatlong kasunduan ang nilagdaan nina Gobernador-Heneral Primo de Rivera at ni Paterno na kumakatawan kay Aguinaldo. Maganda ang layunin ng kasunduan subalit ito ay nabigo. Ang kawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa't isa ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang kasunduan. Ang mga Pilipino ay naghinala sa tunay na layunin ng mga Espanyol kaya hindi silá nagsuko ng kanilang mga sandata. Wala silang balak ihinto ang himagsikan upang sa gayo'y matubos ang Pilipinas sa mapang-aliping pamamahala ng mga Espanyol. Nagpatuloy ang labanan at halos abot-tanaw na ng mga Pilipino ang tagumpay. # **Ang Partisipasyon Ng Kababaihan Sa Rebolusyong Pilipino** Napakalaki ng ginampanan ng kababaihan noong panahon ng himagsikan. Sa labis ding pagmamahal nila sa kalayaan, ang iba sa kanila ay napilitang makipaglaban sa kabila ng kanilang kasarian. Isa sa mga ito ay si Agueda Kahabagan ng Sta. Cruz, Laguna na nakilala bilang natatanging babaeng heneral ng himagsikan. Nakilala rin si Gregoria Montoya ng Cavite na nasawi habang nakikipaglaban. Nakilala naman si Teresa Magbanuang Iloilo sa Visayas dahil din sa kanyang tapang na mamuno at makisangkot sa mga labanan. **Melchora Aquino** Bukod sa pagsali sa mga labanan, marami rin sa kababaihang Pilipino ang tumulong sa panahon ng himagsikan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga rebolusyonaryo kapag sila ay nasusugatan o may karamdaman. Hindi matatawaran ang ginawang kabayanihan ni Melchora Aquino o Tandang Sora na sa kabila ng kanyang katandaan ay kanyang kinupkop at pinakain ang maraming mga Katipunero sa kanilang tahanan. Ito ang dahilan kung bakit siya ay ipinatapon ng mga Espanyol sa Guam. Nakilala rin sa mga babaeng tumulong sa pag-aaruga sa mga sugatang Katipunero sina Trinidad Tecson na tinaguriang Ina ng Biak-na-Bato. Eleuteria Florentino-Reyes ng llocos, at Bernarda Tagalog ng Cavite. **Gregoria de Jesus** Hindi rin mawawala sa talaan ng magigiting na babae ng himagsikan si Gregoria de Jesus na asawa ni Andres Bonifacio na tinaguriang "Lakambini ng Katipunan." Siya ay isa sa mga nakatuwang ng mga Katipunero sa pag-iingat ng mga papeles ng Katipunan. Ilan din sa mga naging gawain ng ibang kababaihan ay pagiging mamamahayag at makata ng samahan at tagatahi ng mga bandila ng himagsikan. # **Tungo Sa Pagtatatag Ng Kongreso Ng Malolos** Bilang pagtupad sa nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato, nilisan nina Aguinaldo, kasama ang 36 na iba pang Rebolusyonaryo ang Pilipinas noong Disyembre 27, 1897 at silá ay nagtungong Hong Kong. Pansamantalang natigil ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Espanyol. Noong Mayo 19, 1898, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula Hong Kong sakay ng bapor ng mga Amerikano na McCulloch ayon na rin sa utos ni Komodor George Dewey na siyang pinuno ng plota ng mga Amerikano sa Silangan. Nagpulong ang dalawa sa barkong Olympia sa baybayin ng Cavite kung saan ipinahayag ni George Dewey na ang tanging layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ay tulungan itong makalaya sa mga Espanyol. Napaniwala si Aguinaldo na maganda ang layunin ng mga Amerikano kaya agad niyang pinulong ang mga rebolusyonaryong Pilipino na matagal nang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Noong Mayo 24, 1898, itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal na ang layunin ay muling mapag-isa ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng isang pamahalaan. Noong Hunyo 23, 1898, sa payo ni Apolinario Mabini na siyang tagapayo ni Aguinaldo at siya ring "Utak ng Himagsikan," ang Pamahalaang Diktatoryal ay pinalitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Sa ilalim ng pamahalaang ito, pinangunahan ni Aguinaldo ang pamahalaan bilang pangulo sa halip na isang diktador. Sa pamamagitan din ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ay ipinatupad ang pagtatayo ng iba't ibang sangay ng pamahalaan tulad ng pamahalaang lokal at Kongreso. Kaya naman, noong Setyembre 15, 1898, pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso na higit na nakilala sa tawag na Kongreso ng Malolos na pinamunuan ni Pedro Paterno. Ngunit ayon sa dekretong lumikha rito, ang Kongreso ng Malolos ay walang kapangyarihang gumawa ng batas kundi ito ay magsisilbi lamang tagapayo ng pangulo. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 21, 1899 ay nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at itinatag ang Pamahalaang Republikano. Kaya naman, noong Enero 23, 1899, pinasinayaan ang pagtatatag ng unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Ito ay higit na kilalá sa pangalang Republika ng Malolos. Sa ilalim ng pamahalaang ito, ang kapangyarihang tagapagpaganap ay nasa kamay ng pangulo katulong ang kanyang gabinete na pinamunuan ni Apolinario Mabini. Si Emilio Aguinaldo ang nagsilbing pangulo ng Republika hanggang sa madakip siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901. # **Ang Deklarasyon Ng Kasarinlan Ng Mga Pilipino** Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ni Heneral Emilio Aguinaldo ay nangyari noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Sa araw na ito ay iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng pambansang awit ng Pilipinas na pinamagatang "Marcha Nacional Filipina." Ang musika ng pambansang awit ng Pilipinas ay kinatha ni Julian Felipe sa kahilingan na rin ni Aguinaldo. Ang unang pamagat nito ay "Marcha Filipina Magdalo" ngunit di nagtagal ay pinalitan ng "Marcha Nacional Filipina." Ang banda ng San Francisco de Malabon na kilalá rin sa tawag na "Banda Matanda" ang unang tumugtog nito. Sa loob ng isang taon ang pambansang awit ng Pilipinas ay walang lirika o titik kaya't hindi ito maawit ng mga mamamayan at mga kawal na Pilipino. Noong 1899, nakilala ang isang kawal na makata na nagngangalang Jose Palma na sumulat ng isang tulang Espanyol na may pamagat na "Filipinas." Dahil sa ganda ng mensahe ng bawat taludtod nito ay ginawa itong lirika ng pambansang awit ng Pilipinas. Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo sa Hong Kong nina Marcela Agoncillo kasama sina Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa de Natividad. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ay binása ni Ambrosio Rianzares-Bautista na siyang sumulat nito sa wikang Espanyol. Ang makasaysayang dokumento ay nilagdaan ng 98 katao sa pamumuno ni Aguinaldo. Nakapirma rin ang isang Koronel L.M. Johnson ng hukbong Amerikano. Napakahalaga ng pangyayaring ito sapagkat ipinakita nito sa buong daigdig na ang Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa. # **Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan Sa Digmaang Pilipino-Amerikano** Ang pagpasok ng Estados Unidos sa larang ng pananakop ay nahuli kompara sa Espanya. Marami nang kolonya ang Espanya at ang pagpasok sa eksena ng Estados Unidos ay humantong sa digmaan ng dalawang bansa kung saan nadamay ang Pilipinas. Bago nangyari ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay mayroon munang dalawang pangyayaring nagbigay-daan sa digmaang ito — ang Labanan sa Look ng Maynila at ang Mock Battle of Manila o kunwaring labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Espanyol. ## **Labanan Sa Look Ng Maynila** Nagsimula ang sigalot o hidwaan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos nang lumubog ang barkong Maine ng Estados Unidos habang ito ay nakahimpil sa Look ng Havana, Cuba noong Pebrero 15, 1898. Nagdulot ito ng malaking tensiyon sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol sapagkat ang Cuba noon ay kolonya ng Espanya. Ang Estados Unidos naman, partikular ang mga kapitalista nito ay may malaking pamumuhunan sa industriya ng Cuba lalo na sa industriya ng asukal. Dahil dito, ipinalagay ng Estados Unidos na karapatan nitong ipagtanggol ang mga Amerikanong namumuhunan sa Cuba sa mga Espanyol. Ikinagalit ng Espanya ang pakikialam ng Amerika sa mga suliranin nitong kolonyal kaya nagpahayag ito ng pakikidigma sa Estados Unidos na tinanggap naman ng huli. Ito ang naging hudyat ng Digmaang Espanyol-Amerikano. Agad na nagtungo sa Maynila si Komodor George Dewey na noon ay nasa Hong Kong nang matanggap niya ang mensahe mula kay John Long, Kalihim ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos na hanapin at wasakin ang mga plota ng mga Espanyol dito. Ang plota ni Dewey ay dumating sa Maynila noong Mayo 1, 1898. Nakita ni Dewey ang plota ng mga Espanyol na pinamumunuan ni Almirante (Admiral) Patricio Montojo at ito ay kaagad niyang sinalakay. Dahil hindi handa ang mga Espanyol sa labanan ay napilitan silang sumuko. Nanalo ang mga Amerikano na walang isa man sa kanila ang namatay samantalang marami ang namatay at nasugatan sa panig ng Espanyol. ## **Kunwa-Kunwariang Labanan Sa Maynila (Mock Battle Of Manila)** Habang naghihintay sina Dewey ng mga sundalong manggagaling sa Estados Unidos ay nilusob ng kampo ni Aguinaldo ang Intramuros. Pinatigil ni Aguinaldo ang pagpasok ng pagkain at tubig sa Maynila upang mapilitang sumuko ang mga Espanyol. Dahil nakataya ang karangalan ng Espanya, hindi sumuko ang mga Espanyol gayunma'y nagpatuloy pa rin sa pagkubkob si Aguinaldo sa paniniwalang susuko rin ang mga mananakop sa kanya. Ngunit walang kaalam-alam si Aguinaldo na may nabuo nang kasunduan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol na ang hulí ay susuko sa mga Amerikano ngunit palalabasin na nagkaroon ng labanan. Dumating sa Maynila ang mga sundalong galing Estados Unidos at isinagawa ang mock battle o kunwaring pagsalakay ng mga Amerikano sa mga Espanyol na ang tanging naka- layunin ay sila lamang ang makikita ng mga tao. Sa kasunduan ay sina General Wesley Merritt, Komodor George Dewey, at Gobernador-Heneral Fermin Jaudenes. Kasabay nito ay patuloy na sinasakop ni Aguinaldo ang Intramuros nang dumating ang mga sundalong Amerikano buhat sa Estados Unidos. Sang-ayon sa utos ni Heneral Wesley Merritt ay pinakiusapan nina Heneral Francis Greene at Heneral Fermin Jaudenes si Aguinaldo na alisin ang kanyang tropa sa baybayin upang magamit ito ng tropang Amerikano. Sinunod ni Aguinaldo ang pakiusap ni Greene, ngunit ang sunod-sunod na pagdating ng mga sundalong Amerikano ay nagdulot sa kanya ng alinlangan sa katapatan ng mga Amerikano. Nangyari ang kunwariang labanan noong ika-13 ng Agosto, 1898. Kinanyon ng mga Amerikano ang pinagkukublihan ng mga Espanyol. Nagkaroon ng sandaling putukan ang magkabilang panig. Lumipas ang ilang sandali, iwinagayway ng mga Espanyol ang puting bandila na simbolo ng kanilang pagsuko. Nagwakas ang kunwariang labanan o Mock Battle of Manila na siya namang simula ng pagbagsak ng Maynila sa kamay ng mga Amerikano. # **Ang Digmaang Pilipino-Amerikano** Matapos ang tatlong daan at tatlumpu't tatlong taong (333) pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino, ang ating bansa ay muling napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang imperyalistang bansa ang Estados Unidos. Hindi agad ipinahayag ng mga Amerikano ang kanilang pakay na pananakop at sa halip ay kanilang ipinaunawa na tayo'y kanilang tutulungan upang maging isang malayang bansa. Noong Disyembre 21, 1898, bago pa man pinagtibay ng Kongreso ng Amerika ang batas ng pananakop sa Pilipinas ay ipinahayag ni Pangulong William McKinley ang patakarang Makataong Asimilasyon o Benevolent Assimilation. Ayon sa patakarang ito, ang mga Amerikano ay magsisilbing kaibigang mangangalaga sa kaligtasan, kapayapaan, at kaunlaran ng mga mamamayang Pilipino. Ngunit nabunyag ang tunay na layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas nang lumitaw ang Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898 sa pagitan ng mga kinatawan ng Estados Unidos at Espanya. Dahil ang Pilipinas ay dapat na pangunahing sangkot sa pagpupulong na ito, pinapunta si Felipe Agoncillo sa Paris upang lumahok sa talakayan. Layunin ng misyon ni Agoncillo na ipahayag ang naisin ng mga Pilipinong kilalanin ang Pilipinas bilang isang bansang malaya. Subalit hindi binigyang-pagkakataon si Agoncillo na mapakinggan o makasali sa pag-uusap. Pagkatapos ng mahabang pagtatalo, walang nagawa ang mga Espanyol kundi ang pumayag sa kahilingan ng Estados Unidos. Sang-ayon sa kasunduan, isinuko ng Espanya sa Estados Unidos ang mga kapuluan ng Pilipinas, Cuba, at Puerto Rico. Bilang kapalit, ang Estados Unidos ay magbabayad sa Espanya ng halagang 20 milyong dolyar bilang kabayaran sa mga pagbabagong ginawa ng Espanya sa Pilipinas at ang karapatang makipagkalakalan sa Pilipinas sa loob ng sampung taon. # **Unang Putok Sa Panulukan Ng Santa Mesa** Nagalit ang mga Pilipino nang malaman nila ang naging bunga ng Kasunduan sa Paris. Sa pangyayaring ito, nakita ng mga Pilipino ang tunay na hangarin ng mga Amerikano sa ating bansa. Sa tingin ng mga Pilipino, nadaya silá ng mga Amerikano. Ito ang naging simula ng di magandang pagtitinginan ng mga Pilipino at Amerikano. Noong ika-4 ng Pebrero 1899, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Dalawang Pilipino ang pinaputukan ng Amerikanong sundalong si William Walter Grayson kasama ang ilan pang sundalo habang sila ay nagpapatrolya sa isang baryo sa Sampaloc. Hindi tumigil ang mga Pilipino nang sinigawan silang huminto ng mga Amerikano. Makalipas ang ilang sandali, naglabasan na ang mga Pilipino at sila ay nagpaputok na rin. Dito nagsimula ang digmaan sa pagitan ng dalawang panig. Simula noon, maraming labanan pa ang nangyari. Sa kasalukuyan, sakop ang naturang lugar ng Calle Sociego, Santa Mesa, Manila at hindi sa Tulay ng San Juan. # **Labanan Sa Pasong Tirad** Dahil sa lakas ng puwersa ng mga Amerikano, nagpalipat-lipat ng punong-himpilan si Aguinaldo. Mula Malolos ay lumipat siya sa Nueva Ecija, Tarlac, Nueva Vizcaya, Pangasinan, at Isabela. Nakilala si Gregorio Del Pilar, ang tinaguriang Bayani ng Tirad Pass at pinakabatang heneral ng rebolusyon. Hinarangan ni Del Pilar ang Pasong Tirad upang hadlangan ang pananalakay ng mga Amerikano. Noong ika-2 ng Disyembre 1899, ay nangyari ang labanan sa Pasong Tirad. Ang grupo ng mga Amerikano sa pamumuno ni Major Peyton March ay nakakita ng isang lihim na daan patungo sa tuktok ng páso sa tulong ng isang Kristiyanong Igorot na nagngangalang Januario Galut. Dahil dito, madaling nagapi ang mga sundalong Pilipino at dito rin nasawi si Gregorio Del Pilar. Noong Setyembre 6, 1900, dumating si Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Di nagtagal ay nahuli ng mga Amerikano si Aguinaldo sa pamumuno ni Koronel Frederick Funston. Noong Abril 19, 1901 ay dinala ng mga Amerikano si Aguinaldo sa Maynila at dito ay sumumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at hinimok niya ang mga Pilipino na tanggapin na ang kapangyarihan ng mga Amerikano. Ngunit ang pagsuko ni Aguinaldo ay hindi nangangahulugan ng pagwawakas ng himagsikan. Patuloy na nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano. # **Labanan Sa Balangiga** Isa sa pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipino ay ang Labanan sa Balangiga na nangyari noong Setyembre 28, 1901 sa pamumuno ni Heneral Valeriano Abanador sa isla ng Samar. Humigit-kumulang sa apatnapung sundalong Amerikano ang pagtutulungan ng buong bayan ng Balangiga. Dahil sa dami ng mga Amerikanong namatay sa insidenteng ito, tinagurian ito na Balangiga Massacre na nabalita maging sa mga pahayagan sa Estados Unidos. Bilang paghihiganti, ang mga Amerikano ay nagsagawa ng kontra-opensiba sa pangunguna ni Koronel Jacob Smith. Lahat ng batang lalaki mula sampung taong gulang pataas ay pinag-utos na patayin dahil sa kakayahan nilang humawak ng armas. Sa loob ng anim na buwan ang Balangiga ay nagmistulang isang ilang o disyerto dahil sinunog ng mga Amerikano ang buong bayang ito. Tumagal nang mahigit apat na taon ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Ilan pa sa mga nakilalang Pilipinong nagpakita ng katapangan sa pakikipaglaban sa mga Amerikano ay sina Heneral Antonio Luna, Major Jose Torres Bugallon, at Heneral Licerio Geronimo. Noong Disyembre 19, 1899 ay napatay ng tropa ni Heneral Geronimo si Heneral Henry Ware Lawton sa isang labanan sa San Mateo. Nagwakas ang digmaan nang sumuko na si Heneral Miguel Malvar sa mga Amerikano noong Abril 16, 1902. Ngunit nagpatuloy pa rin ang pakikipaglaban ng ilan pang mga Pilipinong nagpunta sa mga kabundukan at gumamit ng guerrilla warfare upang labanan ang mga Amerikano. # **Kasunduang Bates** Upang higit na mapadali ang gagawing pananakop ng mga Amerikano sa kapuluan ng Pilipinas ay isang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Sultan ng Jolo at ng kinatawan ng mga Amerikano na si Heneral John Bates. Ito ay isinagawa ng mga Amerikano upang hindi na maging suliranin o batakid ang mga Muslim sa kanilang planong pananakop sa Pilipinas. Nakasaad sa kasunduan na igagalang ng mga Amerikano ang pangongolekta ng buwis ng Sultan ng Jolo sa mga lupaing nasa labas ng kapangyarihan ng mga Amerikano. Kapalit nito, kikilalanin naman sa buong kapuluan ng Jolo ang kapangyarihan ng mga Amerikano. Ang kasunduang ito ay nilagdaan noong ika-20 ng Agosto, 1899 kung saan ito ay tinawag na Kasunduang Bates. # **Impluwensiya Ng Mga Amerikano Sa Kulturang Pilipino** Tulad ng mga Espanyol, malaki rin ang naging impluwensiya ng pamahalaang Amerikano sa pamumuhay at kultura ng mga Pilipino. Sa loob ng 48 taong pananakop ng mga Amerikano ay nabuo ang isang mala-Amerikanong tipunang may bahid ng mga institusyon, kaugalian, at pagpapahalaga ng mananakop. ## **Sistema Ng Edukasyon** Noong panahon ng mga Espanyol, binigyang-diin sa sistema ng edukasyon ang Kristiyanismo. Ngunit sa panahon ng Amerikano, binigyang-diin naman ang pangkalahatang edukasyon at ang demokrasya na sinasabing pinakamahalagang pamana ng mga Amerikano sa bansa. Ang edukasyon ay naging bukas para sa lahat. Nabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga Pilipino, mayaman man o mahirap. Naitatag ang mga pampublikong paaralan na nagbigay ng libreng edukasyon para sa lahat ng mga Pilipino. Ang tatlong pangunahing layunin ng pagpapalaganap ng edukasyon ay (1) pagpapalaganap ng demokrasya; (2) pagtuturo ng wikang Ingles; at (3) pagpapaabot sa mga tao ng kultura ng mga Amerikano. Ang mga sundalong Amerikano ang nagsilbing unang mga guro ng mga Pilipino. Nakapagtayo ng pantay na bilang ng paaralan sa iba't ibang bayan ang mga Amerikano. Sapilitan ang ginawang pagpapatala ng mga batang may sapat na gulang sa paaralan at upang mahikayat ang mga magulang na pag-aralin ang mga anak ay nagbigay ng libreng gamit sa paaralan para sa sinumang magpapatala. Higit ding nabigyang-pansin ang mga mag-aaral na Pilipinong di Kristiyano sa Mindanao at sa iba pang malalayong pook. Nagpatayo ang mga Amerikano ng mga paaralang elementarya at sekundarya na nagturo ng mga asignaturang tulad ng pagbasa, pagsulat, aritmetika, agham panlipunan, musika, pagguhit, sining, industriya, karunungang pangkarakter, at edukasyong pangkalusugan at pisikal. Ang kurso sa elementarya ay nagtatapos sa loob ng pitong taon at apat na taon naman sa sekundarya. Nabuksan din ang mga paaralang normal, bokasyonal, pansakahan, at pangangalakal. Maraming kolehiyo at pamantasan ang nabuksan sa panahong ito gaya ng Philippine Normal School (1901), Silliman University (1901), Centro Escolar University (1907), Unibersidad ng Pilipinas (1908), Unibersidad ng Maynila (1913), Philippine Women's University (1919), at Far Eastern University (1928). Ipinagpatuloy rin ang mga pribadong paaralang sinimulan sa panahon ng mga Espanyol. Ang matatalinong mag-aaral na Pilipino ay ipinadala sa Estados Unidos upang makapag-aaral nang libre. Pensiyonado o iskolar ang tawag sa kanila na karaniwan ay naging lider sa iba't ibang larangan ng pamumuhay sa bansa. # **Panitikan** Bunga na rin ng patakaran sa paggamit ng wikang Ingles, yumabong ang panitikang Pilipinong nasusulat sa wikang ito. Maraming Pilipinong manunulat ang naging tanyag sa larangan ng tula, sanaysay, maikling kuwento, dula, at nobela tulad nina Carlos P. Romulo, Juan F. Salazar, Maximo M. Kalaw, Nick Joaquin, Jose Garcia Villa, Nestor Vicente Madali (N.V.M.) Gonzales, Vicente M. Hilario, Aurelio Tolentino, Severino Reyes, Zoilo Galang, at Fernando Maramag. Marami ring pahayagan sa wikang Ingles ang nalathala tulad ng Manila Times na lumabas noong 1898, Manila Daily Bulletin, at Cable News noong 1900. Maging ang mga lingguhang pahayagan sa wikang Ingles tulad ng Independent ni Vicente Sotto ay nagsimula ring maimprenta noong 1915. Gayundin ang pang-araw-araw na pahayagan sa ingles tulad ng Philippines Herald (1920) ni Manuel L. Quezon at The Tribune (1925) ni Alejandro Roces Sr. # **Kalusugan At Kalinisan** Binigyang-pansin ng mga Amerikano ang kalusugan at kalinisan (sanitation) ng mga Pilipino. Itinatag ng mga Amerikano ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of Health for the Philippine Islands noong 1901. Natuto rin ang mga Pilipino ng wastong pagpapanatili ng kalinisan sa sarili at pagkain. Itinayo sa mga bayan ang mga sentrong pangkalusugan tulad ng klinika at ospital. Pinakatanyag sa mga ito ang Philippine General Hospital na itinayo noong 1910. Sa pamamagitan din ng mga makabagong medisina at paraan ng panggagamot, nasugpo ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit tulad ng ketong, tuberkulosis, kolera, at bulutong. # **Pag-Unlad Ng Transportasyon At Komunikasyon** Ang transportasyon at komunikasyon ay mahahalagang salik sa pag-unlad ng isang lugar kaya naman ito ang mga bagay na pinagtuonan ng pansin ng mga Amerikano sa bansa. Inuna nilang ipagawa ang mga lansangan at tulay sa bansa. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa bansa tulad ng bisikleta, trak, at motorsiklo na nagpabilis ng paglalakbay. Ang unang kotse ay dinala sa bansa noong 1903. Noong 1912, ang batas hinggil sa pagpapatala ng mga sasakyang de-motor ay pinasimulan at sa taon ding iyon ay may higit na isang libo ang nagpatala ng kanilang mga sasakyan. Ang dating hinihilang kabayong trambiya ay napalitan ng trambiyang pinatatakbo ng elektrisidad na pinasimulan ng MERALCO noong 1903. Noong 1906 naglagay ng mga riles ng tren sa Cebu at Panay ang Philippine Railway Company. Noong 1917, binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway na pag-aari ng isang kompanyang Britanya. Ito ay tinawag na Manila Railroad Company, na ang biyahe ay mula sa San Fernando, La Union hanggang Legazpi, Albay. Umunlad din ang paglalakbay-pantubig dahil sa pagkakaroon ng mga daungan, parola, at breakwater. Sa katunayan, isa sa mga unang batas ng Komisyon ng Pilipinas ay ang pagbubukas ng 196 na daungan sa bansa. Sa Maynila, maraming modernong daugnan o pierang nabuksan at isa na rito ang Pier 7 na sinasabing isa sa pinakamalaking daungan sa Silangan. Dumami rin ang mga sasakyang tulad ng bapor, bangkang de-motor, at