Panahon ng Pagbabagong Isip PDF
Document Details
Tags
Related
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Pilipinong Identidad PDF
- Mga Bayani ng Pilipinas at Ang Kanilang Nagawa PDF
- Modyul 1: Kabuluhan at Halaga ng Kasaysayan PDF
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa - Aralin 5
- Ang Pagsiklab ng Himagsikan ng 1896 PDF
- Panahon ng Himagsikan (Laban sa mga Kastila) 1896-1900 REVIEWER
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng impormasyon hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas. Sa partikular, nakatuon ito sa Panahon ng Pagbabagong Isip, na naglalarawan ng mga pangyayari at mahahalagang personalidad noong panahong iyon.
Full Transcript
PANAHON NG PAGBABAGONG ISIP Kaligirang Kasaysayan Nagising pagkatapos nang higit sa 300 taon ang damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos, at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala...
PANAHON NG PAGBABAGONG ISIP Kaligirang Kasaysayan Nagising pagkatapos nang higit sa 300 taon ang damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos, at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala noong Febrero 17, 1872. Dumagdag pa rito ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider tulad ni Gob. Carlos Maria de la Torre. ANG KILUSANG PROPAGANDA Ang Kilusang Propaganda Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal sa gitnang uri tulad nina Jose Rizal, Marcelo Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno atbp Mga Layunin: Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas Mapanumbalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko Ibigay ang Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan MGA TALUKTOK NG PROPAGANDA Jose Rizal Marcelo Del Pilar Graciano Lopez Jaena Jose Rizal Ginamit ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang Mga Akda: 1. Noli Me Tangere – una at walang kamatayang nobelang nagpasigla sa kilusan at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya; tumatalakay sa sakit ng Lipunan (nobelang panlipunan) 2. El Filibusterismo – karugtong ng Noli; tumatalakay sa kabulukan ng pamahalaan at simbahan (nobelang pampulitika) Jose Rizal Mi Ultimo Adios – Ang Huli Kong Paalam; sinulat noong siya ay nakakulong sa Fort Santiago. Orihinal na walang pamagat; inilagay lamang nang yumao na si Rizal Sobre La Indolencia de los Filipinos – Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino; sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad Filipinas Dentro De Cien Años – Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon; sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay mababawasan, at ang Estados Unidos ay mararamdaman Marcelo H. Del Pilar Kilala sa mga sagisag-panulat na Plaridel, Pupdoh, Piping, Dilar, at Dolores Manapat Itinatag ang pahayagang “Diariong Tagalog” noong 1882 na pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila Mga Akda: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – salin sa tulang Kastilang Amor Patrio ni Rizal na napalathala noong Agosto 29, 1882 sa Diariong Tagalog Dasalan at Tocsohan – akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle; dahil dito’y tinawag siyang “Pilibustero” Marcelo H. Del Pilar Kaiingat Kayo – pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Jose Rodriguez sa “Noli” ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888 Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – tulang nagsasaad ng paghingi ng pagbabago ngunit ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas; ito ay tugon sa tula ni Herminigildo Flores na “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya” Graciano Lopez Jaena Mga Akda: Ang Fray Botod Mga Kahirapan ng Pilipinas – tungkol sa maling pamamalakad at edukasyon sa bansa, 1887 El Bandolerismo En Pilipinas – ipinagtanggol niya rito na walang tulisan sa Pilipinas at dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailangang baguhin upang hindi mahirapan ang Pilipinas PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK Kaligirang Kasaysayan Hindi naipagkaloob ang hinihingi ng mga Propagandista Ilan sa mga mamamayang Pilipinong kabilang sa pangkat ng La Liga Filipina* ay nagsabing “wala nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik” Isang samahang sibiko na pinaghihinalaang mapanghimagsik at naging dahilan ng pagkakatapon ni Jose Rizal sa Dapitan Ang naging laman ng panitikan ay pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan MGA TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK Andres Bonifacio Ama ng Demokrasyang Pilipino Ama ng Katipunan Namuno sa pagtatatag ng Kataas- taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan Naba ang Noli at El Fili; umanib sa La Liga Filipina Kilala sa pagiging mandirigma kaysa manunulat Mga Akda: Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos Huling Paalam – salin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – isang tulang katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. Del Pilar El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) – pinaka-obra maestra na ang pinakahangarin ay ang pagpapalaganap ng nasyonalismo Emilio Jacinto Sagisag ng kabataang mapanghimagsik Utak ng Katipunan (kanang kamay ni Bonifacio) Itinatag ang Kalayaan, pahayagan ng Katipunan na lumitaw noong Enero 18, 1896 na nakaakit ng libu-libong kaanib Nasunod ang kanyang Kartilya bilang kautusan ng mga kaanib sa Samahan Mga Akda Kartilya ng Katipunan Liwanag at Dilim A Mi Madre (Sa Aking Ina) A La Patria – ipinalalagay na kanyang obra maestra Mga Pahayagan: Heraldo de la Revolucion – naglathala ng mga sikreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na gumising sa damdaming Makabayan La Independencia – Antonio Luna, naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas La Republica Filipina – Padre Paterno, 1898 La Libertad – Clemente Zulueta Pag-uulat Ang Ningning at Liwanag – Emilio Jacinto I. Buod II. Mga Tauhan at Katangian III. Tagpuan IV. Tema o Paksang Diwa V. Estilo ng Pagkakasulat VI. Teoryang Mababakas sa Akda VII. Personal na Repleksyon o Pagsusuri