BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN TSAPTER 1 PDF

Document Details

GodlikeSerpentine5877

Uploaded by GodlikeSerpentine5877

T'boli National High School

Alejandro Abadilla-Katauhang Lagalag

Tags

Filipino literature literary analysis Filipino studies literature

Summary

This document provides a foundational understanding of literary criticism in Filipino. It explores different aspects of literary analysis, including the various critical approaches, characteristics of a critic, elements of literary works, and the role of literature in society. The document covers theoretical approaches to Philippine literary texts for undergraduate studies.

Full Transcript

BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN TSAPTER 1 Ang layo ng kalayuan Ay ang kalayuan ng layo mo Sa sarili... - ALEJANDRO ABADILLA- KATAUHANG LAGALAG PANUNURING PAMPANITIKAN isang malalim na pag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag at paghimay ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng...

BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN TSAPTER 1 Ang layo ng kalayuan Ay ang kalayuan ng layo mo Sa sarili... - ALEJANDRO ABADILLA- KATAUHANG LAGALAG PANUNURING PAMPANITIKAN isang malalim na pag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag at paghimay ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’ ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pagunawa sa mga malikhaing manunulat at mga katha. Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat. Isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Isang pag-aral, pagtalakay, pagsusuri pagpapaliwanag ng panitikan ANO ANG PAGKAKAIBA NG PANUNURI SA KRITISISMO? Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) Naghahanap ng mali – Kritisismo Naghahanap ng estruktura – Panunuri Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) Naghahanap ng kung ano ang pwede – Panunuri Naghahanap ng kulang – Kritisismo Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) Nagtatanong upang maliwanagan – Panunuri Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan – Kritisismo Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig – Kritisismo Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig – Panunuri Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) Positibo – Panunuri Negatibo – Kritisismo Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda – Kritisismo Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina – Panunuri Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Kritiko Ang kritiko ay matapat sa sarili itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp. Ang kritiko ay matapat na batas. kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may akda ng iyong sinusuri at paksa na iyong ilalahad sa paghihimay Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan Ano ang Panitikan? “Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. “ Arogante (1983) “Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.” - Salazar (1995:2 “Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw. “ - Webster Repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), at ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ang panitikan ay nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ngpag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Brainly.ph - https://brainly.ph/question/122170 Uri 1. KATHANG-ISIP -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela atbp. 2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan. Anyo 1. tuluyan o prosa ( prose) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga pantig upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod. 2. patula o panulaan ( poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. Mga Halimbawa ng mga Akdang Tuluyan Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Anekdota– isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Pabula– isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral Parabula-- ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Maikling kuwento– ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan Dula– isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. sanaysay– isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda hinggil sa isang paksa. Talambuhay– isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. Talumpati– isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Kuwentong-bayan– ay mga salaysay hinggil sa mga likhang isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito Balita-mga iba’t ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o bansa Mga Halimbawa ng akdang patula Mga tulang pasalaysay- pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. Awit at Korido Epiko Balad Sawikain Salawikain Bugtong Kantahin Tanaga Kahalagahan ng Panitikan Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan. Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao. Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema. Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan 1.Ang pagsusuri ng akda ay dapat may katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin. 2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangan mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. 3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad. 4. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay di dapat panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad ng damdamin at lawak ng pangitain nito. 5. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng makata. 6. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan. 7. Ang pasusuri ng akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsukat. Teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag- aaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito IBA’T IBANG URI NG TEORYANG PAMPANITIKAN 1. Klasismo– Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE BOX, POSPORO. 2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya. Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura. Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao. 3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya 4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi. 5. Feminismo– ang Feminismo ay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda. 6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam… 7. Formalism – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda.. 8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri. 9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran 10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda! 11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan. 12.Marksismo- inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nang-aaping lakas. 13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag- unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya 14.Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. 15. kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser