PANITIKAN-MIDTERM-KABANATA-1-7 PDF

Document Details

SmarterDulcimer

Uploaded by SmarterDulcimer

University of Science and Technology of Southern Philippines

Tags

Tagalog literature Panitikan Literature Filipino studies

Summary

This document is a Tagalog literature study guide, covering chapters 1-7. It discusses the definition and elements of literature, as well as various literary genres and approaches to literary analysis.

Full Transcript

KABANATA 1: Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan PANITIKAN - Ito ay repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao. - Ang PANITIKAN - “PANG-TITIK-AN” - Ang “TITIK” - LITERATURA. - Ang LITERATURA (LITTERA - Latin) na ibig...

KABANATA 1: Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan PANITIKAN - Ito ay repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao. - Ang PANITIKAN - “PANG-TITIK-AN” - Ang “TITIK” - LITERATURA. - Ang LITERATURA (LITTERA - Latin) na ibig sabihin ay TITIK. PANITIKAN – DAAN TUNGO SA INTELEKTWALISASYON - Isang mabisang ekspresyon ng isang Lipunan ang panitikan Isa ito sa pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat Lipunan. Samkatwid, hindi salamin o repleksyon ang panitikan kundi isang institusyon at kasangkapan na nakatuon sa pagkakamit ng pag-unlad ng pag-iisip at kakayahan ng mga mamamayan sa loob ng isang Lipunan. PAANO NAKAKAMIT NG ISANG TAO ANG MAYAMANG KAALAMAN SA IBA’T IBANG LARANGAN NG KARUNUGAN AT IMPORMASYON? - Ang mayamang kaalaman ay nakakamit sa tulong ng malawak na paglalakbay ng isipan sa mga larangan ng kaalaman at impormasyon. KATUTURAN NG PANITIKAN - Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster, ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng mga tao ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t ibang paksa: o ang anumang bungang-isip na naisatitik. - Sa pagpapakahulugan naman ni Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan sa Lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Lumikha. LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN 1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng panitikan mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. 2. Mapalalim ang pang-unawa tungkol sa mga paraan ng pagbibigay-buhay sa mga saloobin, pagnanasa at paniniwalang Pilipino sa pamamagitan ng panitikan bilang produkto ng lipunan at kasaysayan. 3. Makatulong sa paglikha ng kritikal na pananaw sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga layunin ng panitikan – maging salamin ng buhay, sumang-ayon o bumalikwas sa namamayaning kalagayan, at 4. Makabuo ng kamalayan na tumutingin sa panitikan bilang mayamang bukal ng mga saloobin at paniniwala tungkol sa makatuwirang ugnayan ng tao sa sarili, tao sa kapwa, tao sa kanyang pamayanan at tao sa kanyang lumikha. DALAWANG ANYO NG AKDANG PAMPANITIKAN - Patula masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na maaaring may sukat at tugma. May tatlong kayarian ang tula, ang pinagkaugalian na may sukat at tugma, ang blangko berso may sukat ngunit walang tugma at ang malayang taludturan na walang sukat at tugma. Nahahati sa apat ang mga uri ng tula. - Uri ng Tula Liriko o tula ng damdamin – nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni- guni o damdamin ng may-akda. Karaniwan sa uri nito ang oda, dalit, soneto, elehiya at awit. Pasalaysay – mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang pinapaksa rito ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma tulad ng epiko, awit at korido. Tulang pandulaan – mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag at sarsuwela. Tulang patnigan – tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo at balagtasan. - Tuluyan maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Nabibilang dito ang anekdota, maikling kuwento, alamat, mito, nobela, talambuhay, pangulong tudling, sanaysay, balita, talumpati, dula atbp. MGA ELEMENTONG LUMILIKHA NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN - Ang mga akdang pampanitikan ay nalilikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang elementong gumaganap ng mahalagang tungkulin upang ang mga obra-maestra sa larangang ito ng sining ay magkaroon ng buhay. - Katulad ng iba pang sining, ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pag-unlad sa pamamagitan ng iba’t ibang dahilan. Anu-ano nga ba ang mga elementong masasabi nating nakatutulong upang lumikha ng mga akdang maipagmamalaki natin bilang mga Pilipino? 1. KAPALIGIRAN 2. KARANSAN 3. SALIK NA PANLIPUNAN AT PAMPULITIKA 4. SALIK NA PANRELIHIYON 5. EDUKASYON 1 MGA IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA IBANG BANSA 1. BANAL NA KASULATAN (Bibliya) mula ito sa Palestina at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang Lumang Tipan at Ang Bagong Tipan. 2. KORAN (Bibliya ng mga Mohamedan) mula sa Arabia at nagtataglay ng mga kaisipan at kautusang siyang sinusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohamedan. 3. ILIAD AT ODYSSEY ni Homer. Mula ito sa Gresya at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. Ang ILIAD ay tungkol sa istorya ng pagsakop sa Lungsod ng Troy, habang ang ODYSSEY ay hinggil sa pagbabalik ni Odysseus mula sa Trojan War. 4. MAHABHARATA na mula sa India. Ito ay itinuturing na pinakamahabang tula sa daigdig (220,000 taludtod o linya). Tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran ngmga pinunong Indo-Aryan. 5. DIVINE COMEDY ni Dante Aleghiere at mula sa Italya. Tinalakay naman dito ang isang paglalakbay sa langit, sa impiyerno at purgatoryo at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa lupa. 6. EL CID CAMPEADOR mula sa Espanya. Nagpakilala ito ng katangiang panlahing mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon. 7. THE SONGS OF ROLAND ng Pransia. Kinapapalooban ito ng mga kwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Doce Pares ng Pransia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng kakristiyanuhan sa Pransia. 8. FIVE CLASSICS at FOUR BOOKS. Mula ito sa Tsina na kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging batayan ang mga aklat na ito ng pananampalaya, kalinangan at kasaysayan ng mga Intsik na nakaapekto sa atin. 9. BOOK OF THE DEAD ng Ehipto na kinapapalooban ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto. 10. A THOUSAND AND ONE NIGHTS ng Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga-Silangan. 11. CANTERBURY TALES ni Chaucer ng Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. 12. UNCLE TOM’S CABIN ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika. Binigyan-diin dito ang karumal-dumal na kalagayan ng mga itim sa kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng simulain ng demokrasya sa daigdig. Ito rin ang nagging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang maisulat at mabuo ang kanyang dalawang obra-maestra, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. ANG MGA KASANGKAPANG PAMPANITIKAN NA NAGBIBIGAY-ANYO SA AKDA - Saan galing salitang Estetika? Salitang Griyego “aesthesis” na nangangahulugang pakiramdam. - Ano ang Dalawang uri ng Senses External Senses Internal Senses - Ano ang layon ng Estetika? 1. Persepsyon ng mga sentidong panlabas; at 2. Konsepto na bunga ng mga sentidong panloob. BASE SA LAYUNIN NG ESTETIKA, ATING IPALIWANAG ANG SUMUSUNOD 1. Nilalaman - ay tumutukoy sa (1) tauhan, (2) tagpuan, (3) suliranin, (4) aksyon, at (5) tema. 2. Denotasyon - ay ang karaniwan at likas o “literal” na kahulugan ng salita o pangungusap: ito ang kahulugang madaling mahanap sa diksyunaryo. Literal 3. Konotasyon - ang tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita. Ang mga implikasyong ito ay maaaring dulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng salita, tulad halimbawa ng salitang “basura”. Matalinghaga 4. Diksyon - ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang pinakamabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid. Samakatuwid, kapag ang isang salita ay may maraming singkahulugan, ano ang dahilan kaya kung bakit isa sa mga ito ang piniling gamitin ng may-akda. 5. Mga kasangkapang panretorika - ay tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda upang makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at ang mga sangkap nito. Ito ay may kinalaman sa kaayusan ng mga salita, o pagkakasunod-sunod ng mga elemento ng mga pangungusap. Dito pumapasok ang mga uri ng pangungusap na tinatawag sa ingles na loose, balanced at periodic sentences. Pamamaraan ng may akda, Grammar, wastong gamit ng pangugusap 6. Mga kasangpkapang pansukat - ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula, upang bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy ang indayog ng mga salita at pangungusap kapag ito ay binibigkas. Karaniwang sa ating mga klase sa Filipino ang pagbibilang ng pantig. Sa Ingles ay naririyan ang lambic, trochee, anapest, atbp. Ex: Tula 7. Mga kasangkapang metaporikal - ang mga ginamit na tayutay na nagpapayaman sa kabuluhan at kahulugan ng akda. Dito kabilang ang mga simili, metapora, ironeya, alusyon, aliterasyon, asonansya, onomatopeya, anapora, alegorya, analohiya, conceit, personipikasyon, apostropi, metonimi, sinekdoki, depersonisasyon, hiperbola, atbp. May kinalaman din dito ang punto de vista at persona ng akda. 8. Tono – napakahalaga nito sapagkat ang anumang pangungusap ay maaring bumaligtad ang kahulugan kapag nagbago ang tono nito. 9. Istruktura - Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng isang akda. Sa dulaang klasiko, ito ay lumalabas sa anyong (1) eksposisyon, (2) kumplikasyon, at (3) resolusyon. 2 KABANATA 2: MGA DULOG PAMPANITIKAN BAYOGRAPIKAL - Ang dulog na ito ay naglalayon na maintindihan ang isang akda sa pamamagitan ng pagsusuri sa buhay ng manunulat. Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga personal na karanasan, pananaw, at mga pangyayari sa buhay ng manunulat, mas nauunawaan ang intensyon, estilo, at tema ng kanyang mga isinulat. Naniniwala ang dulog na ito na malapit na konektado ang sining sa karanasan ng may-akda. Halimbawa: "Sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes – Naisulat ang akdang ito sa ilalim ng personal na mga obserbasyon ni Reyes sa buhay sa lungsod, kung saan makikita ang malapit na koneksyon ng akda sa kanyang mga karanasan sa urban na pamumuhay at mga isyung panlipunan na kanyang naranasan. HISTORIKAL - Nakatuon ito sa pagpapakahulugan ng isang akda batay sa mga kaganapan sa panahon ng pagsulat nito. Sinusuri nito kung paano nakaimpluwensya ang kasaysayan sa tema, karakter, at salaysay ng akda. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kasaysayan, mas malinaw na nakikita ang dahilan ng ilang aspeto ng isang akda, tulad ng mga ideolohiya, saloobin, at kultura na tinatalakay nito. Halimbawa: "Noli Me Tangere" ni Jose Rizal – Nakaugat ang nobelang ito sa kolonyal na kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Espanyol. Makikita dito ang mga suliraning panlipunan, relihiyon, at politikal na kinaharap ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo. KLASISMO - Ang dulog na ito ay nakabase sa mga pamantayang klasikal ng kagandahan, kaayusan, at pagkakabalanse. Nakatuon ito sa mga porma at istruktura ng akda, pati na rin ang katangiang unibersal ng tema. Ang layunin ay ang pagpapahalaga sa sining ng akda batay sa lohika, kontrol, at rasyonalidad, imbes na damdamin o personal na interpretasyon. Halimbawa: Florante at Laura ni Francisco Balagtas – Ang tulang ito ay isinulat sa pormang tradisyonal ng awit, may tamang sukat at tugma, at nagpapahayag ng malalalim na tema tulad ng kabutihan laban sa kasamaan, pagmamahal sa bayan, at hustisya. HUMANISMO - Ipinapakita ng humanismo ang pagtutok sa mga tao at ang kanilang kakayahang umunlad batay sa kanilang talino, kakayahan, at etika. Naniniwala ang dulog na ito sa kahalagahan ng indibidwal na karanasan at sa kakayahan ng tao na lumikha ng sarili niyang kapalaran. Pinapakita nito ang optimismo sa kalikasan ng tao at ang kanyang potensyal na gumawa ng mabubuting bagay. Halimbawa: "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" ni Andres Bonifacio – Ipinapakita ang personal na desisyon ng mga Pilipino na ipaglaban ang kalayaan at pag-ibig sa bayan, na nagpapakita ng pagkilala sa kahalagahan ng indibidwal sa pagbabagong panlipunan. ROMANTISISMO - Tumutuon ang romantisismo sa mga damdamin, imahinasyon, at personal na ekspresyon ng manunulat. Karaniwang naglalaman ang mga akda ng mga malalim na emosyon, pabor sa kalikasan, at pagpapahalaga sa indibidwal na karanasan kaysa sa mga panuntunang panlipunan. Ang damdamin ng kalungkutan, ligaya, at misteryo ay madalas na nangingibabaw sa ganitong dulog. Halimbawa: "Ang Pag-ibig" ni Jose Corazon de Jesus – Ang tula ay nagpapakita ng damdamin ng pag-ibig sa isang masining at madamdaming paraan, na naglalarawan ng personal na karanasan at damdamin ng isang indibidwal. REALISMO - Ang realismo ay nagsisikap na ipakita ang mundo nang tapat, nang walang pagtatago o pagdidistort. Ipinapakita nito ang karaniwang buhay ng tao, kasama ang kanyang mga problema, mga tagumpay, at mga kabiguan. Ang layunin ng realismo ay ipakita ang mga pangyayari at kalagayan ng buhay sa paraan na nauugnay sa karaniwang karanasan ng tao. Halimbawa: "Dekada '70" ni Lualhati Bautista – Ipinapakita ang mga tunay na pangyayari sa ilalim ng Batas Militar sa Pilipinas, kasama ang mga personal at panlipunang epekto nito, na nagpapakita ng makatotohanang larawan ng buhay sa panahon ng diktadura. FORMALISMO - Nakatuon ang dulog na ito sa anyo o estruktura ng akda, sa halip na sa mga panlipunan o emosyonal na konteksto nito. Pinag- aaralan dito ang mga elemento ng panitikan, tulad ng wika, simbolismo, imahen, at estilo. Hindi nito isinasaalang-alang ang layunin ng manunulat o ang epekto ng kasaysayan sa akda. Halimbawa: "Tanaga" – Ang tanaga ay isang maikling tula na sumusunod sa mahigpit na porma ng sukat at tugma. Ang dulog formalismo ay susuriin ang teknikal na aspeto ng tanaga, tulad ng bilang ng pantig sa bawat taludtod at ang epekto ng tugma. SIKO-ANALITIKO - Sinusuri ng dulog na ito ang mga akda sa pamamagitan ng mga konsepto mula sa sikolohiya, partikular ang mga ideya ni Sigmund Freud. Pinagtutuunan ng pansin ang mga sikolohikal na motibasyon ng mga tauhan, pati na rin ang mga pangarap, alaala, at mga hindi malay na pagnanasa na nakaapekto sa kanilang kilos at pag-iisip. Halimbawa: "Mga Ibong Mandaragit" ni Amado V. Hernandez – Makikita ang mga saloobin at sikolohikal na pakikibaka ng mga karakter, partikular ang kanilang mga reaksyon sa kolonyalismo at ang kanilang mga personal na trauma. 3 EKSISTENSYALISMO - Tumutukoy ito sa mga tema ng kalayaan, pagpili, at ang indibidwal na pagpapasya. Pinapakita ng dulog na ito ang mga tauhan na nakaharap sa kawalan ng kahulugan sa buhay at kung paano sila lumilikha ng kahulugan para sa kanilang sarili sa kabila ng mundong walang kabuluhan. Halimbawa: "Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?" ni Lualhati Bautista – Ipinapakita ang personal na laban ng pangunahing tauhan upang mahanap ang kanyang kahulugan at kalayaan bilang babae at ina, sa isang lipunan na may inaasahan mula sa kanya. FEMINISMO - Sinusuri ang representasyon ng kababaihan sa panitikan at kung paano ito nagpapakita ng mga ideya ng patriyarka, kapangyarihan, at kalayaan ng mga babae. Tinututukan ng dulog na ito ang mga aspeto ng opresyon, pagkakapantay-pantay, at ang papel ng kababaihan sa lipunan. Halimbawa: "Ang Kuwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza-Matute – Nagbibigay-diin sa papel ng isang babae bilang guro at ina, na nakaharap sa mga personal na hamon, habang hinahanap ang kanyang sariling halaga at pagkakakilanlan. IMAHISMO - Binibigyang-diin ng imahismo ang kalinawan, tiyak na imahen, at paggamit ng masining na mga salita upang magpahayag ng damdamin o ideya. Hindi ito gumagamit ng mga magarbong paglalarawan o emosyonal na damdamin, kundi nagbibigay-diin sa mga konkretong detalye at imahen upang lumikha ng mas malinaw at malalim na interpretasyon ng akda. Halimbawa: "Ako ang Daigdig" ni Alejandro G. Abadilla – Naglalaman ng malalim at makulay na imahen na kumakatawan sa damdamin ng manunulat sa pamamagitan ng simpleng wika at mga imahe. NATURALISMO - Itinuturing ng naturalismo na ang mga tauhan at pangyayari sa panitikan ay resulta ng mga puwersang panlabas, tulad ng kalikasan, heredity, at kapaligiran. Madalas na inilalarawan ng dulog na ito ang tao bilang produkto ng kanyang kapaligiran, walang kontrol sa kanyang sariling kapalaran. Halimbawa: "Ang Ginto sa Makiling" ni Macario Pineda – Ang akda ay nagpapakita ng malakas na impluwensya ng kalikasan at kapaligiran sa mga buhay ng mga tauhan, at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang mga aksyon. ARKETIPAL - Ang dulog arketipal ay sinusuri ang mga simbolo, tauhan, at kwento na paulit-ulit na lumalabas sa iba't ibang kultura at panitikan. Tinatawag na "archetypes" ang mga elementong ito—mga universal symbol o pattern ng pag-uugali tulad ng bayani, diyos, at mga sagisag na may malalim na kahulugan sa maraming lipunan. Halimbawa: "Hinilawod" (Epikong Panay) – Ipinapakita ang mga arketipal na tauhan tulad ng bayani na dumaraan sa serye ng mga pagsubok upang makamit ang tagumpay, na kinikilala sa iba't ibang epiko mula sa iba't ibang kultura. SOSYOLOHIKAL - Ang Sosyolohikal na dulog ay tumutok sa mga isyu at problema sa lipunan na ipinapakita sa akda. Tinitingnan nito kung paano inilalarawan ng kwento ang mga pwersang humuhubog sa lipunan—tulad ng mga problema ng mga mahihirap, hindi pagkakapantay-pantay, at iba pang pwersang panlipunan. Sa pagsusuring ito, binibigyang pansin kung paano naaapektuhan ng lipunan ang mga tauhan at ang mga desisyon nila, gayundin kung paano tinutugunan ng akda ang mga isyung panlipunan. Halimbawa: Sa nobelang "Luha ng Buwaya" ni Amado V. Hernandez, ipinapakita ang pakikibaka ng mga magsasaka laban sa pang-aapi ng mga may-ari ng lupa. Sa pamamagitan ng sosyolohikal na dulog, masusuri kung paano ipinapakita ng nobela ang mga pwersang panlipunan, tulad ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga uri, at kung paano lumalaban ang mga ordinaryong tao para sa hustisya at karapatan. KABANATA 3: PAG-UNLAD NG PANITIKAN PANAHONG PRE - KOLONYAL - Panahon kung saan wala pa ang mga mananakop na Kastila. - Panahon ng Alibata. Binubuo ito ng 17 simbolo: 14 na katinig at 3 patinig. Ang bawat katinig ay may default na patinig na "A" kapag isinulat. Kung nais alisin ang patinig, ginagamit ang isang kudlit o tuldok sa itaas (para maging patinig na "E" o "I") o sa ibaba (para maging "O" o "U") ng katinig. URI NG PANITIKAN: NAITALA, DI-NAITALA - Mga Porma ng Panitikan 1. Tula 2. Awit 3. Kwento 4. Bugtong 5. Palaisipan 6. Bulong - Ang mga ginamit na sulatin ng ating mga ninuno ay ang mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at sa mga dahon at balat ng punongkahoy. 4 - Ang mga panulat na ginamit ay matutulis na kawayan o dulo ng kahoy, lanseta o anumang patalim, matutulis na bato o bakal atbp. - Ang mga Negrito ay kilala sa kanilang sining at pamumuhay. Ang mga Malay naman ang nagdala ng sistema ng pagsulat na tinatawag na Alibata - Ang mga talang pampanitikan ng matatandang Pilipino ay sinunog ng mga unang prayle sa Pilipinas sa matuwid na iyon ay likha ng diyablo. PANAHON NG PANANAKOP - 1521- ang pagdating ng mga mananakop - Layuning manakop at mapalaganap ang kristiyanismo sa bansa. - Gamit-gamit ng mga kastila sa panulat ang alpabetong Romano bilang kapalit ng abakadang Alibata o Baybayin. - Nagtatag ang mga kastila ng mga paaralang katoliko sa Maynila,Bisaya at Luson. - Inaral ng mga misyonerong iskolar ang mga matatandang panitikan at ito ay kanilang itinipon at binago, - Tuwirang pagbabago- halim.(Mga aklat na nalimbag gaya ng katesismo). - Di-tuwirang pagbabago- halim. (Mga talambuhay hinggil sa santo o nobena,mahahabang salaysay at mahahabang kwentong may paksang kabanalan. - Ipinaloob ng mga konkistador sa panitikan ang etika at moralidad. Misyonerong paring Dominikano- nagdala ng limbagan - Dr. Eufronio M. Alip - ayon sa kanya,may limang daang (500) iba't ubang aklat ang nailimbag ng pamantasan ng Santo Tomas,ang kauna unahang limbagan. PATULA - ay nailalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng ritmo, tugma, at taludtod. Gumagamit ito ng mga imahe, simbolo, at tayutay upang magbigay ng masining na pagpapahayag. Halimbawa: Tula, awit, korido, soneto, haiku Layunin: Ang patula ay kadalasang ginagamit upang ipahayag ang damdamin, magkuwento, magbigay ng inspirasyon, o maghatid ng mensahe. TULUYAN - ay nailalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng karaniwang pangungusap at parirala. Walang tiyak na ritmo o tugma. Halimbawa: Nobela, maikling kwento, sanaysay, talambuhay, balita Layunin: Ang tuluyan ay kadalasang ginagamit upang magkuwento, magbigay ng impormasyon, mag-analisa, o magbigay ng opinyon. DULA - ay isang anyo ng panitikan na isinulat upang maisagawa sa entablado. Ito ay may mga tauhan, diyalogo, at isang kwento na naglalaro sa pagitan ng mga tauhan. Halimbawa: Komedya, trahedya, musikal, operetta, dulang pantanghalan Layunin: Ang dula ay kadalasang ginagamit upang magkuwento, magpatawa, magbigay ng aral, o maghatid ng mensahe sa pamamagitan ng pagganap. PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN - Paglaganap sa Panahon ng Kastila: Pagsusulat ng mga akda na nabihisan ng kulturang Kastila at paksaing panrelihiyon. Pagkakaroon ng malalim na epekto sa puso’t diwa ng mga Pilipino. - Pag-unawa sa Kalagayan: Mga Pilipinong mulat sa katotohanan na hindi matanggap ang kawalan ng karapatan at kalayaan. Paggamit ng panulat bilang sandata para sa paggising, pagmumulat, at paglalantad ng kalagayan. - Mga Pahayagan ng Propaganda: Diariong Tagalog sa Maynila La Solidaridad sa Espanya Ibang mga pulyeto at aklat - Pagpapahayag sa Pamamagitan ng Dula: Aninong gumagalaw Karilyo Sarsuwela Balagtasan Paksa: Pagkamakabansa at pagpapahalaga sa kalayaan at karapatan - Paghigpit ng Censura: Pagdagdag ng mahigpit na panghuhuli sa mga propagandista Pagpapatupad ng garote sa tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora - Pulitikal at Literarurang Paghihimagsik: Paglilipat mula sa mga panrelihiyong akda patungo sa mga pantanghalang pampanitikan Pagbuo ng panitikang makabayan at pagmamahal sa Inang Bayan KATANGIAN NG PANITIKAN - Nanatili ang mga anyu ng Panitikan sa Patula hangang sa Tuluyan sa panahon ng himagsikan ang tanging nagbago ay ang layunin ng mga manunulat at ang paksang ginamit nila. 5 - layunin ng mga manunulat na pukawin at mamulat ang mga pilipino sa katotohanan. Gumawa sila ng paksang nagpapakita ng kaabusuhan ng mga dayuhan at maling paniniwala sa relihiyon. - Mga Nangungunang Manunulat Jose Rizal - Kilalang akda: Noli Me Tangere, El Filibusterismo Marcelo H. del Pilar - Kilalang akda: Kalayaan, Liwanag at Dilim Graciano Lopez Jaena - Kilalang akda: La Solidaridad - Iba pang mga Manunulat at Akda Padre Jose Burgos, Pedro Paterno, Emilio Jacinto - Mga akda na tumutuligsa sa Kastila at nagtataguyod ng reporma Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Antonio Luna, Jose Palma - Mga akda na nagbigay inspirasyon sa Himagsikan at pagbuo ng Republika PANAHON NG MGA AMERIKANO - Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng pangamba sa pagdating ng bagong kolonyal na kapangyarihan bunsod ng patuloy na paghina ng pamahalaang Kastila at ang pangamba na sasakupin ang Pilipinas. - Sumiklab ang mga himagsikan sa gamit ang sandata at panulat. - Noong Mayo 1, 1898, bumalik si Hen. Emilio Aguinaldo mula sa Hong Kong at itinatag ang Pamahalaang Rebolusyonaryo. - Ang kasunduan sa Paris noong Agosto 13, 1898, kung saan nagpasaubaya ang Espanya sa Amerika ng lahat ng karapatan sa Pilipinas sa halagang $20,000,000.00, ay hindi tinutulan ng mga Pilipino. - Ang wikang Ingles ay ipinagamit sa lahat ng antas ng edukasyon, kung saan nagpadala ng mga guro mula Amerika na tinawag na Thomasites. - Ang wikang Kastila ay unti-unting napalitan ng Ingles, na nagdulot ng mas mabilis na kaunlaran at pagbabago sa kaisipan ng mga Pilipino. KATANGIAN NG PANITIKAN 1. Namayani ang diwang makabayan o nasyonalismo. 2. Maramdamin ang mga manunulat na dulot ng nakaraan karanasan. 3. Mababakas parin ang kawalan ng karunungan sa larangan ng kabihasnan likha ng nakaraang pamahalaan. 4. Nadama ang pag pasok ng oanahon ng romantisismo sa sumusunod na dekada na noo’y siyang namalasak sa Europa at Amerika. 5. Napangkat sa tatlo ang mga manunulat nuon. PANAHON NG MGA HAPON - - Nagsimula ng 1942 hanggang 1945. - Panahon ng pagkamatay ng panitikang Pilipino - "World War II” URI NG PANITIKAN 1. Haiku - ay isang uri ng maikling tula o saknong (stanza) o taludturan sa larangan ng panulaan (poetry) na nagsimula sa bansang Japan. Sa literature ng mga Hapon, ito ay binubuo ng tatlong (3) taludtod at may bilang ng mga pantig na limapito- lima (5-7- 5) ayon sa pagkakasunud- sunod. 2. Free-verse 3. Komiks TUTUBU - Hila mo'y tabak.. Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo. ANYAYA - Ulilang damo Sa tahimik na ilog Halika, sinta KATANGIAN NG PANITIKAN 1. Huwad 2. Malaya sa porma, teknika at anyo. 3. Hindi malaya sa pagpapahayag ng tunay na diwa 4. Kulang sa daloy at pormality MGA LIMBAGANG BUKAS/MGA BABASAHING NAIMPRINTA NG PANAHON NG HAPON 1. Liwayway 2. Taliba 3. Sunday Tribune magazine 4. Philippine Review 5. Filipiniana 6. Shim Sieti 7. Bagong Araw- New Day 8. Pillars PANAHUN NG KALAYAAN - Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinatag ang Ikatlong Republika ng Pilipinas. - Maraming suliranin sa pamahalaan dulot ng nakaraang digmaan sa panahon ni pangulong Manuel A. Roxas. 6 - Si Carlos P. Garcia ay naging popular sa kanyang patakarang "Pilipino Muna." - Si Diosdado Macapagal naman ay nagpatupad ng Reporma sa Lupa. - Sa kabila ng mga programang ito, ang pamahalaan ay hindi nakaligtas sa mga pagtuligsa ng mga mamamahayag dahil sa patuloy na pagbaba ng piso. - Ang pagkahalal ni Ferdinand E. Marcos noong 1965 ay hindi nagdulot ng pagbabago sa kalagayan ng mga "mayroon" na patuloy na nagsasamantala sa mga "wala. KATANGIAN NG PANITIKAN 1. Inilantad ng mga intelektwal ang mga kakulangan at kabulukan ng pamahalaan sa kalye, paaralan, at pahayagan. 2. Dumami ang mga hindi sumasang-ayon sa pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa bansa. 3. Noong 1971, ginanap ang Constitutional Convention upang bumuo ng bagong konstitusyon sa gitna ng kaguluhan at pagbagsak ng kabuhayang pambansa. 4. Ang pagbomba sa Plaza Miranda. 5. Sinuspindi ang "writ of habeas corpus" ng pangulo. 6. Maraming propesor, mamamayan, at estudyante ang inaresto at ibinilanggo. 7. Nagpasya si Pangulong Marcos na ipailalim ang buong bansa sa Batasmilitar sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 noong Setyembre 21, 1972. PANAHUN NG BAGONG LIPUNAN - Pang lunsad ng Batas Militar Inilungsad ni Pangulong Marcos Noong Setyembre 21,1972 Pagsiput ng mga kabataang mapaghimagsik Naging panahon ng aktibismo - Pag-unlad ng Wikang Pilipino Paggamit ng Wikang Pilipino - Pagpahayag ng mga kabataan sa sariling wika at Pagtalumpati ni Pangulong Marcos sa Pilipino Bilinggwalismo - Paglalunsad ng bagong palatuntunan ng Ministri ng Edukasyon at Kultura at Pagtuturo sa Pilipino at Ingles - Layunin ng Bilinggwalismo Ayon sa mga Pahayagan (1973): 1. Pagpapabilis ng pagpapalaganap ng wikang Pilipino 2. Paglinang ng bilinggwal na mamamayan 3. Pagpapalakas ng pambansang pagkakakilanlan 4. Pagbubuklod sa sambayanan - Tatlong Mahalaga Layunin ng Bagong Lipunan 1. Kaunlarang Pangkabuhayan 2. Kaunlarang Panlipunan 3. Kaunlarang Pangkalinangan - PLEDGES: PAGBABAGO SA PAMAHALAAN P - Peace and Order (Kapayapaan) L - Land Reform (Reporma sa Lupa) E - Economic Reform (Reporma sa Pangkabuhayan) D - Development of Moral Values (Kalinangan ng Kahalagahang Moral) G - Government Reforms (Reporma sa Pamahalaan) E - Educational Reform (Reporma sa Paaralan) S - Social Reform (Reporma sa Lipunan) KATANGIAN NG PANITIKAN - Batas Militar: Petsa ng Pagkakasa: Setyembre 21, 1972 Mga Hakbang na Isinagawa: o Pansamantalang pagtigil ng lahat ng babasahin o Pagsasara ng mga sinehan at istasyon ng radyo/telebisyon na nagpapalabas ng maruruming pelikula o Pagsunog ng mga pamphlet at pag-usig sa mga aktibista - Pagbabalik sa Normal: Pagpapatuloy ng panitikan at mga seminar ukol sa paglalathala Pagbibigay ng guidelines para sa mga pahayagan, magasin, at iba pa - Pagpapaunlad ng Panitikan: Mga Patuloy na Publikasyon: Liwayway at mga komiks Pagsusuri sa Nilalaman: Pag-iwas sa artikulong nakasisira ng puri Pag-usbong ng Kabataang Manunulat: Pagdami ng mga manunulat sa Ingles at Filipino - Pagsuporta sa Sining: Mga Aktibidad: Konsiyerto, ballet, dula sa Cultural Center of the Philippines Pagtuon sa Estetiko: Pagsusulong ng mataas na pamantayan sa sining - Pagpapatibay ng Kalayaan ng Panulat: 7 Pahayag ni Kalihim Francisco Tatad Jr.: o Karapatang pantao sa paglalantad ng katotohanan o Kalayaan ng pagsulat ayon sa layunin ng Bagong Lipunan - Pangkalahatang Epekto: Pagbabago sa Panitikan at Sining: Pagbibigay-diin sa bagong sigla at pamantayan Pagkakaugnay sa PLEDGES: Pagtulong sa layunin ng Bagong Lipunan PANAHONG KONTEMPORARYO - Mula sa medieval Latin na " comtemporarius". - "Con"- together with (pinagsama) "tempus,tempor" - time (oras) Batas Militar (1972-1981) - idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ito ay nagpakita ng panganib ng diktadurya. idineklara noong Septyembre 21,1972 at ibinaba noong Enero 17,1981. Agosto 21, 1983, napaslang ang dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Parliament of the Street - naglarawan ng mga protesta at demonstrasyon sa kalye bilang isang paraan ng pagpapahayag ng mga hinaing. Nagsagawa ng snap election noong Pebrero 7, 1986 Tumutol sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel Ramos. EDSA Revolution ( People Power) - ito ang dahilan ng pagkakatalsik ni Marcos mula sa kapangyarihan at nag luklok kay Corazon Aquino bilang bagong pangulo. Mga Pangulo Pagkatapos ni Marcos - Ang mga sumunod na pangulo, tulad nina Fidel Ramos, Joseph Estrada, at Gloria Macapagal-Arroyo, ay nagpatupad ng iba't ibang programa na naglalayong mapaunlad ang Pilipinas. Ang mga programang ito ay nagpapakita ng pagsisikap ng mga Pilipino na bumuo ng isang mas mahusay na bansa. KATANGIAN NG PANITIKAN - Panitikan sa Bagong Republika: Pag-usbong at pagbabago Pagkatapos ng batas militar (1981), nagkaroon ng bagong pananagutan ang mga manunulat sa pagtatayo ng isang maunlad na Pilipinas. Layunin - Palawakin ang pananaw ng mga mamamayan sa mga isyung panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan, at pansining - Paglago ng Iba't Ibang Larangan Magasin at komiks: Nagbago ang porma at nilalaman upang sumalamin sa Bagong Republika. Dula: Mas marami ang pagtatanghal mula sa mga paaralan hanggang sa mga kilalang teatro. Bagong Publikasyon: "Mithi" (UMPIL) nagpakita ng tunay na buhay-Pilipino. - Pag-unlad sa Ilalim ng Iba't Ibang Pangulo Demokrasya at Kalayaan: Mas malaking kalayaan para sa mga manunulat. Pagpapayaman ng Wikang Filipino: Bagong alpabeto at Executive Order No. 335. Pagbabago ng Kurikulum: K to 12 Kurikulum nagdulot ng pagtatalo, ngunit may mga subsidy. - Patuloy na Pagkilala at Suporta: Pagkilala sa mga Manunulat at Pag-usbong ng Bagong Henerasyon Mga Parangal: Carlos Palanca Memorial Awards, CCP, at iba pa. Paligsahan sa Panitikan: Nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na mahubog ang kanilang kakayahan sa pagsulat. KABANATA 4: Kasaysayan sa Pag-unlad PANAHON NG PRE-KOLONYAL - Bago pa ng malakas na bansa ang pilipinas, mayamn na ang panitikan sa tula. - Magaling at matalino ang mga Unang Pilipino sa pagbuo ng mga tugma. Ang mga tugmang kinapapalooban ng magagandang kaisipan at talinghaga. A. PANUGMAANG-BAYAN 1. Tugmaang Pambata o Maikling tula na walang diwa, kung mayroon man ito ay mababaw lamang. Ginagamit ito ng mga bata kapag napipikon sa laro. Maaaring gamitin din ito ng ina sa nagmamaktol na anak. o HALIMBAWA: Ulan-ulan pantay Kawayan 2. Tugmaang Matatalinghaga o Maiikling tulang may sukat at tugma, may malalim na paksa at humahasa sa kaisipan. May layuning mangaral, magpaalala at magbigay ng babala. o HALIMBAWA: Bugtong, Kawikaan o Kasabihan 3. Tugmang ganap na Tula o Nabibilang dito ang tinatawag na tanaga ng Katagalugan at ambahan ng mga tagaMindoro. Gumagamit ito ng maririkit na salita na may sukat, tugma, talinghaga at kaisipan. o HALIMBAWA: Ang tubig na malalim Malilirip kung libdiw Itong birheng magaling Maliug paghanapin B. AWITING BAYAN o Mayaman ang kultura ng ating mga ninuno. Naglalarawan ito kung anong uri ng pamumuhay mayroon sila. Mayaman ito sa kaugalian at tradisyon. May sukat at tugma na kinapapalooban ng ibat ibang damdamin na may maririkit na pananalita. 8 1. Uyayi o hele o Awit sa pagpapatulog ng bata. Malambing ang tono at punung-puno ng pagmamahal dahilan upang makatulog ang isang bata. Ang oyaye ang liriko na maawit samantalang ang hele ay ang paraan ng pag-ugoy sa duyan. 2. Soliranin o Awit sa paggaod o pamamangka. 3. Diona o Awit sa kasal. Inawit ito nang mahina habang isinasagawa ang seremonya ng kasal Awit sa kasal. Inawit ito nang mahina habang isinasagawa ang seremonya ng kasal 4. Kundiman o Awit sa pag-ibig. Noong unang panahon, naniligaw ang mga binata sa pamamagitan ng harana.Umaawit sila ng punung puno ng pag-ibig at pangarap. Maaring maging malungkot ito lalo pat ang binata ay binigo ng dalaga. Masaya naman kapag nakabanaag ng pag-asa. Hindi lamang sa napupusuan ang kundiman, madaring pagibig sa magulang, kapatid, anak, kaibigan. Sa Bisaya tinatawag itong Balitaw, sa Ilokano, Pamulinawen at Uso sa mga Negrito. 5. Kumintang o Tikam Hiliraw o Tagumpay o Awit ng pakikidigma. Inaawit ito bago o pagkatapos ng pakikidigma. 6. Dalit o Awit para sa mga anito, pagsamba at paggalang ang himig nito. 7. Dung-aw o Awit para sa patay bilang pagdadalamhati. Maaaring purihin ang mga nagawa noong siyay nabubuhay pa. 8. Umbay o Awit ng nangungulila dahil sa kawalan ng nagmamahal na magulang. 9. Ditso o Awit na mula sa mga batang naglalaro sa lansangan. 10. Kalusan o Awit sa pag gawa. C. EPIKO o Tinatawag na tulang pasalaysay. Nagsasaysay ito ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Napaloob dito ang kultura ng isang lalawigan kung saan nagmula ang epiko. Ang ibat ibang epiko buhat sa ibat ibamg lalawigan na napabantog. Ang mga ito ay may kasulatan at dokumento. Lam-ang Ilocos Handiong Bicol Hudhud at Alim Ifugao Hinilawod Bisaya Bantugan Maranaw Indarapatra at Sulayman Maguindanao PANAHON NG KASTILA - Dumating ang isang makapangyarihang mananakop. Ito ang mga Kastila (1565- 1898) na may layuning palaganapin ang Katolisismo at ang kanilang imperyalismo sa ngalan ng krus at espada. - Nanatili pa rin ang mga uri ng tula na nakilala sa matandang panahon. Ang himig ng tula ay naging makarelihiyon. Nagtuturo ng pagkilala at pagsamba sa Diyos, Santo at Santa at kay Kristo. - Lumaganap ang mga berso sa tula. Nagturo ng kaugalian at asal na pangmoralidad. - Ipinakiala nang husto ang Diyos, Lumaganap ang tinawag na Ladino, ang mga nagsasalita. - ng magkasamang wikang Kastila at Tagalog. PANAHON NG HIMAGSIKAN AT PROPAGANDA - Dahil sa patuloy na pang- aapi at pang-aalipusta, nagising ang mga Pilipino lalo na yaong mga nakapag-aral sa tunay na kalagayan ng bansa noon - Ang mga berso, dahil sa iba pang taludtod ay nag-iba ng hugis. Malaki ang naging papel ng panitikan sa panahong ito. - Ang mga makata ay nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago. Sa mga taludtod ng kanilang tula ay sumisigaw ang damadaming nasyonalismo. - Ang pagkakagarote sa tatlong paring martir, Padre Gomez, Burgos, at Zamora at ang pagpapatapon ng ilang Pilipino ay hindi naging hadlang upang pawiin ang nag-aalab na damdamin ng mga Pilipinong nais nang lumaya sa tanikalang iginapos ng mga dayuhan - Nanguna sa mga makabayang Pilipino na sumulat ng mga akdang patula sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar gayundin si Andres Bonifacio. Sila ang kinilalang pinakatalultok ng mga propagandista at maghihimasik. Ang paksang pagtuligsa at paglaban sa mga Kastila ay natunghayan din sa mga akda nina Padre Jose Burgos, Pedro Paterno, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Antonio Luna at Jose Palma, ngunit karamihan sa mga ito ay nasa anyong tuluyan. MGA KILALANG PILIPINONG PROPAGANDISTA AT MAGHIHIMAGSIK - Dr. Jose Rizal Nagsimulang sumulat si Dr. Jose Rizal sa wikang Kastila. ang kanyang ginamit sa pagbubuo ng mga nobelang naghayag ng kamangmangan, pagmamalupit at kasakiman. “Mi Ultimo Adios” - isang tula ito na kauna-unahang isinalin sa Tagalog ni Andres Bonifacio. - Marcelo H. Del Pilar Masugid na propagandista Kinilala siya sa mga sagisag na: Plaridel, Pupdoh, Dolores Manapat at Piping Dilat. Nakapag-aral siya sa kolehiyo at nakatapos bilang manananggol noong 1880. 9 "Diariong Tagalog" na naging tahanan ng mga akdang nanunuligsa sa pamahalaang Kastila "Sagot ng Pilipinas sa Hibik ng Espanya.” - paghingi ng mga reporma. - Adres Bonifacio Sa tulang "Katapusang Hibik ng Pilipinas, " ipinagpatuloy niya ang diwang sinimulan ni Herminigildo Flores. Bagamat hindi gaanong mataas ang inabot sa pag-aaral ni Andres Bonifacio marami siyang naisulat na akdang pampanitikan dahil sa pagiging palabasa ng mga aklat. PANAHON NG AMERIKANO - Sa mga unang 30 taon hanggang 40 taon ng pananakop ng mga Amerikano, ang mga makatang Pilipino ay napapangkat sa dalawa: nakatatanda at nakakabata. 1. Nakatatanda. Kabilang sina Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan, at Inigo Ed. Regalado. Ang pangkat na ito na aral sa Kastila, ay kauna-unahang nagpahalaga sa panitikang pandaigdig, na dumaloy sa bansa nang ika-dalawang daan taon. 2. Nakababata. Kabilang sa mga ito sina Jose Corazon de Jesus, Teodoro Gener, Ildefonso Santos, Cirio H. Panganiban, Aniceto F. Silvestro at Amado V. Hernandez, na bagaman nagsusulat sa Ingles ay lalong nagkagiliw kay Balagtaş dahil sa rin sa natutuhan sa Ingles na romantisismo nina Byron, Keats, at Goethe at sa mga akdang walang kamatayan, nina Dante. Shakespeare at Milton. LOPE K. SANTOS - Kinikilalang makata, nobelista, manunulat at peryodista. - Di lamang dalubhasa tungkol sa wika (Ama ng Balarilang Pilipino) kundi Pati sa wasto, maindayog at mabisang paggamit nito. - "Sekretang Gala at Verdugo". JOSE CORAZON DE JESUS - Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong ika-22 ng Nobyembre, 1896. - Magulang: Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan. - Nagtapos ng Karunungang Bachiller En Artes sa Liceo de Manila. - Siya ang kauna-unahang "Hari ng Balagtasan". FLORENTINO COLLANTES - Ipinanganak sa nayon ng Dampol, Pulilan, Bulacan noong Oktubre 16, 1896. - Magulang: Toribio Collantes at Manuela Tancioco. - Likas sa kanya ang Pagkamakata. - Ang una niyang tulay inihandog niya sa isang nagngangalang Nen, ang babaing kanyang inibig nguni't kay Sixta Tancio siya nakasal at nagkaroon ng walong supling. - Nakamit din niya ang karangalang "Hari ng Balagtasan". - Parangal sa Bagong Kasal" , "Ang Magsasaka" , "Ang Patumpik-tumpik" , "Ang Lumang Simbahan, na isinalin sa puting-tabing, "Ang Tulisan" , "Bulugbugan, Aguinaldo vs. Quezon". AMADO V. HERNANDEZ - Ipinanganak noong Setyembre 13, 1903, sa Tundo, Maynila. - Kilala bilang isang manunulat, makata, may-akda, Nobelista, at pinuno ng mga manggagawa. - Ang kanyang aklat na "Pilipinas" ay inilathala sa Manila World Congress noong 1935. - Kilala rin sa kanyang mga akda na "Bonfacio" at "Guro ng Lahi". - Inilathala ang "Makata ng Manggagawa" at "Sampaguita at Pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay ". - Nagsilbi bilang konsehal ng Unang Purok (Tundo) ng Maynila. - Kilala bilang realista, naimpluwensyahan ng akda ng manunulat at panitikan ng "Ivory Tower". - Kilala sa kanyang pagmamahal sa romansa at pagtakas, na naiimpluwensyahan ng kanyang paggamit ng mga salita at kilos. AMADO V. HERNANDEZ - Ipinanganak noong Setyembre 13, 1903, sa Tundo, Maynila. - Kilala bilang isang manunulat, makata, may-akda, Nobelista, at pinuno ng mga manggagawa. - Ang kanyang aklat na "Pilipinas" ay inilathala sa Manila World Congress noong 1935. - Kilala rin sa kanyang mga akda na "Bonfacio" at "Guro ng Lahi". - Inilathala ang "Makata ng Manggagawa" at "Sampaguita at Pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay ". - Nagsilbi bilang konsehal ng Unang Purok (Tundo) ng Maynila. - Kilala bilang realista, naimpluwensyahan ng akda ng manunulat at panitikan ng "Ivory Tower". - Kilala sa kanyang pagmamahal sa romansa at pagtakas, na naiimpluwensyahan ng kanyang paggamit ng mga salita at kilos. ILDEFONSO SANTOS - Ipinanganak noong Enero 23, 1897, sa Baritan, Malabon, Rizal. - Nag-aral sa edad na labinlimang taong gulang para sa pagsusulat. - Ang kanyang unang aklat ay isinulat ni Leonardo Diangson, na pinamagatang "Ang Mithi." - Ang kanyang ama na si Inigo Ed Regalado ay isang guro. - Nagsimulang magsulat ng maraming akda sa seryeng "Ilaw Silangan". - Pagkatapos magturo, naging propesor sa National Teachers College. Nagsilbing superbisor ng Wikang Filipino. 10 PANAHON NG HAPON - Bagamat maikling panahon lamang tayo napailalim sa pamamahala ng mga Hapones, nagdulot naman ito ng magandang bunga sa larangan ng panulaan. 1. Lumabas ang malayang-taludturan o free verse. 2. Maiikli ngunit malaman ang kaisipan. 3. Kasabay na lumabas ang "haikku " ng Hapon sa pagkabuhay na muli sa tanaga na tulain na ng lumipas na panahon. ANG MGA NASA IBABA' Y MGA TANAGA NI ILDEFONSO SANTOS NA LUMABAS SA LIWAYWAY. ABRIL 10, 1943 NA NAGPAPAGUNITA NOONG UNANG PANAHON 1. Kabibi Kabibi, ano ka ba? may perlas, maganda ka, Kung idiit sa Tainga Nagbubuntung-hininga. 2. Tag-init Alipatong lumapag Sa lupa-nagkabitak Sa kahoy-nalugayak Sa puso-naglalagablab Ang mga tulang may malayang taludturan na kauri ng "Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla (Isang Kritiko) ay hindi ipinalalagay na tula ng mga makatang tradisyunal. Ang mga ganitong may paghihimagsik sa anyo ay hindi maluwag na napagbibigyan sa dahon ng Liwayway nang bago magkadigma. Subalit sa panahon ng digma, nagbago ang kalagayan. Naging panahon ito ng eksperimentasyon sa dula at naghudyat ng mga pagpasok ng mga tulang malaya. PANAHON NG KALAYAAN - 1945-1950 - sa taong ito, kapansin-pansin ang pagbabago ng pampanitikan. - Alejandro Abadilla -ay nakilala sa pagkakasulat ng aklat na nagtataglay ng antolohiya ng tula mula pa noong panahon ni Balagtas. Siya ay pinarangalang “Pangunahing Makata ” noong 1957. Parnasong Tagalog ni Alejandro Abadilla Buhay at iba Pang Tula ni Manuel Car Santiago Ang isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez. - Alejandro Abadilla (1957) – “Ako ay Daigdig” - Virgilio Almario (1967) - “Mga Huling Tala sa Pagdalaw” - Lamberto Antonio - “Gunitang Sa Puso ’ y Nagliliyab” - Patuloy ang pagsibol at pamumulaklak ng mga tulang Pilipino. Nagkaroon ng maraming pagsusulat kaakibat ng panahon. Mula noong 1960-1970 maraming manunulat sa kasaysayan ang nagpamulat sa kabataang makata upang sumulat batay sa kanilang malikhaing kaisipan, maningning na pananaw at mga karanasan sa buhay. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN - Galian sa Arte at Tula (GAT) Noong 1973, itinatag ang Galian sa Arte at Tula (GAT) ng isang grupo ng kabataan. Layunin nila na ipagpatuloy ang pagsusulat ng mga makabayang panitikan at ilapit ito sa mga tao. - Karamihan sa mga miyembro ng grupong ito ay nagtapos sa Pamantasan ng Pilipinas at nagpatuloy sa pagtuturo upang maibahagi ang kanilang kaalaman LAYUNIN NG GAT - Magkaroon ng regular na forum para sa mga manunulat upang magtulungan sa kanilang mga suliranin sa pagsusulat. - Ibalik ang panulaan sa puso ng mga tao at gawing inspirasyon ang mga pang-araw-araw na karanasan ng mga Pilipino. PRESIDENTIAL DECREE NO. 33 AT NO. 90 - Batas na nagbabawal sa pagsusulat, paglalathala, at pagpapalaganap ng mga tinatawag na "subversive materials" o anumang bagay na maaaring magdulot ng pag-aalsa laban sa gobyerno. Ang sino mang mapatunayang gumagawa o nagkakalat ng mga ganitong materyales ay maaaring mapatawan ng mabigat na parusa, kabilang na ang pagkakakulong. MGA TANYAG NA ANTOLOHIYA NG PANAHON - Ilan sa mga pangunahing akda noong panahon ng Bagong Lipunan ay ang “Kagilas-gilas na Pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz” ni Jose Lacaba, na may temang mapang-uyam at mapanukso. Gayundin, ang Doktrinang Anakpawis ni Virgilio Almario, na nagpaparangal sa mga manggagawa, magsasaka, at mga mahihirap. Sa panahon ding ito (1975) nailimbag ang bagong edisyon ng Parnasong Tagalog, isang katipunan ng mga tula ni Alejandro Abadilla. PARNASONG TAGALOG ni Alejandro Abadilla - Ang "Parnasong Tagalog" ay isang antolohiya ng mga tula at mga akdang pampanitikan na inedit ni Alejandro G. Abadilla, isang kilalang makata at manunulat na kilala bilang "Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog." Unang inilathala noong 1940, ang koleksyon na ito ay may malaking papel sa pagbago at pag-usbong ng modernong anyo ng panulaang Tagalog. 11 PAG-IWAS SA TUWIRANG PAGBATIKOS SA BATAS MILITAR - Bagama't malaya ang mga manunulat na pumaksa sa panlipunang isyu, napansin na walang tahasang panunuligsa laban sa Batas Militar. Ang mga kritikal na akda ay matatagpuan lamang sa mga underground na publikasyon. PAGHUPA NG AKTIBISMO SA PANULAAN - Sa ilalim ng Batas Militar, humina ang panunuligsa at aktibismo sa mga akda. Ilan sa mga kilalang makata gaya nina Lamberto Antonio at Jesus Manuel Santiago ay nanatiling aktibo ngunit binago ang kanilang istilo at paksa. - Maibibilang sa mga makatang ito sina C.C. Marquez, Aurelio, Angeles, Lamberto Antonio, Mar Al. Tiburcio, Elynia Ruth Mabanglo, Ponciano BP. Pineda at Jesus Manuel ng Galian sa Arte at Tula (GAT). GLORIA VILLARAZA GUZMAN - Si Villaraza-Guzman ay nakilala dahil sa kanyang tulang epiko na Handog ng Kalayaan, na tumalakay sa epekto ng Pantabangan Dam sa mga katutubo. Ang kanyang tula ay nagbigay diin sa paglaban ng mga katutubo laban sa modernisasyon. Dahil dito pinagkalooban ng Dakilang Gantimpala sa ika-10 anibersaryo ng cultural Center of the Philippines dahil sa kanyang tulang- epikong Handog ng Kalayaan. - Take note: Nagpatuloy pa rin sa pagpaparangal ang Palanca Memorial Awards sa mga natatanging tula ng taon. PANAHON NG KONTEMPORARYO - Makabagong Tula sa Panahon ng Bagong Demokrasya Sa paglipas ng panahon, naging mas malaya ang mga makata. Tinanggal nila ang mga tradisyonal na porma tulad ng tugma at sukat at naging mapaghimagsik ang kanilang mga akda. Ito ay repleksyon ng malalim na kamalayang panlipunan. - Mga Makatasa Panahong Ito Ilan sa mga kilalang makatang panahon ay sina Virgilio Almario, Tomas Agulto, at Teo Antonio. Ang tula ni Teo Antonio na Babang Luksa ay tumalak ay sa mga kaganapan bago ang EDSA Revolution at nagwagi sa Palanca Awards noong 1985 - 1986. Kasama sa mga kilala ng kababaihang makata sina Teresita Capili - Sayo, Gloria Villaraza - Guzman, at Ruth Elynia Mabanglo. Sila ay nagbigay ng mga natatanging kontribusyon sa panulaang Pilipino at kinilalang iba’t ibang Gawad. MAKABAGONG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG TULA - Spoken Poetry Isa sa mga makabagong anyo ng tula ay ang spoken poetry, na karaniwang itinanghal sa mga bar o mga pampublikong lugar. Ang kasiningan nito ay pinalalakas ng musika at madalas ay naglalaman ng mga “hugot lines” na nakakaantig sa damdamin ng mga tagapakinig. KABANATA 5: Paksa at mga Isyung Panlipunan TULA - ay ang pagsama-sama ng mga piling salita na may tugma,sukat,talinghaga at kaisipan.Sa pagbuo ,pagsulat at ang paghabi ng tula ay ginagawa ng isang makata.Kung saan ang makata ay may punong-punong imahinasyon,may matayog na damdamin at kaisipan. - ay maaring pumapaksa sa mga nangayayari sa Lipunan, pagmanahal sa Kapaligiran o Kalikasan at sa Bayan TRADISYUNAL - Kung sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat. Taglay nito ang apat na sangkap. a. Tugma b. Sukat c. Talinghaga d. Kaisipan MALAYANG TALUDTURAN - Kung walang sukay at tugma ngunit kinapapalooban ng; a. Talinghaga b. Kaisipan MGA URI NG TULA 1. Tulang Liriko - pumapaksa sa mga damdamin tulad ng kalungkutan at kasiyahan. a. Dalit - nagpaparanga sa Maykapal b. Soneto - may pamalagiang kaanyuan,binubuo ng labing apat(14) na taludtud at nagsasaad ng aral sa buhay. c. Elehiya - nagpapahayag ng pagninilay ng pangyayari o guniguni hinggil sa kamtayan.Isang tulang nagpaparangal sa alaal ng namatay. d. Oda - nagpaparangal ng damdamin,kaugalian,karanasan,pananampalataya at iba pa. e. Awit -naawit sa pagpapahayag ng damdamin,kaugalian,karanasan,pananampalataya at iba pa. 2. Tulang pasalaysay - nagsasaad ng mga mahahalagang pangyayari na may tauhan,tagpuan,at banghay. a. Epiko - inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian, huwaran, at sukayan sa buhay na Hindi kapani-paniwala sapagkat may kababakaghan. b. Awit at Korido - nagsasalaysay ng kagitingan, pagkamaginoo, at pakikipagsapalaran, ng mga prinsesa ng mga kaharian; ang kalbaryong mandirigma sa layuning mapalaganap ang kristiyanisml. Ang awit ay may sukay na labing dalawang(12) pantig sa isaang taludtud. Ang Korido naman ay may walong(8) pantig sa bawat taludtud. 12 3. Tulang Patnigan - karaniwan ng nangangatwiran, nang hihikayat, at nagbibigay-linaw tungkol sa Isang paksa.Halimbawa nito ay Karagatan,Duplo,Balagtasan, at Batutihan. a. Ilokano Bukanegan kung tawagin, ito ay nagmula sa pangalan ni Pedro Bukaneg na siyang Ama ng Panitikang Ilokano b. Kapangpangan Crisotan naman sa mga taga Pampanga, na sunod naman sa pangalan ni Jose Crisostomo Soto na siya ring kinikilalang Ama ng Panitikang Kapampangan. MGA SANGKAP NG TULA 1. Tugma Pagkakatunog ng mga huling pantig ng taludtod. Sukat ay bilang ng saknong, taludtod at pantig ng tula. Maaaring ito ay walo, sampu, labindalawa at labingapat. 2. Sukat Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Tradisyonal na uri ng tula ay may sukat na 12:6-6, 14:7-7, 16:8-8. Ang cesura ay panandaliang paghinto kapag binibigkas ang tula. 3. Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula Mga nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw at saloobin nito. 4. Talinghaga Taglay ng tula kung napapagalaw ng husto ang imahinasyon ng bumabasa bunga ng pagtataka at pagtatanong. 5. Imahen o Larawang Diwa Nabubuo sa guniguni ng mambabasa na isang tao, pook, sitwasyon o pangyayari. 6. Aliw-iw Taglay ito ng tula kung maindayog ang pagbigkas lalo pa ito ’ y nasa tradisyonal na pagkakasulat. Bunga ng pagkakasintunugan ng huling pantig. 7. Tono Damdaming nakapaloob sa tula. Maaaring ito ay kasiyahan, kalungkutan, galit, pag-aalala at iba pa. Maari rin namang nangangaral, nanghihikayat, nangaaliw, o nagtuturo. 8. Persona Nagsasalita sa tula. MGA PAKSA AT ISYUNG PANLIPUNAN SA TULA - Malaya ang guro na pumili ng kanyang paraan ng pagtuturo ng panitikan, ngunit kinakailangan ng masusing pag-aaral at mahusay na pagbasa. - Hindi sapat ang simpleng pagdinig ng mga mag-aaral sa nilalaman ng isang akda; dapat ay may pagsusuri at pagkakaugnay nito sa mga pangyayari sa lipunan. - Mga isyung dapat talakayin sa tula: a. Kahirapan b. Karapatang pantao c. Isyung pangkasarian d. Isyung pangmanggagawa e. Isyu hinggil sa mga pangkat minorya f. Isyu hinggil sa diaspora o migrasyon LAYUNIN NG PAGTUTURO NG MGA ISYU - Pukawin ang imahinasyon at damdamin ng mga mag-aaral upang sila ’ y maging mas sensitibo sa mga pangyayari sa kanilang paligid; - Tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng sariling paninindigan at tiwala sa sarili; at - Turuan silang makakita ng posibleng solusyon sa mga suliraning panlipunan, upang makagawa ng maganda at positibong kinabukasan. KABANATA 6: Maikling Kwento SA IYONG PALAGAY ANG MAIKLING KWENTO BA AY ISANG PAGPAPAHAYAG NG TUNAY NA DAMDAMIN AT KAISIPAN NG ATING LAHI? - Oo, ang maikling kwento ay isang malakas na pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng ating lahi. MAIKLING KWENTO SA PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA - Ang maikling kwento ay hindi pa lubisang isinisilang sa panahong bago pa dumating ang mga Kastila, ngunit mayroon nang mga salaysay na naririnig hinghil sa mga anito, lamang lupa, o anumang di kapanipaniwalang salaysay na bunga ng guniguni. PANAHON NG KASTILA - ay nagpanibagong sigla sa panitikan dahil sa pagkakaroon ng palimbagan ng Unibersidad ng Santo Tomas. - Ang Doctrina Cristina noong 1593 ang kauna unahang aklat na nalimbag sa panulat ni PADRE JUAN DE PLACENCIA & PADRE DOMINGO NIEVA. 13 PAANO NAKATULONG ANG PALIMBAGAN SA UST SA PAG-UNLAD NG PANITIKANG PILIPINO SA PANAHON NG KASTILA? - Ang palimbagan sa UST ay naging isang mahalagang instrumento sa pagpapalaganap ng panitikang Pilipino sa panahon ng Kastila. - Nagbigay-daan ito sa pag-abot ng mga akdang pampanitikan sa mas malawak na madla. - Nag-ambag ito sa paglago ng kamalayan sa sariling kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. SA IYONG PALAGAY, BAKIT DI GAANONG NAGING PALASAK ANG MAIKLING KWENTO SA PANAHON NG KASTILA? - Mahigpit na kontrol ng mga Kastila sa panitikan - Limitadong access ng mga Pilipino sa edukasyon - Laganap ang pasalitang tradisyon (epiko, awit, korido) - Kakulangan sa teknolohiya para sa pagpapalimbag - Prayoridad sa ibang uri ng panitikan (panrelihiyon, tula, dula) - Espanyol ang pangunahing wika sa pagsulat PANAHON NG AMERIKANO - Pagdating ng Amerikano Maikling Katha o Maikling kwento Pinagmulan: o Dagli at Pasingaw Kwentong Bibit o Kakana (FOLK TALES) o pinagmulan ng mga bagay bagay, kwentong engkanto, pabula, parabula Layunin: o pagtuturo sa mga bata -Kaugnayan sa prinsipyo ng demokrasya - DAGLI (Sketches) Kahulugan: o Maikling paglalarawan o maikling tala ng isang pangyayari Katangian: 1. May sitwasyon o pangyayari 2. May tauhan o mga tauhan 3. Walang pag unlad ng kuwento 4. Walang banghay Layunin: o mangaral o manuligsa - Halimbawa ng DAGLI at mga may akda Lope K. Santos o Sumpain Nawa ang mga Ngiping Ginto Iba Pang Manunulat: o Valeriano H. Pena o Inigo ed Regalado o Patricio Mariano o Pascual Poblete Mga Pahayagan: o Muling Pagsilang (1903) o Democracia (1921) ▪ Ang Mithi at Taliba - Ang Pasingaw at Halimbawa Kahulugan: o mas mahaba at mas maunlad na anyo ng dagli Katangian: o Hindi ganap ang banghay Dalawang Uri batay sa nilalaman o layunin: 1. handog sa babaeng inspirasyon 2. direktang pangaral HALIMBAWA: o Ang Kaliwanagan ni Lope K. Santos o Ang Kapatid ng Bayan ni Pascual H. Poblete Madalas gumagamit ng sagisag panulat - Tatlong Pangkat ng Manunulat 1. WIKANG KASTILA ang ginagamit sa sumunod sa yapak nina Rizal, Del Pilar at Jaena. 2. WIKANG TAGALOG na ginagamit ng mga nanalig na higit na maunawaan ang akda kung sailing wika ang gagamitin. 3. WIKANG INGLES ang ginagamit upang subukin ang sarili sa wikang banyaga. 14 na naimpluwensiyahan ng mga dayuhang manunulat gaya nina Dickens, Thackeray, Stevenson, Hawthorne, Balzac, Hugo, Edgar Allan Poe - Maikling Kwento Nagtagumpay ang ELIAS ni Rosauro Almario (1910) sa pahayagang Ang Mithi na may boto na 14,478 ng mga mambabasa. Mga Tema at Katangian o Nasyonalismo o Kalayaan sa pagsulat at pananalita o Pagiging maramdamin ng mga akda o Panatisismo sa pananampalataya o Pagsunod sa matatandang paniniwala at pamahiin o Romantisismo MGA SAMAHANG PAMPANITIKAN 1. Aklatang Bayan Hindi pa ganap ang banghay - Nakakahon pa ang karakterisasyon 2. Ilaw at Panitikan Tinawag na panahon ng popularisasyon Pagsilang ng Liwayway 3. Kontribusyon ni Clodualdo Del Mundo Panunuri at pamumuna - Pamimili ng pinakamahusay na kwento Parolang Ginto 4. Panitikan Pagsusnog ng mga akdang hindi itinuturing na panitikan 5. Ang Ilaw ng Bayan Pag-usbong ng mga kabataang manunulat sa Wikang Ingles MGA AKLAT-KATIPUNAN O ANTOLOHIYA NG MAIKLING KWENTO 1. Ang “Mga Kuwentong Ginto” (1925-1935) nina Abadilla at Del Mundo Kauna-unahang Katipunan ng pinakamarikit na maikling katha. Binubuo ng 20 “Kuwentong ginto”. 2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista” (1939) ni Pedro Reyes Ang mga kuwentong napabilang dito'y hindi pinili ng patnugot kundi sadyang ipinagkaloob sa kanya ng mga may- akda. batay sa sariling palagay na iyon ang kanilang pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo; at ng mga manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, at Mariano C. Pascual. MGA UNANG KWENTONG MAY BANGHAY - Ang banghay (Plot) ay unang pumasok sa kamalayan ng mga manunulat noong 1920 nang kilalaning katha ng taon ang "Bunga ng Kasalanan " ni Cirio H. Panganiban. Ang "Bunga ng Kasalanan " tulad ng "Elias " ay nagwagi naman sa timpalak panitik ng Taliba sa bisa rin ng mga boto ng mga mambabasa. - Taong 1920, ang mga kathang Tagalog ay nagkaroon na ng banghay at ang karamihan nito ay nalathala sa mga babasahin sa Maynila. - Nabawasan ang pangangaral nang tuwiran. Nanaig ang sentimentalismo sa diwa, paksa at paraan ng pagpapahayag. - Ang unang kuwentong may banghay ay ang Bunga ng Kasalanan ni Cirio H. Panganiban na kinilalang kuwento ng taong 1920. - Taglay pa rin ng maikling kwento ang mga dating katangian hanggang sa dumating ang 1930. - Isa sa mga nangahas bumago ng landas sa pagsulat si Deogracias A. Rosario. PANAHON NG HAPON - Ang kasiglahan ng Panitikang Filipino ay noong mga huling taon ng mga Amerikano sa bansa ay nahalinlan ng takot ang pangamba. Simula nang pumasok ang mga Hapones ay unti-unting nanlamig ang pagsulat ng kahit anong uri ng akda. - Nabuksan muli ang lingguhang Liwayway pagkalipas ng ilang buwan sa pangangasiwa ni Kin -Ichi Ishikawa, isang hapones na may puso at kaalaman sa larangan ng pagsulat. Di nga naglaon ay nagbukas na rin ang Taliba na ikinagalak ng manunulat. - Bagama’t maraming nagtangkang magsulat , ang mga akda naman ay kinakailang ang makapasa sa panuntunan ng sensor - ang Manila Shimbun - sha. - Ang mga pinapaksa ng kahit anong akda ay hinggil sa kadakilaan ng mga Hapones at di pagtalakay sa tunay nanangyayari sa kapaligiran lalo na ang may ugnayan sa pulitika. Nang buksanang Sunday Tribune Magazine noong 1943, maraming nalathalang tula, kwento at mga unang lathalain sa Niponggo (Nihonggo o Nihongo). BAKIT MASASABING ANG PANAHON NG HAPON ANG ITINUTURING GINGTONG PANAHON NG MAIKLING KWENTO? - Kahit na sabihing napakahigpit ng sensor sa panahong ito-maiituring na Gintong Panahon ng Maikling Kwento ang panahon ng Hapon sa ating bansa dahil sa maraming nagsisulat ng maikling kwento na kahit ang ilan sa kanila na nahirati sa pagsulat sa wikang Ingles ay sumubok na gamitin ang wikang kinagisnan sa paglalahad ng kanilang Ideya. - Itinuturing na Gintong Panahon ng maikling kwento dahil sa ilang mga dahilan: 1. Pagsibol ng mga Manunulat: Sa kabila ng mga pagsubok ng digmaan, maraming manunulat ang nagsimula at lumago sa kanilang kakayahan sa pagsusulat. Nagbigay ito ng pagkakataon para sa mga bagong boses at estilo. 2. Pagpapaunlad ng anyo: Sa panahong ito, nagkaroon ng mas malikhain at masining na pagsulat. Ang mga kwento ay naging mas maikli at mas tuon sa mensahe, na nagbigay diin sa husay ng pagbuo ng kwento. 15 3. Paghahanap ng Identidad: Sa ilalim ng pananakop, marami ang nagsimulang magsalamin ng kanilang karanasan at pakikibaka sa kanilang mga kwento, na nagbigay ng bagong perspektibo sa kulturang Pilipino. 4. Suporta ng mga Publikasyon: Maraming literary magazines at pahayagan ang nag ambag sa pagpapalabas ng mga maikling kwento, na naging daan upang maipakilala ang mga bagong manunulat. 5. Temang Panlipunan: Ang mga kwento sa panahong ito ay kadalasang naglalaman ng mga tema tulad ng nasyonalismo, sakripisyo, at pagkakaisa, na tumutugon sa mga suliranin ng lipunan. Nakilala ang mga bagong manunulat tulad nina Brigido Batungbakal, Macario Pineda, Serafin Guinigundo, Liwayway Arceo, Narciso Ramos, Nestor Vicente Madali Gonzales (NVM Gonzales) na sumubok sa pagsulat ng maikling kwento. Nagkaroon ng timpalak sa pinakamahusay na akda noong taong 1945. Sina Francisco Icasiano, Jose Esperanza Cruz, Antonio Rosales, Clodualdo Del Mundo at Teodor Santos ang mga bumuo ng inampalan. Samantalang pinasuri naman kina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmazeda at Inigo Ed regalado ang 25 maikling kwento. UNANG GANTIMPALA - “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes PANGALWANG GANTIMPALA - “Uhaw ang Tigang na Lupa” – Liwayway Arceo PANGATLONG GANTIMPALA - “Lungsod Nayon at Dagat” - Dagatan Nestor Vicente Madali Gonzales PANAHON NG KALAYAAN - Ang mga pangyayari sa bansa sa pagitan ng mga taong 1945 hanggang 1971 ay maituturing na isang malaking hakbang sa pagsulong ng maikling kwento. Totoong nais ng mga Pilipino na bumalik sa Pilipinas ang mga Amerikano sa pag-aakalang magdudulot ito sa bawat isa. - Ang Pangulong Manuel A. Roxas ang sumalo ng napakaraming suliranin iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pagkakatatag ng Ikatlong Republika ng bansa. - Nakilala ang iba’t ibang personalidad , mga may kaya at intelektwal na indibidwal ang naglantad ng mga katiwalian at kabulukan ng kasalukuyang admisnistrasyon. Ang pagkakaroon ng base-militar ng Amerika sa bansa ay isang usaping hindi malutas at ang palagiang deomstrasyon sa harap ng embada ng Amerika ay isang karaniwang tagpo lamang. - Sina Jose Maria Sison ng kabataang Makabayan at kolumnistang Max Soliven, Luis Beltran, Teodoro Locsin, at Napoleon Rama ay tuwirang tumuligsa sa mga katiwalian ng pamahalaan. - Ang Constitutional Convention ay ginanap noong 1971 upang bumuo ng bagong konstitusyon bunga ng mga kaguluhan at pagbasak ng kabuhayang pambansa. PAANO UMUNLAD ANG MAIKLING KWENTO SA PANAHON NG KALAYAAN? ANU - ANO ANG MGA PAKSA NG NAGING PALASAK? - Sa panahon ng kalayaan, umunlad ang maikling kwento sa pamamagitan ng mas malayang pagpapahayag at pag-usbong ng mga bagong tema. Ang mga paksang haging palasak ay ang nasyonalismo, kultura, at mga karanasan ng mga Pilipino sa bagong kalayaan. Kasama rin dito ang mga isyu sa lipunan, pakikibaka, at mga personal na kwento ng mga tao sa kanilang araw-araw na buhay. - Ang patakarang "Pilipino Muna" ang naging daan upang maging tanyag si Pangulong Carlos P. Garcia at ang reporma sa Lupa naman ay ang kay Pangulong Diosdado Macapagal na totong di nagpaangat sa ng piso na dahilan upang kalabanin ang dalawa ng dating naging pangulo. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN - Ang panahong ito ay tinaguriang Panahon ng Aktibismo. - Wikang Filipino ang naging midyum ng iba’t ibang pagpupulong na naging daan upang lumalaganap at umunlad ang Wikang Filipino. - “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Ito ang islogang madalas mabasa sa mga babasahin, marinig sa radyo’t telebisyon at bukambibig ng mga mag-aaral sa panahong ito. Ito ang Panahon ng Bagong Lipunan. ANO ANG NAGING DAMDAMIN NG MGA KWENTISTA SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN? - Ang damdamin ng mga kwentista ay masalimuot. Marami ang nakaramdam ng takot at pag-aalinlangan dahil sa mahigpit na kontrol ng pamahalaan. Sa kabila nito, ginamit nila ang kanilang mga kwento upang ipahayag ang hirap at pag-asa ng mga tao, madalas sa pamamagitan ng simbolismo at satire, na nagsilbing salamin ng lipunan at nagbigay-diin sa pagnanais ng pagbabago. TATLONG MAHALAGANG LAYUNIN NG BANSA 1. Kaunlarang Pangkabuhayan Ang kaunlarang pangkabuhayan sa Bagong Lipunan ay inilalarawan sa panitikan bilang bahagi ng propaganda ni Marcos, na nakatuon sa ekonomiya at disiplina. Habang ilan ang pumuri, marami ring akda ang tumuligsa sa kahirapan at katiwalian. Sina Bienvenido Lumbera at Lualhati Bautista ay kabilang sa mga sumalungat sa rehimen sa kanilang mga akda. 16 2.Kaunlarang Palipunan inilalarawan sa panitikan bilang pagtataguyod ng disiplina at kaayusan, ngunit kritikal na binabatikos bilang pagsupil sa kalayaan at oposisyon. Habang ang mga akda ng rehimen ay pumupuri sa mga reporma, ang mga manunulat tulad nina Bienvenido Lumbera at Lualhati Bautista ay naglantad ng kawalan ng hustisya at karahasan sa likod nito. 3. Kaunlarang Pangkultura Ang kaunlarang pangkultura sa ilalim ng Bagong Lipunan ay ginamit upang isulong ang makabayang ideolohiya at kulturang Pilipino ayon sa agenda ng rehimen. Habang ipinapakita sa mga opisyal na akda ang suporta sa tradisyon at sining, maraming kritikal na manunulat, tulad ni Bienvenido Lumbera, ang tumuligsa rito bilang paraan ng kontrol at pagsupil sa Kalayaan. - Nakilala ang mga kwentistang sina Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtuoso at Pedro Dandan. - Ang babasahing SAGISAG- ang naging tagatangkilik ng mga kwento. Ito’y inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla at nagtaguyod ng timpalak Gawad-SAGISAG upang tumuklas ng mga bagong manunulat. - Ang kwentong Huwang Mong Tangisan ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe na isinulat ni Domingo Landicho ay nagwagi ng Timpalak-Palanca noong 1974-1975. Ito ay naglalahad ng mga naging buhay ng isang pamilya sa pagtungo nila sa Amerika. PANAHONG KONTEMPORARYO - Dula pinaka sentro ngpanitikan sa panahongkontemporaryo nang tulog angpagsulat ng maikling kuwento atnobela.Ang mga dulang Pilipino naman aynagningning dahil sa pagkalat nito.Mula sa mga paaralan hanggang samga tanghalan tulad ng CCP atMetropoltan Theater. o Naging aktibo ang PhilippineEducational Theater Association(PETA)- Nabuo sa pamumuno ni CecileGuidote-Alvarez noong 1967- Sa Dulaang Rajah Soliman in FortSantiago, Intramuros Manila. o Itinatag sa UP ang Palihan AurelioTolentino at sa CCP, ang TeatroPilipino ni Tinio at ang BulwagangGantimpala ay nagsipagtangal nkani-kanilang mga dula. - Kontemporaryong Sining - Mga modernong anyo ng sining tulad ng visual arts, performance, at multimedia. - Kontemporaryong Literatura - Mga akdang pampanitikan na tumatalakay sa kasalukuyang isyu at karanasan. - Kontemporaryong Musika - Iba 't ibang genre na umusbong sa modernong panahon, mula sa pop hanggang sa hip-hop. - Kontemporaryong Arkitektura - Makabagong disenyo na sumasalamin sa kasalukuyang teknolohiya at estilo. - Bawat uri ay naglalarawan ng kasalukuyang kalagayan at kultura ng Lipunan - Manunulat - ay naglantad ng mga totoong pangyayari upang mamayani ang realismo. Itinanghal ang Pilipinas na "Bagong Bansa sa Bagong Demokrasya: Moral Recovery " nabinigyang pansin ni Pangulong Fidel V. Ramos. "Erap Para sa Mahirap " naman ang pilosopiyang ginamit ni Pangulong Joseph Estradana ginawang "Angat Pinoy 2004". Ang layunin nito ay maiangat ang antas ngpamumuhay. Ngunit dahil sa pagkasangkot sa katiwalian, napatalsik si Pang Estrada napinalitan ni Pangulong Gloria Arroyo. Siya ang nagbiga diin sa pagkakaroon ng "New Moral Order" KABANATA 7: Mga Sangkap Ng Maikling Kwento Banghay MAIKLING KUWENTO - ay sangay ng salaysay (narration). May sariling mga katangian ito na siyang ikinaiiba sa ibang sangay ng panitikan. Kabilang sa mga katangiang ikinaiiba nito ay ang pagkakaroon ng: 1. lisang kakintalan, 2. May isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang lutasin, 3. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, 4. May mahalagang tagpo, at 5. May mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas. - ay binubuo ng mga pangunahing sangkap tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, at mahalagang tema o isipan na nais ipahayag ng may akda. Bagaman lahat ng sangkap na ito ay mahalaga, ang iba 't ibang kwento ay maaaring magpokus sa isa sa mga ito. Maaaring nangingibabaw ang maayos na banghay o ang mga katangian ng tauhan, at batay dito, nauuri ang mga kwento depende sa kung alin sa mga sangkap ang binibigyang-diin ng may-akda. URI NG MGA KWENTO 1. Salaysay Ang uring ito ' y di nagtataglay ng nangingibabaw na katangian, hindi nagmamalabis bagama 't masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluway at hindi apurahan ang pagsasalaysay. Isang mabuting halimbawa ang sinulat ni Irving na "Rip Van Winkle ". 2. Kwento ng Katutubong Kulay Ito ' y isang uri ng kwentong ang binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang pook. Ang matapat at masusing paglalarawan ng mga tao sa isang pook, ang kanilang pamumuhay, ang kanilang mga kaugalian at mga gawi ang napapaloob sa ganitong uri ng kuwento. Ang halimbawa nito ' y "Ang Suyuan sa Tubigan " ni Macario Pineda. 3. Kwento ng Madulang Pangyayari Ang pangyayari sa ganitong uri ng kwento ay kapansin-pansin at lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga taong gumagalaw sa kuwento. Ang kwentong "Bahay na Bato " ni Antonio B.L. Rosales ay isang magandang halimbawa. 17 4. Kwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa Dito ' y ang kawilihan ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan. Ang pagkawili ay nasusubaybayan sa mga kawil ng pangyayaring bumabalot sa pangunahing tauhan ng kwento. Isang kwentong Ingles ang mainam na halimbawa nito, ang "Legend of the Three Beautiful Princesess " (Alamat ng Tatlong Magagandang Prinsesa) ni Irving. 5. Kwento ng Kababalaghan Ang mga bagay na hindi kapanipaniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao ay siyang ipinakikilala ng ganitong uri ng kwento. Ang mga pangyayaring kataka-taka ay nagbibigay kasiyahan sa mga mambabasa. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay may hustong bait sa sarili at hindi mapapaniwala nang gayun-gayon lamang sa kahit na anong bagay na lihis sa kanyang paniniwala. Ang ginagamit sa paglalahad dito ay pagpapaliwanag na pansiyentipiko nang sa gayo ' y lalong maging kapani- paniwala. 6. Kwento ng Katatawanan Kahawig lamang ng uring ito ng isang salaysay kaysa sa isang tunay na maikling kwento. May kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas ang galaw na pangyayari. Ang kuwento ni Mateo Cruz Cornelio na "Tubig sa Buslo " ay isang halimbawa ng ganitong uri ng kwento. 7. Kwentong Sikolohiko May kahirapan ang ganitong uri ng kwento. Ang tauhan ay inilalarawan sa mga pag-iisip ng mambabasa. Sinasabing ang suliranin ng may-akda ay ang maipadala sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o kalagayan. Ang bagay na halimbawa ng kwentong ganito ang uri ay ang "Dugo at Utak" ni Cornelio Reyes at ang "May Landas ang mga Bituin " ni Macario Pineda. 8. Kwento ng Tauhan Ang binibigyan diin sa kwentong ito ay ang tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Isang halimbawa ay ang kwentong "Si Ingkong Gaton at ang Kanyang Kalakian " ni Serafin Guinigundo. 9. Kwento ng Katatakutan Ang damdamin ay pinupukaw sa kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kwento. Makapigil hininga kung minsan ang ganitong uri ng kuwento. Ang simulaing "Kaisahan " at "Bisa " ang mahalaga sa kwentong ito. Kailangang magkaroon ng kaisahan ng pook, kaisahan ng panahon at kaisahan ng galaw o kilos ng pangyayari. 10. Kwento ng Talino Ang mahusay na pagkabuo ng balangkas ang umaakit ng kawilihan sa mga mambabasa sa halip na ang tauhan o ang tagpuan. Ang sumusulat ng ganitong uri ng kwento ay kailangan lumikha ng masuliraning kalagayan upang mamahay sa alinlangan o sa dilim, hanggang sa mga takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan. Ang kwento ukol sa paniniktik ay mga halimbawa ng kwento ng talino. ANO ANG MGA BANGHAY NG MAIKLING KWENTO? - ay ang estruktura o balangkas ng kwento, na naglalarawan ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kadalasan, binubuo ito ng limang bahagi: panimula, saglit ng kasiglahan, tunggalian, kasukdulan, at wakas. Ang banghay ay mahalaga sa pagbuo ng kwento dahil nagbibigay ito ng lohikal na daloy at nagpapanatili ng interes ng mambabasa. 1. Panimula ay ang unang bahagi ng maikling kwento na nagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliranin upang makuha ang interes ng mambabasa. 2. Saglit ng Kasiglahan ay ang bahagi ng maikling kwento kung saan pansamantalang umiinit ang mga pangyayari bago tuluyang sumiklab ang tunggalian. Dito nararamdaman ang mabilis na takbo ng mga pangyayari, at nagbibigay ito ng pahiwatig sa magiging direksyon ng kwento patungo sa kasukdulan. 3. Kakalas ay ang bahagi ng kwento kung saan nagaganap ang resolusyon ng tunggalian, at dito natutukoy ang mga resulta ng mga pangyayari at ang bagong kalagayan ng mga tauhan. 4. Wakas ay ang huling bahagi ng kwento na naglalaman ng konklusyon at mga aral, na nagpapakita ng resulta ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tauhan. MGA PAKSA AT ISYUNG PANLIPUNAN SA MAIKLING KUWENTO - Kahirapan - Madalas na lumalarawan sa buhay ng mga tao na nahihirapan sa pagtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. - Edukasyon- Binibigyang-diin ang halaga ng edukasyon sa pag-unlad ng isang indibidwal at ng lipunan. Tinalakay sa mga kwento ang mga hamon na kinakaharap ng mga estudyante, tulad ng kakulangan sa pondo at akses sa mga mapagkukunan. - Kalusugan- Isyu ng lahi, kasarian, at iba pang uri ng diskriminasyon sa lipunan. - Kapaligiran- Tumutukoy sa mga isyu sa pagbabago ng klima, polusyon, at pagkasira ng kalikasan. Ang mga kwento ay maaaring maglaman ng mga tauhang nagtutulungan upang pangalagaan ang kanilang kapaligiran. - Diskriminasyon- Ang paksa ng mga paglabag sa karapatan at pagtrato sa mga marginalized groups, tulad ng mga kababaihan, LGBT, at mga katutubo. Tinutukoy ang mga isyu sa pagkakapantay-pantay at katarungan. - Bayanihan - ng diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao sa harap ng pagsubok, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng komunidad at pagkakaisa sa pag-responde sa mga sakuna o krisis. - Pag-ibig at Relasyon - Ang mga kwento ay madalas na naglalaman ng mga tema ng pag-ibig, pamilya, at pagkakaibigan. Tinutukoy ang mga hamon at pagsubok sa mga relasyong ito, na naglalarawan ng tunay na kalagayan ng tao. - Pagbabago - Pagtalakay sa mga proseso ng pagbabago sa lipunan at sa sarili. Maaaring tumukoy ito sa mga rebolusyonaryong ideya o personal na pag-unlad na nakatutulong sa pag-unlad ng komunidad. 18

Use Quizgecko on...
Browser
Browser