Document Details

EventfulTruth

Uploaded by EventfulTruth

Cebu Normal University

Tags

Filipino Literature Philippine Literature Literary Analysis Language

Summary

This document provides an overview of the history and elements of Filipino literature. Key concepts such as cultural influences, the role of language, and important literary works in Filipino culture are discussed. The document is likely lecture notes for a Filipino Literature class.

Full Transcript

**GE 10: Panitikang Filipino** **KALIGIRAN NG PANITIKAN KAHULUGAN** - Ang salitang panitikan ay galing sa salitang latin na **\"Litera\"** na nangangahulugang **letra** **o titik.** Ang salitang ito ay nag-ugat sa salitang \"pang-titik-an\" na kung saan ang unlaping \"pang\" ay ginagamit at...

**GE 10: Panitikang Filipino** **KALIGIRAN NG PANITIKAN KAHULUGAN** - Ang salitang panitikan ay galing sa salitang latin na **\"Litera\"** na nangangahulugang **letra** **o titik.** Ang salitang ito ay nag-ugat sa salitang \"pang-titik-an\" na kung saan ang unlaping \"pang\" ay ginagamit at ang hulaping \"an\" kung kaya ito ay tinatawag na panitikan. Inilalahad sa lahat ng uri ng pahayag. Nakasulat man o binibigkas. Ngunit kadalasan, ang panitikan ay nakabatay sa mga panulat na nabuo na maaring nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan at pananampalataya na tumutulong sa paghubog sa identidad at katauhan ng isang tao. **TAGAHUBOG NG PANITIKAN** May iba\'t ibang salik na representasyon ng isang lipunan na siyang naghuhulma o humuhubog sa panitikan. - **Kultura, Kaugalian at Tradisyon.** Ito ay nakapaloob ang mga paniniwala, sinaunang gawi at kaugalian na siyang makikita sa mga akda at patuloy na pinagbabatayan sa kasalukuyan. - **Hanapbuhay o Gawain/Propesyon.** Ang mga salitang ipinapahayag ng manunulat ay may kinalaman sa hanapbuhay o propesyon. - **Lipunan at Pulitika.** Ang sistema ng pamahalaan, ideolohiya at ugaling panlipunan ay nasasalamin sa panitikan ng bansa. - **Edukasyon at Pananampalataya.** Ang nakaimbak na karunungan ng tao ay nagagamit sa paggawa ng isang katha. Naiaangkla rin ang pananampalataya sa pagbuo ng panitikan sapagkat may mga nilalaman sa mga obra na nakaayon sa tuntunin at paniniwala ng isang relihiyon. - **Lugar na tinitirahan.** Ito ay may malaking epekto sa isipan at damdamin ng isang tao. Kung ang isang manunulat ay napabilang sa isang masalimuot at magulong kapaligiran, maaring ito ang laman ng kanyang panitikan. **MGA IMPLUWENSYA NG PANITIKAN** Kung ang klima, gawain, kinatitirikan, lipunan at pulitika, relihiyon at edukasyon ay may impluwensya sa anyo, hangarin at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalawang impluwensya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao sa dalawang kalagayan. Una - nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda. Ikalawa - ang mga tao sa daigdig ay nakatagpo sa damdamin at kaisipan at nagkakaunawaan, bukod sa nagkakahiraman ng ugali at palakad. **MGA MAIMPLUWENSYANG AKDANG PAMPANITIKAN SA BUONG MUNDO** 1\. Ang Banal na Kasulatan (Holy Scriptures) na mula sa Palestina at Gresia at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. 2\. Ang Koran na pinaka-Bibliya ng mga mahometano at galing sa Arabia. 3\. Ang Iliad at Odyssey ni Homero na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o palaalamatan ng Gresia. 4\. Ang Mahabharata ng India- kasaysayan ng mga dating Indio at ang kanilang pananampalataya. 5\. Ang Divina Commedia ni Dante ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahong kinauukulan. 6\. Ang El Cid Campeador ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon. **KAHALAGAHAN NG PANITIKAN** Malaki ang pagpapahalaga ng tao sa panitikan sapagkat nakikita nito ang naibibigay ng panitikan sa kanyang buhay. Ito ang naging sandalan sa kaligayan o sa kalungkutan ng tao. Kaya naman, mahalaga lamang na makita at maramdaman din ng ibang tao kung ano ang iba pang kontribusyon o maibibigay ng panitikan sa buhay ng bawat tao. 1\. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang mahandaan ang sariling buhay. Dahil dito, mabibigyan ng solusyon ang suliranin at maunawaan din ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. 2\. Humihikayat nang malalim na pag-uunawa ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyong karunungan may mataas at malalim na kaisipan, saloobin, damdamin at pananalita na matatagpuan sa tradisyunal at kontemporaryong panitikan. 3\. Malaki ang ambag ng panitikan sa kasanayan ng tao sa paggamit ng Wikang Filipino. 4\. Magkaroon ng pagkakakilanlan ang tao bilang Pilipino at malaman ang yaman at talinong nakapaloob ng lahing pinagmulan. 5\. Makukuha ang kabatiran tungkol sa kadakilaan at karangalan ng sariling **PAANO MAIBABAHAGI ANG PANITIKAN** **PASALINDILA -** Ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang ang mga panitikan. **PASALINSULAT** - Isinatitik, isinulat, inulit o iginuhit ng mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap at nagsimula ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito. **PASALINTRONIKO -** Ang mga kagamitan sa modernong panahon ay nagagamit upang patuloy na maibahagi at magbigay ng kabatiran tungkol sa mga iba\'t ibang akdang pampanitikan sa bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga disking kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder, at ng DVD), mga aklat na elektroniko. **MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN** - Paglalahad - kung nais magpaliwanag - Paglalarawan - kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba pa - Pagsasalaysay - kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari - Pangangatwiran - kung nais magpaniwala, manghikayat o mapagpaganap **ANYO NG PANITIKAN DALAWANG ANYO NG PANITIKAN** 1. Tuluyan o Prosa - tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. 2. Panulaan o Tula ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang nabibilang na pantig sa taludtod na pinag tugma-tugma. **Tuluyan o \"Prosa\"** - Kalimitang anyo na nakasulat o sinasalitang wika - Nagmula ang salitang prosa buhat sa Latin na prosa na nangangahulugang \"tuwiran\" o \"hindi paligoy-ligoy\" - Ito ay walang pormal na kayarian. Ayon kay Brown (2019) - Tumutukoy sa ano ang nakasulat na akda na sumusunod sa isang pangunahing istruktura ng gramatika. - Nangangahulugan lamang ito na kung saan ito ay may pamantayang sinunusunod ay may malayang pagpili at paggamit ng mga salita **Dalawang uri na Prosa** 1. Mga akda na bunga ng kathang-isip (piksyon) - mga obra na ang manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahinasyon. Maaaring ang layunin ay magbigay-aliw sa mga mambabasa. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. 2. Ang di kathang-isip (di-piksyon) - mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulad ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,sanaysay o mga akdang pangkasaysayan - ay isang pagsasalaysay ng isang paksa na hinaharap ng isang manunulat bilang katotohanan. Bumabatay ang may-akda sa mga lehitimong impormasyon o kaganapan hinggil sa napupusuang paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. **Panulaan o Tula o (Poesya)** - Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba\'t ibang anyo at estilo - Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay - Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Ang pagbuo ng tula ay isang hamon sa makata sapagkat matimp ang paggamit ng mga salita. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig.Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay.Nagtataglay ng mga simbolo na hindi tuwiran ang pagpapakahulugan o mayroong konotasyong pagpapakahulugan. - Julian Cruz Balcameda - \"Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang magkatipun-tipun sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula. - Inigo Ed. Regalado - \"Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuan ng tamang kariktan na makikita sa sa silong ng alinmang langit\". May sining ng kariktan ang isang tula kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. **Pagkakaiba ng Tuluyan at Panulaan** - ang prosa o Tuluyan ay \"words in their best order\" samantalang ang Panulaan o Tula ay \"best words in their best order\" **Tuluyan o Prosa** - Kapag ang isang katha ay nabibigyan lamang ng kaunting atensyon mula sa mga mambabasa, masasabi na ito. - Mula sa kanyang pahayag, ang mga salita ay naka balangkas at isinasaayos ayon sa tuntunin ng gramatika upang mabatid ang lubos na pag-unawa gamit ang mga payak at direktang pagpapakahulugan ng salita. **Panulaan o Tula** - ang isang katha na kinakailangan ng masusi at malalim na pag-unawa, ito ay nakaangkla sa tinatawag na panulaan. - malimit pinaglalaruan ang mga salita upang patingkarin ang malikhain at masining na pagpapahayag nito. **Mga Akdang Tuluyan** **ALAMAT** - Isa sa mga unang kwento ng mga Pilipino. Bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon ng alamat ang ating ninuno. - Isang uri ng panitikan na pagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kwentong-bayan. **ANEKDOTA** - Tumatalakay sa kakaiba o nakakatawang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng tao. - Maikling salaysay ng isang nakakawiling insidente sa buhay ngunit naghahatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. - Dapat na maging payak ang pagpapahayag ng sapagkat ito ay naglalayong mang-aliw sa paraang pagbibigay ng di-karaniwang pangyayari o pangyayaring nakawiwili at tipikal sa isang lahi o rehiyon o pangkat ng mga tao. **Dalawang uri ng Anekdota** 1. Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao. Nagbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong lalong makilala ang pansariling buhay ng taong iyon sapagkat ang mga pangyayari ay naglalarawan sa katauhan. 2. Anekdotang Kata-kata- hindi hango sa tunay na buhay ay madalas katatawanan ngunit madalas din na may mahalagang tinutukoy. Halimbawa: Anekdota ni Dr. Jose Rizal tungkol sa tsinelas **NOBELA** - Mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba\'t ibang kabanata. - lisa ang balangkas ng nobela, nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mga mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito. - Ayon kay Sauco et al (6), ito ay anyo ng panitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Ito ay maraming tauhan at nangangailangan ng mahabang kawing ng panahon. **Mga Katangian ng Nobela** - Maliwanag at maayos na pagsulat ang mga tagpo at kaisipan. - Pumunta sa lahat ng mga larangan ng buhay. - Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad. - Pumupukaw ng damdamin ng mga mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili. - Kailangan isaalang-alang ang ukol sa kaasalan. - Maraming ligaw na tagpo at kaganapan. - Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari. - Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan **Mga Bahagi ng Nobela** - Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan - Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela - Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela - Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda - Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela - Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari - Pamamaraan - istilo ng manunulat - Pananalita - diyalogo na ginagamit sa nobela - Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan **Mga Layunin ng Nobela** - Gumising sa diwa at damdamin. - Nanawagan sa talino ng guni-guni. - Mapukaw ang damdamin ng mambabasa - Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan. - Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan. - Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa. - Napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela. **Uri ng Nobela** 1. Nobelang ng Tauhan - Nangingibabaw ang mga pangangailangan, kalagayan at hangarin ng tauhan. Halimbawa: Nena at Neneng ni Valeriano H. Pena 2. Nobelang Makabanghay - Ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari ay siyang ikinawiwili ng mga mambabasa. 3. Nobela ng Kasaysayan- Binibigyang-diin ang kasaysayan ng bayan o isang pook. Humahango ng mga materyal sa pangyayaring naganap sa isang lugar. 4. Nobela ng Romansa- Nakatuon sa pag-iibigan at mababasa ang wagas, dalisay at tapat na pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan. Halimbawa: Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos 5. Nobela ng Pagbabago- ay akda at ang manunulat ay naghahangad ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan **PABULA** - Akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop. Nagmula sa salitang griyego na \"muzos\" na ang ibig sabihin ay mito o myth. - Ito ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig maliban sa pagsasalita ng mga hayop. Nalulutas ang suliranin sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin. **PARABULA** - Ang salitang parabola ay buhat sa salitang Griyego na parabole. Ito ay matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang paunlarin. Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas. Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng diin ay aral sa kwento. **MAIKLING KUWENTO** - Anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Isang maikling sanaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. - Si **Edgar Allan Poe** ang tinaguriang \"Ama ng Maikling Kuwento\" sapagkat siya ang kauna-unahang manunulat na nagpakilala ng maikling kuwento bilang isang sining. - Ito ay nababasa sa sang Upuan, nakapukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan **MGA KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO** - Isang madula at di malilimutang bahagi ng buhay ang paksa nito. - Isang pangunahing tauhan na may masalimuot na suliranin o gampanin. - Nakatuon ito sa isang mahalagang tagpo. - Isang kawing ng magkakaugnay na pangyayari na sumisidhi hanggang sa kasukdulan nito. - lisa ang nangingibabaw na kakintalan. **MGA KAHALAGAHAN NG MAIKLING KUWENTO** - Maikling panahon lamang ang ilalaan. Ang mga taong nagmamadali ay nakakabasa niro sa isang upuan lamang dahil nangangailangan lamang ito ng kaunting panahon para matapos. - Nagbibigay-aliw. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa isang tao pagkatapos magbasa. - Motibasyon. Nagpapasigla sa isang tao na magbasa pa ng ibang kuwento. - Interes. Naging isang paraan ito upang maibalik ang hilig ng isang tao sa pagbabasa. **MGA URI NG MAIKLING KUWENTO** - **Salaysay**- Walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama't masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan. - **Kuwento ng Kababalaghan-** Binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito ang pananabik sa mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan. Karaniwang likha lamang ng mayamang guniguni ng may-akda ang ganitong uri ng kuwento. - **Kuwento ng Katutubong Kulay-** Ang binibigyang-diin ay ang kapaligiran ng isang pook. Ang tagpuan ang higit na binibigyang-pansin. Inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga kaugalian at mga paniniwala. - **Kuwento ng Katatawanan-** May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito. - **Kuwento ng Tauhan**- Ang tauhan o mga tauhan sa kuwento ang binibigyang-diin. Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. - **Kuwento ng Katatakutan-** Ang damdamin, sa halip na ang kilos ang binibigyang-diin sa uring ito. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan. - **Kuwento ng Pakikipagsapalaran-** Ang kawilihan sa ganitong uri ng kuwento ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kuwento. Ang kawilihan ay nababatay sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kuwento. - **Kuwento ng Madulang Pangyayari-** Kapansin-pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng kuwento. Ang pangyayari'y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kuwento. - **Kuwento ng Talino-** Ang may-akda ay lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa sa uring ito ng kuwento ay ang pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang mga tauhang gumanap. - **Kuwento ng Sikolohiko-**Inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang suliranin ng may-akda ay maipapadama sa mambabasa, ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari. **DULA** - Ito ay na hango sa salitang Griyego na \"drama\" na nangangahulugang gawin o ikilos.Ito ay isang pampanitikang panggaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. - Ayon kay Aristotle, ito ay isang imitasyon o panggagad ng buhay. - Ayon kay Sauco, ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, diyalogo at iba pang aspekto nito. - Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. **TATLONG BAHAGI NG DULA** - Yugto - Ang bahaging ito ang ipinaghahati sa dula. Inilalahad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga nanonood. - Tanghal - Ipinaghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan. - Tagpo - Ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula. **SANGKAP NG DULA** - Tagpuan -- panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula - Tauhan -- ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng diyalogo at nagpapadama sa dula - Sulyap sa suliranin -- bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula - Saglit na kasiglahan -- saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan - Tunggalian -- ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula - Kasukdulan -- climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya'y sa pinakakasukdulan ang tunggalian - Kakalasan -- ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian - Kalutasan -- sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood **.** - Iskrip o nakasulat na dula - Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. - Gumaganap o aktor - Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng diyalogo; sila ang nagpapakita ng iba\'t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. - Tanghalan - Anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase. - Tagadirehe o direktor --Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. - Manonood --Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood. - Trahedya- Ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan. Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida. - Komedya- Nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkasundo. Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay. - Melodrama- Ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagamat ang uring ito\'y malungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito. - Parsa- Magpatawa sa pamamagitan ng kawili-wili na pangyayari at mga pananlitang lubhang katawa-tawa.Kapag puro tawanan at walang saysay angkuwento at ang mga aksiyon ay puro "Slapstick" na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan. - Saynete- Ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito ay may layuning magpatawa. **SANAYSAY** - Isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. - Isang pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umali, magbigay kaalaman o magturo. - Ayon kay Alejandro G. Abadilla, \"Ang sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay\". Maipapahayag ng may-akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon na ang layunin nito ay maipabatid ang saloobin sa isang paksa o isyu. - Isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng puntode vista (pananaw) ng manunulat. **MGA URI NG SANAYSAY** - Maanyo o pormal - nangangailangan ng maingat na pagpili sa paghahanap ng mga salita, maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan, lubos na kaalaman sa paksa at mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga pangungusap. - Malaya o di- pormal - higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple, kadalasang natural ang paglalahad ng mga kaisipan at parang nakikipag-usap lamang. **TALAMBUHAY** - Isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon. - Naglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay ng mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan. **DALAWANG URI NG TALAMBUHAY** - Talambuhay na Pang-iba - isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na sinulat ng ibang tao. - Talambuhay na Pansarili - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may-akda Mayroon ding tinatawag na talambuhay na karaniwan at di-karaniwan. - Talambuhay na Karaniwan -- isang paglalahad tungkol buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama dito ang mga detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, iba pang mahalagang bagay tungkol sa kanya. - Talambuhay na Di-karaniwan o Palahad -- hindi gaanong binibigyan ng diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito'y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sahalip ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano naauganay ang mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan. **TALUMPATI** - Isang pahayag sa harap ng mga taong handang makinig. Layunin nito na magpahatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa upang makasakit o magpapaniwala. **MGA BAHAGI NG TALUMPATI** - Panimula - bahaging naghahanda sa kaisipan ng mga nakikinig upang maakit ang kanilang kawilihihan. - Paglalahad - bahaging napapaliwanag, katawan ng talumpati - Paninindigan- bahagi ng naglalaman ng mga katunayan o ebidensya na nagtatalumpati - Pamimitawan- pangwakas na bahagi ng talumpati. **MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN** May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla. - Talumpating Pampalibang - Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo. - Talumpating Nagpapakilala - Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang nagpapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita. - Talumpating Pangkabatiran- Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba't ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay. - Talumpating Nagbibigay-galang- Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis. - Talumpating Nagpaparangal- Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. - Talumpati sa Eulohiya- Binibigkas sa mga taong namayapa na.Binibigyan-diin ang mga nagawa niya noong siya'y nabubuhay pa. PANITIKAN SA PILIPINAS\ ANG PANITIKANG FILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA - Ang panitikan sa panahon ng katutubo ay pawang nasa anyo ng pabigkas gaya ng mga bulong,tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula. Kasama rin sa akdang pampanitikan na naibabahahi sa paraang pasalindila ay ang kuwentong-bayan , alamat, mito at mga katutubong sayaw. Bakit pasalindila? Hindi pa lubos na nakikilala ang pagsusulat at kung mayroon man ay nasusulat ito sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makinis na bato. **Dalawang kapanahunan ang panahon ng matandang panitikan:** - **Ang Kapanahunan ng mga Alamat-** sumakop sa panahong ito simula pagdating ng ikalawang pangkat ng mga Malay. - **Ang Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang-**Bayani,na nagsisimula sa pali-palibot ng taong 1300 A.D., at nagtapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong 1565 A. **Mga naunang mga taong dumating sa bansa bago ang Kastila** **Ang Mga Ita o Mga Negrito** - Sila ang mga unang naninirahan sa Pilipinas. Bansag sa mga taong ito ay Negrito, Ita, Aetas o Baluga. Wala silang kasanayan sa agham,sining, pagsulat at pamumuhay. Ayon kay Sauco (11), ang mga sinanunag Ita ay gumagamit ng mga busog at pana sa paghahanap ng pagkain. Sinasabing wala silang kasanayan sa pagpapatakbo ng isang pamahalaan ngunit mahigpit ang bigkis ng kanilang pagsasamahan. **Ang Mga Indonesyo** - Kung ihahambing ang kalarakaran ng mga Ita sa mga Indonesyo ay mas angat sila kung pag-uusapan ay ang sistema ng pamahalaan. Nagsusuot sila ng damit, marunong gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng dalawang patpat ng tuyong kahoy. Mayroon din silang sariling dalang panitikan kagayan ng mga alamat, pamahiin at mga epiko. **Ang Mga Malay** - Nahahati sa tatlong pangkat ng mga Malay ang dumayo sa bansa. Nagdala sila sa Pilipinas ng sistema ng pamahalaan na tinatawag na Balangay na hinango sa sinakyan nilang balsa. Ang ikatlong pangkat ay napadpad sa Mindanao na kung saan nagdala sila ng epiko, alamat at kuwentong-bayan. **Ang Mga Intsik na Manggugusi** - Kilala rin sila sa tawag na mangungusi sa kadahilanang inilalagay nila sa gusi ang namatay na kaanak at ibinabaon sa kanilang bakuran. **Ang Mga Bumbay** - Kilala ang unang pangkat na may pananampalatayang Beda at sinasamba nila ang Araw at ang Kalikasan. Ang ikalawang pangkat ay may pananampalatayang Bramin. **Mga Arabe at Persiyano** - Dumayo at naninirahan sa katimugan ng Pilipinas. Sa Mindanao at Sulu sila nagsipanirahan. **Mga Unang Alamat bago dumating ang Kastila** - Ang pinagmulan ng Araw at Gabi - Ang Unang Laki at Babae  **MGA EPIKO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA** - Walang tiyak na impormasyon kung aling epiko ang pinakamatandasapagkat ang mga iilang akda na isinalin sa ibang wika ay idanadaan na lang sa hula ng nasasalig sa panahon ng pangyayaring isinasalaysang ang epiko. Ngunit sa kabilag banda, bago dumating ang mga Kastila ay nagkaroon na ng mga kalipunan ng panulat sa Pilipino.   - Ayon kay Padre Chirino, isang manananaysay na Heswita, ang lahat ng Pilipino ay mahilig sa pagbabasa at pagsulat maging babae o lalaki. **Mga Epiko bago dumating ang Kastila** **MGA EPIKO NG MGA IPUGAW** 1\. Hudhud - Nagsasalaysay ng mga pangyayari hinggil sa kalinangan ng mga Ipugaw at hinngil sa buhay ng kanilang bayaning si Aliguyan, na taga- Gonhandan. Ipinaliliwanag saHudhudang pagkalikha sa daigdig. Inilalarawan ang kasaysayan ng kanilang lahi. May mga bahagi ng tulang ito na hanggang ngayon ay inaawit ng mga Ipugaw sa mga piling okasyon. 2\. Alim - Natutungkol sa buhay ng bathala at sa mga kataka-takang pangyayari na ipinalalagay na langit ng Ipugaw. Isa itong epikong panrelihiyon na kinakanta tuwing may pumanaw o mayroong sakit sa pamilya. MGA EPIKONG BISAYA - Maragtas- tungkol sa sampung datung Malay na tumatakas sa kasamaan ng Sultang Makatunaw ng Borneo at sama-samang nakarating sa Panay. Ang pulong ito 'y binilinila sa haring Agta na si Marikudo. Tatlo sa sampung datu ang nagpatuloy hanggang Mindoro, Batangas at Laguna. - Haraya- katipunan ng mga tuntunin ng kagandahang-asal at ng mga salaysay na nagsisilbing halimbawa sa mga nasabing tuntunin. - Lagda- katipunan ng mga salaysay at pangyayaring nagpapakilala ng mabuting panunungkulan sa pamahalaan. Kasamasa "Lagda" ang balitang "Kodigo ni Kalantiaw". - Hinilawod- tungkol sa Panay na pinagmulan ng Capiz, Iloilo at Antique. Ito ay binubuo ng mga pakikipagsapalaran ng tatlong anak na lalaki ng bathalang babaing si Alusina at ng mortal na si Paubari. Inaawit ito ng isang hinukot sa mga kasalanan, anihan, pista, lamayan at iba pang mahalagang okasyon. - Hari sa Bukid- salaysay na nahihinggil sa kapangyarihan ng isang hindi nakikita ngunit alam na nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon sa Negros. Ang haring ito'y parang bathala sa pagbibigay-biyaya at pagpaparusa. **MGA EPIKO NG MGA TAGALOG** - Kumintang- kasaysayan ng mga pandirigma ng mga kawal nina Datu Dumangsil ng Taal at Datu Balkasusa ng Tayabas at ng Bain g Talim. **MGA EPIKO NG MGA BIKOL** - Ibalon- tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol. MGA EPIKO NG MGA ILOKOS - **Biag ni Lam-Ang- isa sa mga pinakamatandang** epiko, sinasalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Ilocano ng isang bulag na manunulat na si Pedro Bucaneg. **MGA KARUNUNGANG BAYAN** **MGA SALAWIKAIN** - mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian. Patalinghaga ang mga nilalaman ng mga ito at pasalin-salin sa bibig ng mga tao. **MGA BUGTONG**\ - isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang kaisipan.\ ![](media/image2.png) **MGA AWITING BAYAN** - Ang mga sinaunang awit ay mga anyong tula ngunit nilalapatan ng tugtog at indayog ayon sa emosyon, kaugalian at himig ng pag-awit. Sa kasalukuyan, ang awit sa panahon ng katutubo ay naririnig pa rin sa kabila ng mabilisang pagsulpot nga mga dayuhang kanta taun-taon. Ayon kay Epifanio De los Santos Cristobal, ang mga uri ng awiting bayan (folk songs) noong araw ay ang sumusunod: - Soliranin (rowing songs) - Talindaw (boat songs) - Diona (nuptial or courtship) - Ayayi o Uyayi (lullaby) - Dalit (hymns) - Kumintang (war or battle songs) - Sambotani (victory songs) - Kundiman (love songs) **PANITIKANG FILIPINO SA PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN** - nagsimula mula sa taong 1872-1898 na karaniwang tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong kolonyal, nagkikintal ng pagkamakabayan at humihingi ng reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan. - Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala. - Ito'y naganap noong ika-17 ng Pebrero, 1872. - Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre. - Ilan sa mga akda ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. Del Pilar at Fray Botod ni Graciano Lopez Jaena. Sa panahon ng himagsikan, ang panitikan ay karaniwang nagpapahayag ng marubdob na pagkamakabayan,   - pag-asam o pagnanais ng kalayaan at nasyonalismo. Ilan sa mga pahayagan ay ang Kalayaan, Diario de Manila, La Independencia, La Republika Filipina at marami pang iba. Ang Panahon ng Propaganda ay binubuo ng mga intelektuwal o manunulat sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito: - magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas; - gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas; - panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya; - gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko; at - ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan. **MGA MANUNULAT** - ANDRES BONIFACIO (Ama ng Katipunan) -- tagapagtatag ng Katipunanat itinuturing na "Ama ng Himagsikang Filipino." Tinatawag siyáng "Supremo ng Katipunan" at "Haring Tagalog" dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.Isa siyáng mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya sa tula ang sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa tagalog tulang Ultimo Adios ni Rizal.Ang sanaysay niyang "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" ay isang napakaikli ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang magbasá. - **EMILIO JACINTO** (Utak ng Katipunan) - Tinagurian siyang "Utak ng Katipunan" dahil sa mga sinulat niya para sa Katipunan, kabílang na ang "Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B."  at higit na kilalang Kartilya ng Katipunan. May ganito ring akda si Andres Bonifacio, ang "Katungkulang Gagawin ng mga Z.LL.B., " ngunit ipinasiya ng Supremo na ang hinahangaan niyang sinulat ni Jacinto ang opisyal na ikabit sa dokumento ng panunumpa ng sinumang sasapi sa lihimna kilusan. Gayunman, higit na popular at hinahangaan ang estilo ng pagsulat at matalinghagang nilalaman ng *Liwanag at Dilim*, isang koleksiyon ng mga sanaysay na tumatalakay sa mga diwaing demokratiko't kontra-kolonyalista at nag tatanghal sa pilosopiko't moral na sandigan ng isang rebolusyonaryong kapisanan. - **MGA PROPAGANDISTA\ **JOSE RIZAL - gumamit ng dalawang sagisag-panulat, Laong-laan (Amor Patrio) at Dimasalang (Masonry). Itinatag ang La Liga Filipina. - MARCELO H. DEL PILAR - gumamit ng iba't ibang sagisag-panulat tulad ng Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat. Ilan sa kaniyang mga katha ang - Dasalan at Tocsohan, Isang Tula sa Bayan, at iba pa. - GRACIANO LOPEZ-JAENA - kinilalang manunulat at mananalumpati sa "Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati". Itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang La Solidaridad na naging opisyal na bibig ng "Asociation Hispano Filipina". - ANTONIO LUNA - isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya. Sumanib sa kilusang propaganda. Ang paksa ng kaniyang mga isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang iba'y tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila. Ginamit niyang sagisag-panulat ay Taga-Ilog. - MARIANO PONCE - naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang Propaganda. Mga sagisag-panulat na ginamit- Tikbalang, Kalipulako, at Naning. Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kaniyang mga sanaysay. Inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan - PEDRO PATERNO - isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda. Sumapi sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociation Hispano-Filipino. Unang manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng Kastila. - JOSE MA. PANGANIBAN - itinago ang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na Jomapa. Kilala sa pagkakaroon ng "Memoria Fotografica". - PASCUAL POBLETE - Kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang Pilipino:Kastila at Amerikano. Mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang "El Resumen". Sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang "El Grito Del Pueblo" at "Ang Tinig Ng Bayan". Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Kinilalang "Ama ng Pahayagang Tagalog." - Sa panahon ng himagsikan, nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang mabalitaang ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Velentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa Azcarraga. Itinatag nila ang Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan nang manga Anak nang Bayan (K.K.K.) o Katipunan. Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani-kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan.  - Nang naging aktibo ang mga Katipunero, gabi- gabi'y may pagpupulng sila at nadarama ng mga Kastila na may nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon. - Nang naging aktibo ang mga Katipunero, gabi- gabi'y may pagpupulng sila at nadarama ng mga Kastila na may nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon. - Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni Teodoro Patiño ang tungkol sa Katipunan. Dahil sa pangyayaring ito, wala nang iba pang magagawa kundi ang makipaglabanan. - Kaya noong ika-23 ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa Pugadlawin. Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinigaw ang "Mabuhay ang Plipinas!" PIO VALENZUELA - isang manggagamot at naging mataas na pinunô ng Katipunan. Bilang pagkilala sa kaniyang kabayanihan, ipinangalan sa kanya ang isang siyudad sa Metro Manila, ang Lungsod Valenzuela(dating Polo, Bulacan).Sumapi siyá sa Katipunan noong Hulyo 1892, at halos sanlinggo pa lámang naitatayô noon ang lihim na kapatirang mapanghimagsik. Mabilis siyáng naging kaibigan ni Andres Bonifacio. Naging ninong siyá ng anak nina Andres at Gregoria at sa kaniyang bahay tumuloy ang mag-asawa nang masunog ang kanilang tahanan. Noong1896, isinugo din siyá sa Dapitan upang kausapin si Jose Rizal at talakayin ang suporta nitó para sa armadong himagsikan. **Ilang sa mga pahayagan noon ang:** - Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela. - Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya't may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero. - El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampolitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang   - ito mula ika- 28 ng Disyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan. - La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898. - La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. - Ang Bayang Kahapis-hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899. - Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898. - Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser