LITR 101 YUNIT 1: Panitikan at Kahalagahan Nito PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Batangas State University

Ms. Jiselle Anne B. Boongaling

Tags

Tagalog literature Filipino literature Literary theory Philippine studies

Summary

This document provides an overview of Tagalog literature, literary theory, and Philippine studies. It discusses the importance of literature, different schools of thought, authors and critical analyses of various literary works.

Full Transcript

LITR 101- SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN Batangas State University- The National Engineering University Learning Panitikan at Kahalagahan Nito Objectives:...

LITR 101- SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN Batangas State University- The National Engineering University Learning Panitikan at Kahalagahan Nito Objectives: ⚬ define economic globalization Mga Sangay ng Panunuring Pampanitikan ⚬ explain the two major driving forces of global economy Mga Halimbawa sa Bawat Sangay Mga Bahagi ⚬ differentiate ng economic globalization from Panunuring Pampanitikan internationalization ⚬ trace the origin of economic globalization Mga Pakinabang sa Panunuring Pampanitikan. Katangian ng Mahusay na Kritiko sa Panitikan Mga Kritikong Pilipino at Banyaga Test Your Knowledge PANITIKAN ‘PANG – TITIK - AN PANITIKAN LITERATURA LATIN-LITTERA TITIK PANITIKAN “Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.” ARROGANTE (1983) PANITIKAN “Isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.” SALAZAR (1955) URI NG PANITIKAN 2 PANGUNAHING ANYO NG PANITIKAN Magandang pagtakas sa realidad at nagbibigay ng libangan para sa mga tao. Hinuhulma ang lipunan sa pamamagitan ng pagbubuo ng opinyon sa mundo ng mamamayan at kwestiyunin ang kasalukuyang sistema. Ang panitikan ang sumasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. PANUNURING PAMPANITIKAN Isang malalim na pag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag at paghimay ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat‘ ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at mga katha. PAGDULOG 2 SANGAY NG PANUNURING PANANALIG PAMPANITIKAN PAGDULOG PANANALIG 1.PORMALISTIKO 1.KLASISMO 2. Moralistiko 2. Romantisismo 3. Sikolohikal 3. Realismo 4. Sosyolohikal-panlipunan 4. Feminismo 5. Imahismo 02 PORMALISTIKO 01 NILALAMAN 02 KAANYUAN 03 PARAAN NG PAGKAKASULAT NG AKDA ⚬ Isinilang noong 1910 at yumabong noong dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda. ⚬ Ang pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan at ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. 01 SIKOLOHIKAL 01 ISIP 02 DAMDAMIN 03 PERSONALIDAD NG MAY-AKDA ⚬ Nagpapakita ng isang ekspresibong pananaw. ⚬ Ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda. ⚬ Upang maisakatuparan ito, tulad sa bayograpikal na pagdulog, kailangang may kaalaman ang mambabasa sa buhay ng may-akda. 02 MORALISTIKO LAYUNING MAGBIGAY ARAL SA MAMBABASA ⚬ Sinusuri ang pagpapahalagang ginamit. 3 ⚬ Masasabing ang pagdulog na ito ay ekstensyon ng pagdulog-humanismo dahil sa pagbibigay- halaga ng mga humanista sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na may isip. ⚬ Isa sa mga impluwensyal na kritiko na nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa pagdulog- moralistiko ay si Horace. Ayon sa kanya, may dalawang bagay na naibibigay ang tula (akda) – ang dulce o ang aliw at kaligayahang naipadarama ng akda; at utile o ang aral at kaalamang naibibigay ng akda. Masasabi, kung gayon, na pangunahing tungkuling dapat gampanan ng mga manunulat sa pagdulog-moralistiko ay ang magbigay-aliw, magsilbing guro at tagapangaral sa 02 kanyang lipunan. MORALISTIKO ⚬ Sa panahon ng katutubo, maituturing na mga akdang moralistiko ang mga salawikain, kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga kwentong bayan.Sa panahon ng Kastila, naglitawan ang mga 3 akdang tungkol sa buhay ng mga santo‘t santa. ⚬ Kilala rin ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas sa taglay nitong matatayog na mga kaisipang moralistiko. MGA HALIMBAWA: ⚬ Lalaki sa Dilim‖ ni Benjamin C. Pascual ⚬ Liwanag at Dilim‖ ni Emilio Jacinto ⚬ Ibig kong Makita‖ ni Benigno R. Ramos 02 ⚬ Florante at Laura‖ ni Francisco Balagtas SOSYOLOHIKAL LIPUNAN ⚬ Tinitingnan ang akda bilang produkto ng kamalayang panlipunan ng may-akda, kung gayon, ang kaalaman tungkol sa kaganapang panlipunan ang pinahahalagahan dito. ⚬ Ang tao ay bahagi ng mga institusyong panlipunan na likha rin ng tao – pamilya, simbahan, edukasyon, batas, pulitika, kultura, at ekonomiya. 03 SOSYOLOHIKAL GABAY SA PAGSUSURI 1. Ano ang relasyon sa isat-isa ng mga karakter at ng lipunan? 2. Nagpapahayag ba ang akda ng isyung panlipunan tulad ng lahi, kasarian, at uri? 3. Paano nahuhubog ng pwersang panlipunan ang relasyon sa isa‘t-isa ng mga grupo o mga uri ng tao sa akda? Sino ang may kapangyarihan, at sino ang hindi? Bakit? 4. Paano nasasalamin sa akda ang pinakananasang abutin ng isang Pilipino? 5. Ano ang sinasabi ng akda sa ekonomiya at sosyal na kapangyarihan? Sino ang mayroon nito at sino ang wala? Meron bang kumikiling sa paniniwala ni Karl Marx? 6. Nagsasaad ba ang akda ng isyu sa pang-abuso sa ekonomiya? Ano ang ginagampanan ng pera? 7. Paano natutukoy ng kalagayang panlipunan ang direksiyon ng buhay ng mga karakter? 8. Hinahamon ba o binibigyang kasiguraduhan ng akda ang kaayusang panlipunan na inilalarawan nito? 9. Mapapansin ba na ang ppakikibaka ng karakter ay simbolo ng mas malaking grupong pakikibaka? 03 10.Meron ba sa mga karakter na kumakatawan sa uri ng gobyerno tulad ng diktatorya, komunismo, at sosyalista? IKALAWANG SANGAY KLASISMO PAYAK Dalawang pinakatanyag ng dula: Trahedya at Komedya ⚬ Gintong Panahon (80 B.C) ⚬ Epiko, Santiriko, Tulang liriko at Pastoral Panahon ng Pilak: ⚬ Paglaganap ng prosa at bagong komedya ⚬ Talambuhay, liham-gramatika, Pamumuna at Panunuring pampanitikan Katangian ng akdang klasiko: Pagkamalinaw, Pagkamarangal, Pagkapayak, Pagkamatimpi, Pagkaobhetibo, Pagkasunod- sunod at pagkakaroon ng hangganan 01 KLASISMO PAYAK ⚬ Layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng mga estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos ng may kaayusan. 01 ROMANTISISMO PAG-IBIG ⚬ Layunin ng teoryang ito na ipamalas ay ibat-ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag aalay ng kantang pag-ibig sa kapwa , bansa at mundong kinalakhan. ⚬ Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bagay na napupusuan. 02 REALISMO KATOTOHANAN ⚬ Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. ⚬ Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nagyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalaan, kahirapan, diskriminasyon at gobyerno. 03 REALISMO LAYUNIN ⚬ Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng mayakda sa kanyang lipunan. ⚬ Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. 03 Iba‘t ibang Pangkat ng Pagsusuring Realismo 1. Pinong (GENTLE) Realismo -May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anuman pagmamalabis at kahindik- hindik. 2. Sentimental na Realismo -Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas n pang araw-araw na suliranin Iba‘t ibang Pangkat ng Pagsusuring Realismo 3. Sikolohikal na Realismo Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos 4. Kritikal na Realismo -Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspekto may kapangitan at panlulupig nito Iba‘t ibang Pangkat ng Pagsusuring Realismo 5. Sosyalistang Realismo -Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis 6. Mahiwagang (Magic) Realismo -Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan FEMINISMO KABABAIHAN ⚬ Isang teorya ng sining na naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol sa kahalagan, tungkulin at kahulugan ng babae sa lipunan. ⚬ Tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki. 04 FEMINISMO GABAY SA PAGSUSURI a.Paano nailarawan ang buhay ng mga kababaihan sa akda? b.Naimpluwensyahan ba ng kasarian ng manunulat ang anyo at nilalaman ng akda? c.Paano nag-uugnayan sa isa‘t-isa ang lalaki at babaeng karakter? Ang relasyon bang ito ay pinagmumulan ng salungatan? Nasolusyonan ba ang salungatang ito? Ipaliwanag. d.Hinahamon ba o sinasang-ayunan ng akda ang tradisyonal na paniniwala tungkol sa kababaihan? 04 FEMINISMO GABAY SA PAGSUSURI E. Paano nasasalamin sa akda ang sosyal na pwersa ng mga kalalakihan na pumipigil sa kakayanan ng mga kababaihan na makamit ang pagkapantay sa mga kalalakihan? F. Ano ang pangmag-asawang ekspektasyon ang inaasahan sa mga karakter? Ano ang epekto ng ekspektasyon na ito? G. Anong pag-uugali o pagkilos na ekspektasyon ang inaasahan sa mga karakter? Ano ang epekto ng ekspektasyon na ito? H. Kung lalaki ang karakter na babae, paano maiiba ang istorya? 04 I. Paano nakakaapekto sa desisyon o kasiyahan ng karakter ang kalagayang pang mag-asawa? IMAHISMO SIMBOLISMO ⚬ Ginagamit ng imahismo ang wika at simbolismo upang epektibong maihatid ang wastong imahe na magbihigay daan sa wastong mensahe. ⚬ Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya. 05 KARAGDAGANG DULOG KRITISISMO ARKITAYPAL MITOLOHIKAL O RITWALISMO ⚬ Ayon kay Scott (1922), sa pagbasa ng arketipo, kailangan ng masusing pagbabasa gaya ng pormalismo, samantala ayonnaman kay Reyes (1992), ang mga banghay, tema at imahe sa mga akda ayinterpretasyon ng mga mag kakatulad na elemento ng mga matatandang mito o alamat. 06 ARKITAYPAL AYON NAMAN KAY GRIFFITH (1982), BAGAMAT MADAMING URI NG ARKETIPONG DULOG NGUNIT NAHAHATI NAMAN ITO SA TATLO: 01 ARKETIPONG TAUHAN- Mga bayani, ang martir, madrasta, rebelde, sawing mag sin irog. 02 ARKETIPONG TAGPUAN- Paglalakbay, paghahanap, pag papasimula, ang pagbagsak, kamatayan at pag kabuhay ARKITAYPAL 03 ARKETIPONG SIMBOLO AT KAUGNAYAN- ⚬ Gumagamit ng tambala hal. Liwanag at dilim, liwanag na simbolo ay karunungan at dilim naman para sa kamang mangan - layunin ng panitikan na ipakita ang mahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi agad basta- bastang makikita ang mga simbolismo sa akda. ⚬ Pinakamainam na alamin muna ang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong nakapaloob sa akda ay magkakaugnay sa isa't- isa. Ang simbolismo ay naayon sa tema at konseptong pinapakita ng akda sa mga mambabasa. MARXISMO MAHINA AT MALAKAS ⚬ Ito ay sumibol sapanahon ng Kastila at Hapon, namayagpag naman samakabagong Panahon ⚬ Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mgabahaging tinayakang nagpapakita ng paglalaban ng malakas at mahina; mayaman at mahirap ⚬ Makabuluhan din kung paano natalo ngmahina ang malakas; ng mahirap ang mayaman. 07 HUMANISMO BUHAY NG TAO ⚬ Tradisyong pampanitikang nagmula sa Europa sa panahon ng Renaissance o Muling Pagsilang. ⚬ Binibigyang pansin ang kakayahan o katangian ng tao higit sa lahat. ⚬ Binibigyang tuon ang pagpapahalaga sa buhay ng tao. 08 HISTORIKAL NAKARAAN ⚬ Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyabg pagkahubog. ⚬ Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may akda. 08 HISTORIKAL Panuntunan sa Paggamit ng Teoryang Historikal ⚬ "Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipaliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-aaral" 08 IMPRESYUNALISMO MODERNONG SINING ⚬ Isang kilusang sining ng ika-19 na siglo. ⚬ Ang impresyonismo ay isang pangunahing punto sa modernong sining ⚬ Nagmula sa isang pangkat ng mga artista na nakabase sa Paris na ang mga independiyenteng eksibisyon ay nagdala sa kanila sa katanyagan noong mga 1870s at 1880s. ⚬ Bukas na komposisyon, diin sa tumpak na paglalarawan at kadalasang nagpapatunay sa mga epekto ng paglipas ng panahon. ⚬ Ang konsepto ng impressionism ay ginagamit din para sa musika at pagpinta. ⚬ Ang pag-unlad ng Impresyonismo sa mga visual na sining ay kaagad na sinundan ng mga katulad na estilo sa iba pang media na naging kilala bilang impresyonista 09 musika at impresyonistang panitikan. IMPRESYUNALISMO LAYUNIN ⚬ Ikumpara ang opinyon ng may akda sa pamamagitan ng makabuluhang pagkilala sa mga pangyayaring nagpapakita ng interes sa mambabasa. ⚬ Ang mga impormasyon sa kuwento ay naghuhikayat sa mga mambabasa na magkaroon ng obserbasyon batay sa paninindigang paniniwala 09 MGA BAHAGI NG PANUNURING PAMPANITIKAN PAMAGAT Binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa na iyong ilalahad sa paghihimay 01 PANIMULA Impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis 02 PAGLALAHAD NG TESIS Kadalasang nakapaloob sa panimula; ⚬ Nagsasabi sa iyong mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ⚬ Ito ay nagpapahayag ng layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating. 03 KATAWAN Naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis. 04 KONKLUSYON Ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na maykatuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan 05 DON CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARD FOR LITERATURE “PALANCA AWARDS” Kilala bilang isang prestihiyosong parangal sa panitikan sa Pilipinas. Ang layunin ng parangal na ito ay upang paunlarin ang panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatanging akda ng mga Pilipinong manunulat at paghikayat sa mga bagong talento na magsulat sa parehong Ingles at Filipino. “MGA KATEGORYA” Ilan sa mga kategoryang nilalahukan ay: Maikling Kwento Tula Dulang May Isang Yugto Dulang Ganap ang Haba Sanaysay Nobela Panitikang Pambata PAKINABANG NG PANUNURING PAMPANITIKAN PAKINABANG NG PANUNURING PAPANITIKAN 01 Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya 02 binabanggit ng may-akda. Tumutulongito napahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahena 03 Isang kapaki-pakinabang makabuluhangtema, na at ehersisyo ang bilang pagkakakilanlan pagsisiyasat ng ng isang mga pampanitikangkasangkapan(pananalita, matalinghagangpaglalarawan, simbolismo) na ginamit ng may-akdaupang ipakita ang temangiyon. MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN 01 Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan. MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN 02 Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri. MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN 03 Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad. MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN 04 Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng materyal, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat. MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN 05 Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin atlawak ng pangitain nito. MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng sining ay nasa ubod at laman. MATALINONG PAMUMUNA MATALINONG PAMUMUNA MATALINONG PAMUMUNA Ito ay nagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa nabasa at ginagamitan ng talas ng pag-iisip Pagsusuri o pag-aaral ng bawat detalyeng binabasa Pagbibigay ng balanse at makatwirang pamumuna sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga positibo at negatibong punto sa binasa Walang kinikilingan: kung nararapat na sumang- ayon ay ipinapahayag ang pagsang-ayon at kung nararapat tumutol ay ipinahihiwatig ang pagtutol MATALINONG PAMUMUNA Pagtutuon ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang akda Pagtukoy sa kahinaan ng isang akda at pagbibigay mungkahi para sa ikaliliwanag at ikagaganda nito tungkol sa paghabi ng mahahalagang balyus Sining sa paggawa ng mga pagpapasya o paghatol at pagtuturo o pagsasabi ng mgakanais-nais na katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang BISANG PAMPANITIKAN BISANG PAMPANITIKAN BISANG PANGKAISIPAN ⚬ Nagbubunsod sa mga mambabasa na mag-isip upang umunlad ang diwa at kaisipan. ⚬ Ito ang panunahing tatak ng isang akdang pampanitikan BISANG PANGKAASALAN ⚬ Ang mga mambabasa ay natututong kumilala sa kung ano ang mabuti o masama at kung ano ang labag sa moral. ⚬ Kaya masasabing malaki ang nagiging bahagi sa paghubog ng katauhan ng isang tao BISANG PANDAMDAMIN ⚬ Tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa damdamin ng mambabasa. ⚬ Ito ang pinakamahalagang dapat taglayin ng isang akdang pampanitikan. PANUNURI O KRITISISMO KATANGIAN NG MGA MAHUSAY NA KRITIKO “Kailangan ng isang kritiko ALEJANDRO G. ang tigas ng damdaming ABADILLA naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit.” MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO Ang kritiko ay handang kilalanin ang saril ibilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mgakritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, at iba pa. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO Ang kritiko ay matapatna kumikilalasa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sasinusunod na alituntunin at batas MGA KRITIKONG PILIPINO AT BANYAGA ALEJANDRO G. ABADILLA ⚬ Isang makata, sanaysayista at kuwentista. ⚬ Tinaguriang “Ama ng Makabagong Tulang Tagalog” TEODORO AGONCILLO ⚬ Isang bantog na manunulat, makata, manunuri at mananalaysay. ⚬ Siya ay tanyag sakanyangaklat na “Ang Maikling Kwentong Tagalog” CLODUALDO DEL MUNDO ⚬ isang bantog namanunulat, kritikong pampanitikan at nobelista ng komiks. ⚬ Naging co-founder at nagingunang Presidente ng Panitikan noong 1935. VIRGILIO S. ALMARIO ⚬ kilalasa kanyang sagisag-panulat na Rio Alma. ⚬ Isa siyang makata, kritiko, tagapagsalin, editor, guro at tagapamahalangpangkultura ng Pilipinas. LAMBERTO E. ANTONIO ⚬ Isang Pilipinong manunulat at kabilang sa tatlong tungkong batong panulaang Filipino kasama sina Virgilio S. Almario at Rogelio G. Mangahas. LOPE K. SANTOS ⚬ Isang tanyag namanunulat, abogado, kritiko, lider, obrero, mananalaysay, nobelista. ⚬ “Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas” ⚬ Naging director ng Surian ng Wikang Pambansa ⚬ Isa sa kanyang nobela ay ang Banaag at Sikat ROGELIO G. MANGAHAS ⚬ isang kritiko na kabilang sa tungkong batong panulaang Filipino. ⚬ Siya ang namuhunan at namatnugot ng antolohiyangManlilikha (1967) naunang nagpakilalasa tatlong modernistang makata sa Filipino. FERNANDO B. MONLEON ⚬ isang alureadong makatang nagsulat ng nobelang “Tres Muskiteras”. ⚬ Kilala siya bilang Prinsipe ng Balagtasan PONCIANO B. PINEDA ⚬ isang manunulat, guro, linggwista, abogado ⚬ Ama ng Komisyon ng Wikang Filipino MGA ISYUNG PANLIPUNAN MGA ISYUNG PANLIPUNAN LIPUNAN Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga ISYUNG PANLIPUNAN Isang pampublikong usapin, nakakaapekto ito hindi laman sa isang tao sa lipunan kundi sa isang malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan. Karaniwan sa mga isyu ng lipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. 1.Isyung Ekonomiko 2.Problemang Pangkapitbahayan 3.Diskriminasyon sa Edad 4.Problemang Pantrabaho Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng trabaho ng mga tao na depende sa lugar, kasarian, edukasyon, at kadalasan sa mga grupong etniko – Ang mga ganitong komunidad ay kadalasang may mataas na drop out rate sa hayskul, at ang mga bata na lumalaki sa mga ganitong komunidad ay kadalasang may mababa sa walang pagkakataon na mag-aral sa kolehiyo Nang minsan, may mga problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa edad ng isang tao Kabilang dito ang stress, pagnanakaw, paggugulo sa kapwa tao, hindi pantay ang sahod, papoot ng ibang lahi, at iba pa REFERENCE: BATANGAS STATE UNIVERSITY - THE NATIONAL ENGINEERING UNIVERSITY MODULE LITR 101 MARAMING SALAMAT Presentation prepared by: Ms. Jiselle Anne B. Boongaling

Use Quizgecko on...
Browser
Browser