ARALIN 5: Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan (PDF)
Document Details
Uploaded by InnovativePigeon
Tags
Summary
This document discusses literary theories, focusing on Humanism, Imagism, and Romanticism in Filipino literature. It provides an overview of each movement's key features and their applications in literary analysis.
Full Transcript
ARALIN 5: Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan (Humanismo, Imahismo at Romantisismo) MGA LAYUNIN: 1. Natutukoy ang mga imahe sa kanta. 2. Nakapapanayam ng mga tao ukol sa karapatan sa lipunan. 3. Nakikilala ang paggamit ng t...
ARALIN 5: Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan (Humanismo, Imahismo at Romantisismo) MGA LAYUNIN: 1. Natutukoy ang mga imahe sa kanta. 2. Nakapapanayam ng mga tao ukol sa karapatan sa lipunan. 3. Nakikilala ang paggamit ng teorya sa mga akdang pampanitikan. Kagamitan Sa Pagkatuto…. HUMANISMO Maaaring ilapat ang humanismo sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-tugon sa kalagayan at karanasan ng tao. Sa lawak ng mapaglalapatan ng humanism, mapapangkat ito sa tatlo: humanism bilang klasismo, modernong humanism at humanismong umiinog sa tao. Nagmula sa Latin ang salitang humanism na nagpapahiwatig ng mga “di-siyentipikong” larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, pilosopiya, sining at iba pa. Kalakarang tawagin ang mga larangang ito bilang humanistika. Ayon sa ibang historyador, ang humanism ay maaaring ituring na “pagbabalik sa klasismo” lalo na yaong akdang sining noong panahon ng renasimyento (Renaissance). Sa ganitong klasipikasyon kabilang sina San Agustin at Alcuin. Mga modern o makabagong humanista naman sina Irving Babbit at Paul Elmer More ng ikadalawampung siglo. Sa inglatera, nariyan sina Sir Thomas More, Sir Thomas at Roger Ascham, at ang makatang sina Sir Philip Sidney at William Shakespeare. Sa Persya, maituturing na humanistic sina Robert Gaguini, Jacques Leferde d’Etaples at Guillaume Bude. Sa italya, nariyan sina Francisco Petrarca, Giovanni Boccaccio, Coluccio Salutati at Leonardo Bruni. Ang batayang premis ng humanismo ay nagsasabi na ang mga tao ay rasyunal na nilalang na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa pilosopiya, ang humanism ay papakita ng atityud na nagbibigay diin sa dignidad at halaga ng indibidwal. Karaniwang ginagamit ang humanism para ilarawan ang kilusang panitikan at kultura sa kanlurang Europa noong ika-14 hanggang ika-15 siglo. Nagsimula sa Italya ang humanistang kilusan, kung saan malaki ang naiambag ng mga huling medyibal na manunulat gaya nina Dante, Giovanni Boccaccio at Francesco Petrarch sa pagkakatuklas at preserbasyon ng mga klasikal na akda. Nagbigay naman ng bagong sigla sa humanism ang pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15 siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong edisyon. Malawak ngang masasabi ang tema ng humanism. Sa katunayan ay mayroon itong iba’t ibang uri tulad ng literal humanism, secular humanism, religious humanism at iba pa. Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na humanistiko, mainam na tingnan ang mga sumusunod: a. pagkatao; b. tema ng kwento; c. mga pagpapahalagang pantao: moral at etika ba? d. mga bagay na nakaiimpluwensya sa pagkatao ng tauhan; at e. pamamaraan ng pagbibigay-solusyon sa problema IMAHISMO Sa mga unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumalaganap ang imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera. Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan. Ilan sa mga prominenteng pangalan sa kilusang ito ay ang mga makatang Amerikanong sina Ezra Pound, Amy Lowell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle. Samantala, sa Inglatera naman ay nakilala ang mga manunulat na sina D.H. Lawrence at Richard Aldington. Kasabay ng kanilang paglikha ng mga obra sa ganitong lapit, nagpalaganap din ang kanilang hanay ng mga manipesto at sanaysay na kumakatawan sa kanilang teorya. Binibigyang-diin ng imahismo ang pagpili ng tiyak na salita, kalayaan sa pagpili ng mga paksa at porma at ang paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Karamihan sa mga imahismo ng manunulat ay nagsusulat sa malayang berso kaysa sa pormal na may sukat na paraan para magkaroon ng istraktura ang tula. Ang mga sikat na koleksyon ng mga tula sa imahismo ay ang Des Imagistes: An Anthology (1914) at ang tatlong antolohiya na binuo ni Amy Lowell, sa ilalim ng titulong Some Imagist Poets. ROMANTISISMO Sumibol ang romantisimo noong huling bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900. Ibinabandila ng Romantisismo ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa konserbatismo, ang inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpipigil. Dahil dito, itinuturing ang Romantisismo bilang isang pagpapatiwakal sa pagpapahalagang klasismo tulad ng kaayusan, kapayapaan, pag-uugnay-ugnay, ideya at rasyunal. Tumagal mula 1750 hanggang 1870 ang Romantisismong kilusan sa panitikan sa halos lahat ng bansa sa Europa, Estados Unidos at Latin Amerika. Makikita sa panitikan ng panahon ang pagkahilig nito sa imahinasyon at sabjektib na pamamaraan, kalayaan sa pagpapahayag at kalikasan. Ang panitikang ito ay nagbibigay-diin sa pleksibilidad ng nilalaman, nanghihikayat sa pagbubuo ng kumplikado at mabilis na pangyayari sa mga kwento at pinapayagan ang pagsasanib ng iba’t ibang uri at paksa (halimbawa: trahedya at komedya, kapangitan at inspirasyunal) at malayang istilo. Halaw mula sa: Villafuerte, Patrocino V. et al., 2009. Panitikan ng Pilipinas: historical at antolohikal na Pagtatalakay. Malabon City: Mutya Publishing, Inc. Isaliksik Mo…. PANUTO: Maglaan ng oras upang kapanayamin ang miyembro ng iyong tahanan tungkol sa karapatan na alam nila bilang isang tao. Pagkatapos silang kapanayamin ay mag-isip ng mga karapatan mayroon ka bilang isang indibidwal at magbigay ng isang pagkakataon sa buhay mo kung saan ang ilan sa mga karapatang ito ay natapakan at nalabag ng iba. (Paalala: Pumili lamang ng dalawang miyembro ng pamilya na kakapanayim. (Klasismo, Dekonstruksyon at Peminismo) MGA LAYUNIN: 1. Naililista ng mga linya sa pelikula na kakikitaan ng mga pilosopiyang teoryang pampanitikan. 2. Nakabubuo ng katapusan sa isang akda. 3. Nakabibigay ng sariling interpretasyon sa mga pahayag. Kagamitan Sa Pagkatuto…. KLASISMO Ang klasismo ay ang paggamit ng istilo o estetikong prinsipyo ng mga Griyego o Romanong klasikong arte at panitikan. Sa makabagong panahon, tumutukoy rin ito sa paggamit sa mga prinsipyo sa musika. Ang pinakaimportanteng panahon ng klasismo ay ang Renasimyento noong laganap ang kilusan sa mga kanluraning kaisipan at malikhaing arte lalo na sa Inglatera at Pransya noong huling bahagi ng ika-17 siglo, una at huling bahagi ng ika-18 siglo at unang bahagi ng ika-19 siglo. Ang terminong “neoklasismo” ay madalas na ginagamit sa pagtukoy sa pagbabalik ng klasismo. Hindi kataka-takang sa lahat ng teoryang pampanitikan, ang klasismo ang naiiba at natatangi. Ito’y dahil na rin sa sariling pananaw nito sa daigdig. Nagsimulang makilala at lumaganap sa Gresya bago pa man isinilang si Kristo ang teoryang ito. Ito’y higit na nakilala dahil nakasentro ito sa mga dulang itinanghal. Naging popular ang komedya at trahedya bilang dalawang pinakatanyag na uri ng dula sa mga uri ng dulang itinanghal. Sa panahon ding ito umusbong ang iba’t ibang disiplina gaya ng kasaysayan, pilosopiya, tula at retorika. Pagkaraan nito ay sumapit naman ang Gintong Panahon noong 80 B.C. Sa panahong ito ay kinilala ang panulaan bilang pinakamahalagang genre sa pagsulat at pagsuri. Nakapaloob dito ang epiko, satiriko, gayundin ang mga tulang liriko at pastoral. Kasunod nito ay umusbong naman ang Panahon ng Pilak na nagpabago sa anyo ng panitikan nang panahong iyon. Ito’y dahil sa mabilis na paglaganap ng prosa at bagong komedya. Pumaimbulog din ang talambuhay, liham-gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan. Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista. Sila’y maingat sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin. Para sa kanila ay hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon. Ano-ano ba ang mga katangian ng mga akdang klasiko? Ang mga akdang klasiko ay nagtataglay ng sumusunod na mga katangian: pagkamalinaw, pagkamarangal, pagkapayak, pagkamatimpi, pagkaobhetibo, pagkasunud-sunod at pagkakaroon ng hangganan. Klasikong maituturing ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas dahil sa mga katangiang taglay ng paksa, nilalaman at paraan ng pagkakasulat na inilahad sa awit at magagandang kaisipan kabilang ang limang uri ng pag-ibig ng makata. DEKONSTRUKSYON Si Derrida Jacques (1930), isang pilosopong Pranses, ang siyang pinagmulan ng pag-aaral ng dekonstruksyon. Ang pamamaraang ito ng pagbabasa ay isang paghamon sa Kanluraning ideya na ang teksto ay hindi magbabago at may nag-iisang kahulugan. Kinuwestyon ni Derrida ang umiiral na palagay lalo na sa Kanluraning kultura na ang pananalita ay isang malinaw at direktang pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon. Ayon kay Derrida, nagbibigay ng maraming maling pag-akala sa ibig sabihin ng teksto ang tradisyunal na pamamaraan ng pagbasa. Hindi raw maaaring tanggapin na lamang ang mga pananalita ng manunulat dahil pinararami nito ang lehitimong interpretasyon ng teksto. Ang dekonstruksyon ay nagpapakita ng maraming layer ng kahulugan. Sa pagdedekonstrak ng gawa ng isang iskolar, ipinakikita na ang lenggwahe ay madalas na pabagu- bago. Ito’y isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto base sa ideya na ang mambabasa at hindi ang manunulat, ang sentral sa pagbibigay rito ng kahulugan. PEMINISMO Ito ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sap unto de vista o pananaw ng isang peminista. Naniniwala ang mga peminista na ang panitikan ay hindi nyutral o walang pagkiling kundi ito’y isang produkto ng panlipunan at pangkulturang kalagayan. May pagkakataong malakas ang dating ng peministang pagsusuri dahil kailangang yugyugin ang mga kalakaran at malalim na paniniwala ng tao. Ang peminismong literaryong pag-aaral ay nakatuon kapwa sa mga kababaihan bilang mambabasa at sa mga kababaihan bilang manunulat. Sa loob ng mahabang panahon, ang unang tradisyon sa pagsusuri ng panitikan ay ukol sa mga kababaihan bilang tagakonsumo ng mga ginawang panitikan ng mga kalalakihan. Kabilang sa unang tradisyon ng panunuri ang kadalasang mga imahe at papel ng mga babae sa panitikan. Sa ikalawang tradisyong pag-aaral naman ay ang pagpansin sa kababaihan bilang manunulat. Ito ay ukol sa kababaihan bilang tagagawa ng teksto na isang uri ng panitikan ng mga babae. Sinusuri sa peminismong kritisismo ang papel na ginagampanan ng mga babaeng karakter at ang mga temang ikinakabit sa kanila. Ipinakikita rito na ang mga karakter sa panitikan ay malinaw na pinagsama-samang konstruksyon, hindi lamang ng mga manunulat kundi maging ng kulturang kinabibilangan nila para itaguyod ang patuloy na dominanteng kalagayan ng mga lalaki sa lipunan at kultura. Sa pagtakbo ng panahon at kasaysayan. marami ang namulat sa pangangailangang bigyang pansin ng mga kababaihan kung hanggang saan ang partisipasyon nila sa mga institusyong panlipunan. Lumalakas ang pagnanasang baguhin ang tradisyon na ang nakasulat na akda ng kalalakihan ay sapat na upang kumatawan din sa karanasan at mundo ng babae. Ito ang batayan sa pangangailangan ng pagbabago upang malayang mabuo ng babae ang kanyang sarili. Halaw mula sa : Villafuerte, Patrocino V. et al., 2009. Panitikan ng pilipinas: historical at antolohikal na Pagtatalakay. Malabon City: Mutya Publishing, Inc. P– E– M– E– N– I– S– M– O– (Naturalismo, Realismo at Marxismo) Kagamitan Sa Pagkatuto…. NATURALISMO Ito ang teoryang nag-uugnay ng syentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan n g paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri. Hindi naniniwala ang mga naturalistiko sa mga bagay na supernatural. Pinaniniwalaan sa naturalismo na maaaring makilala at mapag-aralan ang kalikasan sapagkat mayroon itong regularidad, kaisahan at kabuuan batay sa likas na batas nito. Nakikita ito sa walang katapusang paghahanap ng tao ng mga kongkretong katibayan at batayan para sa kanyang mga paniniwala at karanasan. Dahil dito, laging inihahambing ang naturalism sa materyalismo. Ngunit kung talagang susuriin maaari ring ihambing ang naturalism sa ibang teorya tulad ng dualism, monism, ateyismo, teyismo at idealism na sinasabing ilan lamang sa malawak na baryasyon ng pananaw ng naturalism. Naging popular ang naturalism noong dekada 1930 at 1940 sa Estados Unidos dahil kina F.J.E. Woodbridge, Morris R. Cohen, John Dewey, Ernest Engel at Sidney Hook. Sa larangan naman ng panitikan, layon ng naturalsimo na ipakita nang walang paghuhusga ang isang bahagi ng buhay. May pagkakapareho ito sa realism, kaya tinawag din itong ekstensyon ng realismo. REALISMO Ang realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan ng sining nppng siglo 1900. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ng realism ang ideyal na paghuhulma at pananaw sa mga bagay. Unang ginamit ang terminong realismo noong 1826 ng Mercure francais du XIX siècle sa Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at buhay. Nagkaisa ang mga realistikong Pranses sa pagtakwil sa pagiging artipisyal ng klasisismo at romantisismo. Sinikap nilang ipakita ang buhay ng mga panggitna at mababang uri ng tao, ng mga pangkaraniwan, ng mga di-kagila-gilalas, ng mga mapagkumbaba at ng mga hindi nakikita. Sa proseso inilabas ng realism ang mga di-pinapansin at kinakalimutang bahagi ng buhay at lipunan. Naging masigla ang talakayan tungkol sa realismo noong unang bahagi ng siglo 1900. Nakatulong dito ang kilusang anti-romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang pagtataguyod ni Auguste Comte (kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng positibiskong pilosopiya sa paglulunsad ng syentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na journalism o kung saan iniuulat nang walang bahid ng emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan; at paglago ng industriya ng potograpiya. May iba’t ibang pangkat ng pagsusuring realismo sa panitikan. May pagtitimping inilahad ng Pinong (gentle) Realismo ang kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi nito ang anumang pagmamalabis at kahindik-hindik. Ang Sentimental na Realismo ay mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin. Inilalarawan ng Sikolohikal na Realismo ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos. Inilalarawan naman ng Kritikal na Realismo ang mga gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspetong may kapangitan at panlulupig nito. Ginagabayan ang Sosyalistang Realismo ang teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng lipunang pinamumunuan ng mga uring anak- pawis. Pinagsasanib naman ng Mahiwagang (magic) Realismo ang pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Pinagsasama ang impluwensya ng mito at karunungang-bayan sa takbo ng kwento upang masalamin ang mga katotohanang nagaganap sa lipunan. MARXISMO Ang Marxismo ay isang lipon ng mga doktrinang pinaunlad nina Karl Marx at Fredrich Engels noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Nagtataglay ito ng tatlong batayang ideya: pilosopiya ng pagtingin sa tao, teorya ng kasaysayan at pampulitika’t pang-ekonomiyang programa. Sa pagdaan ng panahon, nagsanga-sanga ang pag-unawa sa mga konseptong ito tulad ng ipinakita nina lenin at Stalin sa Russia, Mao Tse Tung sa TSina, ng mga Sandanista sa Nicaragua at iba pang Marxista sa mga bansang itinuturing na Third World. Pati ang mga makabagong pag-aaral ay nanghiram din ng mga teorya mula sa Marxismo. Nagagamit ang Marxistang pananaw sa pagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kwento. Bukod dito, binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang mga umiiral na tunggalian ng tauhan sa sarili niya, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan. Kung iaangat pa ang magiging pagsusuri, maaaring umabot sa puntong masasagot ang tanong na Para saan o kanino ang panitikang ito? Minsan ay may nasabi si Mao Tse Tung tungkol sa paglalapat ng Marxismo sa panitikan: Mga marxista tayo at nagtuturo ang Marxismo na sa paglalapat natin sa isang problema, di nararapat tayong magsimula buhat sa mga mahihirap unawaing depinisyon kundi sa mga katotohanang walang pinapanigan at sa pagsusuri sa mga katotohanang ito, matitiyak natin an gating patutunguhan, an gating mga patakaran at pamaraan. Ito rin ang dapat gawin sa ating kasalukuyang diskusyon sa sining at panitikan. Para kay Mao, may kaugnay na mga katanungan ang usapin ng panitikan: a. Para kanino ang ating mga sining at panitikan? Sino ang pinaglilingkuran ng panitikan? b. Sa anong paraan naganap ang paglilingkod na ito? Halaw mula sa : Villafuerte, Patrocino V. et al., 2009. Panitikan ng pilipinas: historical at antolohikal na Pagtatalakay. Malabon City: Mutya Publishing, Inc. (Eksistensyalismo, Pananaw Sosyolohikal at Pormalismo) Kagamitan Sa Pagkatuto…. EKSISTENSYALISMO Mahirap bigyan ng eksaktong kahulugan ang eksistensyalismo dahil may pagkakaiba-iba ang mga posisyong iniuugnay rito. Ang terminong ito ay nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang kongkretong buhay at pakikilahok ng indibidwal gayundin, ang usapin ng indibidwal na kalayaan at pagpili. (BUHAY NG TAO) Ang eksistensyalismo bilang isang pilosopikal na kilusan o tendensiya ay nakaimpluwensya sa maraming mga manunulat noong ika-19 at ika-20 siglo. Ang kalayaang pumili ay kasama ng komitment at responsibilidad. Ayon sa mga eksistensyalistiko, dahil ang bawat isa ay may kalayaang pumili, kailangan niyang tanggapin ang mga panganib at responsibilidad na pasunod sa kaniyang naisin saan man ito patungo. Marahil ang pinakaprominenteng tema sa isang eksistensyalistikong panulat ay ang pagpili. Ang pinakakakaibang katangian ng sangkatauhan, sa pananaw ng mga eksistensyalistiko, ay ang kalayaan nitong pumili. Ayon sa ika-20 siglong pilosopo na si Jean-Paul Sartre, nauuna ang eksistens bago ang esens. Ang pagpili, kung gayon, ay kailangan sa eksistens ng bawat nilalang at hindi ito matatakasan, maging ang hindi pagpili ay isa pa ring pagpili. Nakatuon ang eksistensyalismo sa interpretasyon ng buhay ng tao sa mundo kasama ang mga problemang hatid nito. Sa pananaw na ito, pinaniniwalaang: 1. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal. Ang tao ay nabibigyang-kahulugan dahil sila ay nabubuhay. Hindi naniniwala ang eksistensyalismo sa karamihan ng anyong ideyalismo lalo na yaong nagbibigay-diin sa kamalayan, kaluluwa, katwiran at ideya. 2. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema ng eksistens mismo o ng isang pagiging nilalang. Ang tao ay hindi maikakahon at hindi mahihimay ang pagkatao upang maunawaan. Taliwas ito sa anumang porma ng obhetismo o siyentismo na nagbibigay-diin sa mga panlabas na katotohanan. (Problems are part of our existence.) 3. Nagpapatuloy ang pagsusuring mayroong iba’t ibang posibilidad. Maaaring ito ay hindi nakatali sa pangangailangan lamang sapagkat maraming maaaring posibilidad o mapagpipilian ang tao kung paano siya mabubuhay. 4. Dahil sa mga posibilidad na ito, ang buhay ng tao ay itinakda ng kaniyang mga desisyon. Ang mga desisyong ito ay nakaaapekto sa relasyon ng tao sa ibang nilalang. Ang tao ay hindi nabubuhay nang mag-isa lamang. Mula sa mga batayang ito, iba-iba at maaaring magkakasalungat na direksyon ang tungihun ng eksistensyalismo. Maaari itong maging atheistic o naniniwala sa Diyos o isang sagradong nilalang na nag-uugnay sa lahat ng nilikha. Maaari namang tumungo ito sa pagiging atheistic kung iaangat sa pedestal ang walang hanggang kalayaan ng tao na hindi na kailangan pa ng tulong ng anumang Diyos. PANANAW SOSYOLOHIKAL (lipunan) Ang lapit sosyolohikal ay naaangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa Pilipinas. Sa pagkapit sa mga isyung panlipunan na pinapaksa ng mga dula at sa pagbabago ng konsepto ng entablado bilang tanghalan, mananatiling may lugar ang lapit sosyolohikal sa panlasa at pakikibaka ng mamamayan. Sa sosyolohikal na pananaw, mas malawak ang perspektib na pagsusuri ng isang akda. Hindi lamang ang kasiningan at angking katangian ng akda ang binubusisi, kundi pati na rin ang bahagi ng lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito. Sa ganitong lapit ay pinagtitibay ang pahayag na ang kultura o anupang akda ay bahagi ng lipunan. Kinikilala ng pananaw na ito ang ugnayan ng likhang-sining at lipunan. Ang isang akda ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng manunulat na nabubuhay sa isang panahon, na may partikular na katangiang humubog sa kanyang pagkatao. Sa pagsusuring sosyolohikal, hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi apti na rin ang lipunang kinabibilangan ng may-akda na siyang nagluwal ng akdang yaon. Ayon nga kay Taine, isang manunulat na Pranses: Ang panitikan ay bunga ng salinlahi, at ng panahon at kapaligiran. Sa isang pagsusuring sosyolohikal, tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang institusyon tulad ng pamahalaan, simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa sitwasyon at oportunidad para sa mga mamamayan nito. Kung gagamitin ang pananaw na ito sa pagsusuri ng panitikan, mainam na mapag-aralan ang kasaysayan ng akda at ang panahon na kinabibilangan nito at ng awtor. Hindi lamang ito internal na pagsusuri ng akda kundi pati na rin ng mga eksternal na salik na nakaimpluwensya rito. Halaw mula sa : Villafuerte, Patrocino V. et al., 2009. Panitikan ng pilipinas: historical at antolohikal na Pagtatalakay. Malabon City: Mutya Publishing, Inc. PORMALISMO Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa. tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag- uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda. (Pormal na Pagsusuri)