Aralin 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
This document is a presentation or lecture on Philippine linguistic situations. It discusses the historical and current use of the Filipino language, examining the roles of Filipino and English in various media (like TV), the use of jargon and terminology. It also covers different forms of communication such as text messaging, social media, and various artistic forms.
Full Transcript
SITWASYONG PANGWIKA AT KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS MGA SITWASYONG PANGWIKA Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nabasa mo sa mga nagdaang aralin ang kasaysayan ng ating wika mula sa panahon ng ating mga ninuno...
SITWASYONG PANGWIKA AT KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS MGA SITWASYONG PANGWIKA Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nabasa mo sa mga nagdaang aralin ang kasaysayan ng ating wika mula sa panahon ng ating mga ninuno, panahon ng mga Espanyol, ng Rebolusyonaryong Pilipino, ng Amerikano, ng Hapones, ng Pagsasarili, hanggang sa kasalukuyan. Sa mahabang kasaysayan na ito, nakita natin ang paglago, pagbabago at pag-unlad o pag-evolve ng ating wika. Malaki ang epekto ng mga pagbabagong dala ng panahon at ng makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa kalagayan o SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumarami ang manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging ang malayong pulo ng bansa at maging mga Pilipino sa ibang bansa. Ang magandang balita,wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Ang halos lahat kasi ng mga palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at ng iba’t-ibang barayti nito. Ito ang wika ng mga teleserye, mga pantanghlaing palabas, mga magazine show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t-ibang barayti nito. May mga programa rin sa FM gaya ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa probinsyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingkes. Masasabing mas malawak ang impluwensiya ng babasahing tabloid sa nakararaming Pilipino. Iyon nga lang, SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalabas sa sating bansa taon-taon ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakuunawa, at gumagamit sa wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba’t-ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagababagong pinalalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay may iba’t-ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino FLIPTOP Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, ang fliptop ay walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinibato ay di pormal at mabibilang sa iba’t-ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang manlalait para mas makapuntos sa kalaban. May malalaking samahan na ang mga kabataang nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na BATTLE LEAGUE. Ang bawat kompetisyon ay tinatampukan ng dalawang kalahok na may tigtatlong round at ang panalo ay dinedesisyonan ng mga hurado. May mga fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle. Ang karaniwang paraan ng paglalaganap ng fliptop ay sa pamamagitan ng YouTube. Milyon-milyon ang views ng mga PICK-UP LINES May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up lines, masasabing ito ay nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute,cheesy, at masasabi ring corny. Nakikita rin ito sa sa mga Facebook, Twitter, at sa iba pang social media network. Ang wikang ginagamit rito ay karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito. Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-Up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na may ganitong segment. Naging matunog ito lalo na nang gamitin ni Senador HUGOT LINES Ito ay tinatawag ding love lines o love quotes na isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa’y nakaiinis. Nakakagawa rin ng sariling hugot lines ang mga tao na nakadepende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasulukuyan. Sitwasyong Pangwika sa Text Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text messages o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit- kumulang apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital Of The World”. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Sa panahon ngayon maging ang mga nakakatanda tulad ng mg lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social media. Maraming nagtuturing ditong biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isa’t-isa o matagal ng hindi nagkikita. Katulad rin sa text, karaniwan ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Sa post o komento ay madalas makita and edited. Ibig sabihin, may binago o inayos ang nag-post o nagkomento pagkatapos niyang mabasa ang kaniyang sinulat. Sa Internet bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Umabot sa mahigit 3 bilyon ang konektado sa Internet sa buong mundo. Sa Pilipinas, nasa 39.470 milyong tao ang SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kumpanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mgakompanyang nakabase sa Pilipinas subalit sineserbisyuhan ay mga dayuhang customer. Ang web site ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay broadsheet o magazine nalathala. Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t- SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAN Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg.335,serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya”. Ito ang naging malaking kontribusiyon ng dating Pangulong Cory Aquino sa pagpalaganap ng SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignaturang pangwika. Sa mga mataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo. Bagama’t marami pa ring edukador ang hindi lubusang tumatanggap sa sitwasyong ito, ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatutulong nang malaki upang higit na malinang at lumaganap ang REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA IBA’T-IBANG SITWASYON Isa sa mg uri ng sosyolek ang nais bigyang- diin dito, ang paggamit ng mga jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t- ibang hanapbuhay o larangan. Kapag narinig ang mga terminong ito ay matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan ng mga ito. Halimbawa: Ang mg doktor, nars, o mga taong may kinalaman sa KONGKLUSYON Makikita sa mga ito ang lubos na pagtanggap ng karamihan sa mga mamamayan sa sarili nating wika. Nasa atin nang kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapalawig sa sarili nating wika upang ito ay lalong maisulong at higit na maging matatag at malakas dahil ang tatag at lakas nito ay sasalamin din sa katatagan ng ating pagka-Pilipino. Wala namang masama kung matuto tayong magsalita ng mga wikang banyaga at maging multilingguwal subalit higit sa lahat, kailangan nating patatagin ang ating sariling wika para sa sarili na rin nating kapakinabangan. Ang pagkakaisang ito ay magdudulot ng pag-unlad. Walang makatutulong sa Pilipino kundi ang kapwa rin Pilipino at mangyayari iyan kung magkakaisa tayong iwaksi ang kaisipang kolonyal, makipag-ugnayan sa isa’t-isa, magtulungan, magtalastasan gamit ang wikang nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino dahil sabi nga ni Dr. Jose Rizal: “Ang hindi magmahal sa kaniyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda; Laya ang marapat pagyamaning kusa “Nagiging plastic ang mga tao: nagbibihis ng barong, nagsasayaw ng tinikling, kumakain ng pagkaing Pinoy, pero after nun wala na. Eh dapat araw-araw ‘yan” (NAVAL:2014). Nararapat naman sa araw-araw ay gamitin natin at pagyamanin ang ating sariling wika at hindi lang sa buwan ng Agosto kung kalian ginugunita ang Buwan ng Wika. Ano ang ibabahagi nito sa mga proyektong integrasyong global at rehiyonal kung wala naman tayong wika o kulturang ibabahagi sa mundo at sa ASEAN? (San Juan 2014) Magsama sama tayong itaguyod ang lakas ng kapangyarihan ng bawat Pilipino gamit ang sariling wikang nauunawaan at ginagamit ng Sanggunian: Dayag,A.M.et. al.2017.Pinagyamang Pluma:Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.Phoenix Publishing House Inc. Maraming salamat.