Araling Panlipunan 10: Ang Lipunan at mga Elemento (PDF)
Document Details
Uploaded by DependableSymbolism
Teacher Rich
Tags
Related
- ARALING PANLIPUNAN 10 Past Paper PDF
- ARALING PANLIPUNAN 10 Unit Test 1 PDF
- Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Tagalog) PDF
- Sinaunang Lipunan sa Pagkakamag-anak, Pamilya, at Kasarian (PDF)
- Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal na Pamilya PDF
- Araling Panlipunan: Kontemporaneong Isyu (Aralin sa Filipino)
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga materyal ng aralin sa Araling Panlipunan 10, partikular tungkol sa konsepto at elemento ng istruktura ng lipunan. Kasama sa pagtalakay ang mga papel ng mga sosyolohistang tulad nina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley.
Full Transcript
Araling Panlipunan 10 Teacher Rich KONTEMPORARYONG ISYU ANG LIPUNAN: KAHULUGAN AT ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN Tiyak na Layunin: Natatalakay ang kahulugan at elemento ng istraktura ng lipunan; Napahahalagahan ang bawat elemento ng istrukturang panlipunan; Nakagag...
Araling Panlipunan 10 Teacher Rich KONTEMPORARYONG ISYU ANG LIPUNAN: KAHULUGAN AT ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN Tiyak na Layunin: Natatalakay ang kahulugan at elemento ng istraktura ng lipunan; Napahahalagahan ang bawat elemento ng istrukturang panlipunan; Nakagagawa ng talahanayan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga gampanin ng institusyon sa lipunan. Pamprosesong Tanong: Ano ang kahulugan ng lipunan? Ano-ano ang mga elemento na bumubuo sa istrukturang panlipunan? Bakit mahalagang magkaroon ng kamalayan sa ugnayan ng istrukturang panlipunan at paano ito makakatulong sa lipunang ginagalawan? LIPUNAN - tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,tradisyon,at pagpapahalaga Mga Sosyolohista na nagpakahulugan sa lipunan Emile Durkheim Ang lipunan ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain EMILE DURKHEIM “Ang lipunan ay binubuo ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” Mga Sosyolohista na nagpakahulugan sa lipunan Karl Marx “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan” KARL MARX Ito ay nabubuo dahil sa pag- aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Mga Sosyolohista na nagpakahulugan sa lipunan Charles Cooley “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin“. CHARLES COOLEY “Nauunawaan at nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.” 4 na Elemento na Bumubuo sa Istrukturang Panlipunan 1. INSTITUSYON 2. SOCIAL GROUPS 3. STATUS (SOCIAL STATUS) 4. GAMPANIN (ROLES) LIPUNAN ELEMENTO NG INSTRUKTURANG PANLIPUNAN INSTITUSYON 1. INSTITUSYON - isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan - maituturing na ang lahat ng institusyon ay magkakaugnay at may kani-kaniyang tungkulin at responsibilidad 1. INSTITUSYON simbahan pamahalaan pamilya paaralan ekonomiya LIPUNAN ELEMENTO NG INSTRUKTURANG PANLIPUNAN INSTITUSYON SOCIAL GROUPS 2. SOCIAL GROUPS - pinagsama-samang bilang ng tao na mayroong pagkakatulad na katangian at naniniwala na ang kanilang ugnayan at pagkakatulad ay mahalaga sa lipunan 2 URI NG SOCIAL GROUP 1. Primary Group - mayroong maliit na bilang lamang at may matinding bigkis ng pagsasama sa bawat isa 2 URI NG SOCIAL GROUP 2. Secondary Group - may malaking bilang na ang bawat kasapi ay pinagsasama-sama upang mas mabigyan ng pansin ang layunin at mithiin kaysa sa pansariling emosyon LIPUNAN ELEMENTO NG INSTRUKTURANG PANLIPUNAN INSTITUSYON SOCIAL GROUPS STATUS 3. STATUS - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa isang pangkat, organisasyon, o lipunan STATUS ASCRIBED ACHIEVED -nakatalaga sa isang -pinili o nakuhang indibidwal simula ng siya posisyon sa lipunan ay ipinanganak -sumasalamin sa -hindi boluntaryong pinili kakayahan, pagsisikap at hindi kontrolado ng at piniling buhay ng isang tao isang tao LIPUNAN ELEMENTO NG INSTRUKTURANG PANLIPUNAN INSTITUSYON SOCIAL GROUPS STATUS GAMPANIN (ROLES) 4. GAMPANIN (ROLES) - tumutukoy ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal LIPUNAN ELEMENTO NG INSTRUKTURANG PANLIPUNAN INSTITUSYON SOCIAL STATUS GAMPANIN Pamilya GROUPS (ROLES) Paaralan Ascribed Relihiyon/ Primary Group Achieved Simbahan Secondary Group Ekonomiya Pamahalaan Bakit mahalagang magkaroon ng kamalayan sa ugnayan ng istrukturang panlipunan at paano ito makakatulong sa lipunang ginagalawan? Exit Pass 1. Anong pangunahing paksa o konsepto ang tinalakay sa aralin ngayon? 2. Isulat ang isang bagay na iyong natutunan o nahanap na kawili-wili sa talakayan Exit Pass 3. Paano mo iniisip na konektado ang aralin ngayon sa mga naunang natutunan natin o sa mga tunay na pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay? 4. Sa isang talaan na 1 hanggang 5 (1 ay napakadali, 5 ay napakahirap o mapanghamon), paano mo bibigyan ng marka ang iyong pag-unawa sa aralin ngayon? Maraming Salamat! Teacher Rich