Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal na Pamilya PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Aralin 1: Ang Pamilya bilang Hulwaran ng Pagkatao at Pakikipagkapwa PDF
- Aralin 1: Ang Pamilya bilang Hulwaran ng Pagkatao at Pakikipagkapwa PDF
- Sinaunang Lipunan sa Pagkakamag-anak, Pamilya, at Kasarian (PDF)
- Buhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, Panimulang Edukasyon PDF
- Pamilyang Pilipino bilang Sandigan ng mga Pagpapahalaga PDF
- Tradisyonal o Moderno: Pamilya Noon at Ngayon PDF
Summary
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa papel ng pamilya sa lipunan at pampolitikal na aspeto. Tinatalakay ang mga halimbawa ng kontribusyon ng pamilya sa lipunan at ang mga isyu na nakapaloob sa ugnayan nito sa pamayanan. Isinasama rin ang mga dapat isaalang-alang na karapatan ng isang pamilya sa lipunan.
Full Transcript
Prayer… Attendance….. Classroom Rules… REVIEW…... Mga halimbawa ng papel ng pamilya: - panlipunan - pampolitikal “Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at espiritu …… siya ay isang panlipunang nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buh...
Prayer… Attendance….. Classroom Rules… REVIEW…... Mga halimbawa ng papel ng pamilya: - panlipunan - pampolitikal “Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at espiritu …… siya ay isang panlipunang nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao..” (Esteban, 1990) ANG TAO AY: Ipinapanganak sa isang pamilya Hindi makapag- paparami ng mag- isa, natural man o artipisyal Kailangan niya ang kapwa Pahalagahan ang natutunan sa pamilya upang maibahagi sa iba Hindi natatapos sa pagpaparami at pagtuturo ng mga PAGPAPAHALAGA at BIRTUD SA PAKIKIPAGKAPWA ang halaga at tungkulin ng pamilya, kundi isa dito ang PAGHUBOG NG PAGIGING MAPANAGUTANG MAMAMAYAN (Esteban, 1989). Upang umunlad ang buhay pamilya, kailangan ang makipag-ugnayan sa iba at sa mga sector ng lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin at paunlarin ang lipunang kanyang ginagalawan Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang papel sa lipunan tulad ng pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan at pangangalaga sa kapaligiran; at papel pampolitikal – ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan. ANG PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN Pangunahing kontribusyon sa lipunan - pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay sa pang-araw- araw. (Hal. programa sa telebisyon) NATUTUHAN SA MODYUL 1 Ang ugnayan ng pamilya ay dapat pangibabawanan ng malayang pagbibigay na ginagabayan ng paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat isa sa pamamagitan ng ⮚ buong pusong pagtanggap, ⮚ pag-uusap, ⮚ palaging naroon sa isa’t-isa, ⮚ bukas-palad at paglilingkod ng buong puso, at ⮚ matibay na bigkis ng pagkakaisa. Ang tunay at ganap na pakikipag- niig sa isa’t-isa ng mga kasapi ng pamilya ay ang ✔PANGUNAHIN AT DI MAPAPALITANG TAGAPAGTURO NG PAMUMUHAY SA LIPUNAN AT ✔ TAGAPAGPALAGANAP NG MAS MALAWAK NA PAKIKIPAG- UGNAYAN SA KOMUNIDAD. Hindi sa lahat ng SA PAMILYA NAGSISIMULA ANG DIWA NG BAYANIHAN pagkakataon ay dapat panatilihin ito sa loob ng pamilya. Minsan ay hindi positibo ang pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino. Imbes na makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-watak at kaniya-kaniya ang nililikha nito. “Political dynasties”, nagiging sanhi ng taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya. Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa bago ang debosyon sa pamilya. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili. “Dahil ang ugnayang dugo (blood relations) na namamagitan sa pamilya ay maituturing na parang sarili (another self) ang kapamilya. Kaya nga kung may pinintasan sa pamilya, parang ikaw na rin ang pinintasan.” (Manuel Dy, 2012) Sa pamilya dapat natututuhan na iwaksi ang pagiging makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa. Na ang pagkakawanggawa ay katumbas ng pagmamahal; paglilingkod sa kapwa upang mapabilang sa kapatiran ng tao. Ngunit mayroon ding nagbibingi-bingihan at walang tiwala sa kapwa. Kung sino pa ang na makapagbibigay sila pa ang nagsasara ng kanilang pinto. Nakatali sa materyalismo at higit na nagpapahalaga sa mga ari-arian kaysa sa kapwa-tao. “Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na natutuhan sa tahanan.” PANGANGALAG A SA KALIKASAN oDapat isaalang-alang ang paggalang sa dignidad ng kapwa sa uri ng pamumuhay ng pamilya. oAng labis na kayamanan ay nakakaeskandalo kung ito ay walang pakundangang ipangalandakan sa harap ng mga taong minsan lang kumain sa isang araw. ANG PAG-AAKSAYA, KARANGYAAN AT LUHO AY PAGLABAG SA TUNTUNIN NG MORALIDAD MAHALAGA ANG PAGTUTURO NG PAGSASABUHAY NG SIMPLENG URI NG PAMUMUHAY “Ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng tao at ng sangkatauhan ay ang labis na kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang karangyaan sa kabilang bahagi. Ang hindi pagkakapantay-pantay ng tao ay isang paglabag sa katarungang panlipunan. Tungkulin ng pamilya na maging pantay ang turing sa lahat….” Esteban, 1989 PANGANGALAGA SA KALIKASAN Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Isulong ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan tulad ng “Clean & Green Program”, tulad ng pagtatanim ng puno, segragation ng basura, ang 5 R’s, paglilinis ng mga kanal atbp. ANG PAPEL NA PAMPOLITIKAL NG PAMILYA MGA KARAPATAN NG PAMILYA: 1. Magtatag ng pamilya na may sapat na panustos sa mga pangangailangan. 2. Isakatuparan ang pananagutan sa pagtuturo sa mga anak 3. Pagiging pribado ang buhay pamilya 4. Katatagan ng bigkis ng kasal 5. Paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya 6. Palakihin ang mga anak ayon sa tradisyon, pananampalataya at pagpapahalaga at kultura. 7. Ang mga maysakit ay magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad MGA KARAPATAN NG PAMILYA 8. Tahanang angkop sa maayos na buhay pamilya. 9. Pagpapahayag at katawanin (ng mambabatas o asosasyon) kaugnay ng usaping pang ekonomiya, panlipunan o kulturan 10. Magbuo ng asosasyon kasama ang iba pang pamilya at samahan. 11. Mapangalagaan ang mga kabataan laban sa droga, pornograpiya, alkoholismo atbp 12. Kapakipakinabang na paglilibang 13. Karapatan ng mga matatanda ang karapatdapat na pamumuhay at kamatayan 14. Mandayuhan sa ibang lugar para sa mas mabuting pamumuhay. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang proteksiyon sa lipunan, ang bawat isa ay MAY PAGKAKATAONG LUMAKI AT MAGING GANAP NA TAO SA PINAKAMABUTING KAPALIGIRAN – isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng BIRTUD na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan. “Dapat pag ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.“ Ang pagsasabatas ng diborsyo, aborsyon at materyalismo ay ilan lamang sa sumisira sa pangunahing institusyon ng lipunan. Kung tuluyan ng masisira ang pamilya, mawawala na rin ang kanlungan ng moralidad.