Document Details

IntriguingCotangent9656

Uploaded by IntriguingCotangent9656

L.V. Stockard Middle School

Cris Adriene L. Bancolo, Aron James Cobrado

Tags

Filipino language history Philippine history Austronesian migration Pre-colonial Philippines

Summary

This presentation discusses the history of the Filipino language, focusing on the period when indigenous people inhabited the Philippines. It explores various theories about the origins of the Filipino people and their language, including the Austronesian migration theory and the discoveries of ancient artifacts like the Manunggul Jar.

Full Transcript

Kasaysayan ng Wikang Pambansa Panahon ng mga Katutubo Presented by: Cris Adriene L. Bancolo Aron James Cobrado Talaan ng Nilalaman 01 TEORYA NG PANDARAYUHAN 02 TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA SA REHIYONG AUSTRONESYANO 03 BAYBAYIN Panahon ng mga...

Kasaysayan ng Wikang Pambansa Panahon ng mga Katutubo Presented by: Cris Adriene L. Bancolo Aron James Cobrado Talaan ng Nilalaman 01 TEORYA NG PANDARAYUHAN 02 TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA SA REHIYONG AUSTRONESYANO 03 BAYBAYIN Panahon ng mga Katutubo Sadyang naging isang malaking palaisipan para sa mga siyentipiko at antropologo kung paano umusbong o saan nagmula ang mga taong unang nanirahan sa Pilipinas. Maraming alamat at teorya ang nabuo patungkol sa tunay na pinagmulan ng lahing Pilipino. Narito ang ilan sa mga ito: 01 TEORYA NG PANDARAYUHAN TEORYA NG PANDARAYUHAN Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo ng Negrito, Dr. Henry Otley Beyer Indones, at Malay. Taong Tabon Ano ang implikasyon ng Taong Tabon? Napabulaanan ang teorya Tinatayang nanirahan ang mga ni Beyer nang matagpuan ng unang tadtig ito sa yungib ng pangkat ng mga arkeologo ng Tabon may 50,000 taon na ang Pambansang Museo ng nakararaan. Sa mga Pilipinas sa pangunguna ni Dr. makabagong impormasyong Robert B. Fox ang harap ng nakalap noong 1962, lumalabas isang bungo at isang buto ng na unang nagkaroon ng tao sa panga sa yungib ng Tabon sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa Palawan noong 1962. Indonesia. Pinatunayan din ni Felipe Landa Jocano sa kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas. Felipe Landa Jocano Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking (Peking Man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java (Java Man) na kabilang sa Homo Erectus. Taong Peking Taong Tabon Taong Java Natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares at ng kaniyang pangkat ang isang buto ng paang sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Napag-alaman na ang taong ito ay nabuhay nang 50,000 hanggang 67,000 taon na ang nakalilipas at nabibilang sa species na iba sa mga kasalukuyang tukoy na kaya't binansagan itong Homo Dr. Armand Mijares luzonensis. 02 TEORYA NG PANDARAYUHAN Mula sa Rehiyong Austronesyano Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Teorya ng Pandarayuhan mula sa rehiyong Austronesyano. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster na nangangahulugang "south wind" at nesos na ang ibig sabihin ay "isla." TEORYA NI WILHEM SOLHEIM II Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog- Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa ay kumalat ang mga Austronesian sa iba't ibang panig ng rehiyon. TEORYA NI PETER BELLWOOD Ayon naman kay Peter Bellwood ng Australia National University, ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC. Ang mga Pilipino ay isa sa mga pinaka unang Austronesian ISA LANG ANG TIYAK! Tayo ang nagsimula ng isa sa pinakamahalagang imbensyon sa kasaysayan ng pandaragat. Bilang lahing Austronesian, kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas ng outrigger canoe o ang mga bangkang may katig. Ang mga Austronesian din ang kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue. Naniniwala rin ang lahing ito sa mga anitong naglalakbay sa kabilang buhay gayundin ang paglilibing sa mga patay sa isang banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan. Banaue Rice Terraces Manunggul Jar ANG BAYBAYIN Isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino bago pa nakarating sa kapuluan ang mga dayong kastila. Pinaniniwalaang ginamit noong ika-8 ng siglo sa pulo ng Luzon. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagsulat ng mga titik ng isang salita, o “to spell” sa Ingles. Ang Sistema ng pagsulat ay ayon sa sistemang abugida na gumagamit ng pagpapares ng katinig at patinig. Bawat titik, kung isulat sa payak na anyo, ay isang katinig na nagtatapos sa A. Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos sa ibang patinig, maaaring maglagay ng kudlit. Kudlit sa ibabaw kung nais isama sa patinig na E o I. Ang paglagay ng kudlit ay naangkop lamang sa mga katinig, at hindi maaaring gawin sa patinig. May sariling mga marka ang mga patinig. Ang Simbolo para sa D o R May isang simbolo para sa sa D o R dahil ang mga ito ay tinatawag na "allophones," na kung saan ang D ay maaaring may initial, final, pre- consonantal o post- consonantal na posisyon, at ang R naman ay may intervocalic. Maraming Salamat!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser