Filipinolohiya Reviewer PDF

Document Details

GratifyingSynthesizer

Uploaded by GratifyingSynthesizer

Polytechnic University of the Philippines

Tags

Filipinolohiya Philippine Language History Linguistics History

Summary

This document reviews the historical development of the Filipino language in the Philippines, tracing its evolution through various laws, decrees, and the establishment of the Surian ng Wikang Pambansa. It highlights key milestones and the Filipino language role in the country's history.

Full Transcript

A. KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming jalekto o wikain. Sa mahigit na pitong libong pulo mayroon tayo, may higit sa isandaang iba't ibang jalekto o wikain ang ginagamit. Bawat rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wik...

A. KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming jalekto o wikain. Sa mahigit na pitong libong pulo mayroon tayo, may higit sa isandaang iba't ibang jalekto o wikain ang ginagamit. Bawat rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wikain. Dahil dito, naging napakahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa't isa. Nagkaroon tuloy tayo ng suliranin sa pagkabuklud-buklod at pagkakaisa. Kung tutuusin, hindi sana tumagal ng mahigit tatlong daan at tatlumpu ang ating pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nakararaming Pilipino (Bisa, et al., 1983: 4). Ang mga ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit pinagsumikapan ng magigiting nating ninuno na magkaroon tayo ng isang wikang pambansa at kung bakit ito nilinang at patuloy na nililinang hanggang sa kasalakuyan. Ang pag- unlad ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas, kautusan, proklama at kautusan na ipinalabas ng iba't ibang tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa. Pag-aralan natin ang ilan sa mahahalagang batas, kautusan, proklama o kautusang ito: 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: "... ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Seksyon 3, Artikulo XIV) 1936 (Nob. 13) - Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon. Ang mga naging tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang sumusunod: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang; 2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing jalekto; 3. Pagsuri at pagtiyak sa fonetika at ortografiyang Pilipino; 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. 1937 (Enero 12) - Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt bilang 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt bilang 333. Ang mga nahirang na kagawad ay ang sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad Felix S. Salas Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad Casimiro F. Perfecto (Bikol), Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad Sa mga kagawad na hinirang ng Pangulo, dalawa ang di-nakaganap ng kanilang tungkulin, sina Hadji Butu at Filemon Sotto. Ang una'y dahil sa pagpanaw at ang huli'y tumanggi dahil sa kanyang kapansanan. Sila'y pinalitan kaya't nagkaroon ng mga pagbabago sa kabuuan ng Surian ng Wikang Pambansa. Dahil dito, hinirang ng Pangulong Quezon ang mga sumusunod na kagawad: Lope K. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad (Visayang Cebu) Nang si Lope K. Santos ay nagbitiw sa kanyang tungkulin, si Iñigo Ed. Regalado ang ipinalit ng Pangulong Quezon upang gumanap bilang kagawad ng SWP. 1937 (Nob.9) - Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo'y ipinahahayag na ang Tagalog ay "siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184," kaya't itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa. 1937 (Dis. 30) - Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog. 1937 (Hunyo 18) - Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang seksiyon ng Batas ng Komonwelt Blg. 184. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito'y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita'y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog dahil kahawig ito wika ng ng lahat ng Pilipino sa ganitong ayos: 59.6% sa Kapampangan, 48.2 % sa Cebuano, 46.6 % sa Hiligaynon, 39.5% sa Bikol, 31.3% sa Ilokano, atbp. Alinsunod pa sa taya, ang mga pangunahing wika natin (Cebuano, Hiligaynon, Samar, Leyte, Bikol, Ilokano, Pangasinan at Kapampangan) ay may aabot sa siyam hanggang sampung libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan. Bukod sa pagkakahawig sa maraming wikain sa Pilipinas, ang Tagalog na siyang naging batayan ng Wikang Pambansa ay nagtataglay ng humigit-kumulang na 5,000 salitang hiram sa Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Intsik ay 3,000 sa Malay. Ang bilang ng mga salitang iyon sa mga wikang banyagang nabanggit ay matatagpuan din sa lahat halos ng talatinigan ng iba pang wikain sa Pilipinas. Ayon din sa Surian ng Wikang Pambansa, mayaman daw ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga salita niyon. Napakadali ring pag-aralan ang Tagalog. Pinatutunayan ito na kahit hindi formal na pinag-aaralan, maraming Pilipino ang natututo agad ng ng karanasan wikang Tagalog. Madali nilang nauunawaan ang diwa, kahulugan at nilalaman ng mga Tagalog na pangungusap sa pagsubaybay sa takbo at agos ng mga pangungusap. Hindi lamang mga Pilipino ang nagsasabing madaling matutuhan at maunawaan ang Tagalog. Kahit ang mga nagsipandayuhan sa ating bansa nang mga unang panahon at ngayon ay madaling nakauunawa't nakapagsasalita ng Tagalog. 1940 (Abril 1) - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at privado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito. 1940 (Abril 12) - Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran: ito'y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal. 1940 (Hunyo 7) Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang ofisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940. 1954 (Marso 26)- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2). 1955 (Set. 23) - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa Proklama Blg..12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19). 1959 (Agosto 13) - Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin. 1967 (Oct. 24) - Naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap (Blg. 96), na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edifisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino. 1968 (Marso 27) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay din na ang mga "letterhead" ng mga kagawaran, tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniatas din na ang formularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. 1968 (Agosto 5) - Memorandum Sirkular Blg. 199 na pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika. 1968 (Agosto 6) - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ofisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1969 (Agosto 7) - Memorandum Blg. 277 na pinalabas ng Kalfhim Taga- pagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa. 1970 (Agosto 17) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan. 1971 (Marso 4) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Mel- chor ang Memorandum Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 aniversaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971. 1971 (Marso 16) - 2 1972 (Disyembre 1) - Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17, na nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Ga- zette at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito para sa ratifikasyon ng Saligang Batas noong Enero 15, 1973. 1972 (Disyembre) Atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas ng Pangulong Ferdinand E. Marcos na nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa provisyon ng Saligang-Batas. (Art. XV, Sec. 3 ). 1973 Sa Saligang Batas, Art. XV, Sek. 3, ganito ang sinasabi: 1. Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa English at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, ang tekstong English ang mananaig. 2. Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino. 1974 (Hunyo 19) - Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974- 1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang ng 1972. Batas 1978 (Hulyo 21) - Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semestre ng taong-aralan 1979-1980,ang lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo na mananatili sa labindalawang (12) yunit. Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ay gagamiting wikang panturo sa ilan sa mga pandalubhasang aralin sa pagpasok ng taong aralan 1983-84. Kalakip din sa kautusang ito ang pagkakaroon ng palatuntunan ng pagsasanay ng mga guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino sa pandalubhasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at Kultura. 1986 (Agosto 12) - Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Dahil dito, ipinahayag niya sa taun-taon, ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na, dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba't ibang larangan ng buhay. 1987 (Pebrero 2) - Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Sek 6-9, nasasaad ang mga sumusunod: Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsasagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng ofisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon. Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang ofisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang ofisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at pang magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. Ano ba ang formal na deskripsyon ng FILIPINO bilang wikang pambansa? Makakatulong sa atin ang pagsasangguni sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ganito ang batayang deskripsyon ng FILIPINO: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Fili- pino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di- katutubong wika at evolusyon ng iba't-ibang varayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. 1987 Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal. Tungkulin ng patakarang edukasyong bilinggwal na pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong 1987; palaganapin ang Filipino bilang wika ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Sa isang banda, pananatilihing wikang internasyonal para sa Pilipino ang Ingles at bilang di- ekslusivong wika ng agham at teknolohiya. Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dat- ing Surian ng Wikang Pambansa), nilagdaan ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong alfabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino. 1988 (Agosto 25) Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga ofisyal na transaksyon, komunikasyon at kores- pondensiya. 1989 (Set. 9) Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag- aatas sa lahat ng ofisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1990 (Marso 19) Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin. Commission on Higher Education ang CHED Memoran- 1996 Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalas- tasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika). 1997 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba't ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang. 2001 Tungo sa mabilis na istandardizasyon at intelektwalizasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Ang mga nilalaman at patnubay nito ay tatalakayin pa nang lubos sa Kabanata VIII. B. TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO: MAY PAGKAKAIBA BA? ni PAMELA C. CONSTANTINO, PH.D. Ano ang itatawag ninyo sa wikang ginagamit ninyo, Tagalog? Pilipino? Fili- pino? Bakit Tagalog ang tawag ng mga foreigners at mga Pilipinong nasa ibang bansa sa Wikang Pambansa ng Pilipinas? Bakit tinatawag pa ring Tagalog ang Wikang Pambansa rito sa atin matapos baguhin ang tawag dito mula pa noong 17 taon na ang nakakaraan? May pagkakaiba ba ang Tagalog sa Pilipino? Sa Fili- pino? Tingnan natin ang mga pagkakaibang ito batay sa konsepto at sa anyo. Wikang Tagalog Tagalog ang wika sa 'Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at pati Metro Manila. Ito, kung gayon, ay isang wikang natural, may sariling mga katutubong tagapagsalita. Isang partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa ang mga Tagalog.Pagdating pa man nina Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 sa Maynila ay napuna na nilang sinasalita ito ng maraming Pilipino. Wikang Tagalog Bilang Wikang Pambansa Nasangkot ang Tagalog sa pambansang arena nang ideklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 (Executive Order No. 134). Mula noong 1940, itinuro ito sa lahat ng eskwelahang publiko at privado. Wikang Pilipino Samantala, ang wikang Pilipino ay ang Filipino National Language (noong 1943) na batay sa Tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang Department Or- der No. 7 ng noo'y Sec. Jose Romero, ng Department of Education. Ito ring pangalang ito ang itinawag sa wikang ofisyal, wikang pampagtuturo at asignatura sa Wikang Pambansa mula 1959. Nahinto lang ito nang pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa. Fili- pino naman ang itinawag sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng 1987 (maging noong 1973 pero Pilipino pa rin noon ang wikang ofisyal.) Pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino Lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa nilalaman at istruktura at walang wikang Pilipino bago 1959. Gayundin, walang wikang Filipino bago 1973. Magkaiba ang Pilipino sa Filipino kahit parehong naging Wikang Pambansa ang mga ito dahil magkaibang konsepto ang mga ito-ang isa'y batay sa iisang wika at ang isa'y sa maraming wika sa Pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila. Dahil batay sa Tagalog at gamit ng mga Tagalog, hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga di-Tagalog na maging parte ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino. At sa mga eskuwelahan, mas tama ang aklat kaysa libro; ang takdang aralin kaysa asaynment; ang pamantasan kaysa kolehiyo/universidad; ang mag-aaral kaysa estudyante. Matagal ding panahong namayani at "namayagpag" ang Tagalog. Sa pag-aaplay ng trabaho, halimbawa'y titser at tagasalin sa Pilipino, mas uunahing kunin ang nagsasalita ng Tagalog bago ang di-Tagalog. Naging problema lang noon ang kung aling Tagalog ang "mas maganda, mahusay, angkop" na pinag-aagawan ng mga Tagalog mula Bulacan, Laguna at Batangas. Tagalog Imperialism Ang ganitong pangyayari ay tinawag ni Prof. Leopoldo Yabes noon na "Ta- galog Imperialism." Nakondisyon na ang mga tao sa Tagalog kung kaya't kahit na nabago ang tawag sa Wikang Pambansa (Pilipino, Filipino), Tagalog pa rin ang itinawag dito ng mga Pilipino at mga dayuhan. Ang pagkokondisyong ito rin ang nagdulot ng negativong reaksyon mula sa mga di-Tagalog. Naisantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng Cebuano, Hiligaynon at Ilokano. Ito naman ang naging dahilan ng pagpapalit sa Wikang Pambansa mula Pilipino (Tagalog) tungo sa Filipino sa Konstitusyon ng 1973 at 1987. Miskonsepsyon sa Filipino Ang tawag na Filipino sa wikang pambansa ay hindi mula sa Filipino na tawag sa Ingles para sa mga mamamayan ng bansa. Hindi rin mula sa Ingles ang F dito. Mga miskonsepsyon ang mga ito. Mula ito sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika sa Pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila. May tunog na F sa ilang mga wika ng Pilipinas gaya ng afuy (apoy/fire), kofun (kaibigan/friend) ng Ibanag; afyu flafus (magandang umaga/good morning) ng Bilaan, fidu (peste/pestilence) ng S. Cotabato Manobo, atbp. Ang paggamit ng Fay simbolo ng pagiging hindi na Tagalog lang na batayan ng wikang pambansa dahil walang ganitong tunog ang Tagalog. Pinapalitan ng P ang anumang tunog ng F' sa Tagalog gaya ng pamilya (fam- ily/familia) at reperensya (referencia/reference). Dinagdagan din ang alpabeto ng Filipino. Mula 20 letra ng Tagalog, naging 28 letra ang Filipino, Idinagdag ang 8 letra na c, fj, ñ, q, u, x, z bilang akomodasyon sa mga tunog mula sa mga wika sa Pilipinas, Ingles at Kastila. Ubod ng Konseptong Filipino Ang pinakaubod ng konsepto ng Filipino bilang batay sa mga wika ng Pilipinas ay ang pagiging pambansang lingua franca nito. Sa pakikipagkomunika ng bawat Pilipino sa isa't isa lalo na sa mga syudad, gumagamit siya ng wikang alam din ng kanyang kapwa Pilipino kahit pa meron silang katutubong wika gaya ng Cebuano, Ilokano, Pampango, Tausug, Kalinga, atbp. Ang wikang ito ang nagsisilbing pangalawang wika at lingua franca. Fili- pino ang pangunahing lingua franca sa bansa. Dahil dito, hindi dapat asahan na aklat ang gagamitin kundi libro o kaya'y buk (book), hindi silid-aralan kundi klasrum, hindi pahayagan kundi dyaryol peryodiko, hindi manananggol kundi abugado/lawyer. Mahirap na ring gamiting argumento ang sabihing meron naman tayo, manghihiram pa? Kailangang tiyakin kung sino ang tayo roon, ang mga Tagalog lang ba o ang karamihan ng mga Pilipino? Dahil nga lingua franca at pangalawang wika, nabubuo ang mga varayti nito dahil sa interference o paghalo ng mga unang wika ng mga tagapagsalita. Kaya kung gagamit ng Filipino ang isang Cebuano, hindi maiiwasan ang ganito: Nagbasa ako ng libro (bumasa ako ng libro). Bago ang 1973, mali ang nabanggit na pangungusap dahil batayan nga ang Tagalog. Pero ngayon, itinuturing ito na varayting Cebuano ng Filipino. Ang pagbabago ng atityud sa Filipino at pagtawag dito ng Tagalog ay basta mawawala. Pero darating din ang panahon lalo na kapag mismong ang mga di-Tagalog ang inhibisyong gumamit dito para magkontribyut sila ng mga salitang mawala magiging bahagi ng wikang pambansa. Kapag nangyari ito ay malilimutan na sigurong tawaging Tagalog ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. C. KASAYSAYAN NG ALFABETO AT ORTOGRAFIYANG FILIPINO Ang salita nati'y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una."Sa Aking mga Kababata" DR. JOSE P. RIZAL CALAMBA, 1869 Ang mga mananaliksik ay nangagkakaisa na ang ating mga ninuno'y may sarili nang kalinangan at sivilizasyon bago pa man dumating ang mga Kastila. Bukod sa pagkakaroon na ng sistema ng pamamahala at kalakalan, sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatwid, mayroon na silang sistema sa pagsulat gamit ang kanilang alfabeto na tinawag nilang Alibata. ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat ng katinig. Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang tunog na /e/ o /i/; halimbawa ang ay /be/ o /bi/. Kung ang tuldok naman ay nasa ilalim, ang kasamang patinig ng katinig ay /o/o/u/; halimbawa: /bo/ o /bu/. Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng di-mapag-aalinlanganang katunayan o katibayan na makapagpapatoo ng hinggil dito. Gayon man, ipinapalagay na malamang na tama ang teorya ni Padre Pedro Chirino na ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pavertikal mula taas paibaba at pahorizontal mula kaliwa pakanan. Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta. Mangilan-ngilan lamang sa mga ito ang umiiral pa sa kasalukuyan at matatagpuan sa mga museo sa ilang lugar. Bunga ito ng mapanirang gawain ng mga unang misyonaryong Kastila na ibang dumating sa ating kapuluan dahil ipinalagay nilang ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ang ibang piraso ng literaturang pre-kolonyal ay naipasa sa henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan na lamang. Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang alibata ng alfabetong Romano. Itinuturing ngang isa sa pinakamahalagang influwensya mga Kastila ang romanizasyon ng ating alfabeto. Tinuruan ng mga mga Pilipino sa paggamit ng alfabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag nang pa-Kastila, alalaong baga'y nakilala sa tawag na Abecedario. Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat. May mangilan-ngilang matatalinong bagama't gumagamit Abecedario ay nagpasyang magsalamin ng tatak-Pilipino sa pagsulat. Isa sa kanila ay ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Sa kabila ng edukasyong Europeo at kaalaman sa iba't ibang wika ni Rizal, minahal niya ang kanyang sariling wika. Malinaw itong mababakas sa tula niyang Sa Aking mga Kababata na sinulat niya sa murang gulang pa lamang. Una si Rizal sa kampanya ng Pilipinizasyon ng ortografiya. Halimbawa, ang mga Tagalog na titik na kat w, 'aniya, ay dapat gamitin sa halip na mga Kastilang c at o. Halimbawa, ang kinastilang Tagalog na salita tulad ng salacot ay dapat umanong baybayin ng salakot. Gayon din ang salitang arao na dapat isulat nang araw. Noon pa mang 1886, habang siya ay nasa Leipzig, ginamit ni Rizal isina-Pilipinong ortografiya sa pagsasalin sa Tagalog ng William Tell ni Schiller at Fairy Tales ni Andersen. Muli niya iyong ginamit sa pagsulat ng kanyang unang novelang Noli me Tangere sa berlin noong 1887. Habang siya'y naglalakbay sa Brussels, nalathala sa La Solidaridad noong Abril 15, 1890 ang artikulo niyang Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala (Hinggil sa Bagong Ortografiya ng Wikang Tagalog). Sa artikulong iyon, inilahad ni Rizal ang tuntunin ang bagong ortografiyang Tagalog at, nang may pagpapakumbaba at katapatan, ibinigay niya ang kredit ng adapsyon ng bagong ortografiya kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, may-akda ng El Sanskrito en la Lengua Tagala (Ang Sanskrito sa Wikang Tagalog) na nalathala sa Paris noong 1884. Para sa rekord, sinulat ni Rizal, nang kapag inugat ang kasaysayan ng ortografiyang ito na siya nang ginagamit ng mga mulat na Tagalista, ay maibigay kay Caesar ang kay Caesar. Ang inovasyong ito ay bunga ng mga pag-aaral sa Tagalismo ni Dr. Pardo de Tavera. Ako ay isa lamang sa mga masigasig niyong propagandista (Zaide & Zaide, 199: 169-170). Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alfabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik niyon. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung titik: labinlimang katinig at limang patinig, na kumakatawan sa isang makahulugang tunog bawat isa. Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng ilang public hearings ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kunvensyong Konstitusyunal. Makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang dating Abakada. Iminungkahi nilang idagdag ang mga sumusunod: C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X at Z na gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan. Ang ilan sa mga naging problema ng mungkahing alfabetong ito ay ang magiging katawagan ng bawat titik at ang magiging kaayusan o order ng mga ito sa alfabeto. May ilang mga mungkahi ang ikinonsider kaugnay nito. Una sa mga ay ang sumusunod: Hindi pa mang ganap na nalilinaw ang mga tanong na kaugnay ng mungkahi ng Lupong Sanggunian, inilathala ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang tuntunin sa palabaybayang Pilipino noong Abril 1, 1976. Kaugnay nito, ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 upang pagtibayin ang nasabing tuntunin. Ngunit marami ang tumutol sa pinagyamang Abakada at sa tuntunin ng palabaybayan nito. Ilan sa kanilang mga argumento ay ang mga sumusunod: 1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud-sunurin. 2. Ang pagsasama ng digrafong CH, LL, RR at NG, gayundin ng may kilay na N ay isang paraang di-matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik-Romano ay unti-unting nagbabawas ng kanilang mga digrafo upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang pagdaragdag ng mga digrafo, kung gayon, ay isang hakbang na paurong. Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat na ng isang mag-aaral ang Cat H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrafong CH. Gayundin ang letrang LL, RR at NG. Ang letrang Ñ naman ay may kilay lamang na N. 3. Mismong Malakanyang, sa isang liham sa Direktor ng SWP noong Enero 11, 1973, ay tumanggi sa pagsasama ng mga digrafong CH, LL, RR at NG at iminungkahing dalawampu't pitong letra na lamang ang gamitin. 4. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alfabetong may digrafo. Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga paaralang primarya, ang mga mungkahing pagbabago ay hindi tinanggap ng taong-bayan. Ito ang dahilan kung bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987. Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alfabeto noong mga huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Simula noon, ang ating alfabeto ay nagkaroon na ng dalawampu't walong titik na tinatawag nang pa-Ingles maliban sa Ñ at may pagkakasunud-sunod na ganito: Samakatwid, ang pasalitang pagbabaybay ng mga sumusunod na salita ay ganito: ibon = /ay bi o en/ at hindi /i ba on na/, kintin= /key ay en ti ay en/ at = /bio ti i/ at hindi/ba o ta e/, U.P. = /yu pi/ at hindi hindi/ka i na ta ina/, bote /u pa/, M.L.Q.U. /em el kyu yu/ at hindi /ma la kyu u/. Mapapansing ang mga titik ng Bagong Alfabeto ay mula sa dalawampung titik sa dating Abakada na dinagdagan lamang ng walong bagong titik na gagamitin sa pagbabaybay ng mga pangngalang pantangi, salitang hiram, salitang pang- agham at teknikal, salitang may inkonsistent na baybay at mga simbolong pang- agham. Mapapansin ding ang walong dagdag na letra ay mula naman sa labing- isang iminungkahing idagdag noong 1971. Hindi na lamang isinama ang mga digrafong CH, LL at RR para sa ekonomiya o pagtitipid. Pinanatili naman ang digrafong NG dahil ito ay tatak na ng ating katutubong alfabeto. Kamakailan, lumikha ng isang teknikal na panel ang Komisyon ng Wikang Filipino na siyang lumikha ng 2001 Revisyon sa Alfabetong Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Walang pagbabago sa komposisyon at tawag ng mga letra sa revisyong ito. Pinalalawak lamang nito ang gamit ng mga dagdag na letra na nilimitahan ng patnubay sa ispeling noong 1987. Ang mga dagdag na titik na pinalawak ang gamit ay ang F, J, V at Z. Sa Kabanata VII ng aklat na ito, tinalakay nang detalyado at komprehensivo ang kalikasan at tuntunin ng pinakahuling revisyon sa ating ortografiya.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser