Rebyuwer sa Tagisan ng Talino Grades 7-12 PDF

Summary

This document provides a historical overview of the Filipino language, tracing its development from Spanish colonial times to the American period and the Japanese occupation. It covers the different periods of influence and details the role of prominent figures, including Jose Rizal, in shaping the language's role in literary works and national identity.

Full Transcript

Kasaysayan ng Wikang Pambansa Panahon ng Espanyol Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Espanyol sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez De Legaspi noong 1565. Siya ang kauna-unahang Espanyol na gobernador-heneral sa Pilipinas. Kalaunan n...

Kasaysayan ng Wikang Pambansa Panahon ng Espanyol Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Espanyol sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez De Legaspi noong 1565. Siya ang kauna-unahang Espanyol na gobernador-heneral sa Pilipinas. Kalaunan napasailalim naman ang kapuluan sa pamumuno ni Villalobos na nagbigay ng ngalang Felipinas bilang parangal sa Haring Felipe II na naunang namuno noong panahong iyon. Naging Filipinas ang Felipinas dahil sa maling pagbigkas ng mga tao rito. Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di-sibilisado o pagano ang mga katutubo noon. Itinuro nila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang mga ito. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Hinati-hati sa apat na ordeng misyonerong Espanyol ang pamayanan kaya’t ito’y nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo. Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol ay nag-aral ng wikang katutubo upang madaling matutunan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Mas magiging kapani-paniwala kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika. Sa panahong ding ito napalitan ang “alibata” ng alpabetong Romano na binubuo ng 29 na titik. A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, Ñ, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y,Z Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sumibol ang mga Propagandista. Ito ang panahon kung saan namulat ang makabayang damdamin ng mga Pilipino. Sa pamumuno nina Jose P. Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, at Graciano Lopez Jaena, ginamit ang wikang Tagalog sa pagsulat sa mga pahayagan ng mga akdang pampanitikan. Panahon ng Amerikano Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawa ang wikang ginagamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyong Ingles at Espanyol. Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899 habang pantulong naman ang wikang rehiyonal. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt. Panahon ng Komonwelt/Malasariling Pamahalaan Sa panahong ito masasabing may puwang na sa pamahalaan ang pagtukoy ng wikang pambansa. Isinasaad sa Saligang Batas 1935 (Artikulo XIV, Sek.3) na: Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t itinatadhana ng batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na magiging wikang opisyal. Sa panahon ding ito nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 184. At bilang tugon, humirang si Pang. Quezon ng mga kagawad na bubuo sa SWP. Batay sa isinagawang pag-aaral inirekomenda ng lupon ng SWP na ibatay sa Tagalog ang wikang pambansa at inaprubahan ito. Gayundin, sa panahong ito, ipinasok na rin sa mga kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Panahon ng Hapon Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang maging wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang ginawang pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pang-Amerika at mawala ang impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Sa panahong ito namulaklak ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento, nobela at iba pa. Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan Sa panahong ito, pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Mula sa dating katawagang Pilipino ay naging Filipino ang Wikang Pambansa. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Sek. 7: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat ay itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Noong Enero 30, 1987, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 112 si Pangulong Corazon Aquino, Ipinailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports. Binago rin ang pangalan ng ahensiya bilang Linangan ng mga Wika ng Pilipinas o Institute of Languages. Samantala, noong Marso 19, 1990, bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño ng DECS na na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas at sa bayan. Agosto 14, 1991 naman, ang Republic Act Blg. 7104 ay nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino bilang pagsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon. Nakasaad din na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino at ipaiilalim sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng resolusyon noong 1992. Ang Resolusyon Blg. 1-92(Mayo 13) na sinusugan naman ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto 1996) hinggil sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang tuwing buwan na ito. Malaking kasangkapan ng pag-unlad ng Filipino ang mga wikang katutubo, kung saan maraming hiram na salita sa mga ito. Noong 2001, tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 na Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran blg. 45). Walang naganap na pagbabago sa mga alpabeto ngunit may mga tuntuning binago hinggil sa paggamit ng walong (8) dagdag na letra. Nagkarooon ng ilang usapin at kalituhan sa tamang paggamit ng Wikang Filipino dahil sa dami ng elementong taglay nito, bagay na ginawa ng solusyon ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pagtataguyod nito ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa. Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon noong 2009 ng Ordinansa Blg. 74 na isinasainstitusyon ang gamit ng Inang Wika Elementarya at Multilingual Language Education (MLE). (Nauna rito, may inilahad ng bersyon ang Ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang Kapulungan na House Bill No. 3719, “An Act Establishing a Multilingual Education and Literacy Program and for Other Purposes” sa pamamagitan ni Honorable Magtanggol T. Gunigundo ng Valenzuela City. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013 ng dagliang Ortograpiyang Pambansa na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)- ipinahayag na ang Tagalog ang siyang maging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)- isinaad ang pagpapalimbag ng “A Tagalog-English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940. Batas ng Komonwelt Blg. 570- Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946. Proklamasyon Blg. 12- Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pangulong. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29- Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.) Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon). Kautusang Pangkagawaran Blg.7- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo`y Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na nagatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1960) – nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag- utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Pilipino Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag- utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa Ortograpiyang Pilipino ang pagpapairal ng Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan simula sa taong panuruan 1974-9175. Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) – Paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports. Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Itinalaga na Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987)- Panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtakda na ang buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wikang Pambansa. Mga Kilalang Pilipinong Manunulat Julian Felipe - Kilala sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." Fernando Amorsolo- ay Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining. Guillermo Tolentino- Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio. Jose Rizal-Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata." Francisco Baltazar- Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas. Graciano Lopez Jaena-ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle. Marcelo H. Del Pilar- kilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle. Jose Palma- Siya ang sumulat ng tula sa Español na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat. Lope K. Santos- Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. "Ama ng Balarilang Pilipino" Jose Corazon De Jesus-Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy." Amado V. Hernandez- makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay." Severino Reyes- Isinulat niya ang Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalal sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero. Nick Joaquin- kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino. Jose Garcia Villa- isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many Voices. NVM Gonzales-Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa. Kasaysayan ng Alpabetong Pilipino Alibata/ Baybayin Bago pa man dumating ang mga Kastila, tayo ay mayroon nang kinikilalang isang uri ng alpabeto. Ito ang tinatawag nating Alibata, isang uri ng palaybaybayang hatid na atin ng mga Malayo at Polinesyo. Sinasabing ang Alibata ay may impluwensya ng palatitikang Sanskrito na lumaganap sa India at sa iba pang mga lugar sa Europa at sa Asya. Ang Alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig, gaya ng makikita sa gilid: Kakaiba ang pagsusulat ng alibata hindi katulad ng nakasanayan na ng mga Pilipino. Ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan. Mapapansin na walang titik na E at O sa matandang Alibata. Tatlo lamang noon ang mga patinig: A, I at U. Nang dumating ang mga Kastila ay saka lamang pumasok ang mga tunog na E at O dahil sa mga hiram na salitang Kastila namay ganitong mga tunog. Ang tunog na R ay sinasabing hiram din sa Kastila. Ang Abecedario Nang dumating ang mga Kastila, binago nila ang ating sistema ng pagsulat. Sinunog nila ang lahat halos ng ating katutubong panitikang nasusulat sa Alibata, kasabay ng kanilang pagsunog sa sinasambang mga anito ng ating mga ninuno. Tinuruan nilang sumulat ang mga Pilipino sa pamamagitan ng palatitikang Romano upang mabisa nilang mapalaganap ang Doctrina Christiana. Ang mga titik Romano gaya ng alam na natin, ay iba sa mga simbolong ginagamit sa pagsulat sa wikang Hapon o sa wikang Intsik. Itinuro ng mga Kastila ang kanilang Abecedario. Ang mga titik ng Abecedario ay ang mga sumusunod: A B C CH D /a/ /be/ /se/ /se-atse/ /de/ E F G H I /e/ /efe/ /he/ /atse/ /i/ J K L LL M /hota/ /ke/ /ete/ /elye/ /eme/ N Ñ O P Q /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ R RR S T U /ere/ /doble ere/ /ese/ /te/ /u/ V W X Y Z /ve/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /zeta/ Pansinin na sa dating 17 katutubong tunog sa matandang Alibata ay naparagdag ang mga sumusunod upang maging 31 titik lahat. Mga Patinig: E at O Mga Katinig: C, F, LL, Q, V, R, Z, CH, J, Ñ, RR, X Sa loob ng halos apat na dantaong pananakop sa atin ng mga Kastila ay nasanay na ang ating lahi sa mga hiram na salita na sa kasalukuyan ay hindi na halos napapansin kung ang mga ito ay katutubo o banyaga. Sa kabilâ ng pangyayaring lubhang naimpluwensiyahan ng wikang Espanyol ang mga wikang katutubo sa Filipinas, hindi isináma sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z. Nanatili ang mga ito sa mga pangngalang pantangi, gaya sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro, Magallanes, Cariño, Quirino, Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga. Ngunit marami sa mga salitang hiram sa Espanyol at nagtataglay ng naturang mga titik ay tinapatan ng mga tunog sa mga titik ng abakada, gaya ng nagaganap na noong paghiram sa mga naging palasak na salitang Espanyol. Ang Abakada Noong panahon ng Pangulong Manuel L. Quezon ay binigyan-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Nadama niya ang pangangailangang ito sapagkat malimit na hindi niya makausap ang karamihan ng mg Pilipinong iba’t iba ang wikang sinasalin. Hindi niya makausap ang mga ito sa wikang Kastila. At lalong hindi rin sa wikang Ingles. Kayat nang sulatin ang Konstitusyon ng 1935, sinikap niyang magkaroon ito ng probisyon tungkol sa pagbuo ng isang wikang pambansa. Ganito ang sinasabi sa Konstitusyon ng 1935: “Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkaroon ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na mga pangunahing wika ng Pilipinas.” Upang maitupad ang batas na ito, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt 184 na nag- aatas na bumuo ng Institute of National Language o Surian ng Wikang Pambansa na siyang magsasagawa ng pag-aaral kung alin sa mga pangunahing katutubong wika ng bansa ang higit na karapat-dapat na maging wikang pambansa. At Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa. Ngunit hinihingi rin ng batas na bago ipahayag ang napiling batayan ng wikang pambansa ay kailangang mayroon na munang magagamit na aklat panggramatika sa paaralan. Si Lope K. Santos, isa sa mga kagawad noon ng Surian ng Wikang Pambansa, ang sumulat ng nasabing gramatika na nakilala sa tawag na Balarila ng Wikang Pambansa. Noon isinilang, batay sa Balarila, ang Abakada na binubuo ng 20 titik na gaya ng mga sumusunod: A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y Sa dalawampung titik na ito’y lima (5) ang patinig at labinlima (15) ang katinig. Ang mga katinig ay may tig-iisang tawag at bigkas lamang na laging may tunog na a sa hulihan. Gaya ng pagbaybay nang pabigkas sa mga salitang sumusunod: Bote - /ba-o-ta-e/ titik - /ta-i-ta-i-ka/ Dahilan sa limitadong bilang ng mga titik ng Abakada, naging problema ang panghihiram ng mga salita, lalo na sa Ingles na hindi konsistent ang palabaybayan. Bagong Alpabetong Filipino Noong dekada 70, naramdaman ang pangangailangan na baguhin ang pag-unlad ng Wikang Pambansa. Hindi sapat ang pagpapangalan sa wikang ito bilang "Pilipino" noong 1959. Noong 1965, inusig ni Kongresista Inocencio Ferrer ang Surian dahil sa diumano’y pagpapalaganap ng “puristang Tagalog” bilang Wikang Pambansa. Noong 1969, nagpetisyon ang Madyaas Pro-Hiligaynon Society upang pigilan ang mga gawain ng Surian. Muling sinuri ang alpabeto, binawasan ng mga bagong titik, at noong 1987 ay nalathalang dalawampu’t walo (28) ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa. Tinanggap ang mga dagdag na titik na: C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Pinalaganap din ang isang “modernisadong alpabeto” na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod: A /ey/, B /bi/, C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, Ñ /enye/, NG /endyi/, O /o/, P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V /vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. Pagpapantig sa Wikang Filipino Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasama sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na pantig Pagpapantig ng Salita espesyal es‧pes‧yal aklat ak‧lat ospital os‧pi‧tal pansit pan‧sit Karaniwan, kung hiram mula sa Español ang mga digrapo gaya ng BR, TR, KR, etc. magkasama ito sa isang pantig at hindi pinaghihiwalay sobre so‧bre litro li‧tro okra o‧kra libro li‧bro Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasama sa sinundang patinig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig eksperto eks‧per‧to inspirasyon ins‧pi‧ras‧yon Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay sinusundan ng alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig ay isinasama sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig. timbre tim‧bre templo tem‧plo sentro sen‧tro Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang katinig at patinig lamang ang inuulit plano mag‧pa‧plano trabaho mag‧ta‧tra‧ba‧ho close i‧pa‧ko‧close Kayarian ng Pantig. Ang pantig ay maaaring binubuo ng isang patinig, o isang katinig at isang patinig, o dalawa o mahigit pang katinig at isang patinig. Sumusunod ang mga kayarian ng pantig sa pasulat na simbolo at kinakatawan ng P ang patinig at ng K ang katinig: Kayarian Halimbawang salita P a KP be PK ok KPK bat PKK arm KPKK dorm KKPK plan KKPKKK shorts Pagpapantig ng mga Salita. Narito ang ilang tuntunin: 1. Kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa posisyong pang-una, panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig. Halimbawa: /a ak yat/ (aakyat), /a la a la/ (alaala), / to to o/ (totoo). 2. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasáma sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasáma sa kasunod na pantig. Halimbawa: /ak lat/ (aklat), /es pes yal/ (espesyal), /pan sit/ (pansit), /os pi tal/ (ospital). 3. Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasáma sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig. Halimbawa: /eks per to/ (eksperto), /trans fer/ (transfer), /ins pi ras yon/ (inspirasyon). 4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o N at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig (M/N) ay isinasáma sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig. Halimbawa: /a sam ble a/ (asamblea), /tim bre/ (timbre), /si lin dro/ (silindro), /tem plo/ (templo), /sen tro/ (sentro). 5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, isinasáma ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang katinig sa kasunod na pantig. Halimbawa, /eks plo si bo/ (eksplosibo), /trans plant/ (transplant). Walong Bahagi ng Pananalita 1. Pangngalan (Noun) Deskripsiyon: Tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari, o konsepto. Halimbawa: Tao: Maria, guro Hayop: aso, pusa Bagay: mesa, libro Lugar: Maynila, paaralan Pangyayari: kasal, piyesta Konsepto: pag-ibig, kalayaan 2. Panghalip (Pronoun) Deskripsiyon: Pamalit o panghalili sa pangngalan upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit nito. Halimbawa: Ako, ikaw, siya, kami, kayo, sila Ito, iyan, iyon Sino, ano, saan 3. Pandiwa (Verb) Deskripsiyon: Nagpapahayag ng kilos, aksyon, o gawa. Halimbawa: Kumakain, naglalaro, umaawit, tumakbo, lumangoy 4. Pang-uri (Adjective) Deskripsiyon: Naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Halimbawa: Maganda, mataas, mabait, masarap, malambot 5. Pang-abay (Adverb) Deskripsiyon: Naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Halimbawa: Mabilis, maingat, kahapon, ngayon, bukas, araw-araw, sa ilalim 6. Pangatnig (Conjunction) Deskripsiyon: Nag-uugnay ng mga salita, parirala, o sugnay sa isang pangungusap. Halimbawa: At,ngunit, sapagkat, kung, dahil sa, subalit, kaya, pati 7. Pang-ukol (Preposition) Deskripsiyon: Nag-uugnay ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap. Halimbawa: Para sa, tungkol sa, ayon kay, ukol sa, laban sa, alinsunod sa 8. Pang-interaksyon/Padamdam (Interjection) Deskripsiyon: Mga salita o kataga na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Halimbawa: Ay! Naku! Wow! Aray! Yehey! Aba! Wastong Paggamit ng mga Salita Ang kawastuhan sa paggamit ng mga salita ay mahalaga upang maging kaakit-akit ang pahayag. Ang paggamit ng tamang salita ay nakatutulong upang maging maayos, malinaw, at mabisa ang pagpapahayag. Sa ating pakikipagtalastasan, may mga pagkakataon na nagkakapalit ang gamit ng salita sa pangungusap. a. Operahan-operahin Operahan – tumutukoy sa tao at hindi ang Kailangang maoperahan siya agad dahil bahagi ng katawan malala na ang bukol sa kanyang dibdib. Operahin – tumutukoy sa tiyak na bahagi ng Bukas na ooperahin ang mga mata ng katawan na kailangang tistisin matanda. b. Pinto-Pintuan Pinto (door) – bahagi ng daanan na Isinara ni April ang pinto upang hindi isinasara o ibinubukas makaiwas sa masasamang-loob. Pintuan (doorway) – kinalalagyan o Nakaharang sa pintuan ang hinubad niyang kinakabitan ng pinto; bahaging daanan sapatos. c. Pahirin-Pahiran Pahirin – pagtatanggal, pag-alis, o pagpawi Pahirin mo ang iyong pawis sa ilong. ng isang bagay Pahiran – paglalagay ng isang bagay Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran ng mantekilya. d. Iwan-Iwanan Iwan – huwag Iwan mo na lang ang bag mo sa kotse ko. isama/dalhin; Iniwan ko ang pag-aaral dahil walang – paglayo o pantustos ang magulang ko. paglisan Iwanan – bibigyan ng kung ano ang isang Iwanan mo ako ng perang pambili ng tao; hapunan. – paglagay ng bagay o tao sa isang Naiwanan ko ang payong doon sa lugar o tao simbahan, nakita mo ba? e. Hagdan-Hagdanan Hagdan (stairs) – mga baitang na Mabilis nilang inakyat ang hagdan dahil huli inaakyatan at binababaan sa bahay o na sila sa klase. gusali Hagdanan (stairway) – bahagi ng bahay na Ang hagdanan ng kanilang bahay ay kinalalagyan ng hagdan matibay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol f. Walisin- walisan Walisin – tumutukoy sa bagay na tatanggalin Kailangan na nating walisin ang mga tuyong dahon. Walisan – tumutukoy sa lugar na lilinisin Huwag din nating kalimutang walisan ang likod-bahay. g. Sundin-sundan Sundin – sumunod sa payo o pangaral Sundin mo ang lagi kong inihahabilin sa iyo upang hindi ka mapahamak. Sundan – tularan ang ginagawa ng iba Sinundan ni Trisha ang pagiging guro ng – pumunta sa pinuntahan ng iba kanyang ina. Sundan mo agad ang kaibigan mo at baka tuluyan na iyong magtampo. h. Napakasal- nagpakasal Napakasal – tumutukoy sa ginagawang Si Agnes ay napakasal kay Xander. pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan Nagpakasal – tumutukoy sa taong naging Ang mag-asawa ay nagpakasal ng bunsong punong abala o nangasiwa upang makasal anak. ang isang babae at lalaki i. Subukin-subukan Subukin (to try or test) – pagsusuri o Susubukin ng guro ang kakayahan ng pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng kanyang mga mag-aaral. isang tao o bagay; Subukin mong kumain ng gulay at prutas – pagsubok sa bisa ng isang bagay nang lumusog ka. Subukan (to spy) – pagtingin upang Matagal na namin siyang sinusubukan kung malaman ang ginagawa ng isang tao o saan siya nagpupunta pagkatapos ng klase. mga tao j. Tungtong-tuntong-tunton Tungtong – panakip sa palayok o kawali Hindi maalala ni Aling Rosita kung saan niya nailagay ang tungtong ng palayok. Tuntong – pagyapak sa anumang bagay Tumuntong si Rady sa mesa upang maisabit ang parol. Tunton – pagbakas o paghanap sa bakas ng Hindi matunton ni Gladee kung saan nagsuot anumang bagay ang kanilang tuta. Wastong Paggamit ng Bantas Ang mga iba't-ibang uri ng bantas at mga gamit nito. 1. Tuldok (.) - ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga salitang dinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik. A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Halimbawa: Igalang natin ang Pambansang Awit. B. Sa pangalan at salitang dinaglat Halimbawa: Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”. C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan. Halimbawa: A. 1. 2. Tandang Pananong (?) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong Halimbawa: Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba? 3. Tandang Padamdam (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita o pangungusap na pandamdam o nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin. Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo! Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos. Aray! Naapakan mo ang paa ko. 4. Panipi (" ") - ginagamit sa mga tuwirang sinsabi ng nagsasalita at sa mga pamagat o pangalan ng mga paksa. A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa: “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo. B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. Halimbawa: Nagbukas na muli ang “Manila Times”. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”. C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Halimbawa: Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”. 5. Kudlit (') - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang magkasunod. Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain. (siya at ikaw naging siya’t ikaw) Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan. (ako ay- ako’y) 6. Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita o parirala na nasa loob ng pangungusap. A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Shana, saan ka nag-aaral ngayon? B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham- pangkaibigan. Halimbawa: Mahal kong Marie, Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose, Tapat na sumasaiyo, C. Pagkatapos ng OO at HINDI. Halimbawa: Oo, uuwi ako ngayon sa probinsiya. Hindi, ayaw niyang sumama. D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Halimbawa: Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo. Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo. E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham. Halimbawa: Nobyembre 14, 2008 Project 8, Quezon City F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Halimbawa: Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”. 7. Tutuldok (:) - ginagamit matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, halimbawa, katuturan, banggit o talaan. A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Halimbawa: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: rosal, rosas, orchids, sampaguita, santan at iba pa. B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal. Halimbawa: Dr. Garcia: Bb. Zorilla: C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan. Halimbawa: 8:00 a.m Juan 16:16 8. Tulduk-tuldok o Elipsis (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap. A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, Halimbawa: Pinagtibay ng Pangulong Arroyo … B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin. Halimbawa: Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang… 9. Tuldukuwit (;) -Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig A. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag- uugnay ng pangatnig. Halimbawa: Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan. B. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa. 10. Gitling (-)- Ginagamit ang gitling sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon : A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Halimbawa: mag-alis nag-isa tag-init pag-asa C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito. Halimbawa: dalagangbukid (isda) Bahaghari D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling Halimbawa: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan Halimbawa: mag-Johnson magjo-Johnson mag-Ford magfo-Ford mag-Zonrox magzo-Zonrox F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang. Halimbawa: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. Halimbawa: isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim (3/6) H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo Conchita Ramos-Cruz

Use Quizgecko on...
Browser
Browser