Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Aralin 5) - Saint Louis College
Document Details
Uploaded by Deleted User
Saint Louis College
Bb. Regine O. Ocampo, MAED
Tags
Summary
This presentation discusses the history of the Filipino language in the Philippines from different periods, including the Spanish, American and Japanese periods. The presentation also touches upon the different policies and initiatives related to the Filipino language.
Full Transcript
ARALIN 5 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Bb. REGINE O. OCAMPO, MAED. Guro ng SHS Saint Louis College Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1934 1935 1937 1940 Kasaysayan ng Wikang 1946 Pambansa 1959 1972 1987 1934 1935 Tinalakay sa Kumbensiyon...
ARALIN 5 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Bb. REGINE O. OCAMPO, MAED. Guro ng SHS Saint Louis College Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1934 1935 1937 1940 Kasaysayan ng Wikang 1946 Pambansa 1959 1972 1987 1934 1935 Tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 1937 ang pagpili ng isang wika batay sa mga umiiral na wika sa bansa. Sinalungat ito ng mga maka-Ingles na higit na 1940 makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa 1946 Ingles. 1959 Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika 1972 sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt 1987 ng Pilipinas. 1934 1935 Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay- 1937 daan sa probisyng pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: 1940 1946 “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa 1959 isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang 1972 siyang mananatiling opisyal na wika.” -Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 1987 1934 1935 Nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika 1937 ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang 1940 pambansa. Isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng 1946 Surian ng Wikang Pambansa na may tungkuling pag- aralan ang mga diyalekto sa pangkalahatan para sa 1959 layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na 1972 wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na 1987 tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino. 1934 1935 Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang 1937 Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang 1940 binuo tulad ng mga sumusunod: 1946 “Ang wikang pipiliin ay dapat… 1959 1. Wika ng sentro ng pamahalaan; 2. Wika ng sentro ng edukasyon; 1972 3. Wika ng sentro ng kalakalan; at 4. Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na 1987 panitikan.” 1934 1937 1935 Noong Disyembre 30. 1937, iprinoklama ni Pangulong Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1940 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng 1946 dalawang taon. Siyang naging batayan ng Wikang Pambansa ay 1959 nagtataglay ng humigit kumulang: 5,000 salitang hiram sa Kastila 1972 1,500 sa Ingles 1,500 Intsik 1987 3,000 sa Malay 1934 1940 1935 Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang 1937 Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. 1946 1959 1972 1987 1934 1946 1935 Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan 1937 sa araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay 1940 Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570. Batas Komonwelt Blg. 570 1959 Tagalog at Ingles bilang wikang opisyal. 1972 1987 1934 1959 1935 Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang 1937 pambansa. 1940 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 Mula Tagalog ay naging wikang pambansang Pilipino 1946 Jose P. Romero Kalihim ng Edukasyon noong 1959 1972 1987 1934 1959 1935 Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang 1937 Pilipino. ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte 1940 at iba pa. 1946 Ginamit din ito sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. 1972 Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili ng Tagalog bilang batayan ng wikang 1987 pambansa 1934 1972 1935 Muling nagkaroon ng mainiting pagtatalo sa 1937 Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay sa usaping pangwika. Sa huli, ito ang naging probisyong 1940 pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, 1946 Seksiyon 3, Blg. 2: 1959 1987 1934 1972 1935 “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga 1937 hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning 1940 Filipino.” -Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2 1946 Dito unang ginamit ang salitang Filipino bilang bagong 1959 katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas. Gayunpama’y hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng itinadhana ng 1987 Saligang Batas. 1934 1987 1935 Sa Saligang Batas ng 1987, pinagtibay ng Komisyong 1937 Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. 1940 1946 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at 1959 pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” 1972 -Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 1934 1987 1935 “Nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, 1937 ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa 1940 layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga 1946 transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.” -Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 1959 1972 MAHALAGANG DAPAT TANDAAN 1937 1959 1987 Wikang PILIPINO pambansang batay FILIPINO sa TAGALOG JOSE P. ROMERO (Kalihim ng Edukasyon) AHENSIYA NG WIKANG PAMBANSA SWP LWP KWF Surian ng Wikang Linangan ng Komisyon sa Pambansa Wikang Wikang Filipino Pambansa Nov. 13, 1936 Aug. 17, 1991 1987 PAGDIRIWANG NG WIKANG PAMBANSA PROKLAMASYON BLG. 35 PROKLAMASYON BLG. 186 Linggo ng Wika Linggo ng Wika Marso 27-Abril 2 Nilipat ng Agosto 13-19 Kaarawan ni Quezon PROKLAMASYON BLG. 12 PROKLAMASYON BLG. 1041 Linggo ng Wika Buwan ng Wikang Pambansa Marso 29- Abril 4 1997 kaarawan ni Balagtas Isang buwan ng pagdiriwang Wikang Opisyal at Wikang Panturo WIKANG OPISYAL Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang FILIPINO AT INGLES wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng Ginagamit sa pamahalaan at sa pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang negosyo. maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, Wikang itinadhana ng batas na sa loob at labas ng alinmang sangay o gagamitin sa sentro ng ahensiya ng gobyerno. pamahalaan at kalakalan. WIKANG PANTURO Ang wikang panturo naman ang opisyal na FILIPINO AT INGLES wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. MTB-MLE Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at (Mother Tongue-Based Multi- pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika Lingual Education) sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Patakarang Edukasyong Bilingguwal. WIKANG PANTURO MTB-MLE Sa unang taon ng pagpapatupad Naging opisyal na wikang panturo mula ng Kto12, 12 lokal o panrehiyong Kindergarten hanggang Grade 3. wika at diyalekto ang inilunsad para magamit sa MTB-MLE. “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa Subalit nadagdagan ito sa taong tahanan sa mga unang baitang ng pag- 2013 ng pito kaya’t naging 19 na aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika wika at diyalekto na ang ginamit. at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.” -DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC WIKANG PANTURO 1. Tagalog 11. Maranao Ang mga wika at diyalektong ito 2. Kapampangan 12. Chavacano ay ginagamit sa dalawang 3. Pangasinense 13. Ybanag paraan: 4. Iloko 14. Ivatan 5. Bikol 15. Sambal 1. Bilang hiwalay na asignatura 6. Cebuano 16. Aklanon 2. Bilang wikang panturo 7. Hiligaynon 17. Kinaray-a 8. Waray 18. Yakan 9. Tausug 19. Surigaonon 10. Maguindanaoan KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA BAWAT PANAHON KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (Unang Bahagi) KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ”PANAHON NG KATUTUBO” PANAHON NG KATUTUBO TEORYA NG PANDARAYUHAN Halimbawa: Pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer Taong Tabon (Tabon Man) Kilala sa tawag na Wave Migration Natagpuan ang bungo at Theory. isang panga sa yungib ng Dahil sa sobrang lamig sa ibang lugar Tabon sa Palawan (1962). sa mundo, dumayo nang dumayo sa Pinaniniwalaang mas unang iba’t ibang lugar ang mga tao. dumating sa Pilipinas ang mga tao kaysa sa Malaysia. BAYBAYIN ALIBATA BAYBAYIN Hindi totoo ang tawag na alibata Ito ang tawag ng isa sa sapagkat inembento ito ng sinauna’t katutubong alpabeto o isang gurong inakalang mula ito pagsulat ng mga Pilipino sa sa Arabe. bansa noong panahon ng Hango ito sa unang mga titik na katutubo. Arabe: Mula ito sa salitang “baybay” alif + ba + ta = alibata na ang ibig sabihin ay “ispeling”. BAYBAYIN BAYBAYIN Ang baybayin ay may 17 mga simbolo o titik. 3 simbolo o titik na patinig 14 na simbolo o titik na katinig KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ”PANAHON NG MGA ESPANYOL” PANAHON NG MGA ESPANYOL LAYUNIN SA PANANAKOP GOD GLORY GOLD PANAHON NG MGA ESPANYOL LAYUNIN SA PANANAKOP Layunin nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa. Dahil ang Pilipinas ay nasa kalagayang “barbariko, ‘di sibilisado, at pagano”, layunin ng mga Kastila na gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Ginamit at inaral ng mga Espanyol ang wika ng mga katutubo para mapaniwala at mapamunuan nila ang mga ito. Para maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna nila ang paghahati ng mga isla ng mga pamayanan PANAHON NG MGA ESPANYOL 4 NA ORDEN NG MISYONERONG ESPANYOL AGUSTINO PRANSISKANO HESWITA Unang ordeng nangaral Ikalawang ordeng Sila ang namahala sa sa Pilipinas. nangaral sa Pilipinas. Escuela Pia (Ateneo) DOMINIKANO REKOLEKTO Sila ang namahala sa Ikalimang ordeng UST nangaral sa Pilipinas PANAHON NG MGA ESPANYOL Dahil sa paghahati-hati ng mga pamayanan, napigil nila ang wikang ginagamit ng mga katutubo para sa pakikipag-usap at kalakalan. Nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon. Hindi itinuro ang wikang Kastila sa mga katutubo. Nanganib ang wikang katutubo sa panahong ito dahilan para lalong magkawatak-watak ang mga Pilipino. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ”PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO” PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO Tumindi ang nasyonalismo. Ilustrados- kabataang Pilipino na nag-aral sa ibang bansa (Europe) Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang Tagalog. Sumibol ang mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa” laban sa mga Espanyol. PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO Ginamit ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kuwento, liham, at mga talumpating punumpuno ng damdaming makabayan. Biak-na-Bato- ginawang opisyal na wika ang Tagalog ngunit hindi isinaad na magiging wikang pambansa ng Republika. Unang Republika (Emilio Aguinaldo)- isinaad sa Konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal Ang wikang Tagalog ay biktima ng politika. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ”PANAHON NG AMERIKANO” 1.Nagkaroon ng pambansang sistema ng edukasyon sa kapuluan. 2.3 R’s (reading, writing, arithmetic) Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa Maynila na kung saan ang mga sundalong Amerikano ang kanilang unang naging guro. THOMASITES 1.Naniniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya. 2.Batas Blg. 74- nagtatag ng paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang wikang panturo. Jacob Schurman Monroe Educational Commission (1925) 1. Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang Pilipino kung Ingles ang gagamiting wikang panturo sa paaralan batay sa ginawang sarbey. 2. Kasabay nito ay maraming bata ang tumigil sa pag-aaral. Educational Survey Commission Makabubuti ang magkaroon ng isang pambansang wikang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ”PANAHON NG HAPONES” PANAHON NG HAPONES GININTUANG PANAHON NG PANITIKANG PILIPINO Pinayagan ng mga Hapones ang paggamit ng wikang Pilipino kung kaya’t nagkaroon nang malawakang pagpapaunlad ng wika sa pamamagitan ng mga limbag at di limbag na anyo ng panitikan. PANAHON NG HAPONES KAPISANAN SA PAGLILINGKOD SA BAGONG PILIPINAS Kilala rin ito bilang KALIBAPI. Layon ng kapisanan na ito ang Pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon sa pamamahala ng Imperyong Hapones. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ”PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG KASALUKUYAN” PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG KASALUKUYAN Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo’y magsarili. Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng digmaan. Sa mga naunang taon, mapapansin na sinisimulan palang itatag ang isang wikang magbubuklod sa bawat Pilipino. PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG KASALUKUYAN Nilagdaan ni Pang. Cory Aquino ang konstitusyong nagsasaad ng batas na ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino. Sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa at tinawag na KOMISYON SA WIKANG FILIPINO sa pamumuno ni DR. ARTHUR CASANOVA. SANGGUNIAN Madayag, A. M. (2017). Pinagyamang PLUMA (K to 12) Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino: Kasaysayan ng Wikang Pambansa. PHOENIX Publishing house. Salamat sa Mabungang Talakayan! PADAYON, HIRAYA MANAWARI! Bb. REGINE O. OCAMPO, MAEd. Guro ng SHS Saint Louis College