Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik (PDF) - Modyul 10
Document Details
2020
Tags
Summary
This Filipino language textbook for senior high school, module 10, focuses on academic writing ethics. It includes learning materials, activities, and assessments for students learning about ethics in academic contexts.
Full Transcript
Senior High School Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Kuwarter 2 - Modyul 10: Etika sa Akademikong Sulatin Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Filipino – Ikalabing-dalawang Baitang Alternative Delivery Mo...
Senior High School Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Kuwarter 2 - Modyul 10: Etika sa Akademikong Sulatin Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Filipino – Ikalabing-dalawang Baitang Alternative Delivery Mode Kuwarter 2 -Modyul 10: Etika sa Akademikong Sulatin Unang Edisyon 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral Manunulat: Daisy S. Sabidor Leonor C. Reyes,MAEDFIL Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS Maria Dulce Cuerquiz, MT Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa Ms. Mary Sieras Mr. Allan Guibone Mrs. Alma Sheila Alorro Mga Tagapangasiwa Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Panrehiyong Direktor Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Pumapangalawang Panrehiyong Direktor Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V Tagapamanihala Alicia E. Anghay, PhD, CESE Pumapangalawang Tagapamanihala Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino Brenda P. Galarpe,SSP- 1 Marisa D. Cayetuna,P-1 Aniceta T. Batallones, MAFIL Leonor C. Reyes,MAEDFIL Joel D. Potane, LRMS Manager Lanie O. Signo, Librarian II Gemma Pajayon, PDO II Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone Nos.: (08822)855-0048 E-mail Address: [email protected] Senior High School Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Kuwarter 2 - Modyul 10: Etika sa Akademikong Sulatin Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected] Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkah Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Talaan ng Nilalaman Para Saan Ang Modyul na Ito........................................................................................................i Ano Ang Inaasahan Mo................................................................................................................... i Paano Mo Matutunan......................................................................................................................i Mga Icon ng Modyul........................................................................................................................ii Ano Ang Nalalaman Mo................................................................................................................. iii Aralin 1: Etika sa Akademikong Sulatin Alamin …………………………………………………………………………….1 Subukin: Pagsusuri sa Pahayag ………………………………………………1 Balikan: Pagsulat ………………………………………………………………...2 Tuklasin: Pagsusulat............................................................................................ 3 Katuturan,Layunin at Kahalagahan Pagsulat ……………………...4 Suriin: Pagsagot sa Katanungan.........................................................................5 Pagyamanin : Pagtukoy sa akademikong Sulatin............................................6 Isaisip: Paghahambing sa Layunin ng Pagsulat………………………………7 Isagawa: Pagbuo ng Islogan Tayahin : Pagpapatunay kasagutan …………………………………………..8 Karagdagang Gawain:Pagtatalata Lagom Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) Susi sa Pagwawasto Mga Sanggunian Para Saan ang Modyul Na Ito Ang modyul na ito ay tungkol sa Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat na inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga etika sa akademikong sulatin. Hahasain ka sa pagsusulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan ng maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad. Ang mga paksa,babasahin,gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan , napapanahon, kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip. Ang modyul na ito ay may aralin: Aralin 1 : Etika sa Akademikong Sulatin Ano ang Inaasahan Mo Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay: 1.Naisaalang-alang ang etika sa binubuong sulatin.CS_FA11/12EP-0p-r-40 Paano Mo Matutunan Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod: Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa , pag-unawa at pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin, Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap at katalinuhan. Manaliksik sa iba pang sanggunian sa aklatan at websites ukol sa aralin upang maragdagan ang kaalaman. Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma at tumpak na sagot.. Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay ,pagtataya at pagsusulit. i Mga Icon ng Modyul ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin.Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin. SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa. BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman. TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang paraan.Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng mahalagang kaisipan. SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong pagtalakay sa paksa. PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa natutunan sa aralin. ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng pagsusulit ,gawain at pagsasanay. ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa tunay na buhay. TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto mula sa natamong kasanayan. KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral. SUSI NG Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay PAGWAWASTO at mga Gawain ii Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya 1. Anong gawain na nakasaad sa Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda? a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 2. Ano ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala. a. Etika b. Pagpapahalaga c. Batayan d. Obligasyon 3. Ano ang maling paggamit,"pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao" sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya. a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 4. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 5. Ano ang hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase)? a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 6. Kasama dito ang imbensiyon ng datos? a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga 7. Ito ang sinasadyang di-paglagay ng ilang datos. a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga 8. Ito ang pagbago o modipikasyon ng datos a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga 9. Noong bata pa'y nakapagsulat na ng kuwentong binigyang pamagat na "The Frost King". a.Hellen Keller b. Margaret T. Canby c. Yusuf abu Hillah d. Sen. Tito Sotto 10. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran. a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification iii Aralin Etika sa Akademikong Sulatin 1 Baitang : 12 Markahan : Una Panahong Igugugol : Unang Linggo Alamin Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1.Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin Subukin Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG :Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa ________1. Ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-kanilang mga kalooban... ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya ang kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan. De Castro (1998) ________2. Ito'y hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan. ________3. Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap. Kailangan ang kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kanyang ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat. ________4. Pinangangatuwiranan nang naayon sa etika at pagpapahalagan ng komunidad na tagabasa ang anomang ideyang gustong patunayan. ________5. Ito'y ang hindi basta-bastang pagsusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba't-ibang pamamaraan upang makakuha ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran. 1 Balikan Panuto: PAGSULAT:Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang katanungan na may kaugnayan na pagsusulat. Isulat ang natutunan mo sa paggawa ng poisyong papel. Tuklasin Etika at Pagpapahalaga sa Akademya Ang etika at pagpapahalaga ay kapuwa gumagabay kung paano natin ihaharap ang ating sarili sa o pakikiharapan ang ating kapuwa. Gayundin, tumutulong ito upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa isang lipunan. Etika Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “karakter.” Katumbas ito ng salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa Filipino. Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos, na nangangahulugang “moral, moral na karakter.” Ginawa itong ethics sa Ingles at etikasa Filipino. (www.merriamwebsterdictionary.com) Ang etika para kay Chris Newton (www.ehow.com) ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad, konsepto ng tama at mali, mabuti at masama, pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di-pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito. Ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala. 2 Pagpapahalaga Mga istandard o batayan—mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at negosyo—na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon. Tumutulong ito upang timbangin at balansehin ang ating mga desisyon. Isa itong paniniwala ng isang tao o grupo na may sangkot o pinanggagalingang damdamin o emosyon ukol sa isang bagay na dinedesisyunan. Etika vs Pagpapahalaga Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademya a. Copyright Sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga ito. Mahalagang malinawan ang mga karapatan at obligasyong ito upang maiwasan ang anumang di- pagkakaintindihan para sa mga pagsipi at pagbubuod, lalo na sa mga layuning akademiko. Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at iba pang impormasyon. b. Plagiarism Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag” ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya. Ayon kay Diana Hacker (www.newworldencyclopedia.com), tatlong paglabag ang maituturing na plagiarism: 1) hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya; 2) hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag; at 3) hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase). c. Paghuhuwad ng Datos 1) Imbensiyon ng datos Sa mga eksperimento, estadistika, at maging mga pag-aaral ng kaso, maaaring maengkuwentro ang ganitong problema. Malinaw na sinadyang pandaraya ito at malaki ang kabayaran dito paris ng pagpapatalsik sa unibersidad o suspensiyon nang ilang semester o taon. 2) Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos 3) Pagbabago o modipikasyon ng datos d. Pagbili ng mga Papel o Pananaliksik Pagbili sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro. Hindi lamang ito di-etikal kundi ilegal na gawain. e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin bilang sariling papel na isusumite sa guro. 3 f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report, at iba pa. Malinaw na pandaraya ito. Kaugnay nito, ang gumagawa at nagpapabayad para gawin ang mga ito ay sangkot din sa pandaraya. Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at Moral sa Akademya a. Kababaang-loob Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi sa iyo ang ideya o datos. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy kung kanino galing ang ginamit na ideya o datos. b. Lakas ng loob Harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at pangatuwiranan ito. c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba Maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga salita upang maiwasan ang insulto at pananakit ng damdamin. Tinutukoy ng mga salitang ito ang mga may kaugnayan sa kasarian, kalusugan o pisikal na kaanyuan, laki, bigat, taas, grupong kinabibilangan, kalagayan ng pag-iisip. d. Integridad Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran. e. Pagsisikhay Hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba’t ibang pamamaraan upang makakuha ng mga datos sa legal at matapat na paraan. f. Paniniwala sa katuwiran Pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa ang anumang ideyang gustong patunayan. g. Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin May matuwid, at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, ideya, at mga gawain. h. Kamalayang mapanuri Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap (tagapagpagalaw at actor). Kailangan ang kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kaniyang ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat. i. Pag-aatubili Hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan. j. Hiya Ayon kay Dr. De Castro (1998), ang “hiya ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-kanilang mga kalooban … ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya ang kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan.” 4 Suriin Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa nabasa at napag-aralang katuturan,layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng wika. 1. Ano ang Etika ng Akademikong Sulatin? _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ______________________________________. 2. Ipaliwanag ang copyright. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ______________________________________. 5 Pagyamanin Panuto: PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN: Kilalanin ang mga halimbawa ng akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto at kaalaman ukol dito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa loob ng kahon sa bawat bilang. 1. Integridad 2. Pag-aatubili 3. Pagsisikhay 4. Switzerland 5. Plagiarism A. Ang bansang nagkataong/hindi sinasadyang makapareho ng slogan sa Pilipinas. Namatay ang isyu at sinuportahan naman ng kanilang ambassador ang Pilipinas. B. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran. C. Ito'y hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan. D. Ito'y ang hindi basta-bastang pagsusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba't-ibang pamamaraan upang makakuha ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran. 6 E. Ito ang maling paggamit,"pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao" sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya. F. Ito ay ang hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya. G. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag. H. Ito'y kinikilalang _____, kapag hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).. 7 Tayahin Panuto:PAGPAPATUNAY SA KASAGUTAN: Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat. Sa nakalaang linya ay magbigay ng malikling paliwanag kaugnay sa iyong sagot. 1. Anong gawain na nakasaad sa Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda? a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 2. Ano ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala. a. Etika b. Pagpapahalaga c. Batayan d. Obligasyon 3. Ano ang maling paggamit,"pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao" sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya. a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 4. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 5. Ano ang hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase)? a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 6. Kasama dito ang imbensiyon ng datos? a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga 7. Ito ang sinasadyang di-paglagay ng ilang datos. a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga 8. Ito ang pagbago o modipikasyon ng datos a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga 9. Noong bata pa'y nakapagsulat na ng kuwentong binigyang pamagat na "The Frost King". a.Hellen Keller b. Margaret T. Canby c. Yusuf abu Hillah d. Sen. Tito Sotto 10. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran. a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification 8 Susi sa Pagwawasto 9 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) DepEd Division of Cagayan de Oro City Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro Telefax: ((08822)855-0048 E-mail Address: [email protected]