Filipino sa Piling Larangan Past Paper PDF

Summary

This document is an academic writing guide for Filipino language. It outlines the key characteristics of academic and non-academic writing, providing examples and explaining the structure, purpose, and intended audience. It also details important aspects of academic writing, covering details such as the meaning and purpose of a synthesis.

Full Transcript

Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 Kahulugan ng Pagsulat Ano nga ba ang pagsulat? *Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga n...

Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 Kahulugan ng Pagsulat Ano nga ba ang pagsulat? *Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao. (Bernales, et al., 2001) *Ito ay kapwa pisikal at mental na gawain na ginagawa para sa iba’t ibang gawain. *Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsusulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. *Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998). -Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Hindi tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita. Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Ang Akademikong Pagsulat Ang Akademiya ay isang institusyon na kinikilala ang mga respetado, iskolar, artista, at siyentista. Layunin nitong isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kanilang kaalaman at kasanayang pangkaisipan at mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Ito ay isang komunidad ng mga iskolar. Ang mga iskolar ay gumagamit ng malikhain at mapanuring pag-iisip. Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay- akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko. PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 Pangkalahatang Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko Akademiko Layunin: O Magbigay ng ideya at impormasyon Paraan o batayan ng datos O Obserbasyon, pananaliksik, pagbabasa Audience Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad) Organisasyon ng ideya O Planado * May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga pahayag * Magkakaugnay ang mga ideya Panananaw O Obhetibo O Tumutukoy sa idea at facts at hindi deretso sa tao, at pangatlong panauhan Di-Akademiko Layunin: O Magbigay ng sariling opinyon Paraan o batayan ng datos Sariling karanasan, pamilya at komunidad Audience Q Iba't ibang publiko Organisasyon ng ideya O Hindi malinaw ang estruktura O Hindi kailangang magkakauganya ang mga ideya Panananaw O Subhetibo Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy O Tao at damdamin ang tukoy Ano ang akademikong sulatin ? -ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. - Isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. - Layunin nitong magbigay ng impormasyon sa halip na maglibang. PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 Halimbawa: 1. Abstrak – Ang abstrak ay nagmula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away or extract from (Harper, 2016). Ito ay ginagamit bilang buod ng akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral. 2. Bionote – Ang bionote ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahahalagan katangian ng isang tao batay sa kanyang nagawa. 3. Talumpati – isang sining na maaring manghikayat, mangtwiran o tumalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. 4. Agenda – Ito ang talaan ng mga pag-uusapan sa isang pulong. 5. Sintesis mula sa salitang Griyrgo na “syntithenai” ang ang ibig sabihin sa Ingles ay “ to put together or combine.” Ito ay pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto at ideya upang mabuod ang napakahabang libro. 6. Katitikang pulong – Mahalaga ito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakayin mula sa pagpupulong na naganap. Nakapaloob dito ang paksa, petsa, pook na pagdarausan ng pulong at maging ang mga dumalo at hindi dumalo. 7. Lakbay sanaysay – Ito ay nagtataglay ng pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy at pandinig. 8. Panukalang proyekto (project proposal) – Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kompanya na naghahain ng bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na kita, trabaho, kaayusan sa komunidad at iba pa. Tandaan: Ang pagsulat ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. (Arrogante et al. 2007). Sa pagsulat ng sulating pang- akademiko, gumagamit ng pilimpiling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din ang paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 Katangian ng Akademikong Sulatin 1. Pormal. Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. 2. Obhetibo. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larangan. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa. (Alejo et al. 2005) 3.May Paninindigan. Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinedepensahan, ipinapaliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. 4. May Pananagutan. Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng isang impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparasuhan sa ilalim ng ating batas. 5. May Kalinawan. Dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon kung kaya’t ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko. Ano-ano ang mga layunin sa pagsulat akademikong sulatin? 1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat. Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbabasa ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksyonaryo, encyclopedia, annual journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa kanilang matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism. 2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat. Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat. PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 3.Natatalakay ang paksang mga naisagawa ng pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag- aaral – kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin. 4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral.Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik. 5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin. Inaasahang mapahusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat. 6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon. Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag- aaral sa kanyang mambabasa. 7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio. Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong Pagsusulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili. PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 Sintesis - Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016). - Ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang. Narito ang ilang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng sintesis. 1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin. 2. Mapadadaliang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto. 3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye. Narito ang ilang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng sintesis. 1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin. 2. Mapadadaliang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto. 3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye. Sekwensiyal – pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod tulad una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa. Kronolohikal – pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa pangyayari. Prosidyural – pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa. 4. Maari ding isaalang-alang ang mga bahaging teksto: ang una, gitna, at wakas. 5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat. PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos, ibuod ito ayon sa bahagi ng teksto. Blue ang Kobrekama ni Jake ni: Jimmy Alcantara (1) Wala nang palabas sa TV nang dumating si Michael. Lagi-lagi na lang siyang ganitong oras kung umuwi. Hindi ko naman siya maaway, siya ang padre de pamilya. (2) Lagi-lagi na lang siyang umaga kung umuwi. Hindi na niya napapansin na every other day ay iniiba ko ang ayos ng sala niya, ang lugar ng mini-component niya, ang bedsheets at pillowcases niya. (3) Gusto ko siyang awayin, pero nasa ibaba pa siya, at nagkakalampagan ang mga plato at mga kubyertos. Hindi pa siya kumakain, isip-isip ko. May nabasag na isang baso, isang plato. Binaba ko siya hawak niya ang refrigerator. Wala akong masabi. Iyak siya nang iyak. (4) Mike, kumain ka na, ipinagluto kita ng tinola. Hindi niya ako pinansin, kumuha siya ng kutsilyo at sinubukang bakbakin ang balat ng ref. Hindi pa siya nakuntento. Humanap siya ng sandpaper at kiniskis ang pinto nito. Naawa ako sa kanya kaya kinuha ko ang kutsilyo at sandpaper. Dinala ko siya sa sala; amoy alak si Michael. Sabi niya: Bukas aayusin natin ang kulay ng bahay, ayoko ng ganitong buhay. (5) Niyakap ko siya. Noong isang buwan bumili ako ng pintura sa Cubao. Sa gusto kong pasayahin at sorpresahin siya, pinintahan ko ng pula ang ref. Nakaka- praning ang amoy ng Scarlet Aluminum Paint kaya pati ang cupboard, lababo, lampshade, airpot hanggang sa ceiling fan at TV ay pinasadahan ko rin. Mike, hindi na uli ako bibili ng pulang pintura. Kahit ngayon na wala nang laman ang lata. Wala nang laman ang lata, Mike, naririnig mo ba? (6) Bago siya nahiga ay pinunasan ko siya. Habang pinapahiran ko ng pulbos ang dibdib niya ay sinabi kong nakakalungkot ang maghapong mag-isa sa bahay. Umasim ang mukha ni Mike pero hindi niya pinahalata. Hindi kami pwedeng magkaanak. Baog si Mike. At flip ako. Parusa ng Diyos sa amin. Magsi-six years na kaming live-in pero wala pa rin kaming balak na magpakasal. (7) Kinabukasan sa harap ng almusal ay sinabi niya, "Ampon tayo, gusto mo?" (8) "Gusto mo?" sabi ko. (9) Tumango siya." Sige, ampon tayo. (10) Hindi makakasama si Mike nang araw na kukunin ko ang bata. May project sila sa opisina at kailangang nandoon siya sa presentation nito. Ako na ang nag- drive sa kanya pagpasok niya. Dumiretso ako sa Quezon City. (11) Hindi kalakihan ang ampunan pero malinis at de-aircon. Kinausap ko ang namamahala. Sandali lang at ibinigay na ang bata at iniwan ko ang inaasahang iwan ko. Inilagay ko ang bata sa gilid ko. Sa bahay, inihiga ko siya sa matagal nang nakahandang kama para sa kanya. Blue ang kulay ng kobrekama. PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 (12) Cute na cute ang baby kulot ang buhok niya at ang taba ang sarap-sarap pisilin. Maputi siya, parang si Michael. Matutuwa si Mike sa anak niya, lalake kasi tulad ng gusto niya. (13) Ano ang ipapangalan namin sa iyo, baby? Gusto mo ba ng Jake? Kami na ang mga magulang mo, baby. Palalakihin ka namin, pag-aaralin ka namin. Tanggapin mo, kami na ang mga magulang mo. Isipin mo mula ka sa amin. Hindi ka ampon, nagkataon lang na may dalawang tao na talagang gumawa sa iyo para sa amin. Palpak kasi kami. Oo, siyempre naman, anak, mahal ka namin. (14) Umiiyak na ang bata, gutom na siguro. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay sa kanya. Hindi man lang niya nakalahati ang bote. Gusto lang sigurong maglambing. Kinarga ko siya, inugoy-ugoy ko at huminto siya sa pag-iyak. Nakakatulog na siya nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na siya nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na si Mike. Dali-dali kong inilapag ang bata sa kama at lumipad pababa sa kinaroroonan ni Mike. (15) "Mike! Mike! Nandito na ang bata. Kamukha mo, halika, tiyak na matutuwa ka." (16) Nagmamadaling pumanhik si Mike. Mabilis niyang binuksan ang pinto. Tuwang-tuwa si Mike. Sa tuwa niya, naiyak siya. Lumabas siya ng kwarto at nagkulong sa CR. (17) Inabot si Mike ng dalawang oras sa toilet. Na-upset siguro siya dahil ang batang iyon ang isang palatandaan ng mga pagkukulang naming bilang mag- asawa. (18) Pero, eto na ang bata, Mike. E ano kung hindi siya sa atin? Sa atin na siya ngayon. Anak na natin siya. Magulang na niya tayo. (19) Hindi kumain ng hapunan si Mike. Hindi ko rin siya namalayan nang humiga siya sa kama. Nagising ako sa pagbali-balikwas niya. Gising si Mike at ayaw niyang magsalita. (20) "Ricky, isoli mo siya, hindi natin kailangan ng kasama." (21) Hindi ko siya inintindi. Nagda-drama na naman si Mike. (22) "Nagugutom na ang anak mo. Heto ang unan mo. Wag mo nang pasakitin ang yong ulo, bukas mag-uusap tayo." (23) Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan ko siya. Tuyo pa rin ang lampin niya. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay ko ito sa kanya. Binuhat ko siya, inilagay sa dibdib ko at inugoy-ugoy. (24) Nakatitig si Mike, umaapoy ang mata. (25) "Bagay na bagay sa iyo, para kang tarantado." (26) "Ano ba ang problema, Mike? Di ba sabi mo'y okay ang bata sa bahay? Ngayon, bakit ka nag-iingay?" PagFil (Filipino 3) Mindanao State University-GSC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Aralin 1 (27) Galit na galit na si Mike, nagbabanta na. Ayos na raw ang mga maleta niya, at ngayon, tiyak nang aalis siya. Nagmumura na si Mike. Natatakot na ako sa kanya. Diyos ko, huwag mong sabihing nababaliw na rin si Mike, huwag mong sabihing nahawaan ko siya. Diyos ko, tama na ang isang flip sa pamilya. Tumayo si Mike, nagbabasag na ng gamit. Ibinato niya ito doon, ang iyon dito. Hagis ng ano, pukol ng ano. Kipkip ko ang baby ko ng tumakbo ako palabas ng kwarto. Baka kung ano pa ang gawin niya sa baby ko. Lumipad ako papunta sa guestroom. Humabol si Mike, pero naging mas mabilis ako sa kanya. Ini-lock ko ang pinto. Tinawag ko ang lahat ng santong kakilala ko para pakalmahin si Mike. Itinulak niya ang pinto. Madaling bumigay ang binubukbok na pinto. Sa lakas ng pagkakasalya ni Mike ay muntik nang magiba ang dingding at haligi ng bahay. (28) Surrender na ako, Mike, do whatever you want. (29) Bumukas ang pinto. Umaapoy pa rin ang mga mata ni Mike. Pero ano ito? Umiiyak na sa galit si Mike. (30) "This is it. I’ve had it, Ricky. Hindi na ito anxiety, this is insanity." (31) Hindi ko siya maintindihan. Magaling na ako. There is nothing wrong with me. Si Mike ang nababaliw. Yakap-yakap ko ang baby ko. Nalilito ako. Anong nangyari sa atin, Michael? (32) Kinuha ni Mike ang anak ko. Ayoko. Huwag mo siyang gagalawin, bata pa siya, wala pa siyang alam. Ihahagis niya ang baby ko. Huwag, Mike, mamamatay ang bata. Ibinato niya ang anak ko sa sahig. (33) "Mike, hayop ka. Pag namatay ang baby ko, sino pa ang kasama ko dito sa bahay mo?" (34) "Tatawagan ko si Marvin. We're both taking you in," ang sabi ng walang pusong si Mike. Lumabas siya. (35) Pinuntahan ko ang anak ko. Gasgas ang mukha.Dumilat ka, baby.Sabihin mong mahal mo ang daddy. Niyakap ko siya. Dumilat ka, baby, say how much you love your daddy. Hinimas ko ang likod niya labas ang buto. Hindi, may kung anong lumawit lang. (36) Nangiti ako. Ibinalik ko ang mga baterya sa dating ayos. PagFil (Filipino 3)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser