Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8 PDF

Summary

This is an 8th grade social studies exam. It contains multiple-choice questions covering ancient civilizations and historical events in Greece and Rome, including topics like the polis, democracy, the Roman Republic, and the Crusades. The questions seem to focus on identifying historical events, figures, and concepts.

Full Transcript

# Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8 ## Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa "polis" bilang isang lungsod-estado? * A. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang "polis". * B. Ito ay b...

# Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8 ## Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa "polis" bilang isang lungsod-estado? * A. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang "polis". * B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod. * C. Ang "polis" ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya. * D. May iba't ibang uring panlipunan ang isang "polis" at nahahati ito sa iba't ibang yunit ng pamahalaan 2. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring mabuo batay sa larawan? * A. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya. * B. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Roman. * C. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba't ibang diyos. * D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya noong Panahong Hellenistic. 3. Ayon kay Pericles "Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa kamay ng nakararami at hindi ng iilan." Alin sa sumusunod ang nagpahiwatig ng kahulugan nito? * A. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa. * B. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya. * C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang Demokrasya. * D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan. 4. Bakit mahalaga ang pagkatatag ng Tribune sa pamahalaan ng Republikang Romano? * A. Maaari silang magmartsa sa labas. * B. Maaari silang sumigaw sa salitang veto o Tutol Ako! * C. Maaaring makapag-asawa ang plebeian ng patrician. * D. Maaaring mahadlangan ng isang tribune ang panukalang batas na hindi kapakipakinabang sa mga Plebeian. 5. Ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka. Ano ang hinuha na mabubuo mula dito? * A. Gumawa sila ng mga ceramics. * B. Sila ay naging mangangangalakal o mandaragat. * C. Ang mga mamamayan dito ay nagtatrabaho sa mga minahan. * D. Lahat ng mga nabanggit 6. Alin sa sumusunod ang nagiging pinakamagandang epekto ng krusada? * A. Nakarating ang mga Europeo sa Silangan. * B. Naging magkaibigan ang mga Kristiyano at Muslim. * C. Nagkaisa ang mga Kristiyano laban sa mga Muslim. * D. Napaunlad ang kalakalan sa pagitan ng kanluran at silangan. 7. Ang pagsakop ni Alexander the Great sa Greece at pagdadala nito sa kulturang Griyego sa mga lugar na nasakop niya sa Asya ang nagbigay daan sa paghahalo ng Kulturang Griyegong Kanluranin at Kulturang Asyano sa Silangan. Ano ang tawag sa paghahalong ito ng dalawang mahalagang kultura? * A. Hellas * B. Hellenes * C. Hellenistic * D. Greaco-Romano 8. Ang Illiad at Odyssey ay mga bantog na epikong isinulat ni Homer. Ang kambal na epikong ito ay sumasalamin sa digmaan ng: * A. Peloponnesian * B. Persiano * C. Panic * D. Trojan 9. Si Socrates ay isang magaling na pilosopo ng Gresya. Siya ang nagwika ng "The unexamined life is not worth living." Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito? * A. Ang buhay na hindi nasusulit ay walang saysay. * B. Ang buhay ay dapat gawing kapaki-pakinabang. * C. Ang buhay na hindi kapaki-pakinabang ay walang saysay. * D. Ang buhay ay walang saysay kung ikaw ay namumuhay ng masama. 10. Ang isang dating lungsod-estado ng Athens ay kinilala sa kasaysayan bilang isang makapangyarihang imperyo. Saang digmaan nakilala ang kakayahan ng Athens bilang isang imperyo? * A. Peloponnesian * B. Persiano * C. Punic * D. Trojan 11. Bago naging isang tanyag at makapangyarihang imperyo ang Roma, ito ay nag-umpisa muna bilang isang siyudad. Anong labanan ang naging tanda ng pagwawakas ng Republika ng Roma at pag-uumpisa ng imperyo nito? * A. Actium * B. Beneventum * C. Punic * D. Pyrrhic 12. Naging makahulugan ang wikain ni Julius Caesar na "The die is cast" na nangangahulugan ng isang desisyong hindi na maaari pang baguhin. Anong ilog ang tinawid ni Julius Caesar ng kanyang itong wikain. * A. Ilog Indus * B. Ilog Nile * C. Ilog Rhine * D. Ilog Rubicon 13. Ang malagim na kamatayan ni Julius Caesar ay naging kilala sa kasaysayan bilang Ides of March. Ano ang ibig sabihin ng Ides of March? * A. Kamatayan ni Julius Caesar * B. Martsa ng kamatayan * C. Malagim na kamatayan * D. Kamatayan sa buwan ng Marso 14. Ang digmaang Peloponnesian ay isang sinaunang digmaang Griyego na naganap sa pagitan ng Athens at Sparta at ng kani-kanilang mga kaalyado. Ano ang naging epekto nito sa Greece? * A. Nakilala ang Greece bilang malakas na bansa * B. Yumaman ang Sparta dahil sa pagkatalo ng Athens * C. Nanakop ng ibang mga lupain ang Sparta na lalong magpalakas sa Sparta. * D. Madali itong nasakop ng Macedonia at nagresulta sa pagwawakas ng Imperyong Griyego ## Part 2 1. Ano ang naglalarawan sa mga Serf noong Gitnang Panahon? * A. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Gitnang Panahon. * B. Ang mga Serf ay kinilala bilang natatanging sector sa lipunan. * C. Ang mga Serf ay may karapatang bumuo ng sariling pamilya. * D. Sila ay may malayang pamumuhay at hindi kontrolado ng mga panginoong may lupa. 2. Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod? * A. Paglitaw ng Burgis * B. Paggamit ng salapi * C. Pagbagsak ng kalakalan * D. Paglitaw ng sistemang guild 3. Ano ang magandang alaalang iniwan ng sistemang Piyudalismo? * A. Pagkakahati ng lipunan sa tatlong pangkat. * B. Pagkakahati ng mga lupain sa malalaking bahagi. * C. Ang Chivalry o kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero. * D. Paglakas ng kapangyarihan ng Hari at mga panginoong may lupa. 4. Ang pagsasaka ang batayan ng sistemang manor sa Gitnang Panahon. Sa kasalukuyan, ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasakang Pilipino? * A. Kakulangan ng teknolohiya * B. Kawalan ng sariling lupa na sasakahin * C. Mataas na presyo ng mga binhi at pataba * D. Lahat ng nabanggit 5. Isa sa mga epekto ng krusada ay ang paghina ng Piyudalismo at pag-unlad ng mga bayan at lungsod, ano ang tawag sa lupaing ipinagkakaloob ng panginoong pyudal sa kanyang basalyo? * A. Chivalry * B. Encomienda * C. Hacienda * D. Fief/pyudo 6. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada? * A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano. * B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim. * C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo. * D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko. 7. Ang monastisismo ay isang kilusang panrelihiyon na: * A. Humihikayat sa mga tao upang maging Kristiyano. * B. Humihikayat sa daigdig para sa kaligtasan ng kaluluwa. * C. Humihiwalay sa daigdig para sa kaligtasan ng kaluluwa. * D. Humihikayat sa mga kabataan na maglakbay sa daigdig. 8. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng kapapahan. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa kapapahan o sa Papa? * A. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang pulitikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican. * B. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kaslukuyan. * C. Simbolo ang kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng simbahang Katoliko noong Panahong Medieval. * D. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko. 9. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean? * A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar. * B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece. * C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece. * D. Wasto ang lahat ng nabanggit. 10. Ang imperyo ng Inca ay humina at bumagsak dahil sa kaguluhang politikal at pinalubha pa ng sakit na bulutong na dala ng mga Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro noong 1532. Bakit ito ginawa ng mga Espanyol? * A. Upang maghiganti sa mga Inca. * B. Upang pahinain ang sandatahang lakas ng Inca. * C. Gusto nila na sumampalataya ang mga Inca sa Kristiyanisimo * D. Dahil ang mga Inca ay malulusog kaya nainggit ang mga Espanyol. 11. Ang Kabihasnang Aztec na binubuo ng mga nomadikong tribo ay nanirahan sa malaking bahagi ng kasalukuyang bansang Mexico sa Gitnang America. Paano nagwakas ang kabihasnang Aztec? * A. Kakulangan ng pagkain * B. Pananakop ng mga Espanyol * C. Pananakop ng ibang kabihasnan * D. Pagkaubos ng mga sundalo dahil sa mga digmaan 12. Ang kabihasnan sa Meso-America ay kinakitaan ng mataas na kaalaman sa larangan ng Inhenyeriya at Arkitektura. Alin ang nagpapatunay dito? * A. Nakabuo sila ng mahaba at mabatong kalsada. * B. Magaling sa paggawa ng kalsada, templo, at iba pang gusali. * C. Nakagawa sila ng mga pyramid mula sa malalaking bato na mayroong apat na bahagi na may mahabang hagdan. * D. Lahat ng nabanggit ay tama. 13. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga Pulo sa Pasipiko, ano ang dahilan nito? * A. Naniniwala sila sa iisang Relihiyon. * B. Ayaw nilang sumubok ng ibang hanapbuhay. * C. Dahil pare-pareho ang hitsura ng mga tao dito. * D. Sila ay mga agrikulturang bansa dahil sa kanilang heograpiya. 14. Ang mga taga Polynesia, Micronesia at Melanesia ay mga tanyag na manlalakbay at mangangalakal gamit ang karagatan, ano ang salik nito? * A. Dahil sila ay mahuhusay lumangoy. * B. Dahil sa lokasyon ng kanilang bansa. * C. Dahil mahilig sila maglakbay at mangisda sa karagatan sa kanilang kabuhayan. * D. 15. Si Hernando Cortez ay isang Conquistador na nanguna sa pananakop at pagpapabagsak sa Imperyong Aztec. Sa pangunguna niya ay madali ang naging pagsakop ng mga Espanyol sa Aztec dahil: * A. maraming sundalong Espanyol ang dumating sa kanilang teritoryo. * B. Napasampalataya niya sa Kristiyanismo ang mga Aztec. * C. Konti na lang mga sundalong Aztec dahil iniaalay nila ang mga ito sa kanilang Diyos. * D. Napagkamalan siya ng mga Aztec na kanilang Diyos kaya kinaibigan nila ito. ## Part 3 1. Nakaranas ng "Dark Age" o madilim na panahon ang mga Mycenaean. Ano ang naging epekto nito sa mga tao at sa kanilang kabihasnan? * A. Naudlot ang paglago ng sining at pagsulat. * B. Naging laganap ang digmaan sa iba't ibang kaharian. * C. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka at ibang gawaing pangkabuhayan. * D. Lahat ng nabanggit 2. Malaki ang kontribusyon ng panahong Klasikal sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Paano natin maipakikita ang pagpapahalaga dito? * A. Gawin din kung ano ang ginawa nila noon. * B. Puntahan ang mga lugar noong sinaunang kabihasnan. * C. Mas bigyang pansin ang may pinakamalaking ambag sa kabihasnan. * D. Magsilbi itong batayan upang mas higit pa nating mapaunlad ang ating kabihasnan. 3. Malaki ang bahaging ginampanan ng mga Monghe sa Panahon ng Medieval. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalaga nilang ginampanan? * A. Magtrabaho at magdasal. * B. Tagapamagitan sa digmaan. * C. Nagsilbing tagapayo ng Papa. * D. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo. 4. Bakit mahalagang mapag-aralan ang mga uring Bourgeoisie o mga gitnang uri ng tao na umusbong noong panahong Medieval? * A. Ang mga Bourgeoisie ay naging mga maharlika at naging bahagi ng monarkiya paglipas ng panahon. * B. Ang mga Bourgeoisie ay nagpapakita na ang masisipag at matitiyagang mga negosyante ay umuunlad ang pamumuhay. * C. Ang mga Bourgeoisie ang nagpapatunay na mahusay sa pagnenegosyo at pangangalakal ang mga Europeo. * D. Ang mga Bourgeoisie ay nagbunsod sa mga pagbabago at makabagong kaalaman sa lipunan noong panahong Medieval. 5. Bakit tinawag ng mga Kanluranin na Dark Continent ang Aprika? Dahil sa: * A. Maitim ang kutis ng mga taong naninirahan dito. * B. Mahirap pakisamahan ang mga katutubong nakatira sa bawat tribo. * C. Limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang ika- 19 na siglo. * D. Sagana ang kontinente sa yamang likas katulad ng mga kagubatan at iba't ibang uri ng hayop na makikita sa bawat lugar. 6. Bakit mahalaga ang oasis sa mga taong naninirahan sa Aprika? Dahil nagsilbi ito bilang: * A. Sentro ng edukasyon at pangrelihiyon. * B. Depensa sa mga mananakop sa ibang lugar. * C. Rutang pangkalakalan ng mga taga-Europa at Asya. * D. Patubig sa mga lupang pansakahan at mga taong ninirahan sa disyerto. 7. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kahalagahan ng demokrasya? * I. Nagkaroon ng kalayaan at karapatan ang mga mamamayan na pumili ng nais na pinuno. * II. Nagkaroon sa limitasyon sa karapatan ng mamamayan upang mamuno sa lungsod. * III. Nagkaroon ng malaking bahagi ang mamamayan sa pamamalakad ng pamahalaan. 8. Ang mga taga Micronesia, Melanesia at Polynesia ay naniniwala sa Mana. Maaaring mawala o mabawasan ang Mana sa pamamagitan ng mga sumusunod MALIBAN sa isa: * A. Pili lamang ang maaari nilang kainin * B. Hindi puwedeng mag asawa ang mga kalalakihan upang di mawala ang Mana. * C. Bawal silang makihalubilo sa mga babae kapag malapit na ang kanilang pakikidigma. * D. Ang kababaihan ay hindi maaaring sumakay sa bangka dahil mawawala ang angking Mana ng bangka. 9. Higit na lumawak ang Imperyo ng Mali sa pamumuno ni Mansa Musa, maliban sa pagpapalawak ng Imperyo alin sa mga sumusunod ang nagawa niya? * A. Winakasan niya ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. * B. Pinayagan niya ang Kristiyanismo sa loob ng Imperyo. * C. Nagsagawa siya ng pananalakay sa mga katabing kaharian. * D. Pinahalagahan niya ang karunungan sa pamamagitan ng pag imbita sa mga iskolar na pumunta sa kanyang kaharian. 10. Ang Ghana ay unang estadong naitatag sa kanlurang Africa. Alin sa mga pahayag ang HINDI kabilang sa salik sa paglakas ng Ghana? * A. Naging sentro sila ng kalakalan sa kanlurang Africa. * B. Mayroon silang sapat na produksyon ng pagkain at tubig. * C. Mayroon silang mga kabayo kagamitang pandigma na yari sa bakal. * D. Maraming mangangalakal na Muslim ang dumayo dito upang makipagkalakalan. 11. Sa Africa ay may natatanging pangkat ng mga tao na tinatawag na Griot. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kanyang tungkulin? * A. Magsagawa ng pagsasaliksik ng mga datos. * B. Maging tagapagtaguyod ng kabuhayan ng pamilya. * C. Pagyamanin ang pangalan at karangalan ng pamilya. * D. Maisalin ang kasaysayan ng isang angkan sa mga susunod na henerasyon. 12. Sa panahon ng 3000 BCE, yumabong at naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan ito ay tinawag na Trans-Sahara na tumagal hanggang ika-16 na siglo. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa kalakalang Trans-Sahara? * A. Kamelyo ang gamit sa paglalakbay ng mga caravan. * B. Nagresulta ito ng alitan sa pagitan ng Hilaga at Timog Aprika. * C. Tinahak ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan. * D. Nagsasama-sama ang mga negosyante sa caravan upang makaiwas sa mga masasamang loob. 13. Nagbago ang uri ng pamahalaan ng lungsod ng Roma ng pangunahan ni Lucius Junius Brutus ang himagsikan laban sa kanilang haring si Tranquinus Superbus. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya * A. Aristokrasya * B. Demokrasya * C. Diktadura * D. Republika 14. Ang lipunang Romano ay nahahati sa dalawang uri, ang mga mayayaman at mga pangkaraniwang mamamayan. Ano ang tawag sa mayayamang Romano? * A. Haciendero * B. Negosyante * C. Patrician * D. Pleibian 15. Ang demokrasya ang isa sa pinakalaganap na prinsipyong pulitikal at pangkabuhayan sa Daigdig. Ang prinsipyong ito ay nagmula sa * A. Gresya * B. Inglatera * C. Italya * D. Pransya ## Part 4 1. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito? * i. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop. * ii. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya ang isla ng Crete. * iii. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe. * iv. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at Asya ang Kabihasnang Minoan. 2. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba't ibang lungsod-estado na malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado? * A. Iba't iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece. * B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar. * C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado. * D. Iba't iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba't ibang kabihasnan ang umusbong dito. 3. Malaki ang bahaging ginampanan ng mga sandatahang lakas ng isang bansa. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang- lakas sa isang bansa? * A. Para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng bansa. * B. Upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban. * C. Upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan. * D. Para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan. 4. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinasanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa sitwasyong ito? * A. Pinahalagahan nila ang kalinisan ng kampo-militar. * B. Pinahalagahan ng Sparta ang kanilang edukasyon. * C. Pinahalagahan ng Sparta ang kanilang sandatahang-lakas. * D. Pinahalagahan ng Sparta ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. 5. Maituturing ang Pax Romana bilang isang yugto ng mapayapa at maunlad na pamumuhay sa imperyong Romano. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana? * A. Paghatid ng kasaganaan sa lipunan. * B. Pagkaroon ng maraming tagapagtanggol. * C. Pagpahalaga ng lipunan sa kapayapaan. * D. Pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan. 6. Ang Digmaang Punic ay isang serye ng tatlong magkakasunod na digmaan sa pagitan ng Rome at Carthage. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa naging epekto nito? * A. Nagdulot ito ng paghina ng Republika. * B. Lumawak ang kapangyarihan ng Rome. * C. Natamo ng Rome ang kasaganaan at kapayapaan. * D. Kinilalang Reyna ng Dagat Mediterranean ang Rome. 7. Ang pamumuno ng Limang Mabubuting Emperador ng Roma ang nagdala sa imperyo sa ginintuang panahon nito. Ano ang tawag sa mahabang panahon ng kapayapaan sa imperyong Romano? * A. Era of Good Fellings * B. Golden Age * C. Ides of March * D. Pax Romana 8. Ang krusada ay inilunsad bilang isang ekspedisyong militar na pinangunahan ng mga Kristiyanong Europeo. Ano ang sanhi ng Krusada? * A. Upang Ipagtanggol ang Byzantine Empire. * B. Upang sakupin ang mga Muslim at gawing Kristiyano. * C. Upang ipakita sa daigdig ang lakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko. * D. Upang labanan ang mga Turkong Muslim nang sa gayun mabawi ang banal na lupain ng Jerusalem. 9. Alin ang hindi kabilang sa mga dahilan ng paglakas ng Kapapahan sa Europa noong Gitnang Panahon? * A. Pagbagsak ng Imperyong Roman. * B. Paglakas ng Banal na Imperyong Roman. * C. Pagkatatag ng mga Monasteryo at Orden. * D. Pagkabuo ng isang mabisa at matatag na Organisasyon ng Simbahan. 10. Ang panggitnang-uri ng lipunan na nagmula sa mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi naman nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian. Sino ang inilalarawan? * A. Bourgeoisie * B. Humanista * C. Pilosopo * D. Repormador 11. Ano ang sistemang pang-ekonomiya ang umiral noong Gitnang Panahon sa Europa kung saan ang panginoong may hawak na malalawak na lupain ang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, buhay magbubukid at ugnayan sa iba pang kasama sa komunidad? * A. Kapitalismo * B. Komunismo * C. Manoryalismo * D. Merkantilismo 12. Sinong Papa (Pope) ang nag-alis ng kapangyarihan sa mga hari na magtalaga ng mga opisyal ng simbahan tulad ng Obispo? * A. Gregory I * B. Gregory VI * C. Gregory VII * D. Gregory VIII 13. Nakilala sa kasaysayan si Charles Martel ng Talunin niya ang mga Muslim sa "Battle of Tours" noong 732 C.E. ano ang kahalagahan ng pangyayaring ito sa simbahang katoliko? * A. Naging Kristiyano ang mga Muslim. * B. Marami ang nagtiwala sa simbahang katoliko. * C. Napanatiling Kristiyano ang mga taga Europa. * D. Ito ang pagtatapos ng presensya ng mga Muslim sa Europe noong panahon na iyon. 14. Ano ang magandang naidulot ng paglitaw ng mga unibersidad sa Europe? * A. naipakita ang kakayahan magtagumpay sa buhay at makamit ang mga pangarap. * B. nagkaroon ng kasaganaan. * C. naitaguyod ang edukasyon sa Gitnang Panahon. * D. nakamit ang mga pangarap. 15. Pagkatapos ng Krusada ay natutuhan ng mga Muslim at Kristiyano na mamuhay ng payapa at magkakasama. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito? * A. Inirespeto ang pananampalataya ng bawat isa. * B. Umunlad ang kalakalan sa pagitan ng kanluran at silangan. * C. Naging magkakaibigan ang mga bansang Muslim at Kristiyano. * D. Lahat ng nabanggit. 16. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na namumuhay sa manor? * A. Dito sila sumikat katulad ng hari. * B. Maraming mapapasukan ang kanilang mga pagawaan. * C. Takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang-manor. * D. Naipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser