Sinaunang Kabihasnan sa Lambak ng Indus (PDF)
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral tungkol sa sinaunang kabihasnan sa lambak ng Indus. Tinatalakay dito ang mga pangunahing tampok ng kabihasnan, tulad ng mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro, at ang impluwensya ng mga ilog Indus at Ganges. May kasamang mga katanungan para sa mas malalim na pag-unawa sa paksa.
Full Transcript
sinaunang kabihasnan sa lambak ng indus ang kabihasnang indus Ang kabihasnang Indus ay matatagpuan sa Harappa at Mohenjo-Daro na matatagpuan sa kasalukuyang India at Pakistan Ito ay umusbong sa lambak-ilog ng Indus at Ganges na isa sa mga naunang sibilisasyon sa buo...
sinaunang kabihasnan sa lambak ng indus ang kabihasnang indus Ang kabihasnang Indus ay matatagpuan sa Harappa at Mohenjo-Daro na matatagpuan sa kasalukuyang India at Pakistan Ito ay umusbong sa lambak-ilog ng Indus at Ganges na isa sa mga naunang sibilisasyon sa buong daigdig Ang Indus at Ganges ay dumadaloy sa loob ng subcontinent na binubuo ng India, Pakistan at Bangladesh mula sa Himalayas. Ang ilog Indus ay patungong Arabian Sea samantalang ang ilog Ganges naman ay dumadaloy pasilangan patawid sa hilagang bahagi ng India hanggang sa ito ay dumugtong sa ilog Brahmaputra na tuluyang dumadaloy sa Bay of Bengal Tulad ng Tigris, Euphrates, at Nile, ang Indus at Ganges ay nagdedeposito ng matabang banlik na nagpapayaman sa mga lupaing agkrilutural ng kapatagang Indo-Gangetic. Mohenjo-daro at Harappa Ang Mohenjo-Daro at Harappa ay ang mga unang lungsod na nahukay noong 1920's ni Sir John Marshall. Ang mga labi sa lambak ng kabihasnang Harappa at Mohenjo-Daro ay indikasyon ng kahangahangang organisadong pamayanang urban na may maayos na paagusan ng patapon na tubig, sistema ng pagtitipon ng basura, imbakan ng butil, at maayos na palikuran. Unang tao sa india Ang tawag sa mga unang tao sa India ay Dravidian. Pinaniniwaalan na ang mga Dravidians ang bumuo sa kabihasnang Indus. Nagkaroon sila ng Sentralisadong Pamahalaan na siyang namahala sa mga pampublikong proyekto. Pagwawakas ng kulturang indus Ang kulturang Indus ay misteryosong nawala noong 1750 BCE. Ngunit noong 1970s, matapos pag- aralan ang mga imaheng kuha ng satellite, hinayag ng mga eksperto na ang pagkawala ng kultura sa Indus ay maaaring sanhi ng naganap sa paggalaw ng tectonic plates sa subcontinent. Ang paggalaw na ito ay naging sanhi ng paglindol at pagbaha na maaaring naging sanhi naman ng pagbabago ng direksiyon ng pagdaloy ng Indus River. SALAMAT Mga tanong Bakit mahalagang maging matagumpay ang isang sentralisadong pamahalaan? Ano ang naging mahalagang naging ambag o naitulong ng mga indus sa tao?