Araling Panlipunan Grade 8 Module (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Pagsusuri sa AP4 PDF
- Araling Panlipunan 8, Unang Markahan, Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig PDF
- PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA (ARALING PANLIPUNAN 7)
- Reviewer ni KC sa AP 8 PDF
- Reviewer sa Araling Panlipunan 8 Unang Markahan PDF
- Araling Panlipunan 8: Sinaunang Kabihasnan sa Greece at Rome (PDF)
Summary
This module covers the geography and ancient civilizations of the world. It explores the relationship between geography and history, examining how prehistoric people utilized their environment. The module also discusses the contributions of ancient civilizations to current lifestyles.
Full Transcript
MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PANIMULA Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na hu...
MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PANIMULA Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao. Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at DRAFT tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan. Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa March 24, 2014 lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran. Mga Aralin at Sakop ng Modyul Aralin 1 – Heograpiya ng Daigdig Aralin 2 – Ang mga Sinaunang Tao Aralin 3 – Ang mga Sinaunang Kabihasnan 2 Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod. Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa daigdig Aralin 1 Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon. Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdig Aralin 2 Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang DRAFT Aralin 3 kabihasnan sa daigdig. Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig March 24, 2014 PANIMULANG PAGTATAYA Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o cultural? (K) A. lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon 2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ? (K) A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 3 3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat? (K) A. imperyo C. kalinangan B. kabihasnan D. lungsod 4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World” ? (K) A. Alexandria C. Pyramid B. Hanging Gardens D. Ziggurat 5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong. DRAFT March 24, 2014 Indonesia http://www.outline-world-map.com/outline-transparent-world-map-b1b Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia? (P/S) A. Tropikal na klima B. Maladisyertong init C. Buong taon na nagyeyelo D. Nakararanas ng apat na klima 6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa? (P/S) A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya. B. Maraming sigalot sa mga bansa. C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan. D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa. 4 7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya? (P/S) I. agrikultura III. labis na pagkain II. kalakalan IV. pangangaso A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV 8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao ? A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko. B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko. C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng DRAFT kalakalan. D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal. 9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos. (P/S) March 24, 2014 mrsommerglobal10.pbworks.com Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino? A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining. B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog. C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan. D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan. 5 10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia. (P/S) w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris. x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito. y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian. z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon. A. w at z C. y at z B. x at y D. z at w DRAFT 11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram? (P/S) A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon. March 24, 2014 B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan sa Egypt. C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma. D. Ang Pharaoh, maharlika, at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian. historyonthenet.com “ 12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? (U) A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon. B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag. C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito. D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig. 6 13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? (U) A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan. D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala? (U) A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon. B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon. C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon. D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang DRAFT relihiyon. 15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko? (U) A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan. March 24, 2014 B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain. C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop. D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan. 16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? (U) A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura. B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa. C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan. D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao. 7 17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan? (U) A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator. B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin. C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig. D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak nito. 18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?(U) A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi DRAFT madaling masakop ang mga teritoryo nito. B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay. C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay. D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng March 24, 2014 lungsod. 19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica? (U) A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America. B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga- Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa. C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon. D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay. 8 20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon? (U) A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito. B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino. C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan. D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. ARALIN 1: Heograpiya ng Daigdig DRAFT Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon. Sa pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado, una mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin sa araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao. March 24, 2014 Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig. ALAMIN Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na. Gawain 1. GEOpardy! Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang papel ang nabuong tanong at ang sagot nito. 9 Pacific Ocean Antarctica gubat lahing Austronesian globo bundok compass bagyo Tropikal DRAFT Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? Halimbawa: (Pacific Ocean) Gawain 2. Graffiti Wall 1 March 24, 2014 Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito? Sa pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig, sisimulan ang pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito,tatalakayin ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig. 10 PAUNLARIN Paksa: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa DRAFT siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya: HEOGRAPIYA anyong lupa likas na yaman March 24, 2014 at anyong tubig flora (plant life) klima at panahon fauna (animal life) na saklaw distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang ang organismo sa kapaligiran nito http://digital-vector-maps.com/WORLD/GL-1068-Asia- Globe.htm Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang tema ng heograpiya. Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram. Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya 11 Limang Tema ng Heograpiya Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng ng mga lugar sa daigdig dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang na may dalawang lugar sa daigdig pamamaraan sa pagtukoy Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang anyong lupa at tubig, at mga natatangi sa isang pook estrukturang gawa ng tao DRAFT na may dalawang Katangian ng kinaroroonan tulad ng pamamaraan sa pagtukoy klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga Rehiyon: Bahagi ng daigdig na March 24, 2014 sistemang politikal pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang pakikiayon ng tao sa mga ang kaugnayan ng tao sa pisikal na pagbabagong nagaganap sa katangiang taglay ng kaniyang kaniyang kapaligiran kinaroroonan may tatlong uri Paggalaw: ang paglipat ng tao mula ng distansiya ang isang lugar sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar? tulad ng hangin at ulan (Time) Gaano katagal ang paglalakbay? (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar? 12 Gawain 3. Tukoy-Tema-Aplikasyon Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang bawat sitwasyon tungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. 1. May tropikal na klima ang Pilipinas. 2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa. 4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho. 5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan. DRAFT 8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia. 9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud. 10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico. Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang- March 24, 2014 pansin ng iyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikal ng napiling bansa sa tulong ng mga kongkretong halimbawang naaayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain. [Lugar] [Lokasyon] [Rehiyon] [Bansa] [Interaksyon ng tao [Paggalaw] at kapaligiran] Pamprosesong Tanong 1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon sa limang tema nito. 13 2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa? 3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa? Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo. Simulan mo na. Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig DRAFT March 24, 2014 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg Nasaan ang planetang daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa posisyon ng daigdig sa solar system? Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon. 14 Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig. Ang daigdig ay binubuo ng crust,ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core ang kaloob-loobang http://www.rocksandminerals4u.com/earths_interio bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. r.html DRAFT Ang daigdig ay may plate o malalaking Estruktura ng Daigdig masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw March 24, 2014 na tila mga balsang inaanod sa mantle. http://en.wikipedia.org/wiki/Plate_t ectonics Ang daigdig ay may apat na hating- globo (hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng http://www.studyzone.org/testprep/ss5/b/c Prime Meridian. omcontocheml.cfm Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na Sa katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Paano nakaaapekto Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ang mga plate sa ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng pagbabago ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng hitsura ng ibabaw ng Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob daigdig? ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago. 15 Talahanayan 1.1: Ilang Mahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1024 kg Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon Populasyon (2009) 6,768,167,712 Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig 510,066,000 kilometro kuwadrado (km2) Lawak ng Kalupaan 148,258,000 km kwd (29.1%) (km2) Lawak ng Karagatan 335,258,000 km kwd (km2) Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361,419,00 km kwd (70.9%) (km2) Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang Circumference o Kabilugan sa Equator 40,066 km Circumference o Kabilugan sa Poles 39,992 km Diyametro sa Equator 12,753 km Diyametro sa Poles 12,710 km Radius sa Equator 6,376 km Radius sa Poles 6,355 km Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa bilis na 66,700 milya bawat oras (mph), DRAFT 107,320 km bawat oras Orbit sa Araw Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa loob ng 365 araw, limang oras, 48 minuto at 46 na segundo Longitude at Latitude Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang March 24, 2014 mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak. Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan sa mapa o globo. Ang 180 degrees longitude mula sa Tinatawag na longtitude ang Ang Prime Meridian na Prime Meridian, pakanluran man o distansiyang angular na nasa Greenwich sa pasilangan, ang International Date nasa pagitan ng dalawang England ay itinatalaga Line na matatagpuan sa kalagitnaan meridian patungo sa bilang zero degree ng Pacific Ocean. Nagbabago ang kanluran ng Prime Meridian. longitude. pagtatakda ng petsa alinsunod sa Ito rin ang pagtawid sa linyang ito, pasilangan o mga bilog (great pakanluran. circles) na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole. http://www.learner.org/jnorth/tm/mclass/ http://images.yourdictionary.com/internat Glossary.html http://www.avontrail.ca/coordinates.html ional-date-line 16 http://2012books.lardbucket.org/books/regional-geography- of-the-world-globalization-people-and-places/s04-01- geography-basics.html Tinatawag na latitude Ang equator ang Ang Tropic of Cancer ang pinaka - ang distansyang humahati sa globo sa dulong bahagi ng Northern Hemisphere angular sa pagitan ng hilaga at timog na direktang sinisikatan ng araw. dalawang parallel hemisphere o hemispero. Makikita ito sa 23.5o hilaga ng equator. patungo sa hilaga o Ito rin ay itinatakdang timog ng equator. zero degree latitude. Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemisphere na direkta ring DRAFT sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5o timog ng equator. Gawain 4. KKK GeoCard Completion Panuto: Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format. Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK March 24, 2014 GeoCard ang kataga na nasa loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na: Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan? K G Mga Kataga: K 1. Planetang Daigdig E O 2. mantle C 3. plate A 4. pagligid sa araw R 5. longtitude at latitude K D 17 Ang Klima Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya- ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon http://www.qldaccommodation.com/t din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at ag/alaska taas mula sa sea level. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat DRAFT na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa March 24, 2014 mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon. Gawain 5. Dito sa Amin. Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram. Mapa Ako si _____________________________. Narito ako sa ___________________________________________ Ang klima dito ay http://en.wikipedia.org/wiki/File:Thailand_(orthogr aphic_projection).svg Batay sa taglay na klima at likas na Ang mga likas yaman ng aming lugar, ang na yaman dito pamumuhay dito sa amin ay ay ________________________ ____________ ________________________ _________ ________________________ 18 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang klima? 2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig? 3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar? 4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar? 5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon? Ang mga Kontinente Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super DRAFT kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente. Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang March 24, 2014 Diyagram1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory. 240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean. 200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa http://geology.com/pangea.htm Southern Hemisphere. Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw 65 milyong taon – Nagpatuloy ang ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 paghihiwalay ng mga kalupaan. sentimetro ang galaw ng North America at Mapapansin ang India na unti-unting Europe bawat taon. dumidikit sa Asya. 19 May mga kontinenteng nagtataglay ng marami. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kontinente ng daigdig. http://geology.com/pangea.htm Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert,na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang Mapa ng Africa nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente. DRAFT http://en.wikipedia.org/wiki/File:Africa_(orthograp hic_projection).svg Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng March 24, 2014 pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito. http://en.wikipedia.org/wiki/File:Antarctica_(ortho graphic_projection).svg Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China. http://en.wikipedia.org/wiki/File:Asia_orthograph ic Projection).svg Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig. Mapa ng Europe 20 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Europe_orthograp hic_Caucasus_Urals_boundary.svg Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo, http://en.wikipedia.org/wiki/File:Oceania_(orthogr wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at aphic_projection).svg iba pa. Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of DRAFT Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran. http://en.wikipedia.org/wiki/File:Location_North_ America.svg Gayundin, ang South America ay hugis March 24, 2014 tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America. http://en.wikipedia.org/wiki/File:South_America_( orthographic_projection).svg Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente. Tinatayang Bilang Kontinente Lawak (km²) Populasyon ng (2009) Bansa Asya 44,614,000 4,088,647,780 44 Africa 30,218,000 990,189,529 53 Europe 10,505,000 728,227,141 47 North America 24,230,000 534,051,188 23 South America 12,814,000 392,366,329 12 Antarctica 14,245,000 -NA- 0 Australia at Oceania 8,503,000 34,685,745 14 21 Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan- daang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire. Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang bahagi ng South America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa isa’t isa na parang mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle. Ito ay sa kadahilanang dating magkaugnay ang dalawang DRAFT lupaing ito. Habang tumatagal, patuloy pa rin ang proseso ng paglawak ng karagatan sa pagitan nito at ang paglayo ng dalawang nasabing kontinente. Ang phillipriley.comswiki.wikispaces.net paliwang na ito ay batay sa March 24, 2014 Continental Drift Theory. Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang kontinente. Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee noong 1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay). 22 Gawain 6. Three Words in One Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/ hayop na tinutukoy sa bawat bilang? Isulat ang sagot sa kahon. 1. 2. Nile Sahara Hudson Appalachian River Desert Bay Mountains Egypt Rocky Mountains 3. 4. DRAFT Andes Cape K-2 Lhotse Mountains Horn Argentina Tibet March 24, 2014 5. Kangaroo Tasmanian Devil 6. Iberian Peninsula Balkan Peninsula Micronesia Italy Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente? 2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente? 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng daigdig? 23 Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa. Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro). Tingnan ang Talahanayan 1.4. Talahanayan 1.4 : Pinakamataas na BUndok ng Daigdig K-2 DRAFT Everest Bundok Kangchenjunga Taas (sa metro) 8,848 8,611 8,586 Lokasyon Nepal/Tibet Pakistan Nepal/India March 24, 2014 Lhotse 8,511 Nepal Makalu 8,463 Nepal/Tibet Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet Dhaulagiri 8,167 Nepal Manaslu 8,163 Nepal Nanga Parbat 8,125 Pakistan Annapurna 8,091 Nepal Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude. Tingnan ang Talahanayan 1.5 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig. 24 Talahanayan 1.5 : Mga Karagatan sa Daigdig Lawak Average Pinakamalalim Karagatan (sa kilometro na lalim na Bahagi kuwadrado) (sa talampakan) (sa talampakan) Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840 talampakang lalim Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench, 28,232 talampakang lalim Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376 talampakang lalim Southern Ocean 20,327,000 13,100 (4,000 - 5,000 metro) DRAFT 16,400 talampakang lalim, ang katimugang dulo ng South Sandwich Trench, 23,736 talampakang lalim (7,235 metro) March 24, 2014 Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881 talampakang lalim Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean. Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20) Mababasa rin ang Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) AP III, Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang higit na mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig. 25 Gawain 7. Illustrated World Map Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo: bundok disyerto dagat, look, golpo bulubundukin ilog DRAFT March 24, 2014 phillipriley.comswiki.wikispaces.net Anyong Lupa Anyong Tubig Greenland Nile River Madagascar Amazon River Borneo Yangtze River Mt. Everest South China Sea Mt. Kilimanjaro Mediterranean Sea Sahara Desert Caribbean Sea Himalayas Mountain Range Bering Sea Andes Mountain Range Arabian Sea Appalachian Mountain Range Bay of Bengal Tibetan Plateau Hudson Bay Scandanavian Peninsula Gulf of Mexico Arabian Peninsula Persian Gulf 26 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at tubig na makikita sa mapa? 2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan? 3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao? Gawain 8. The Map Dictates … Panuto: Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya ng daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig. Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan at isang tangway. Guhitan ng simbolong alon ( ) ang limang karagatan ng daigdig. DRAFT Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL. Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may simbolong YL.. Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H. March 24, 2014 KL H YL YL H YL KL YL KL H Pinagkunan: phillipriley.comswiki.wikispaces.net 27 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta? 2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo at tao? Bakit mo ito nasabi? 3. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligiran at sa heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan? Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpiyang pantao. Simulan mo na. Paksa: Heograpiyang Pantao Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng DRAFT wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Wika Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 March 24, 2014 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig. Talahanayan 1.6 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta, Afro-Asiatic 366 5.81 Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, Uzbekistan, at Yemen Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar, 28 Malaysia, Marshall Islands, Mayotte, Micronesia, Myanmar, Austronesian 1,221 5.55 Nauru, New Caledonia, New Zealand, Niue, Northern Mariana Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, Solomon Islands, Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States, Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna Afghanistan, Albania, Armenia, Austria, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria, Canada, China, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Finland, France, Germany, Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland, DRAFT Isle of Man, Israel, Italy, Latvia, Indo-European 436 46.77 Lithuania, Luxembourg, Mace- donia, Maldives, Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway, Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal, Romania, Russian Federation, March 24, 2014 Serbia, Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland, Tajikistan, Turkey, Ukraine, United Kingdom, United States, Vatican State, at Venezuela Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso, Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Niger-Congo 1,524 6.91 Equatorial Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea, Guinea- Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali, Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone, Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda, Zambia, at Zimbabwe Bangladesh, Bhutan, China, India, 29 Sino-Tibetan 456 20.34 Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal, Pakistan, Thailand, at Viet Nam Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family Relihiyon Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw- araw na pamumuhay. Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa DRAFT kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon. Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang March 24, 2014 bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito. Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig 11.44% Kristiyanismo 11.67% 31.59% Islam 7.10% Hinduismo 15% Budismo 23.20% non-religious iba pa Pinagkunan: The World Factbook 2012 Lahi/Pangkat-Etniko Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga 30 tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.Maraming eksperto ang bumuo ng ibat ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.. Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat- etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito DRAFT sa pisikal na heograpiya? 2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa. 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao? 4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang pangkat ng tao? 5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng March 24, 2014 mga tao sa daigdig? Gawain 9. Crossword Puzzle Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Pahalang Pababa 1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming tagasunod 3. Sistema ng mga paniniwala at rituwal 4. Pamilya ng wikang may pinakamaraming 7. Pagkakakilanlang biyolohikal taong gumagamit ng pangkat ng tao 5. Salitang-ugat ng relihiyon 9. Pamilya ng wikang Filipino 6. Salitang Greek ng “mamamayan” 10. Matandang relihiyong umunlad sa India 8. Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan 31 1 2 3 4 5 6 7 8 9 DRAFT 10 PAGNILAYAN/UNAWAIN March 24, 2014 Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim na pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at pamumuhay ng tao. Gawain 10. My Travel Reenactment Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang: 1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutang paglalakbay sa isang lugar. 2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay. 3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento. 4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig. 5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito. 6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan. 7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric: 32 Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment Pamantayan Deskripsiyon Puntos Angkop ang pagsasalaysay sa paksang Pagsasalaysay tinalakay; nakapaloob ang tatlo o higit pang 10 kaalaman ng aralin; madaling unawain ang pagkakasulat ng kuwento; malinaw ang pagbasa ng pagsasalaysay habang isinasagawa ang pagsasadula Magaling ang pagsasadula ng kuwento; Pagsasadula mahusay na naipakita ng mga tauhan ang 10 kanilang pag-arte; kapani-paniwala ang kanilang pagganap Gumamit ng angkop na props at kasuotan sa Pagkamalikhain pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang 5 ginawang pagsasadula Kabuuan 25 DRAFT Pamprosesong Tanong 1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat? 2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang dula? 3. Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at March 24, 2014 pamumuhay ng tao? 4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig? 5. Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes? Bakit nagging interesante ito para sa iyo? Gawain 11. Modelo ng Kultura Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito. 1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan. 2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng iyong pangkat. 3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan. 4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show. 5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat. 6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay sa ibinigay na rubric. 33 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa? 2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili ng iyong kapangkat? 3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa batay sa gawain? 4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa? 5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao? Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nilalaman Wasto ang impormasyong nakasulat at mga ng Kasuotan bagay o simbolong nakaguhit sa damit; 10 nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng aralin DRAFT Disenyo Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay ng Kasuotan at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit; 10 malinaw ang mensahe batay sa disenyo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa Pagmomodelo klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o 5 bansang kinakatawan ng modelo March 24, 2014 Kabuuan 25 Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng bagong Graffiti Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Graffitti Wall at paghambingin ang dalawang sagot. Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito? 34 Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao ALAMIN Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralang. Gawain 1. Kung Ikaw Kaya? Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong pang arw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang Dahilan ng iyong pagpili. DRAFT apoy kahoy bato banga March 24, 2014 Pamprosesong Tanong buto ng hayop 1. Alin ang iyong mga pinili ? 2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili? 3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot. Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-Chart upang matukoy ang iyong nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao. 35 Gawain 2. I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart Isulat sa unang kolum ng chart ang sariling sagot sa tanong. Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon? Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Ito Na Ang Alam Ko Kaalaman Pagkatapos masabi ang alam mo Ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizer, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman. DRAFT PAUNLARIN Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang March 24, 2014 panahon. May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape hanggang sa paglitaw ng mga homo sapiens. Chimpanzee Australo- Homo pithecus Ape – Australopithecine – Homo habilis, sinasabing Chimpanzee – tinatayang ninuno ng Homo erectus, at pinagmulan pinapalagay na makabagong tao; Ape Homo sapiens – ng tao pinakamalapit na na may kakayahang mga pangkat ng kaanak ng tao, ayon sa tumayo nang tuwid homo species mga siyentista Lucy – pinakatanyag na http://www.thejunglestore.com/ape Australopithecus afarensis na http://news.nationalgeographic.com/news/2012/ natuklasan ang mga labi noong 1974 10/121026-australopithecus-afarensis-human- evolution-lucy-scapula-science/ http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus 36 Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Lower Paleolithic Period Nagwakas dakong 120,000 Tinatawag ding “Panahon taon na ang nakararaan ng Lumang Bato” Pinakamaagang pananatili ng (Old Stone Age) tao sa daigdig Nagmula ang Paleolitiko Hindi pa lumilikha ng mga sa mga katagang paleos kasangkapan o matanda at lithos o bato Ang Homo habilis ay Pinakamahabang yugto nangangahulugang able man o sa kasaysayan DRAFT handy man dahil sila ang ng sangkatauhan unang species ng hominid na Maiuugat sa pagsisimula marunong gumawa ng ng paggamit ng kagamitang bato kasangkapang bato ng mga Sinundan ng mga Homo hominid erectus nang higit na may Unang gumamit ng apoy at March 24, 2014 kakayahan sa paggawa ng nangaso ang mga kagamitang bato sinaunang tao Panahong Paleolitiko dakong 2,500,000 – 10,000 B.C.E. Upper Paleolithic Period Middle Paleolithic Period Dakong 40,000 – 8500 taon Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaan ang nakararaan Nagkaroon na ng mga unang Paglitaw ng makabagong tao pamayanan sa anyong mga noong 100,000 taon ang campsite na kadalasang nakalilipas matatagpuan sa mga lambak Umusbong ang pagiging Ang mga Taong Neanderthal artistiko ng mga tao sa ay nawala sa panahong ito at pagpipinta sa katawan at napalitan ng mga Taong Cro- pagguhit sa bato Magnon Nabuhay ang taong Lumitaw ang mga Neanderthal na natuklasan sa komplikadong pagpapangkat Germany ang mga labi sa lipunan. 37 Mga Tanyag na Prehistorikong Tao Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba. DRAFT Homo Sapiens Neanderthalensi Cro-Magnon March 24, 2014 ttp://en.wikipedia.org/wiki/File: http://en.wikipedia.org/wiki Homo_sapiens_neanderthalensi /File:Cro-Magnon.jpg s.jpg Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko. 38 Ang huling bahagi ng Kilala ang panahong ito sa Panahong Bato ay paggamit ng makikinis na tinatawag na Panahong kasangkapang bato, Neolitiko (Neolithic Period) permanenteng paninirahan sa o Panahon ng Bagong pamayanan, pagtatanim, Bato (New Stone Age) na paggawa ng palayok at hango sa mga salitang paghahabi. Greek na neos o “bago” Naganap sa panahong ito at lithos o “bato.” ang Rebolusyong Neolitiko Ang terminong neolitiko ay o sistematikong pagtatanim. ginagamit sa arkeolohiya Isa itong rebolusyong at antropolohiya upang agrikultural sapagkat italaga ang isang antas ng natustusan na ang ebolusyong pangangailangan sa pagkain. pangkalinangan o Ito rin ang nagbigay-daan sa pagbabago sa pamumuhay permanenteng paninirahan sa DRAFT at teknolohiya. isang lugar upang alagaan ang mga pananim Panahong Neolitiko dakong 10,000 – 4000 B.C.E. March 24, 2014 May populasyong mula 3000 – 6000 katao Magkakadikit ang mga Catal Huyuk – Isang dingding ng kabahayan at pamayanang Neolitikong ang tabing pasukan ng isang matatagpuan sa kapatagan ng bahay ay mula sa bubungan Konya ng gitnang Anatolia pababa sa hagdan (Turkey ngayon) Inililibing ang mga yumao Isang pamayanang sakahan loob ng kanilang bahay May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin, at kutsilyo Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20) Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal. 39 Panahon ng Bronse Panahon ng Tanso Naging malawakan na noon Naging mabilis ang pag- ang paggamit ng bronse nang unlad ng tao dahil sa tanso matuklasan ang panibagong subalit patuloy pa rin ang paraan ng pagpapatigas dito paggamit sa kagamitang yari Pinaghalo ang tanso at lata sa bato. (tin) upang makagawa ng higit Nagsimulang gamitin ang na matigas na bagay tanso noong 4000 B.C. sa Iba’t ibang kagamitan at armas ilang lugar sa Asya, at 2000 ang nagagawa mula sa tanso B.C.E. sa Europe at 1500 tulad ng espada, palakol, B.C.E. naman sa Egypt kutsilyo, punyal, martilyo, Nalinang na mabuti ang pana, at sibat paggawa at pagpapanday Sa panahong ito natutong ng mga kagamitang yari sa makipagkalakalan ang mga tao tanso. sa mga karatig-pook DRAFT Panahon ng Metal dakong 4000 B.C.E. – kasalukuyan Panahon ng Bakal Natuklasan ang bakal ng mga March 24, 2014 Hittite, isang pangkat ng Indo- Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1500 B.C.E. Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal. Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Persian Silver Cup http://en.wikipedia.org/wiki/File:Elam Nang lumaon, lumaganap ang _cool.jpg paggamit ng bakal sa iba pang kaharian. Teksto mula sa Project EASE Module 2 Gawain 3. I-Tweet Mo! Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer.” Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko,at sa pangkat 3 at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal. 40 Ibibigay ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng mga “tweet” o maiikling pahayag. Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng komento ng diyagram. @Paraan ng Pamumuhay ____Tweet:__________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________ Komento @Kaugnayan ng Heograpiya sa Panahong Paleolitiko/Neolitiko/Metal ____Tweet:__________________________________________________________ ____________________________________________________________________ DRAFT ____________________________________________________________________ ____________________________________ Komento @Mga Kagamitan/Tuklas March 24, 2014 ______Tweet:________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________ Komento Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao? 2. Ano ang mga patunay na may naganap na pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay? 3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang tao? Gawain 4. Tower of Hanoi Chart Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. 41 Malaki ang epekto ng Malaki ang naging epekto Higit na umunlad ang heograpiya sa pag-usbong ng agrikultura sa pamumuhay ng tao dahil sa ng unang pamayanan. pamumuhay ng mga tao. paggamit ng metal. 1. 1. 1. 2. 2. 2. 3. 3. 3. DRAFT Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon? 2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga March 24, 2014 sinaunang tao? Patunayan. 3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan. 4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao sa daigdig? Gawain 5. Ano Ngayon? Chart Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa kasalukuyang pamumuhay.Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan. Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwang kahon. 42 __________________________________ Paggamit ng apoy __________________________________ __________________________________ _________ __________________________________ Pagsasaka __________________________________ __________________________________ _________ __________________________________ Pag-iimbak ng labis __________________________________ DRAFT na pagkain __________________________________ _________ __________________________________ Paggamit ng mga __________________________________ pinatulis na bato __________________________________ March 24, 2014 _________ __________________________________ Paggamit ng mga __________________________________ kasangkapang metal __________________________________ _________ Pagtatayo ng mga __________________________________ permanenteng tirahan __________________________________ __________________________________ _________ __________________________________ Pag-aalaga ng mga hayop __________________________________ __________________________________ _________ 43 Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon? Chart Pamantayan Paglalarawan Puntos Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga Nilalaman pangyayari noong sinaunang panahon sa 10 kasalukuyan Ebidensya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng mga kongkretong halimbawa 10 Kabuuan 20 Pamprosesong Tanong 1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang DRAFT panahon? 2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao? 3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan? March 24, 2014 Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart. Isulat ito sa ikalawang kolum, sa Refined Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula sa pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nagpayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto sa Initial Idea. PAGNILAYAN/UNAWAIN Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito. kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito. 44 GAWAIN 6. Archaeologist at Work Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2. Task Card Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kasalukuyang naghuhukay sa Catal Hȕyȕk. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang artifact na natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar. Ang Iyong Misyon DRAFT Gamit ang Artifact Analysis Worksheet#1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Hȕyȕk. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito. Kaligirang Impormasyon Ang Catal Hȕyȕk sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24 March 24, 2014 football fields. Malapit ang Catal Hȕyȕk sa pampang ng Ilog Carsamba. Artifact Analysis Worksheet #1 Artifact Analysis Worksheet #2 1. Ano ang artifact? Ilarawan ang mga katangian nito? 1. Ano-ano ang katangian ng Catal ______________________________ Hȕyȕk batay sa iyong ginawang ______________________________ imbestigasyon? 2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito ______________________________ noong sinaunang panahon? ______________________________ ______________________________ 2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ______________________________ ng mga taga-Catal Hȕyȕk sa 3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang kasalukuyang panahon? sumusunod na aspekto: ______________________________ ______________________________ a. pang-araw-araw na gawain 4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na b. paraan ng paglilibing ito tungkol sa Catal Hȕyȕk? c. sining ______________________________ d. pinagkukunan ng pagkain ______________________________ 45 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga taong nabuhay sa Catal Hȕyȕk? 2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hȕyȕk ay lumitaw noong panahong Neolitiko? 3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa Catal Hȕyȕk at sa kasalukuyang pamumuhay? Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work Pamantayan Paglalarawan Puntos Artifact Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat DRAFT Analysis artifact; mahusay na natukoy ang gamit at 10 Worksheet kahalagahan ng mga artifact na ito. #1 Artifact Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng Analysis Catal Hüyük gamit ang mga sinuring artifact; Worksheet mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa 10 March 24, 2014 #2 Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang iba’t ibang aspekto Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilalahad Pag-uulat na kasagutan; mahusay na nalagom ang mga 5 impormasyong inilahad Kabuuan 25 46 ARTIFACTS Mural Painting Isang Pigurin Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Louis Community College Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.. DRAFT March 24, 2014 Ceremonial Flint Dagger Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. Obsidian Arrow Head Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. Mga Palamuti mula sa mga Bato at Buto ng Hayop Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Labing Nahukay sa Loob ng Bahay sa Catal Community College