Mga Tanong sa Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8, Q2 (PDF)
Document Details
Uploaded by FlatterLapisLazuli
Tags
Related
- Kabihasnang Tsino at Ehipto - Araling Panlipunan 8 - PDF
- Sinaunang Kabihasnan sa Lambak ng Indus (PDF)
- ARALING PANLIPUNAN 8 - Panahon at Pamumuhay ng Sinaunang Tao PDF
- Aralin 1: Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- ARALING PANLIPUNAN 7: Mga Pananakop sa Timog-Silangang Asya (PDF)
- Araling Panlipunan 8: Sinaunang Kabihasnan sa Greece at Rome (PDF)
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga tanong sa pagsusulit para sa Araling Panlipunan 8, ikalawang quarter. Mga tanong at pagpipilian ang nakapaloob dito.
Full Transcript
# ARALING PANLIPUNAN 8, Q2, MGA TANONG SA MGA NAGDAANG PAGSUSULIT ## Instructions Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa inyong sagutang papel. ## Questions **1. Bakit naging estadong militar ang Sparta?** A. Naghiganti sila sa Pers...
# ARALING PANLIPUNAN 8, Q2, MGA TANONG SA MGA NAGDAANG PAGSUSULIT ## Instructions Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa inyong sagutang papel. ## Questions **1. Bakit naging estadong militar ang Sparta?** A. Naghiganti sila sa Persia. B. Nanakop sila ng mga lupain. C. Nagtatag sila ng malawak na imperyo. D. Natakot sila sa pag-aalsa ng mga helot o alipin. **2. Ano ang impluwensya ng heograpiya na nagbigay daan sa pakikipagkalakalan at pag-unlad ng kabihasnang Minoan sa isla ng Crete?** A. Maraming aktibong bulkan ang matatagpuan sa Crete. B. Mahirap matunton ang Crete ng mga karatig na lugar nito. C. Napalilibutan ng mga matataas na bulubundukin ang Crete. D. Istratehiko ang lokasyon ng Crete at napalilibutan ng mga anyong tubig. **3. Alin sa mga sumusunod ang may wastong paglalarawan sa heograpiya ng Greece?** A. Bahagi ito ng malawak na steppe sa Europe at Asya. B. Ito ay bulubunduking bansa na may makikitid na lambak. C. Mayroon itong mga malalaking ilog na angkop sa paglalayag. D. Mayroon itong malalawak na kapatagan na angkop sa pagtatanim. **4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?** A. Binubuo ng lahat ng mamamayan na may bahaging ginagampanan. B. May uri ng pamahalaan kung saan binibigyang diin ang demokrasya. C. Binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili na nakasentro sa isang lungsod. D. May iba't ibang uring panlipunan at nahahati sa iba't ibang yunit ng pamahalaan. **5. Ang pagsakop ni Alexander the Great sa Greece at pagdadala nito sa kulturang Griyego sa mga lugar na nasakop niya sa Asya ang nagbigay daan sa paghahalo ng Kulturang Griyegong Kanluranin at Kulturang Asyano sa Silangan. Ano ang tawag sa paghahalong ito ng dalawang mahalagang Kultura?** A. Hellas B. Hellenes C. Hellenistic D. Greco-Romano **6. Ang digmaang Peloponnesian ay isang sinaunang digmaang Griyego na naganap sa pagitan ng Athens at Sparta at ng kanilang mga kaalyado. Ano ang naging epekto nito sa Greece?** A. Nakilala ang Greece bilang malakas na bansa. B. Yumaman ang Sparta dahil sa pagkatalo ng Athens. C. Nanakop ng ibang mga lupain ang Sparta na lalong nagpalakas sa Sparta. D. Madali itong nasakop ng Macedonia at nagresulta sa pagwawakas ng Imperyong Griyego. **7. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinasanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa sitwasyong ito?** A. Pinahalagahan nila ang kalinisan ng kampo-militar. B. Pinahalagahan ng Sparta ang kanilang edukasyon. C. Pinahalagahan ng Sparta ang kanilang sandatahang-lakas. D. Pinahalagahan ng Sparta ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. **8. Sa kasalukuyang panahon, paano natin maaaring gamitin ang mga aral mula sa Krusada upang maiwasan ang relihiyosong digmaan at hidwaan sa modernong lipunan?** A. Pagtutok sa mga isyu sa karapatang pantao. B. Magtatag ng mas malalim na alyansa sa kalapit bansa. C. Pagtutok sa prinsipyo ng kapayapaan at paggalang sa mga karapatan ng iba. D. Paggamit ng estratehiyang pang-diplomasya upang makabuo ng malakas na mandirigma. **9. Bakit nagkaroon ng tunggalian ang Hari at Pope na dating magkakampi?** A. Dahil sa pagkamatay ni Haring Charlemagne. B. Dahil sa pagkakahati ng imperyo sa tatlong magkakapatid. C. Dahil sa kung sino sa dalawa ang dapat na mas mataas ang kapangyarihan. D. Dahil sa pagpapatayo ng mga paaralan at paglusob ng mga barbarong Vikings sa Roma. **10. Ang sinaunang Grecee ay binubuo ng iba't ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado?** A. Iba't iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece. B. Iba't iba ang kulturang nabuo kaya iba't ibang kabihasnan ang umusbong dito. C. Ito ay nasa dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na mabundok na lugar. D. Mahaba ang mga daungan kaya't maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado. **11. Ano ang naging impluwensya ng Simbahan sa pagpapalaganap ng edukasyon noong Panahong Medieval?** A. Ang Simbahan ay nagpatupad ng mahigpit na pagbabawal sa lahat ng uri ng edukasyon. B. Ang Simbahan ay nagtatag ng mga unibersidad at paaralan, lalo na sa mga monasteryo at katedral. C. Ipinag-utos ng Simbahan ang pagpapasara ng mga paaralan at kultural na institusyon sa buong Europa. D. Lahat ng mga nabanggit. **12. Nagbago ang uri ng pamahalaan ng lungsod ng Roma ng pangunahan ni Lucius Junius Brutus ang himagsikan laban sa kanilang haring si Tranquinus Superbus. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya?** A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Diktadura D. Republika **13. Ano ang tawag sa lupa na binigay sa mga mayayamang Romano dahil sa utang ng pamahalaan?** A. Aqueduct B. Latifundia C. Punic D. Tribune **14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng haligi ng sinaunang Greece?** A. Agora B. Corinthians C. Doric D. Ionic **15. Ang Digmaang Punic ay isang serye ng tatlong magkakasunod na digmaan sa pagitan ng Rome at Carthage. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa naging epekto nito?** A. Nagdulot ito ng paghina ng Republika. B. Lumawak ang kapangyarihan ng Rome. C. Natamo ng Rome ang kasaganaan at kapayapaan. D. Kinilalang Reyna ng Dagat Mediterranean ang Rome. **16. Maituturing ang Pax Romana bilang isang yugto ng mapayapa at maunlad na pamumuhay sa imperyong Romano. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?** A. Paghatid ng kasaganaan sa lipunan. B. Pagkaroon ng maraming tagapagtanggol. C. Pagpahalaga ng lipunan sa kapayapaan. D. Pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan. **17. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Roma bilang pinakamakapangyarihang sa Mediterranean?** A. Naipagpatuloy ng Roma ang kultura at kabihasnan ng Gresya. B. Nasakop ng Roma ang malalakas na kabihasnan ng Carthage at Gresya sa Mediterranean. C. Nakatulong ang aspektong pang-ekonomiya ng Roma kung ikukumpara sa mga karatig lugar nito. D. Lahat ng mga nabanggit. **18. Ano ang pangunahing layunin ng mga Griyego sa pagdaraos ng Olympic Games noong unang panahon?** A. Pagpapakita ng lakas sa mga hari. B. Pagpapalaganap ng kapangyarihan ng Gresya. C. Pagdiriwang ng pagkakaisa ng mga lungsod-estado. D. Pagtataguyod ng relihiyon at paggalang sa mga diyos at diyosa. **19. Alin ang HINDI totoo hingil kay Charlemagne?** A. Siya ay anak ni Pepin the Short. B. Siya ay mula sa tribong Aleman. C. Siya ay pangunahing tumuligsa sa Kristiyanismo. D. Siya ay kinoronahan bilang emperador ng Holy Roman Empire. **20. Paano mo isasabuhay ang winika ni Julius Ceasar na "The die is cast"?** A. Pagpapahayag ng saloobin laban sa pamahalaan. B. Pagbibigay ng tamang impormasyon na lubos na pinag-iisipan. C. Pagiging isang mabuti tao upang magkaroon ng saysay ang buhay. D. Paka-isiping mabuti ang bawat desisyon, sapagkat hindi na ito maaari pang baguhin. **21. Bakit mahalaga ang mga batas sa isang bansa gaya ng Twelve Tables na kauna-unahang batas na naisulat sa Roma?** A. Nagkakaroon ng takot ang mga mamamayan sa awtoridad. B. Nagiging madali ang pagpapasunod sa mga mamamayan. C. Natutukoy kung sino ang may katungkulan sa isang bansa. D. Nabibigyan ng proteksyon ang mga mamamayan ng batas. **22. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang Vassal?** A. Magbigay ng lupa. B. Magbigay ng tribute sa lord. C. Magkaloob ng serbisyong militar. D. Maglingkod bilang tagapaglinang ng lupain. **23. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga alagad na nagpalakas ng Simbahang Katolika?** A. Kabalyero. B. Monghe. C. Obispo. D. Pari. **24. Ano ang naging papel ng mga serf sa ilalim ng piyudalismo?** A. Ang mga serf ay may mga karapatang pantao na katulad ng mga noble at vassals. B. Ang mga serf ay mga malayang mangangalakal na maaaring lumipat sa ibang lugar upang maghanap ng trabaho. C. Ang mga serf ay mga magsasaka na nakatali sa lupa at may mga tungkulin sa kanilang panginoon kapalit ng proteksyon at ilang benepisyo. D. Ang serf ay ang may nagpapahintulot na magkaroon ng kalakalan sa loob at labas ng manor at sila rin ang may pinakamalaking impluwensya sa lipunan at politika.