Araling Panlipunan 8: Sinaunang Kabihasnan sa Greece at Rome (PDF)

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabihasnan. Tinatalakay ang heograpiya at mga katangian ng Greece at Rome, pati na rin ang impluwensya ng mga kabihasnang ito sa kasaysayan ng mundo. Ang mga pangunahing elemento ng kabihasnang Griyego at Romano ay tinalakay sa mas detalyadong paraan.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN 8 MODULE 1: KABIHASNANG GRIYEGO ANG PAMANA NG GREECE: *Demokrasya* KALAGAYANG HEYOGRAPIKAL - Matatagpuan sa timog-silangan ng Europa. - Isang *tangway (peninsula)* - Mga hangganan: - Silangan: Aegean Sea - Kanluran: Ionian Sea - Timog: Mediterranean Sea - H...

ARALING PANLIPUNAN 8 MODULE 1: KABIHASNANG GRIYEGO ANG PAMANA NG GREECE: *Demokrasya* KALAGAYANG HEYOGRAPIKAL - Matatagpuan sa timog-silangan ng Europa. - Isang *tangway (peninsula)* - Mga hangganan: - Silangan: Aegean Sea - Kanluran: Ionian Sea - Timog: Mediterranean Sea - Hilaga: Albania, Macedonia at Bulgaria - Ang mga dagat na nakapaligid dito ay nagsilbing daanan para sa pakikipagkalakalan (maritime trade) at pakikipag-ugnayan sa isa\`t-isa (pagbubuklod ng kultura). - Limitado ang yamang lupa\ ▪Ang 2/3 na bahagi ng Greek mainland ay binubuo ng baku-bakong kabundukan. - Halos 1/5 lamang ng lupa ang pwedeng pagtamnan. KABIHASNANG AEGEAN - KABIHASNANG MINOAN - KABIHASNANG MYCENAEAN KABIHASNANG MINOAN ▪Maalamat na kabihasnan (ayon sa alamat ni King Minos) ▪Sibilisasyong sumibol sa Crete ▪Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. ▪Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. ▪Magagaling din silang mandaragat. ▪Sa Knossos (kabisera ng Isla ng Crete) natagpuan ang magagarang palasyong Minoan. ▪Mababanaag sa mga magagarang pinta sa mga dingding ng tahanan ang karaniwang gawain ng mga Minoan. ▪Batay sa kasuotan ng kababaihan sa mga pintang natuklasan, maaaring sabihin na ang panahon ng Minoan ay panahon ng KAUNLARAN. APAT NA PANGKAT NG TAO ▪Maharlika ▪Mangangalakal ▪Magsasaka ▪Alipin ▪Sa pagitan ng 1400 hanggang 1200 BCE, ang sibilisasyong Minoan ay natapos ▪Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala. KABIHASNANG MYCENAEAN ▪Matatagpuan sa Aegean Sea ang sentro ng kabihasnang Mycenaean ▪Ang limitadong kayamanan ng lupa ang nagtulak sa mga Mycenaean na makipagkalakalan at paminsan-minsang pananalakay ng karatig na lugar. ▪Sinakop din nila ang mga karatig isla sa silangang Mediterranean gayundin ang Knossos noong 1450 BCE. ▪Ang pagkasira ng sentro ng sibilisasyong Minoan ang naghudyat ng paglipat ng sibilisasyong Aegean sa Greek mainland sa ilalim ng mga Mycenaean. ▪Bagama\'t nasakop ng mga Mycenaean ang Crete na sinasabing pinagmulan din ng kabihasnang Minoan, malaki ang naging impluwensya ng mga Minoan sa Greeks. ▪Noong 1100 BCE, Sinalakay ang Mycenaean ng mga Dorian, isang pangkat mula sa Hilaga. ▪ Tinaguriang Dark Age o panahon ng karimlan ng Greece ang pangyayaring ito. ▪Naging palasak ang digmaan ng iba\'t ibang kaharian, nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Kasama rin dito ang pagtamlay ng sining at pagsulat. ▪Mula naman sa madilim na panahon, umusbong ang bagong sibilisasyon sa kabuuan ng Greece. PANAHONG KLASIKAL (*750-300 BCE)* GREEK POLIS (CITY-STATE) ▪Dito umiikot ang buhay ng mga Greek. ▪ACROPOLIS o mataas na lungsod- sentro ng POLIS. Nagsisilbing ligtas na lugar para sa mga mamamayan kapag ang Polis ay nilulusob ng mananakop. Dito rin matatagpuan ang mga pinakamahahalagang templo. ▪Halimbawa nito ang Acropolis ng Athens ▪Agora- sentro ng pamumuhay ng mga Griyego. \- pamilihang bayan. ANG DALAWANG MAGKARIBAL NA LUNGSOD **Sparta at Athens** SPARTA ▪Matatagpuan sa katimugan ng Peloponnese ▪Hindi nagtayo ng mga kolonya ang Sparta sa ibang mga Isla. Sa halip, sinakop nila ang Messenia sa Peloponnese at ang mga naninirahan dito ay naging HELOT. ▪Nakasentro ang pang araw-araw na buhay ng kalalakihang Spartan sa mga Militar na pagsasanay. ▪Ang mga kababaihan ay inihahanda sa pamamagitan ng pagtakbo, pagbuno (wrestling), at iba pang anyo ng palakasan. ATHENS ▪1. Ilarawan ang paraan ng pamumuno ng mga sumusunod na mambabatas sa Athens: a\. Draco b\. Solon c\. Cleisthenes d\. Pisistratus ▪2. Bakit mahalaga ang pagpapatupad ng batas sa pagpapanatili nang maayos at matibay na estado? ▪3. Sa iyong palagay, ano ang mahalagang papel ng bawat mamamayang Pilipino sa pangangasiwa at pamamalakad ng ating pamahalaan? MODULE 2: KABIHASNANG ROMANO KALAGAYANG HEOGRAPIKAL ▪Matatagpuan sa Timog ng Europe ▪Nagsimula sa makitid at hugis botang tangway SINAUNANG ROMA ▪Kilala bilang isa sa pinakatanyag at pinakadakilang kabihasnan sa kasaysayan ng tao. ▪ Naimpluwensiyahan ng Kabihasnang Griyego at nakilala sa buong daigdig. ![](media/image2.png) REPUBLIKANG ROMANO ▪Nagwakas ang pamahalaang monarkiya sa Rome noong 509 BCE. ▪Napatalsik ang huling haring Etruscan na si Lucius Tarquinius Superbus dahil sa kanyang kalupitan. Ito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng REPUBLIKA. REPUBLIKA ▪Mula sa salitang latin na "res publica" na nangangahulugang "public affairs". ▪Ang republika ay isang pamahalaan kung saan ang mga mamamayan ay bumoboto sa pagpili ng kanilang pinuno. ▪Isang balanseng pamahalaan na pinagsama-sama ang mahuhusay na katangian ng lahat ng uri ng pamahalaan. REPUBLIKANG ROMANO ▪Sa panahon ng krisis at digmaan,inaatasan ng Republika ang isang diktador na may pangkalahatang kapangyarihan na gumawa ng batas at mag-utos sa hukbo. Tungkulin ng CONSUL na pumili ng diktador na ihahalal ng senado. (6 buwan) ▪Halimbawa: Lucius Quinctius Cincinnatus TUNGGALIAN NG PATRICIAN AT PLEBEIAN ▪Ang lahat ng opisyal ng Republikang Romano ay mga Patrician. Samantala, hindi pinahihintulutang makilahok sa politika ng Republika ang mga Plebeian. ▪Sa simula, ang mga batas ay hindi nakasulat at nakasalalay lamang sa interpretasyon ng mga hukom at opisyal ang pagpapatupad nito. ▪Iniukit ang mga batas sa 12 malalaking tablet at inilagay sa Forum upang mabasa ng mamamayan. Ito ang Law of Twelve Tables ang unang nakasulat na batas ng Rome. ▪Ang pagkakabuo ng Twelve Tables ang nagbigay daan sa mg Plebeian na makilahok sa politika. Binigyan sila ng karapatang bumuo ng sariling asamblea at humalal ng tribune na magsisilbi bilang kinatawan. FORUM ▪ Nasa sentro ng isang bayan kung saan nagtatagpo ang mga tao. ▪ Ito ay hango sa salitang latin na "fora" na nangangahulugang pamilihan. ▪ Ito ay parisukat na lugar na nasa gitna ng lungsod. ▪ Dito ibinibigay ang mga anunsyo, matatagpuan ang pamilihan, at mahahalagang gusali at pamahalaan. ▪ Dito rin isinasagawa ang mga mahahalagang pagtitipon. ANG HUKBONG ROMANO ▪Tungkulin ng bawat Romanong may-ari ng lupa ang magsilbi sa hukbong sandatahan. ▪Tinatawag na LEHIYON (LEGION) ang hukbo ng mga Romano ▪Hinahati ang lehiyon sa maliliit na pangkat na tinawag na centuria. ▪Sa panahon ng digmaan, ang bawat centuria ay nakakikilos ng Malaya. Dahil sa maayos na organisasyon ng hukbo at pagsasanay, lumawak ang kapangyarihan ng Rome. ![](media/image4.png) PAGPAPALAWIG NG KAPANGYARIHAN ▪Unti-unting lumakas ang kapangyarihan ng Rome dahil sa matagumpay na pagsakop ng mga lehiyon sa Italy. ▪Noong ika-4 daan taon BCE, nasakop ng mga Romano ang kalagitnaan ng Italy at pagsapit ng 265 BCE, nasa kontrol na nila ang kabuuan ng bansa. PAGWAWAKAS NG REPUBLIKA MGA SULIRANIN ▪Patuloy na lumalaking agwat ng mga mayayaman at mahihirap (proletariat) ▪Problema sa pagmamay-ari sa lupa ▪Reporma sa Lupa -- isinusulong nina Tiberius at Gaius Gracchus \- ipinanukala na limitahan ang laki ng lupang pagmamayari ng isang tao at pagbibigay ng lupa sa mahihirap. \- tinutulan ng senado ▪Digmaang Sibil (100 taon) \- pag-aagawan ng kapangyarihan sa pamamahala sa Republika. ▪Gaius Marius ▪ Lacius Cornelius Sulla ✓Nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan sa Rome sa ilalim ng pamumuno ni Sulla. Subalit pagkatapos magretiro, muli na naming nagpatuloy ang digmaan para sa kapangyarihan. PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMANO MGA SULIRANIN ▪Nang si Augustus, ang dating Octavian, ang namuno, inalis niya ang pagpataw ng buwis sa mga probinsya ng imperyo. Ito ay nagbunga sa sapilitang pagtaas ng buwis ng mga tao sa mismong Italya. Ito ay para tustusan ang mga luho ng mga opisyal. ▪Bumaba ang bilang ng mga tao dahil sa mga sakit na dala ng mga sundalong galing sa digmaan. PAGKAKAHATI NG IMPERYO Noong 284 BC, hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma. Ipinagkatiwala niya ang kanlurang bahagi (ang mismong Roma) kay Heneral Maximian samantalang pinamunuan niya ang silangang bahagi. Hindi gaanong pinagtuunan ng pansin ni Diocletian ang kalaban ng imperyo sapagkat nakatuon ang kanyang pansin sa paglutas ng mga suliranin tulad ng kawalan ng trabaho, implasyon at kawalan ng mamumuhunan. Kaya unti-unting sinakop ng mga Barbaro ang ilan sa mga nasasakupan ng imperyo na dahilan ng pagbagsak nito. MGA AMBAG NG KABIHASNANG ROME BATAS ▪ Ang kabuluhan ng Twelve Tables ay batas para sa lahat, patrician o plebeian. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas. PANITIKAN ▪Ang panitikan ng Roma ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. ▪Si Livius Andronicus ang nagsalin ng Odyssey sa Latin samantalang sina Marcus Palutus at Terence ang mga unang manunulat ng comedy. ▪Si Cicero ay isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Isinaad niya na ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o wasakin ng pera kailanman. INHENYERIYA ▪ Nagpagawa sila ng mga daan at tulay upang pagdugtungin ang buong imperyo. Karamihan sa mga ito ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. Halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Roma at timog Italya. Nagpatayo rin sila ng mga aqueduct upang makaabot ang tubig sa lungsod. ARKITEKTURA ▪Natuklasan nila ang paggamit ng semento at stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. ▪Bilang palamuti, gumamit sila ng mga marmol na kanilang inangkat mula sa bansang Greece. ▪Sa mga Etruscan nila natutunan ang paggawa ng arko na kadalasang nakikita sa mga templo, aqueduct, at iba pang mga gusali. ARKITEKTURA ▪ Ang gusaling basilica ay isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. ▪ Nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag- uusap ng mga pampublikong paliguan at pamilihan na sa forum, ang sentro ng lungsod. ▪ Ang Coliseum, isang amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator, ay isa sa mga gusaling ipinatayo na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa rin sa Roma. PANANAMIT ▪Ang mga lalaki ay may dalawang klase ng kasuotan na tinatawag na tunic, isang kasuotang pambahay at toga na isinusuot kapag sila ay sumasali sa mga pagtitipon at paggala sa mga lansangan. PANANAMIT ▪Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng stola bilang pantahanang kasuotan na pinangibabawan ng palla, isang pantakip na kasuotan. MODULE 3: MGA KLASIKAL NA KABIHASNAN SA AFRICA, AMERICA AT MGA PULO SA PACIFIC **MGA KAHARIAN AT IMPERYO SA AFRICA** Pangkalahatang-ideya ng Africa: Ang Africa ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig, na nagtatampok ng iba\'t ibang uri ng behetasyon, kabilang ang savanna at rainforest. Axum: Sentro ng Kalakalan: - Ang Axum, na matatagpuan sa kasalukuyang Ethiopia, ay naging tanyag na sentro ng kalakalan sa Silangang Africa, kasabay ng Egypt. Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan ng mga unang kabihasnan, lalo na ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai. Imperyong Ghana: - Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa, umunlad dahil sa lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. - Ang matabang lupa at saganang tubig sa rehiyon ay sumuporta sa agrikultura at irigasyon. Imperyong Mali: - Nagsimula ang Imperyong Mali sa estado ng Kangaba, isang mahalagang outpost ng Ghana, sa ilalim ng pamumuno ni Sundiata Keita. - Si Sundiata ay natalo ang Ghana noong 1240, pinalawak ang teritoryo ng Mali at kontrol sa mga ruta ng kalakalan. - Mansa Musa: - Matapos si Sundiata, higit pang pinalawak ni Mansa Musa ang teritoryo ng Mali at itinatag ang mga mahahalagang lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao. Nagpatayo rin siya ng mga mosque sa mga lungsod na ito. Imperyong Songhai: - Mula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber, na nagdala ng Islam sa rehiyon. - Matapos masakop ng Mali noong 1325, nakuha ng Songhai ang kanilang kalayaan muli noong 1335 sa ilalim ng dinastiyang Sunni. Haring Sunni Ali: - Mula 1461 hanggang 1492, ang Haring Sunni Ali ay nagbigay daan sa Songhai upang maging isang malaking imperyo. - Bagamat hindi niya tinanggap ang Islam, iginagalang at pinahahalagahan niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim, at hinirang ang ilan sa kanila sa kanyang pamahalaan. **MGA KABIHASNAN SA AMERICA** KABIHASNANG OLMEC Unang Kabihasnan: Kauna-unahang grupo na umusbong sa Gitnang America, kilala bilang "Rubber People." Lokasyon: Yumabong sa rehiyon ng Gulf of Mexico. Pangunahing Kabuhayan: Pagsasaka, nagtatag ng sistema ng irigasyon. Kaalaman at Sining: Nakagawa ng kalendaryo at sistema ng pagsulat na katulad ng hieroglyphics. Naunawaan ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Kulturang Olmec: [Larong Pok-a-tok:] Ritwal na laro na katulad ng basketball, may kaugnayan sa sakripisyo. [Lilok ng Ulo]: Kilala sa mga batong ulo; pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na talampakan. [Templo:] Nagtayo ng mga templong hugis-piramide bilang mga lugar-sambahan. [Jaguar:] Mahalagang simbolo ng lakas at kakayahang manirahan, sinasamba ang espiritu nito. KABIHASNANG MAYA Lokasyon: Namayani sa Yucatan Peninsula, mula Timog Mexico hanggang Guatemala. Pangunahing Produkto: Mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Agrikultura: Mahalagang magsamba sa mga diyos na may kaugnayan sa pagtatanim at ulan. Inprastruktura: Maayos na kalsada at rutang pantubig na nag-uugnay sa mga lungsod-estado. Lipunan ay nahahati ang mga tirahan ng mahihirap at mayayaman. Pyramids: Sentro ng Lungsod: May pyramid na may dambana para sa mga diyos. Pyramid of Kukulcan: Gawa sa malaking bato, may apat na panig at hagdan, ginagamit sa mga seremonyang panrelihiyon. KABIHASNANG AZTEC Paglakas: Naging makapangyarihan sa gitnang bahagi ng Mexico, pinalawak ang teritoryo. Tenochtitlan: Itinatag noong 1325 sa isang maliit na isla sa lawa ng Texcoco; angkop sa pagsasaka. Chinampas (Floating Garden):Artipisyal na pulo para sa pagsasaka, walang kasangkapang pambungkal ng lupa. Umaasa sa mga puwersa ng kalikasan na sinasamba bilang mga diyos. KABIHASNANG INCA Pagsilang: Umusbong noong ika-12 siglo sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca, sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Paglawak ng Teritoryo: Unti-unting pinalawig ang kanilang teritoryo. Saklaw ng Imperyo: Kabilang ang kasalukuyang mga lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser