Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Full Transcript

ANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN SA ARALING ITO INAASAHAN NA:  Natutukoy ang Iba’t Ibang gamit ng wika sa lipunan.  Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag- uugali, ideya, saloo...

ANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN SA ARALING ITO INAASAHAN NA:  Natutukoy ang Iba’t Ibang gamit ng wika sa lipunan.  Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag- uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit. Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag- ugnayan sa isa't isa. Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan? TUNGKULIN NG WIKA Marami-rami rin ang nagtangkang i-katergorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa rito si M.A.K. Halliday (Michael Alexander Kirkwood Halliday ) na naglalahad sa pitong tungkulin ng wika na sumusunod: 1. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag- ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. 2. Regulatoryo -pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba. 3. Interaksiyonal -ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa. 4. Personal -ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan. 5. Heuristiko - ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag- aaralan. Halimbawa rito ay ang pag- iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat. 6. Impormatibo - ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay- ulat, tesis,panayam, at pagtuturo. 7.Imahinatibo - gamit ng wika sa pagbuo sa isang sistemang pangkaisipan na malikhain Halimbawa: pagbuo ng kwentong piksyon, pagkuha ng video MGA PARAAN SA PAGGAMIT NG WIKA Si Jackobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. 1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) - pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon. 2. Panghihikayat (conative) - upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap. 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) - upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. 4. Paggamit bilang sanggunian (referential) -ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon. 5. Paggamit ng kuro- kuro (metalingual) - lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. 6. Patalinghaga (poetic) - masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa. SANGGUNIAN: Aklat: Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. (2017).Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc. https://www.slideshare.net/ jen_2268/gamit-ng-wika-sa- lipunan http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html https://brainly.ph/question/329720

Use Quizgecko on...
Browser
Browser