FIL111 Aralin 3: Gamit ng Wika sa Tagalog PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- ANG_WIKA_BILANG_KOMUNIKASYON_AT_WIKANG_PAMBANSA2 PDF
- Kahulugan at Kahalagahan ng Wika (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
- MGA KONSEPTONG PANGWIKA PDF
- CO1-Komunikasyon-Aralin-3-Barayti-ng-Wika-Copy PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga tungkulin ng wika sa lipunan, kasama na ang instrumental, regulatoryo, interaksyonal, personal, heuristiko, imformatibo, at imahinatibo na tungkulin. May mga halimbawa at kaugnay na gawain para sa mga mag-aaral.
Full Transcript
ARALIN 3: GAMIT O TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN: INSTRUMENTAL, REGULATORYO, INTERAKSIYONAL, PERSONAL, HEURISTIKO, IMPORMATIBO, AT IMAHINATIBO KONTEKSTO Layunin sa Pagkatuto: Sa pagtatapos ng aralin, ako ay: a. makatutukoy ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na...
ARALIN 3: GAMIT O TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN: INSTRUMENTAL, REGULATORYO, INTERAKSIYONAL, PERSONAL, HEURISTIKO, IMPORMATIBO, AT IMAHINATIBO KONTEKSTO Layunin sa Pagkatuto: Sa pagtatapos ng aralin, ako ay: a. makatutukoy ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com); at F11PD–Id–87 b. makapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. F11EP-Ie-31 Kaugnay na kahalagahan: Culture Mahalagang Kaisipan: Sa ating pakikipagtalastasan sa lipunan na ating kinabibilangan may mga angkop na gamit o tungkulin ang wika. Pagtuklas: Panoorin mo ito! Gawain 3.1: Panuto: Panoorin at suriin ang mapanood sa bidyo https://www.youtube.com/watch?v=tuJeWGPnzRE. Pamprosesong Tanong: 1. Ano/ano-ano ang iyong napansin sa napanood na bidyo? 2. Ano ang nais ipahiwatig nito? 17 KARANASAN Mahalagang Konsepto Wika ang kasangkapan sa iba’t ibang mensahe na nais mong iparating. Kung mag-uutos, magpaparamdam, magbibigay-opinyon o kaya’y maghahatid ng kaalaman ayon kay Halliday, may pitong (7) pangunahing tungkulin ang wika. (Halliday, w.p.) 1. Instrumental - ito ang tungkulin ng wika kasangkapan sa paghahatid ng mensahe. Ito ay tumugon sa pangangailangan. Halimbawa: Pasulat Pasalita liham pangangalakal pag-uutos na may pangangailangan 2. Regulatoryo - ang tungkulin ng wikang ito ay kumontrol ng kilos at asal. Nagpapakilos ang wika tungo sa pagtatamo ng layunin dahil sa kapangyarihan bunga ng awtoridad, impluwensiya, karisma at pwersa. Halimbawa: Pasulat Pasalita pagbibigay panuto, direksyon at paalala Resipe Mga batas Pag-aatas ng Memorandum Pagpapatupad ng kautusan 3. Interaksiyonal - ito ang tungkulin ng wika gamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano, pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba. Halimbawa: Pasulat Pasalita liham pang-kaibigan pormulasyong panlipunan: magandang umaga!, kumusta ka?, mabuhay!, atbp. 18 4. Personal - ito ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon nagpapahayag ng sariling saloobin. Ito ay hango sa pagbulalas ng damdamin gaya ng pagkagulat, pagkagalit, hinanakit, tuwa maging ang pagmumura at mga ekspresyong naibulalas nang biglaan. Halimbawa: Pasulat Pasalita editoryal pagtatapat ng damdamin pagsulat ng dyornal 5. Impormatibo - ito ang tungkulin ng wika gamit sa pagpapaliwanag upang magbigay ng makatotohanang datos o impormasyon. Halimbawa: Pasulat Pasalita pananaliksik-papel pag-uulat at pagtuturo 6. Heuristiko - ito ang tungkulin ng wika gamit sa pagtuklas ng impormasyon. Halimbawa: Pasulat Pasalita sarbey at pananaliksik pagtatanong at panayam 7. Imahinatibo - Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit upang manghikayat. Bunga nito, binubuhay ang emosyon o damdamin ng mambabasa habang pinatatakbo lamang sa gunita ang mga pangyayari, senaryo at sitwasyong inilalarawan upang maging estetiko ang bunga kaya madalas na nagagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan. Halimbawa: Pasulat Pasalita mga akdang pampanitikan balagtasan maikling kuwento dula-dulaan nobela Pena et al., (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Popular para sa Baitang 11. Jimczyville Publications. 19 Ginabayang Pagsasanay Gawain 3.2: Sagutin natin ito! Panuto: Bumuo ng sariling konsepto sa kung paano nagagamit sa pang-araw-araw na buhay ang mga tungkulin ng wika sa pamamagitan ng pagpuno ng ideya sa kahon sa ibaba. Tungkulin ng wika: Sariling Pagpapakahulugan: Indibiduwal na Pagsasanay Gawain 3.3: Panoorin mo ito! Panuto: Panoorin ang patalastas na ito https://www.youtube.com/watch?v=w9sXtUA_AXU. Magtala ng pahayag o sitwasyon mula sa napanood na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. Ipaliwanag kung paano ito naging tungkulin ng wika. Tungkulin ng Wika Pahayag o Sitwasyon Paliwanag Instrumental Regulatoryo Interaksyonal Personal Hueristiko Impormatibo Imahinatibo 20 REPLEKSIYON Panuto: Pagnilayang mabuti ang mga tanong sa ibaba. Ipaliwanag ang iyong sagot. 1. Sa iyong palagay, bakit may iba’t ibang tungkulin ang wika? 2. Batay sa mga gamit ng wikang ating natalakay, may mga pagkakataon o sitwasyon bang nagamit mo na ang mga gamit ng wikang ito? 3. Sa loob ng klase, papaano mo magagamit ang mga gamit ng wikang ito? AKSIYON Ang aplikasyon ng natutuhan sa aralin na ito ay gagawin pagkatapos ng sunod na aralin. EBALWASYON Gawain 3.4: Exit Card Panuto: Punan ng iyong tugon ang exit card sa ibaba. 21