Pagtataguyod Ng Wika Sa Mataas Na Antas (PDF)
Document Details
Ms. Bernal
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang presentasyon tungkol sa paksa ng kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Tinalakay dito kung paano ginagamit ang Filipino sa komunikasyon sa mga iba't ibang sitwasyon sa lipunan. Nabanggit din ang mga tungkulin ng wika, tulad ng interaksyonal, instrumental, at regulatori.
Full Transcript
Kontekstwalis adong Komunikasyon sa Filipino Talakayan ni: Ms. Bernal Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunika...
Kontekstwalis adong Komunikasyon sa Filipino Talakayan ni: Ms. Bernal Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino. 2 Ano ang WIKA? Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. KAHULUGAN NG WIKA Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. KAHULUGAN NG WIKA Interaksyonal – ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa. Instrumental – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. Regulatori – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. TUNGKULIN NG WIKA Personal – tungkulin ng wikang ginamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa talakayang pormal at impormal ay gamit na gamit ito. Imahinatibo – ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Hyuristik – ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. TUNGKULIN NG WIKA Umani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pang- edukasyon ng bansa lalo’t higit sa usapin ng noong pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang nagpahayag ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang pagtutol sa mga hakbangin na ito. ang pagbabagong bihis ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na international standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay magbubukas ng pinto sa mas maraming oportunidad para sa mga mag- aaral. Ang ideya ng labor mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo matapos ang labindalawang taon sa basic education. naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro. lamang ng tangkang pag-aalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap- usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino. ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA 15 Tanggol Wika – ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan), grupong nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul – at paglalatag ng mga susing argumento at mga dokumento kaugnay nito. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 2 Tanggol Wika Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 3 CHED Memorandum Order (CMO) No.20, Series of 2013 By DEE AYROSO Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 4 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Noong 2011 pa ay kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, bagamat wala pang inilalabas na opisyal na dokumento sa panahong iyon. Lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatatag ng Tanggol Wika, noong Oktubre 3, 2012 ay sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang petisyon nahumihiling sa CHED at DepEd na ipahinto ang implementasyon ng senior high school/ junior college at ng Revised General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng Kto12 na maaring makapagpalit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 5 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Ang batayan ng gayong pangamba sa posibleng pagpapalit o paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad ay ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong RGEC para sa antas tersyarya na nasa presentasyon ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali noong Agosto 29, 2012. Disyembre 7, 2012 “Isinulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino Bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas” – Prop. Ramilito Correa, noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika “ Kto12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012)”- isang asignaturang Filipino subject (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior high school. Opsyunal nalang ang asignaturang Filipino for Specific Purposes. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Hunyo 28, 2013 -inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purporsive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.” Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika CMO No. 04, Series of 1997- 6 hanggang 9 na yunit ng asignaturang Filipino Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013- opsyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo CMO No. 59, Series of 1996- mandatoring wikang panturo ang Filipino Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Marso 3, 2014- Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU) ay gumawa ang may-akda ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED Hunyo 2, 2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sila sa 2 komisyuner ng CHED na personal niyang kakilala. Kalahok sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Hunyo 16, 2014- muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Hunyo 21, 2014- nabuo ang alyansang Tanggol Wika. Si Dr. Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng Filipino ng DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools ang nakaisip ng pangalan. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Hunyo 16, 2014- muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Hunyo 21, 2014- nabuo ang alyansang Tanggol Wika. Si Dr. Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng Filipino ng DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools ang nakaisip ng pangalan. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna- unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan) Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon at sa mga batas gaya ng: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”) Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.” Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika Abril 21, 2015- Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) Masasabing PUP ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng Tanggol Wika, lalo na sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos-protesta, dahil na rin sa sigasig ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai. Mahalaga rin ang papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II, sa pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa mga asembliya at forum ng Tanggol Wika. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Mayo 31, 2013- pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang resolusyon ng humigit-kumulang 200 delegado sa isang pambansang kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) sa ilalim ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA”- resolusyon na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia. Pangunahing nilalaman nito ay ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Mayo 23, 2014- pinagtibay ng National Commission on Culture and the Arts- National Committee on Language and Translation/ NCCA- NCLT ang isang resolusyon na humihiling sa CHED at kongreso at senado ng republika ng Pilipinas na agarang magsagawa ng mga hakbang upang isama sa bagong GEC sa antas tersyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino. Hunyo 20, 2014- inilabas ng KWF ang “kapasiyahan ng kalupunan ng mga komisyoner blg. 14-26 serye ng 2014 na naglilinaw sa tindig ng KWF hinggil sa CHED Memorandum Blg. 20, s.2013.” Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Agosto 2014- inilathala ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila ang posisyong papel na pinamagatang “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Binigyang diin na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng isang pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Ang pagapalakas sa ugnayan ng pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.”- posisyong papel mula sa mga guro ng Ateneo de Manila ay nagbigay diin na ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait ng espasyo para sa iba pang wika ng bansa. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas- Diliman ay naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito. Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng Filipino sa komunikasyon panloob, bilang wikang “susi sa kaalaman ng bayan”. Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal-mga kaalamang patuloy na humuhubog sa bayan. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Inilathala ng iba’t ibang yunit at organisasyon sa PUP , Manila ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukadorng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” noong 2014 Naglabas din ng posisyong papel ang mga guro mula sa Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro, ang Philippine Normal University na nagpapahayag na isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang di magmamaliw na karunungan na papakinabangan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas Dr.Willfrodo V. Villacorta- “ Ang ating Wikang Pambansa ay isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa pagkakakilanlan. Ngunit higit sakaraniwang kulturang muhon, ang isang wika ng pambansang nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga etno-lingwistikal na grupo at uri ay magbibigay-daan sa pagkakaisa ng ating mamamayan”. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas Kung ibabatay sa dami ng gumagamit ng senso mula 1939 hanggang 1980 ay dumami ang nagsasalita ng Wikang Pambansa, mula 4,068,565 hanggang 12,019,193 o mula 25.4% hanggang 44.4% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. At ayon sa survey ng Ateneo de Manila University noong 1989 na: - 92% ang nakaiintidi ng Tagalog - 41% ang nakakaintindi ng - 83% ang nakakapagsalita Sebwano - 81% ang nakakapagsulat nito -51% ang nakaiintindi ng Ingles Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988 na naglalayong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno. Lalo ring pinagtibay ng administrasyong Aquino ang patakarang bilingguwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 53, serye ng 1987. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas Malaking tagumpay at pagsulong din ang kinamtan ng wikang Filipino sa Mass Media. Ginamit ang wikang Filipino sa mga programa sa telebisyon gaya ng mga balita at Filipino cartoons, kasama na rin ang mga programa sa radyong tagalog Ang mga isinilang sa unang bahagi ng dekada 80 hanggang sa simula ng dekada 90 ay may mas higit na kakayahang makipagtalastasan sa wikang Filipino. Lubos ding nagningning ang paggamit ng wikang Filipino sa dekadang ito mula ng naipasa ang Batas Republika Blg.7104. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Multimidya Dr. Napoleon Abueva ( Petras, 2012) - kumilala at nagpahalaga sa papel ng wikang Filipino sa paglikha at pagtuklas ng karunungan na kapaki-pakinabang sa mga komunidad ng Pilipinas. Unibesidad ng Pilipinas Diliman- institusyon may malaking ambag sa intelektwalisasyon ng Filipino. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Pagpapahalaga Pagtataguyod ng bawat Pilipino sa wikang Pambansa bilang wika ng komunikasyon laban sa mapangwasak na daluyong ng globalisayon mula sa bansang karamihan ay nasa kanluran. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6 Bumuo ng posisyong papel tungkol sa pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa paggamit ng wikang Filipino sa Mataas na Antas ng Edukasyong Tersyarya. Ano-ano ang pagpapahalagang iyong natutunan sa araling ito? 43