Full Transcript

 PAMAGAT NG KURSO: Komunikasyon sa Akademikong Filipino  DESKRIPSYON NG KURSO Ang kursong ito ay naglalayon na talakayin ang pangkalahatang konsepto ng wikang Filipino bilang Wikang Pambansa. Ipaliliwanag din dito ang kalikasan, istruktura, intelekwalisasyon, alfabeto at ortograpi...

 PAMAGAT NG KURSO: Komunikasyon sa Akademikong Filipino  DESKRIPSYON NG KURSO Ang kursong ito ay naglalayon na talakayin ang pangkalahatang konsepto ng wikang Filipino bilang Wikang Pambansa. Ipaliliwanag din dito ang kalikasan, istruktura, intelekwalisasyon, alfabeto at ortograpiya. Tatalakayin rin ang apat na makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat na sadyang pangangailangan ng bawat indibidwal upang maging mahusay lalo’t higit sa pakikipagtalastasan.  PAMAGAT NG KURSO: Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik  DESKRIPSYON NG KURSO Ang kursong ito ay magbibigay pokus sa akademikong pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa paggawa ng sariling pananaliksik. Sasaklawin din ng kurso ang makabuluhang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagbasa at pagsulat bilang paghahanda ng mga sulating pang-akademiko  PAMAGAT NG KURSO: Retorika  DESKRIPSYON NG KURSO Ang asignaturang ito ay ang pag-aaral ng mga prinsipyo at proseso ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Nakatuon ito sa malayang pag-aaral, malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at talino sa pagsulat at pasalitang pagpapahayag at pagbabahagi ng mga ito sa komunidad, bansa at daigdig. Wika Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin (Edward Sapir). Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason). Mga Katangian ng Wika 1. Ang wika ay isang sistema - konsistent at sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Hal. bisita maaga kasalan dumating hindi mahuli (Dumating nang maaga ang mga bisita upang hindi mahuli sa kasalan). 2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. - ang mga tunog ay nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita. Mga Katangian ng Wika 3. Ang wika ay arbitraryo - ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal, gramatikal na estruktura na ikinaiiba sa ibang wika. - ang nabuong mga salita at mga kahulugan ay pinagkasunduan ng mga taong kapangkat sa isang kultura. 4. Ang wika ay pinipili at isinasaayos - pinipili ang wikang ginagamit upang makapagbigay ng malinaw na mensahe. Mga Katangian ng Wika 5. Ang wika ay buhay - nagbabago ang kahulugan at gamit nito 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura - nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng kultura ng mga bansa. - nasasalamin ang kultura ng isang bansa gamit ang wika. Mga Katangian ng Wika 9. Ang wika ay nagbabago -dinamiko ang wika, nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. 10. Ang wika ay komunikasyon -ang tunay na wika ay sinasalita 11. Ang wika ay makapangyarihan -kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Mga Katangian ng Wika 12. Ang wika ay natatangi - may kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. - walang dalawang wika na magkatulad - bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan at palaugnayan 13. Ang wika ay naglalantad ng saloobin ng tao - naipapahayag ng tao ang kaniyang saloobin sa paraang pasulat man o pasalita Sikolohika ng Wikang Filipino  Kilala ang mga Pilipino sa pagiging magalang, pagpapahalaga sa kapwa lalo na sa mga nakakatanda. ( paggamit ng: po at opo, ate, kuya, tabi –tabi po)  Lutang na lutang na may sikolohiya ang wika nating mga Filipino sa mga oral na tradisyon at panitikan (bugtong, salawikain, alamat, epiko, awit) Sikolohika ng Wikang Filipino  Pagbibiro at pagmumura  kawalan ng katumbas ng pagsasalin ng mga terminong Filipino sa ibang wika tulad ng Ingles (halo-halo, adobo, pinakbet, Sinulog, Panagbe Sikolohika ng Wikang Filipino Sikolohika ng Wikang Filipino  Ang yupemismo sa lenggwahe ng mga Pinoy ay isang pag-aangkop sa mga sitwasyong kailangang iwasan. Halimbawa: mas tumaba ka “lalo ka yatang sumeseksi ngayon” “malusog ka ngayon” Barayti ng Wika Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian, at uri ng pangkat-etniko na ating kinabibilangan. Barayti ng Wika 1. Idyolek. Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita. Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro “Hoy Gising” – Ted Failon “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez “Di umano’y -” – Jessica Soho Barayti ng Wika 3. Sosyolek / Sosyalek. Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita. Halimbawa: Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo) Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)” Barayti ng Wika 2. Dayalek Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan. Halimbawa: Tagalog – “Mahal kita” Hiligaynon – “Langga ta gd ka” Bikolano – “Namumutan ta ka” Tagalog – “Hindi ko makaintindi” Cebuano – “Dili ko sabot” Barayti ng Wika 4. Etnolek. Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Taglay nito ang mga wikang nagging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal Kalipay – saya, tuwa, kasiya Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan Barayti ng Wika 5. Ekolek. Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakakatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. Mga halimbawa: Palikuran – banyo o kubeta Silid tulogan o pahingahan – kuwarto Pamingganan – lalagyan ng plato Papa – ama/tatay Mama – nanay/ina Barayti ng Wika 6. Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Halimbawa: Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo. Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta. Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan Barayti ng Wika 7. Register - Minsan sinusulat na “rejister” at ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga terminong may kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala tulad ng sumusunod na jargon: exhibit, suspect, appeal, court, justice complainant, atbp. Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng mga salitang lesson plan, curriculum, test, textbook, atbp. Ito naman ang mga jargon sa disiplinang Accountancy: account, debit, balance, credit, net income, gross income, atbp. Gamit ng Wika sa Lipunan 1: Gamit bilang Instrumental. Ang wika ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang makipag- ugnayan sa kapwa. Itinuturing itong instrumental dahil kaya nitong tugunan ang mga pangangailangan ng tao tulad ng mga sumusunod: Pagpapahayag ng damdamin Naghihikayat Direktang nag-uutos Pagtuturo/pagkatuto ng maraming kaalaman Gamit ng Wika sa Lipunan 2: Regulatoryo Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag uutos, nagbibigay – direksiyon sa atin bilang kasapi ng lahat ng institusyon. Tatlong klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa: Berbal – batas, kauutusan o tuntunin na binabanggit lamang ng pasalita ng pinuno. Nasusulat/biswal – batas, kautusan o tuntunin na nababasa, napapanood o nakikita na ipinapatupad ng nasa kapangyarihan. Di nasusulat na tradisyon – pasalin – saling bukambibig na batas, kautusan, tuntunun na sinusunod ng lahat. Gamit ng Wika sa Lipunan 3: Interaksiyonal Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon. Ito ay pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao. Bunga nito, umuunlad pa ang kakayahan at nadaragdagan ang ating kaalaman sa pakikipag-komunikasyon. Mga halimbawa ng interaksiyon sa cyberspace/internet Dalawahan E-mail Instant Grupo Group chat Forum Maramihan Sociosite Online store Gamit ng Wika sa Lipunan 5: Imahinatibo Ayon kay Halliday (1973), qng imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtiuklas at pag-aliw. Gamit ng Wika sa Imahinatibong Panitikan Pantasya Mito Alamat Kuwentong-bayan Siyensiyang Piksiyon Gamit ng Wika sa Lipunan 6. Heuristiko at Representibo Heuristiko ang bisa sa tanong at sagot, pag- iimbestiga at pag-eeksperimento ng tama at mali. Representibo kung nais ipaliwanag ang datos, impormasyon at kaalamang natutuhan. Gamit ng Wika sa Lipunan 7. Personal – Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang kinabibilangan. Halimbawa: Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong Pagiging bukas sa mga problema sa sarili. Apat na Makrong Kasanayan Ang makrong kasanayan ay isang napakahalagang salik na nakaaapekto sa ating araw-araw na gawain. Ito ay kalimitan nating ginagamit sa pag-aaral o pakikipagkomunikasyon na nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating wika. 1. Makrong-kasanayan sa Pakikinig Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig at pag-iisip. Ito ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon, kung at nagsisilbing daan upang makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng isang mag-aaral. Tinatayang mga 45% ng panahon ng isang tao ay inuukol sa pakikinig, ngunit hindi lahat ng naririnig ay dapat tanggapin, kailangang matutong magsuri ng mga bagay na naririnig. Ang isang mahusay na tagapakinig ay madaling umunawa ng mensahe kung kaya’t nagkakaroon siya ng pagkakataon na mag-isip at magdagdag pa ng mga bagong kaisipan mula sa kaniyang mga naririnig. 2. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita Ang pagsasalita ay isa sa makrong kasanayan na ang layunin ay pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan, paggamit ng wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.  Ang pagsasalita ang susi sa pakikipagtalastasan sa kapuwa. Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kaniyang saloobin at nakapagpapaliwanag sa pamamagitan ng salita. Nagiging kasangkapan din ito sa pagkakaunawaan, nakapanghihikayat ng saloobin at interes ng mag aaral. 3. Makrong Kasanayan sa Pagbasa Ang pagbasa ay maraming bentaheng ibinibigay sa mga mag- aaral. Ito ay instrumento upang makuha at makilala nang lubusan ang mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina. Mahalaga ang pagbasa sa buhay ng bawat mag-aaral sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan. Ito ay maituturing na susi at magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. 4. Makrong Kasanayan sa Pagsulat Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit sa pagsasalin ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998). Ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayan kung saan ang kaalaman o ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at mga simbolo. Ito ay nagbibigay dahilan upang maipahayag ng mga tao ang kanilang damdamin, saloobin at kaalamam sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan. Kawastuhang Panggramatika at Panretorika  Retorika – ang paggamit ng wika sa epektibong paraan sa layuning makapanghikayat sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag Balarila o grammar sa Ingles – pag-aaral , pagsusuri, at pagpili ng mga akmang salitang magagamit sa pagpapahayag. Kaugnay rin dito ang ugnayan ng mga salita sa pangungusap. Upang makamit ang epektibong pagpapahayag, mahalagang magka-agapay ang retorika at balarila. Mga Bahagi ng Pananalita I. Mga Salitang Pangnilalaman (content words) 1. pangngalan 2. panghalip 3. pandiwa 4. pang-uri 5. pang-abay II. Mga Salitang Pangkayarian ( function words) A. Mga Pang-ugnay 1. pangatnig 2. pang-angkop 3. pang-ukol B. Mga Pananda 1. pantukoy 2. pangawil/pangawing (ay) Mga Bahagi ng Pananalita 1. Pangngalan – Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, o pangyayari. Halimbawa: Arturo, Adidas, Silay City, bata, Pasko, gusali 2. Panghalip – Ito ay bahagi ng pananalita na pamalit o panghalili sa pangngalan o kapuwa panghalip upang mabawasan ang paulit- ulit na pagbanggit nito. Halimbawa: ako, ito, siya, ayan, sila, ayon, tayo, kami 3. Pandiwa – Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Halimbawa: sayaw, lakad, takbo, laba 4. Pangatnig – Ito ay mga salita, lipon ng mga salita o kataga na ginagamit sa pag-ugnay ng isang salita sa kapuwa salita, ng isang parirala sa kapuwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapuwa pangungusap. Halimbawa: ngunit, kung, kasi, subalit, o, para Mga Bahagi ng Pananalita 5. Pang-ukol – Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay sa pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak, o layon. Halimbawa: ukol sa/kay, ng, laban sa/kay, para sa/kay 6. Pang – angkop – Ito ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ito upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang-turing nito. Halimbawa: na, ng, at g 7. Pang-uri – Ito ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa isang pangngalan, o panghalip, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular. Halimbawa: maganda, mahaba, hugis puso, berde 8. Pang-abay – Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapuwa pang-abay. Halimbawa: taimtim, bukas, sa paaralan, kaunti Ang mga mag-aaral ng programang ETEEAP sa Arellano University ay masigasig sa kanilang pag-aaral. Sila ay pumapasok nang maaga sa kanilang mga klase at aktibong nakikilahok sa talakayan. Wastong Pili at gamit ng mga Salita 1. nang Nang umalis ang bagyo, natuwa ang maraming magsasaka. Nataranta ang lahat nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. 2. ng Binigyan ng pagsusulit ang mga mag-aaral. Pupunta ng simbahan ang mag-anak. Wastong Pili at gamit ng mga Salita 3. din, daw, dito, diyan, doon – ginagamit ang mga ito kpag ang sinundang salita ay nagtapos sa mga katinig maliban sa mga malapatining na w at y. pupuntahan din darating diyan aalis daw bumagsak doon 4. rin, raw , rito, riyan, ,roon – ginagamit ang mga ito kapag ang sinundang salita ay nagtapos sa mga patinig at mga malapatinig na w a y. Ayaw rin niyang sumama. Ang aming bahay ay ipinagbibili na raw. Pupuntahan niya roon ang kaniyang kapatid. Wastong Pili at Gamit ng mga Salita 5. pahirin (nangangahulugang alisin to wipe off) Pahirin mo ang pawis sa iyong noo. Iyong pahirin ang luha sa mga mata ng iyong magulang. 6. pahiran (nangngahulugang lagyan o to apply something) Mabilis na pahiran ng palaman ang mga tinapay. Pahiran mo siya ng langis at hilutin. 7. walisan (lugar na lilinisin) walisin (bagay na aalisin) Aking wawalisan ang kusina mamaya. Walisin mo ang papel na nakakalat sa sahig. Paggamit ng mga Rhetorical Devices o Transisyonal na Pananalita Mapapaunlad pa ang masining na pagpapahayag sa paggamit ng mga transisyonal na pananalita. 1. Salawikain Kung tubig ay magalaw, asahan mong ang ilog ay mababaw. 2. Kasabihan Sa taong nakakaunawa, sapat na ang isang salita. 3. Sawikain o Idyoma nagsusunog ng kilay – nag-aaral nang mabuti matamis ang dila – mahusay magsalita nagbibilang ng poste – walang trabaho halang ang bituka – masamang tao Paggamit ng mga Rhetorical Devices o Transisyonal na Pananalita 4. Tayutay – mga matatalinhagnag pahayag na taliwas sa karaniwang paggamit ng salita a. Simili - paghahambing ng dalawang bagay Ang pag-awit niya ay parang huni ng ibon sa kagubatan. b. Metapora – tiyakang paghahambing Isang malaking teatro ang mundo ng mga tao. c. Personipikasyon – pagsasatao Ngumanganga na ang aking sapatos. d. Pagmamalabis – pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan ng isang tao, bagay o pangyayari. Kahapon ay bumaha ng dolyar dahil sa pagdating ng kapit-bahay naming balik-bayan. Ano ang Pananaliksik? P – Pormal na pagsulat A – akma sa panahon N – Nagagamitan ng hypotesis A - Angkop na metodo o pamamaraan N – Nagpapalawak ng kaalaman A – Anti-plagiarism L – Laging mangalap ng datos I – Interpretasyon ay obhektibo K – Kuwalitatibo o kuwantitatibo S – Solusyon sa suliranin I – Ideyal ang mga abot-kamay na mga impormasyon K – 3K (Kasanayan, Kontrolado, at Katapangan Layunin at Kahalagahan ng Pananaliksik 1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hingil sa mga batid pang penomina. 2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon. 3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto. 4. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. 5. Mapalawak at mapatunayan ang mga umiiral na kaalaman. 6. Makadiskubre ng mga bagong kalaman. Ang Kahalagahan ng Pananaliksik 1. Kahalagahang Pang-akademiko 2. Kahalagahang Pampropesyonal 3. Kahalagahang Pansarili 4. Kahalagahang Pambansa 5. Kahalagahang Pangkaisipan 6. Kahalagahang Pangkatauhan Bahagi ng Pananaliksik Kabanata I - Suliranin a. Panimula b. Saligan katwiran ng pag-aaral o rasyunale c. Layunin d. Paglalahad ng mga Suliranin e. Kahalagahan ng Pananaliksik g. Paunang Paghusga h. Saklaw at Limistasyon i. Talasalitaan Bahagi ng Pananaliksik Kabanata II – Kaugnay na Pag-aaral at Literatura a. Lokal na Literatura b. Dayuhan Literatura c. Paghahambing ng Literatura Kabanata III – Metodolohiya at Pamamaraan a. Disenyo at metodo b. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik c. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos d. Pamamaraan na gagamitin sa Pangangalap ng Datos Bahagi ng Pananaliksik Kabanata IV – Pagsusuri at Pagbibigay ng Interpretasyon a. Pagsusuri ng mga katanungan batay sa mga nakalap na datos b. Paggamit ng grap sa pagbibigay ng interpretasyon Kabanata V – Kinalabasan, Kongklusyon at Rekomendasyon a. Paglalagom ng mga nakalap na datos b. Kongklusyon c. Rekomendasyon Maraming Salamat! Gawain 1. Magsaliksik, magbasa, makinig ng mga isyung panlipunan na may kinalaman sa larangan (uri ng hanap-buhay) na iyong kinabibilangan. 2. Sumulat ng isang talumpati (minimum of 200 words) na tumatalakay sa isyung iyong napili,ang iyong sariling opinyon, ang kaugnayan at epekto nito sa iyong hanap-buhay, at ang naiisip mong paraan upang mabigyang sulosyon ang suliraning ito. 3. Matapos gawin ang talumpati, kuhanan ng video-record ang sarili habang binibigkas ang talumpati na iyong ginawa. Maging masining sa pagpapahayag at tiyaking wasto ang paggamit ng mga salita upang epektibong maisakatuparan ang layunin.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser