Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
Document Details
Uploaded by TruthfulDiscernment
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga hakbang na ginawa upang mapalawak pa ang wikang Filipino. Binabanggit din nito ang pagtatag ng Tanggol Wika at iba't ibang mga isyu at debate tungkol sa pagpapayabong ng Filipino.
Full Transcript
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Ang mga hakbang na ito ang naging sanhi ng pagtatag ng Tanggol Wika, isang samahan na binubuo ng mga eksperto sa wika, guro, mag-aaral, at iba pang taga-suporta ng wika upang itaguyod ang tulo...
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Ang mga hakbang na ito ang naging sanhi ng pagtatag ng Tanggol Wika, isang samahan na binubuo ng mga eksperto sa wika, guro, mag-aaral, at iba pang taga-suporta ng wika upang itaguyod ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng wika. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na International Standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay mabubukas ng pinto sa mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo matapos ang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN Integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro. Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging hamon. Tulad na lamang ng tangkang pag aalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. Maraming tulad ng Tanggol Wikaang nagpahayag ng ng kanikanilang saloobin sa pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Agosto 2014 nang naghayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa Edukasyon. Sa pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.” Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga ninuno. Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sailalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “Susi ng Kaalamang Bayan”. Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pag unlad. Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. moóg / muóg: tao, simulain, o institusyon na nagiging simbolo ng pagkakaisa at pagtatanggol Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.” Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang pagkatao ng bawat indibidwal. Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan. Kasabay ng mga pagbabagong dulot ng internasyonalisasyon at globalisasyon ay tila paglamlam din ng pagunawa at pagluwag ng yakap ng mga Pilipino sa sariling wika. Isa sa mga karaniwang mukha ng pang araw - araw na gawain ang mga pinaiksing salita sa chat at text at ang mga pinahalong wika sa isang pangungusap. Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan bagkus ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyangsaligang-batas na “Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod ang pagbuo ng mga hakbangin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim na pamamaraan sapamayanan man o paaralan. Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.” Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula dito ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino. Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto. Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang artikulong “12 Reasons to Save the National Language”. Tamang tama ang pagkakagawa ng atikulong ito dahil sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng asignaturang Filipino at Panitikansa kurikulum ng kolehiyo. Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod niyang binigyang diin ay ideya ng epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina. Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at performance standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na sa darating na panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang aklatang tigib sa mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng balikbayan at bisita ay sinasalubong sa airport ng mga karatula sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sam Pilipinas. Maligayang pagdating sa Pilipinas! Mabuhay Philippines! May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng produkto. Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa mga wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas kahit hindi sila nakaharap sa telebisyon para maintindihan ng bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari ang mga bagay na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika ng komunikasyon ay nasa na antas na o higit pa.