SITWASYONG PANGWIKA - ARALIN 1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang aralin tungkol sa paggamit ng Wikang Filipino sa iba't ibang larangan tulad ng telebisyon, radyo, pelikula, social media, at edukasyon. Binibigyang-diin nito ang papel ng Wikang Filipino sa komunikasyon at kultura ng Pilipinas.
Full Transcript
SITWASYONG PANGWIKA ARALIN 1 NASAAN NA ANG WIKANG FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN SA KASALUKUYAN? SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot n...
SITWASYONG PANGWIKA ARALIN 1 NASAAN NA ANG WIKANG FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN SA KASALUKUYAN? SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon. Ang pagdami ng teleserye o telenobela kasama na rin ang mga noontime show ay may malaking ambag sa pagkatuto ng mga Pilipino ng Wikang Filipino. (pag-unawa, pagsasalita at pagsusulat) SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap. Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA AT VIDEO SHARING SA SOCIAL MEDIA PLATFORM Ang pandemya ay nagresulta sa limitadong galaw ng mga tao sa mundo, namayagpag ang mga streaming services tulad ng Netflix, prime video. Iflix at iba pa. Banyagang Pelikula ang pinakamarami sa ganitong plataporma, ngunit hindi maikakaila na hindi nawawala ang seryeng Filipino sa TOP 10 shows sa Pilipinas Ang tamlay na pagtanggap sa MMFF noong 2021 Mga dahilan sa kung bakit hindi ito tinangkilik ayon kay Joey Javier Reyes: 1. Mahal na Ticket 2. Kumain at Pumasyal na lang 3. Takot sa pagpunta sa sinehan 4. Ang pasko ay pamilya higit lalo sa bata 5. Pagkahumaling sa Streaming services 6. Iba na ang nakagawian (ACCEPT, ADJUST, ADVANCE. OK, next move) SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA AT VIDEO SHARING SA SOCIAL MEDIA PLATFORM Mainit na pagtanggap ng mga Filipino content creator at influencer sa Youtube at Tiktok. Wikang Filipino o Taglish ang karaniwang gamit sa ganitong uri ng sistema Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit. Ang pangunahing layunin gumamit ng wikang naiintindihang ng nakakrami upang makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng propesyonalismo kung kaya’t hamon din sa mga content creator, influencer, producer, publisher, at manunulat na gamitin ang Wikang Filipino sa mas mataas na antas. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR FLIPTOP PICK-UP LINES HUGOT LINES FLIP TOP Pagtatalong Oral Balagtasan sa makabagong panahaon Walang malinaw na paksa Walang iskrip at ‘di pormal na pananalita Popular sa mga kabataan na nagreresulta sa mataas na views sa youtube Wikang Filipino ang karaniwang gamit na wika (Filipino Conference Battle) PICK-UP LINES Makabagong bugtong? Madalas pag-ibig ang paksa Nagsimula sa mga lalaking manliligaw Nakakatuwa, nagpapangit, nakakakilig, cheesy at corny Napag-uusapan at kadalasang nakikita sa socmed Wikang Filipino ang gamit ngunit mayroon ding Ingles Mabilis na pag-iisip ang isa sa mga kasanayang kinakailangan. Matapos masagot ang tanong susundan ito ng BOOM! Bubble gang at sa aklat ni dating senador Miriam Defensor-Santiago (best seller) HUGOT LINES Love line o love qoutes Karaniwang nagmula sa linya ng mga artista sa pelikula o telebisyon Kadalasan may mga nabubuo tayong hugot lines depende sa ating nararamdaman o pinagdadaanan Filipino at Taglish ang karaniwang Wika nito SUBUKIN NATIN! "Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa 'tin—'yung hindi tayo sasaktan at paaasahin... 'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin." —John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007) "She loved me at my worst.You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat... And you chose to break my heart." —John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007) "Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?" — Claudine Baretto bilang Jenny, Milan (2004) "Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!" —Carmi Martin bilang Babygirl Dela Costa, No Other Woman 2011) "Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!" —Carmi Martin bilang Babygirl Dela Costa, No Other Woman 2011) "Wala naman pala 'yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na n'ya mahal, hindi ka na n'ya mahal." —Angelica Panganiban bilang Mace, That Thing Called Tadhana. "Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. 7 words.Yung 8 years namin nagawa niyang tapusin in 7 words." —Angelica Panganiban bilang Mace, That Thing Called Tadhana "Pa-order naman ng kape, kailangan kong kabahan." —Maja Salvador bilang Carson Herrera, I'm Drunk, I Love You "Kapag namatay na ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko." —Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever PAANO NAPAUNLAD NG KULTURANG POPULAR ANG WIKA? SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, CHAT, AT DIRECT MESSAGE Ang pagpapadala ng sms (short messaging system), larawan, audio clip, at marami pang iba ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa. Paglago nito sa panahon ng pandemya at mas naging popular kaysa sa pagtawag sa telepono o cell phone May kakayahang baguhin o i-edit ang nais sabihan o mga pahayag na nais ihatid Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadalaat natatangap ng ating bansa kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”. Madalas ang paggamit ng code switching at mga pinaiikling baybay ng mga salita. Walang sinusunod na tuntunin o rule MGA HALIMBAWA Ang okay ay nagiging ok o k na lang. Ang dito ay nagiging d2. Pinaghahalo ang Ingles at Filipino at saka dinadaglat para masabing "d2 na me. Wer r u na?" mula sa mahabang "Nandito na ako. Where are you na?" Madalas ding tinatanggal ang mga patinig para mapaikli ang salita tulad ng puwede na nagiging pwd; saan ka na ba? na nagiging sn k n b?. Sa mga salitang Ingles naman ay ginagamit na lang ang titik at numerong katunog ng salita. Ang are na nagiging r; you nagiging u; see na nagiging c; be na nagiging b; the na nagiging d; to na nagiging 2; for na nagiging 4. Kayâ naman, ang "Are you going to see me today?" na binubuo ng 23 titik ay nagiging "ru goin 2 c me 2day?" na binubuo na lang ng labing-apat na titik. PAGGAMIT NG DAGLAT SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Karamihan at karaniwan sa mga kabataan ang paggamit ng social media tulad ng facebook, twitter, Instagram, Tiktok, at iba pa. Pagpapadali ng komunikasyon sa mga mahal sa buhay at mga kaibigan lalo na ang mga malalayo. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen. Karaniwang may code switching, pagpapaikli ng mga salita at paggamit ng mga daglat Mas dapat na pag-isipan ang mga salitang binabtawan sa socmed dahil ‘di tulad ng DM mas marami ang pwedeng makabasa nito. Wikang Filipino ang ginagamit ngunit mas Malaki pa rin ang bahagdan sa paggamit ng Wikang Ingles sa Internet Mas marami ang babasahin na nasa wikang ingles BOON? BANE? SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Wikang Ingles ang namumutawing wika higit lalo sa mga BPO Mga dokumento ng kompanya (memo, kontrata, kautasan at iba pa.) Website, Broadsheet, Press release Sa masang pamilihan tulad online selling (live seller), production linr, restoran, pamilihan at palengke ay iba’t ibang barayti ng Wikang Filipino ang ginagamit. Komersyal at patalastas sa telebisyon at radio na umaakit sa mga mamimili na bilhin ang produkto at tangkilikin Mas malawak ang mararating kung wikang nauunawaan ng karamihan ang gagamitin SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Atas tagapagpaganap blg. 335, serye ng 1988 "nag-aatas sa lanat ngmya kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.“ Malaking kontribusyon sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatiba sa paggamit ng wika. Ang SONA ng dating pangulong Benigno Aquino III ay gumamit ng Wikang Filipino Makabubuti ito para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito rin ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang ito. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin naiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino. SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON K to 12 Basic Education Curriculum Sa mababang paaralan (k-3) unang wika o mother tongue ang gamit na wika ng pagtuturo at bilang asignatura. Bilingguwal ang wikang panturo sa mataas na paaralan May mga guro pa rin na hindi lubos na nauunawaan ang ganitong uri ng kalakalan ngunit may kahalagahan ang paggamit ng unang wika dahil umuunlad ito kasabay ng wikang ingles. Sa pamamagitan nito mas madaling maintindihan ng mga mag-aaral at mapahalagahan ang mga paksang kanilang pinag-aaralan. REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA IBA’T IBANG SITWASYON SOSYOLEK (JARGON) Ang Jargon ay baryasyon o barayti ng wika na tinatawag din bilang natatanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat na gawain o propesyon