Summary

Ang modyul na ito ay isang aralin sa FILKOM 1100, na may temang pag-aaral ng mga halaga at tungkulin ng wikang Filipino sa akademikong kapaligiran. Tinalakay dito ang adbokasiya, presentasyon at pagpapahalaga sa wikang pambansa.

Full Transcript

Modyul sa Kursong FILKOM 1100-KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Modyul 2. Aralin 1 HALAGAHAN AT GAMPANIN NG WIKANG PAMBANSA SA KOLEHIYO AT LAGPAS PA...

Modyul sa Kursong FILKOM 1100-KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Modyul 2. Aralin 1 HALAGAHAN AT GAMPANIN NG WIKANG PAMBANSA SA KOLEHIYO AT LAGPAS PA O N PI LI I. MGA TUNGUHIN FI Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay : G 1. Naipaliliwanag ang adbokasiya ng mga tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng N wika kaugnay ng papel ng Filipino bilang epektibong wika ng komunidad sa loob at labas ng bansa; TO 2. Nakabubuo ng mga presentasyong multi-modal hinggil sa pagmamahal sa wikang pambansa sa paraang mapanghikayat, malikhain at kaakit-akit; at 3. Napatitibay ang unawa at pagpapahalaga sa gampanin ng wikang pambansa. EN II. PAGTALAKAY SA ARALIN M Panimula A RT Ano sa Filipino ang “The square root of 4 is 2”? Paano ito sinagot sa binasa mong talakay ni Dr. Antonio Contreras? Ano ang opinyon mo rito? Ipaliwanag mo nga. A EP Pagtalakay D Ang pagbabago ng kurikulum ng sistemang pang-edukasyon sa bansa na nagsilang sa pagdaragdag ng dalawang taon sa hayskul ay nagdulot ng iba’t ibang pangyayari na maituturing na negatibo at derogatoryo sa wikang pambansa. Bago pa man ito naganap ay naging laman nang mga usapan at balitaktakan ang pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo at nagkatotoo nga ito. Tahasang tinanggal ang asignaturang Filipino nang walang pagsasaalang-alang sa ibubunga nito. Itinakda sa FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino CHED Memorandum Blg.20, serye 2013 ang mga pangunahing kurso sa bagong kurikulum sa kolehiyo at doon ay wala na nga ang Filipino at Panitikan. Isang masaklap na katotohanan na magpahanggang ngayon ay humahanap pa rin ito ng puwang sa sariling bayan. Sa mga nakaraang panahon ay inakala ng mga tagapagtaguyod ng Filipino na malapit na nitong maabot ang luklukan nito sa kabila ng pagtutol dito ng iilan. Ngunit masahol pa sa pagtutol ang nangyari sapagkat lantaran itong dinusta at tinalikuran pa nga. O Sa mga pangyayaring ito ay hindi natinag ang mga makawika – ang mga maka-Filipino. Sa pagkakataong higit na nararapat na mahigpit na panghawakan ng N bawat mamamayang Pilipino ang pagkilala at pagpapahalaga sa sariling wika. Isang PI pambansang wika na maglalapit at mag-uugnay sa mga Pilipino. Isang pambansang wikang magiging daluyan ng kanilang mga hinaing at mga pangarap. Isang LI pambansang wikang mag-iingat sa kalinangan ng bayan. Isang pambansang aydentidad ng bansa at mga mamamayan. Isang pambansang wikang titindig saan mang dako ng FI daigdig para sa Pilipino. At isinilang ang Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang G Filipino, isang organisasyong kinabibilangan ng mga guro, propesor at iba pang N nagmamalasakit sa Filipino. Layunin nitong ipanawagan at ipakipaglaban ang pananatili ng mga asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Kaya naman ang mga kolehiyo at TO unibersidad sa buong kapuluan na naniniwala at sumusuporta sa adbokasiya ng Tanggol Wika ay naglabas ng kani-kanilang posisyong papel na naglalatag ng kanilang matibay at matatag na paninindigan sa usapin. EN Narito ang haylayt ng nilalaman ng mga siniping piling posisyong papel ng mga nakiisang pangunahing unibersidad at organisasyon sa bansa (Angeles,2019): M A RT A. Central Luzon State University (CLSU) A Pamagat: Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino ng CLSU sa Pag-aalis sa Filipino Bilang Asignatura Bunga ng CMO 20,s.2013 gayundin ang Paggamit ng Filipino EP Bilang Wikang Panturo. Petsa ng Pagpapatibay: Hunyo 24,2014 D Pangunahing Argumento: “Dapat na panatilihin kundi ma’y magkaroon ng tatlong bagong asignaturang Filipino sa kolehiyo na ang tuon ay nasa kultura pa rin upang makaalinsabay sa rasyunal ng CHED Memo 20,s.2013. Ito’y hindi lamang sa usapin na maraming guro ng/sa Filipino ang mawawalan ng kabuhayan kundi sa mas malalim pang kadahilanan.” FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 1. Nakatadhana sa Artikulo 14, seksyon 6-9 ng Konstitusyon ng 1987 ang ganito: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” O N 2. “Ang lahat ng asignaturang may kaugnayan sa kultura ay ituturo sa Filipino samantalang sa Ingles naman ang agham, teknolohiya at matematika ( Kautusang PI Pangkagawaran Blg.25, s.1974 at Kautusang Pangkagawaran Blg.52, s.1987 ) LI 3. Ang pagpapalakas ng Filipino sa antas tersyarya ay magsisilbing paghahanda natin sa FI panahon ng ASEAN Integration. Kung ang Pilipinong nag-aaral sa ibang bansa ay obligadong mag-aral ng wika ng bansang kanyang pinuntahan ay dapat na maging ganoon din ang maging sitwasyon at senaryo sa kanilang pagpunta sa Pilipinas. Dito G natin dapat na higit na palakasin ang wikang Filipino at ang kulturang Pilipino upang N maibandila natin sa mundo. TO B. Departamento ng Filipino ng Dela Salle University-Manila (DLSU-MANILA) EN Pamagat: Pagtatanggol sa Wikang Filipino,Tungkulin ng bawat Lasalyano M Petsa ng Pagpapatibay : Agosto 2014 Pangunahing Argumento : A RT 1. “Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang A Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran…” EP 2. “Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang D ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan…” 3. “Ang adbokasiyang ito ay pagsasalba sa kolektibong identidad,sasalamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa,at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon nahuhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.” FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino C. Ateneo de Manila University (AdMU) Pamagat : Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Umuugat sa CHED Memo No.20,s.2013 Pangunahing Argumento: 1. “Ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait din ng espasyo para sa iba O pang wika sa bansa. N 2.”Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang PI panrehiyon. LI D. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas,Unibersidad ng FI Pilipinas-Diliman (DFPP,UP-D) G Pangunahing Argumento: 1.” Nasa sariling wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang N patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.Sariling wika ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa TO akademya. 2. “Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ang sanayin ang mga EN mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. M E. Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) A Pangunahing Argumento: RT “Isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunungan na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa A pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng bawat EP mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay D ang mga araling hindi lang nagtatapos sa apat na sulok ng paaralan.”. FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino F. Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) Pangunahing Argumento : “Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino. Kaya kung ihihiwalay sa mga O mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang N Filipino,tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo,iyon ang identidad mo.”. PI LI G. Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) FI Tuon: Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Asignatura sa Antas Tersyarya Petsa ng Pagpapatibay: Mayo 31,2013 G Tagapamuno: Dr.Aurora C. Batnag N May-akda: Dr.Lakandupil C. Garcia TO Pangunahing Argumento: “Sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, EN pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya”. Ilan pang mahahalagang argumento ng PSLLF: M 1. Mga argumentong maka-Filipino sa konteksto ng globalisasyon. 2. Ugnayan ng wikang pambansa at ng holistikong paghubog sa mga A mamamayang Pilipino. RT 3. Historikal na paninindigan para sa bilinggwalismong pabor sa wikang pambansa A H. National Commission on Culture and the Arts on Language and EP Translation (NCCA-NCLT) D Tuon : Paghiling sa CHED, Kongreso at Senado ng Pilipinas na agarang magsagawa ng mga hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa antas tersyarya ang mandatory na 9 na yunit ng Filipino. Petsa ng Pagpapatibay: Mayo 23,2014 FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Pangunahing Argumento: 1. “ puspusan lamang masusunod ang Konstitusyon ng 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino. 2. “puspusang imungkahi sa CHED na gawing kautusan ang pagtuturo sa Filipino O ng tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng edukasyong heneral sa N kolehiyo. PI I. Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) LI Tuon: Kapasyahan ng Kalipunan ng mga Komisyoner Blg.14-26 serye ng 2014 FI Petsa ng Pagpapatbay: Hunyo 20,2014 Pangunahing Argumento : “Pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabdyek na Filipino sa antas tersyarya kundi naglalayong G magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na pagkilala sa Filipino N bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektwalisasyon ng Filipino. TO Hindi huminto sa pagbuo lamang ng mga posisyong papel ang Tanggol Wika at mga tagapagtaguyod nito. Sa pangunguna ng Pambansang Alagad ng Sining sa EN katauhan ni Dr. Bienvenido Lumbera at Representante Antonio Tinio kasama ang iba pa ay nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte Suprema. Kasunod nito ay ang M paglabas ng Temporary Restraining Order (TRO). Subalit noong Mayo 2019 ay kinatigan ng Kataas-taasang Hukuman ang CHED. A RT Sa kasalukuyan ay nakahain ang House Bill 223 ng ACT Partylist Representative na si France Castro para sa mandatoryong siyam (9) na yunit ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Kinakatigan naman ito ng ilang mga kongresista at mga senador na A nagpahayag ng kanilang suporta rito. Pinaniniwalaang isa itong malaking hakbang sa EP pagbabaklas sa diwa ng kolonyalisasyon at pagpapatibay sa sariling kaakuhan ng bawat mamamayang Pilipino. D III. PAGPAPATIBAY Bilang mga kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan ay marapat lamang na mahubog ang inyong kamalayang pambansa at pagmamahal sa bayan. Bahagi nito ang FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino pagkilala at paglinang sa sariling wika at kultura. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga talakay sa klase, mga dokumentaryong pinanood at sinuri gayundin ng mga artikulong binasa ay naikintal sa inyong puso at diwa ang kahalagahan ng sariling wika at kultura. Subalit hindi lamang kayo ang dapat na magkaroon ng kaalaman at kamalayan hinggil dito. Mahalagang maibahagi rin naman ito sa higit na maraming bilang ng tao. Sa pamamagitan ng inyong mga tinig ay inyong maititindig ang dangal ng kultura O at wikang Filipino na pilit na niyuyurakan ng mga Pilipinong ang puso at isip ay pinipinid N sa/ng makadayuhang pag-iisip. PI Buhat sa paksang tinalakay ay bubuo ka ng isang Public Service Announcement kaugnay ng pagpapahalaga at kahalagahan ng wikang Filipino. Unawain at sundin ang LI ibibigay na pamantayan ng iyong guro sa pagbuo nito gayundin ang rubriks sa pagmamarka nito. FI IV. PAGTATAYA G N Upang matiyak na ganap mong nauunawaan ang paksang tinalakay, sikapin mong ipaliwanag nang maikli ngunit komprehensibo ang gawaing pasulat na TO ipagkakaloob ng iyong guro. Antabayanan ito sa inyong Google Classroom. EN V. TAKDANG ARALIN M Sipiin sa internet ang awit na “ Speak in English Zone” ni J.C. Malabanan at ang artikulong”Language, Learning,Identity, Privilege” ni James Soriano. Paglimian ang mga A ito at itala ang mahahalagang kaisipang nakuha mo rito. Gagamitin itong lunsaran sa RT inyong gawaing pangklase kaya inaasahang gagawin mo ito. A VI. MGA SANGGUNIAN EP Angeles, C. I. (2020). Instruksyong modyular sa kursong FILKOM 1100- D kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino: Central Luzon State University Angeles,C.I.,Tuazon,M.Q.T., Fabrigas,N.P.F., Agaton,F.L., Rosales,G.B., Angeles,W.B., Soriano,L.A. (2017). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino. Panday-lahi Publishing House, Inc. FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Bernales, R. A., Angeles, C. I., Cabrera, H. I., De Vera, N. D., Gabuyo, A. P., Gonzales, A. L. M., Ledesma, G. M., Pura, A. V., Tacorda, A. L., Tuazon, M. Q. T., Villanueva, J. M. (2013). Akademikong filipino para sa kompetetibong pilipino. Mutya Publishing House, Inc. Irabagon, C. C., Babasoro, R. B., Bulaong, J. C., Dollete, R. D., Gonzales, C. C., Quijano, M. L. R., Salvador, J. S., Tuazon, M. Q. T. (2003). Sining ng komunikasyon. Mutya O Publishing House, Inc. N San Juan, D. M., Quijano, M. L. R., De Vera, M. R., Perez, S. D., Adigue, A. P., Villanueva, PI J. M., Bimuyac, M. B. (2018). Bahaginan. Kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino. Mutya Publishing House, Inc. LI FI G N TO EN M A RT A EP D

Use Quizgecko on...
Browser
Browser