YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA (PDF)
Document Details
Uploaded by SelfSufficientNeptunium
Ghazni University
Tags
Summary
Ang papel na ito ay naglalahad ng kasaysayan ng adbokasiya ng Tanggol Wika para sa wikang Filipino sa kolehiyo at mataas na edukasyon. Tinalakay rin ang mga hakbang at kilos-protesta para sa pangangalaga at pagsuporta sa Filipino. May mga pinangalanang taong nakilahok sa pag-aaksyon at ang mga taong bumuo ng posisyon.
Full Transcript
YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA NG TANGGOL WIKA 2011- kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugany ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo Oktubre 3, 2012- sinimulan ng mga instruktor ng Filipin...
YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA NG TANGGOL WIKA 2011- kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugany ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo Oktubre 3, 2012- sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng senior high school/junior college at ng Revised General Education Curriculum (RGEC)sa ilalim ng Kto12 na maaaring makapgpaliit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad. Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo, binanggit ng ilang administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y pagsamahan sa ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano, inilabas noong Disyembre 7, 2012 ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino. Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas. Ang mayakda ng papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa DSLU. Hunyo 28, 2013- inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng K to 12: Ang mga ito ay ang: - Understanding the self - Art Appreciation - Readings in Philippine History - Science, Technology and Society\ - The Contemporary World - Ethics - Mathematics in the Modern World - Purposive Communication Ang dating balita ay kumpirmado na walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng Kto12, kumpara sa anim hanggang siyam na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y tatlo hanggang anim na yunit ng Panitikan. Sa Seksiyon 3 ng CMO No 20, Series of 2013 ay naging opsiyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014 na ng magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan. Noong Hunyo 2, 2014 sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sila sa 2 komisyuner ng CHED na personal na kakilala. Kalahok sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD UST at MC at Marinduque State University. Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Simula lamang iyon ng napakarami pang pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa diyalogo sa mga opisyal ng CHED na noo’y hindi pa kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Naktulong nang Malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggil sa isyung ito, gaya ng ulat ni Mark Angeles(2014) at Amanda Fernandez(2014) para sa GMA News Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation, ni Jee Geronimo(2014) sa Rappler.com at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com, na sinundan pa ng mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Malaking tulong din ang mga dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng “Sulong Wikang Filipino”(panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino Para Kanino?” na kapwa iniupload sa YouTube noong Agosto 2014, gayundin ang “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Madaling Pag-unlad ng Wikang Pambansa” na inilabas noong Setyembre 2016. Mula 2014 hanggang sa kasalukuyan sunud-sunod ang mga forum at asembliya, diyalogo at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED. Noong Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (Abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (Abogado ng ACT) at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon. Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa)at opisyal na nakatala bilang G. R. No. 217451 ( Dr.Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/ Commissioner on Higher Education (CHED) Dr. Patricia Licuanan). Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No 20 Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6, Artikulo XIV Seksyon 14,15, at 18, Artikulo XIV Seksyon 3, Artikulo II Seksyon 17, Artikulo XIV Seksyon 2 at 3 Artikulo II Seksyon 18, at Artikulo XIII Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987 at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act(“An Act Creating the Commision on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982”, at Batas Republika Bilang 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, and for Other Purposes”. Halos isang lingo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015. Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas Filipino ang wikang magagamit sa paglinang at pagpapalaganap ng “isang edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha, at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami”(Lumbera et. Al 2007). Kung babalikan ang probisyong pangwika sa Konstitusyon ay mailalahad ang adhikaing nasa likod ng pagsusulong ng wikang Pambansa sa edukasyon. Ipinahayag ni Dr. Wilfrido V. Villacorta, isa sa mga Komisyoner ng 1986 Constitutional Commission, na kaniyang ipinanukala ang mga probisyong kalauna’y naging artikulo XIV SA Saligang Batas ukol sa edukasyon, wika at sining na “ ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda ay isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan. Ngunit higit sa karaniwang pangkulturang muhon, ang isang wikang pambansang nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga etno-linggwistikal na grupo at uri ay magbibigay-daan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan”, batay sa pagbanggit sa petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema(2015). Kung susuriing Mabuti hindi lamang sa dimensiyong kultural mahalaga ang wikang Filipino, kundi maging sa aspektong ekonomiko rin. Gaya ng sinabi ni San Juan(2014), ang wikang Pambansa lamang ang makapagtitiyak na ang sistemang pang-edukasyon ng bansa ay nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino. Malayo na ang narating ng wikang Pambansa dahil na rin sa pagiging bahagi nito ng kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon. Ginagamit na ito sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ayon sa pamphlet na inihanda ni Almario(2014), kung ibabatay sa pagdami ng gumagamit ng wikang Filipino ay Malaki ang isinulong ng pagpapalaganap ng Wikang Pambansa. Sa mga pambansang senso mula 1939 hanggang 1980 ay dumami ang nagsasalita ng Wikang Pambansa mula 4,068,565 hanggang 12,019,193 o mula 25.4%hanggang 44.4% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Noong 1989, lumitaw sa survey ng Ateneo de Manila University na 92% ang nakaiintindi ng Tagalog sa buong bansa, 83% ang nakpagsasalita nito, 88% ang nakababasa at 81% ang nakasusulat gamit ito. Napakalaki ng agwat nito sa sinasabing 51% na nakaintindi ng Ingles at 41% nakakaintindi ng Sebwano (Pansinin na “Tagalog” at hindi “Filipino” ang ginagamit na tawag sa Wikang Pambansa). Ang ganito kabilis na pagdami ng nagsasalita sa Filipino ay nangangahulugang isa na itong maituturing na “wika ng bayan” o “lingua franca” at ginagamit na wika ng komunikasyon ng sinumang dalawang Filipino na may magkaibang wikang katutubo at nais mag usap bunga ito ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan at ng patuloy at dumadaming paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino. Ang gayong pagsulong ay bahagi ng mga naunang dekada ng Filipinisayon partikular noong dekada 80-90 na hanggang ngayo’y may positibong epekto pa rin sa pag-unlad ng wikang Pambansa bilang wika ng komunikasyon. Bunsod ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa EDSA noong 1986, nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang ating republika. Isa sa mga pinakmainit na usaping pinagtalunan ng mga delegado sa kumbensiyong konstitusyunal ay ang usapin ng wikang Pambansa. May ilang rehiyunalista na ngananais ng unibersal na dulog sa pagpili ng wikang pambansa: ang amalgamasyon o paghahalo-halo ng mga talasalitaan mula sa iba’t ibang wika ng Pilipinas. Maalab ding nakipagtagisan ng talion ang mga ultra-konserbatibo na nagpanukala naming Espanol ang dapat maging wikang opisyal. Pinakamasugid na kalaban ng mga tagataguyod ng wikang Pambansa ang mga delegadong Amerikanista. Gayunpaman, dahil sa magigiting na tagapagtanggol ng wikang Pambansa na nagmula sa iba’t ibang rehiyon at nagsasalita ng iba’t ibang wika , nanaig ang consensus na ang wikang pambansa ay wikang Filipino na ang nukleyo ay ang wikang Pilipino, sa pasubaling ito’y patuloy na lilinangin salig sa mga umiiral na mga katutubong wika sa Pilipinas at handa ng humiram ng mga salitang banyaga. Sa pagpapalit ng pangalan mula “Pilipino” tungong “Filipino”ganap na napatahimik na ang protesta ng mga rehiyunalista. Hindi simpleng pagpapalit ng titik ang nangyari: testamento ito na ang wikang Pambansa ay hindi na lamang sa Tagalog nakasandig, sapagkat wala naming “F” sa Abakadang Tagalog. Ang pagbabanyuhay ng Pilipino na naging “Filipino”ay pagyakap ng wikang Pambansa sa iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas na may mga tunog na wala sa Tagalog. Samakatuwid, ang wikang pambansa ay nagiging “pambansa” na ngang talaga. Ang wikang Filipino’y sumusulong na rin bilang aktuwal na wikang opisyal ng Pilipinas. Upang lalong pasiglahin ang pagamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno, nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988. Lalo ring pinatibay ng administrasyong Aquino ang patakarang bilingguwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 53, serye ng 1987.