Filipino 9 Quarter 2 Assessment (RUQA) 2024-2025 PDF
Document Details
Uploaded by FastestGrowingIdiom
2024
Department of Education
Tags
Summary
This is a Filipino 9 past paper for the second quarter of the 2024-2025 school year from the Department of Education, Region X – Northern Mindanao. The paper includes multiple-choice questions on language-related topics from the Philippine curriculum.
Full Transcript
Republic of the Philippines Department of Education Iskor Region X – Northern Mindanao REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025...
Republic of the Philippines Department of Education Iskor Region X – Northern Mindanao REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – Filipino 9 Pangalan: ___________________________________________ Seksiyon: _____________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong at pahayag. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Anong damdamin ang namayani sa pangungusap na ito: Totoo! Ang laki ng ahas! a. Pagtatanong b. Pagsasalaysay c. Pag-aalinlangan d. Matinding emosyon 2. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Raisah na napagkamalan lamang na si Amarah. a. Hindi/ ako si Raisah. c. Hindi ako si Raisah. b. Hindi ako/ si Raisah. d. Hindi ako, si Raisah. 3. Matamis kainin ang tubo. Paano binibigkas ang salitang may salungguhit? a. /tu.boh/ b. /tu.bo?/ c. /tu.Bo/ d. /TU.bO/ Tapat Dapat Kung maghahanap Kaibigang kausap Dapat ay tapat. 4. Paano bibigkasin ang salitang may salungguhit? a. KAibigan b. kaiBIgan c. kaIbigan d. kaibiGAN 5.Saan dapat ilalagay ang kuwit (,) upang mabuo ang diwa ng haiku? Anyaya Ulilang damo Sa tahimik na ilog Halika sinta. a. halika, sinta c. sa tahimik, na ilog b. ulilang, damo d. sa tahimik na, ilog 6. Anong paksa ang nagingibabaw sa haiku sa ibaba sa itaas? a. pag-ibig b. magulang c. kalikasan d. pangarap Ako o Siya? Sino sa inyo? Kung hindi ako siya Magtapat ka na! 7. Saan dapat ilalagay ang kuwit (,) ng bahaging may salungguhit upang matukoy na siya ang tinutukoy at hindi ako tinutukoy. a. Kung hindi ako, siya c. Kung, hindi ako siya b. Kung hindi, ako siya d. Kung hindi ako siya Nalito Tinanong kita noon Kung ikaw ba talaga Sinagot mo ‘ko Hindi nga ako, siya Salamat sa sagot mo. 8.Ano ang kahulugan ng taludtod na may salungguhit? a. Hindi (pagtanggi). Ako ay siya rin. b. Ang ako at siya ay tumutukoy sa iisang tao c. Ako ay iba. Iba rin siya. Ako ay hindi siya. d. Siya at hindi ako… (ang tinutukoy, o ang binabanggit) 9. Sa pabulang” Ang Hatol ng Kuneho”, tama ba ang naging desisyon ng Kuneho sa Tigre? a. Mali, dahil hindi niya nagawang tulungan ang tigre b. Mali, dahil hindi niya binigyan ng pagkakataon ang tao na magpaliwanag c. Tama, dahil naging matalino sa pagpapasya ang kuneho sa kanyang hatol d. Tama, dahil nagiging magulo ang tigre at kuneho sa kanilang paglalakbay 10. Anong aral ang mahihinuha sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”? a. Maging mabuti sa kapwa b. Magbigayan ng pagmamahal c. Magkaroon ng magandang- asal d. Maging tapat sa pangakong binitawan 11. Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin na hindi lantad na sinabi ang mensahe. a. sambitla b. diretsahan c. padamdam d. nagpapahiwatig 12. Ito ay pangungusap na walang paksa na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Yehey! a. padamdam b. ekspresyon c. sambitla d. nagpapahiwatig 13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ang nagpapahayag ng tiyak na emosyon o damdamin? a. Hala, Nahulog ang bata. b. Mag-isip muna bago mo gawin. c. Ipasa ang mga takdang aralin. d. Sayang! Di ako umabot sa 75% Sale. 14.Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pagmamalupit sa mga walang kalaban-labang mga hayop. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap? a. Pagkagalit b. Pagkatuwa c. Pagkalungkot d. Pagkamangha 15.Sa pangungusap sa itaas ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. a pagmamahal b. pagkakagusto c. pagkakainis d. pang-aabuso Para sa bilang 16-20 Paglalakbay ni Oshikochi Mitsune Napakalayo pa nga Wakas ng paglalakbay Sa ilalim ng puno Tag-init noon Gulo ang isip. 16. Ilan ang sukat ng pantig ng tulang nasa itaas? a. 77757 b. 55577 c. 77755 d. 55777 17. Ang “ Paglalakbay” ay halimbawa ng akdang patula ng mga hapon sa anyong________. a. Haiku b. Tanka c. Tuluyan d. Di-Tuluyan 18. Ang bilang ng pantig nito ay ________________. a. 31 b. 21 c. 41 d. 51 19. Ano ang tinutukoy ng Gulo ang isip sa itaas? a. Nalilito c. Maraming inaalala b. Hindi Makapag-isip d. Maraming Problema 20. Ano ang ipinapahiwatig ng akdang ito? a. Klima c. Gulo ng isip b. Paglalakbay d. Nakakapagod Para sa bilang 21-25 Anyaya ni Gonzalo K. Flores Ulilang damo Sa tahimik na ilog Halika, sinta 21. Batay sa tulang nasa itaas, ano ang sukat ng pantig nito? a. 575 b. 555 c. 755 d. 577 22. Ito ay akdang patula ng mga hapon sa anyong________. a. Haiku b. Tanka c. Tuluyan d. Di-Tuluyan 23. Ang bilang ng pantig nito ay ________________. a. 17 b. 7 c. 27 d. 12 24. Ano ang tinutukoy na ulilang damo? a. umiiyak b. nagagalit c. iniwanan d. nangungulila 25. Ano ang paksang ipinapahiwatig ng akdang ito? a. pami b. pag-ibig c. kalikasan d. lipunan 26. “Nagmamadali mga paa’y natinik” Ang salitang nakasalungguhit ay nagpapahiwatig ng__________. a. nasugatan b. nalumpo c. nagdabog d. nadulas 27. “Ang gusto kong malanghap, Bakit wala na?” Ang salitang nakasalungguhit ay nagpapahiwatig ng__________. a. makita b. maamoy c. matamo d. mahanap 28.”Maraming mga bagay, Sadyang lumalatay” Ang salitang nakasalungguhit ay nagpapahiwatig ng__________. a. dumadaloy b. dumaan c. nakaraan d. lumalakad 29. “Hindi lantay at wasto at dakilang totoo” Ang salitang nakasalungguhit ay nagpapahiwatig ng__________. a. matino b.matiwasay c. magarbo d. maayos 30. “ Sabihin ang problema huwag mangamba” Ang salitang nakasalungguhit ay nagpapahiwatig ng__________. a. matakot b. marahas c. mag-alala d. malungkot 31.Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap. Anong damdamin ang ipinapahiwatig ng pangungusap na ito? a. nasaktan b. paghanga c. pagkatuwa d. pagkalungkot 32. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad! Anong damdamin ang ipinapahiwatig ng pangungusap na ito? a. pagkatuwa b.pagkalungkot c.nasaktan d. Paghanga 33. Hindi kasali sa mga paksa ng haiku. a. pag-ibig b. kalikasan c. pag-iisa d. pag-ibig sa bayan 34. Ang sumusunod ay kadalasang paksa sa pagsulat ng tanka maliban sa: a. kalikasan b. pagbabago c.pag-ibig d. pag-iisa 35.Sa anong panahon lumaganap ang haiku sa Pilipinas? a. Insik b. Hapon c. Kastila d. Amerikano 36. Sa salitang “magaling” na may pag-aalinlangan o pagtatanong, ano ang tono ng pagbigkas nito?1-mababa, 2 katamtaman, 3 mataas a. 213 b. 123 c. 231 d. 312 37. Bakit mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan? a. Upang mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas b. Upang maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat c. Upang maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid d. Upang maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin 38. Ano ang tamang tono sa pagbigkas ng pangungusap na ito? “May bisita tayo bukas? a. 213 b.123 c. 231 d. 312 39. “ Nagpapaliwanag ang guro” Ano ang tamang tono ng pagbigkas nito? a. 123 b. 231 c.312 d.213 40. Ang pabula ay kuwentong hayop ang mga tauhan na sumisimbolo sa katangian ng mga tao at kadalasang _____________. a. nagbibigay- aral b.nagbibigay-aliw c. nagbibigay-alam d.nagbibigay-katwiran 41. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito”.Ano ang damdamin ng Tigre sa diyalog na ito? a. pagsisisi ng tigre b. pagkagalit ng tigre c. pagtatampo ng tigre d. pagmamakaawa ng tigre 42. “ Sandali! sabi ng tao. Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan?Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?Ang tanong ng tao sa Tigre. Anong damdamin ang namayani sa tao? a. Pagkatakot at pangamba b. Pagkatuwa at pagkalungkot c. pagkadismaya at panunumbat d. Pagtatampo at paghihinakit 43. “ Halos bagong taon na. Puwede kang manatili ngayong Bagong Taon sa amin”. a. pagtanaw ng utang na loob b. pagtulong sa kapwa c. pagpapahalaga sa anak na lalaki d. pagkakabuklod ng pamilya 44. “ Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ng Taiwan ay unti-unting nagbago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: Una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan?Anong uri ng sanaysay ang iyong binasa? a. Di-pormal na sanaysay b. Payak na sanaysay c. Pormal na sanaysay d. komplikadong sanaysay 45. “ Ang babae sa Taiwan ay katulad ng kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.” Bakit realistiko ang pagkakabuo ng sanaysay? a. Ito ay kathang isip lamang ng may-akda b. ipinakita ang natatanging karanasan ng kababaihan c. Ang mga pangyayari ay kapani-paniwala d. Ang kababaihan ay nagpapakita ng kanilang karapatan 46. “ at ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng batas para sa pangangalaga sa kababaihan ng Taiwan ay nakikita na rin. Halimbawa sa isang nangungunang networking manufacturer , ginawa ng isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan ng kababaihan. Ano ang paksa ng talata? a. Di dapat igalang c. Pantay na karapatan ng mga babae b. Walang kalayaan d. Manatiling kasambahay 47. “ Ang Diyos ay pag-ibig at ito’y ibinigay ng Diyos sa tao upang maghari ang pag-ibig sa puso ng bawat isa”. Ano ang ipinahiwatig ng kaisipang ito? a. Mahalaga ang pag-ibig sa tao. b. Maghari ang pag-ibig para sa kaayusan. c. Kung walang pag-ibig ay walang tao. d. Ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos at isinapi sa tao. 48. Ang nagsasalaysay ay katulad ng mga ibon sa daigdig, ang buong sansinukob, lumilipad na walang tiyak na pupuntahan. a. Malaya ang ibon sa paglipad. b. Kaylawak ng liliparin. c.sasakupin ang mundo sa paglipad. d.Ako ay isa ring langaylangayang napalaot sa kawalang-katiyakan. Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag? Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit balang-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa sa paghele sa iyo. Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubi 49. Ang tono ng nagsasalita sa sanaysay ay __________ a. nagtatampo c. nagpapaunawa b. nagdaramdam d. nanghihikayat 50. Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang _________ a. Isa-isahin ang pagkukulang ng ina. b. Ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina. c. Ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina. d. Makonsensiya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak. Binabati kita! Natapos mo ang pasulit! __________________________________________________________________________________________