SECOND-GRADING-FIL-8-ARALIN-1
Document Details
Uploaded by RicherBirch
Tags
Summary
This document is a presentation about different types of poems in Filipino, covering the American and Commonwealth periods, as well as the contemporary period. It includes examples of various poetic forms and discusses significant elements of poetry such as stanzas, rhythm, imagery, and figures of speech.
Full Transcript
MAGANDAN G ARAW! GNALUT OKIRIL TULANG LIRIKO AYIHELE ELEHIYA GNALUT YASYALASAP TULANG PASALAYSAY GNALUT NAALUDNAP TULANG PANDULAAN TULANG PANGKALIKASAN GNALUT NASAKILAKGNA P TULA KAHULUGAN NG TULA Ito ay isang pagbabagong hugis sa buhay na ipinaparating sa...
MAGANDAN G ARAW! GNALUT OKIRIL TULANG LIRIKO AYIHELE ELEHIYA GNALUT YASYALASAP TULANG PASALAYSAY GNALUT NAALUDNAP TULANG PANDULAAN TULANG PANGKALIKASAN GNALUT NASAKILAKGNA P TULA KAHULUGAN NG TULA Ito ay isang pagbabagong hugis sa buhay na ipinaparating sa ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw lalong mainam sa mga may sukat na taludtod. PANAHON NG AMERIKANO Sa panahon na ito sumigla ang mga tula dahil maraming mga Pilipino ang marunong sumulat ng mga ito. PANAHON NG AMERIKANO Sa panahon rin na ito sumibol ang iba’t ibang anyo ng tula tulad ng liriko, pandulaan, pasalaysay at pangkalikasan. PANAHON NG KOMONWELT Sa panahon na ito naging malaya rin ang mga Pilipino sa pagsusulat ng tula dahil ang pamahalaan noon ay tinatawag na malasariling pamahalaan. PANAHON NG KOMONWELT Ang mga panitikan na umunlad sa panahon na ito ay ang mga sumusunod: Sanaysay at Talumpati KASALUKUYANG PANAHON Sa panahon na ito karamihan ang mga tula ay pagpapahayg ng opinyon ukol sa mga tiwaling ginagawa ng mga namumuno o kaya naman mga magagandang nagagawa ng mga tao. KASALUKUYANG PANAHON May dalawang anyo ng panitikan ang kakikitaan sa panahon na ito ang mga ito ay ang tradisyonal at popular. TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN Ang mga tula dito ay batay sa damdamin at karanasan ng makata. HALIMBAWA SONETO- Ito ay may 14 na taludtod na karaniwang nagbibigay ng aral at nag- uugnay sa isip at damdamin ng makata. ELIHIYA Ang nilalaman ng tulang ito ay pawang mga malulungkot na damdamin dahil ang mga ito ay inaalay sa mga taong namayapa. TULANG PASALAYSAY Ito ay isang tulang pasalaysay na nagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod o berso. HALIMBAWA KORIDO/IBONG ADARNA na may wawaluhing sukat. HALIMBAWA FLORANTE AT LAURA- Isang awitin na lalabindalawahing sukat. TULANG PANDULAAN Ito ay ginaganap sa isang tanghalan na kinalulugdang pakinggan at panoorin ng mga Pilipino gaya ng Balagtasan. TULANG PANGKALIKASAN Ang mga tula na ito ay may kaugnayan sa paligid o sa mundong ginagalawan. TULANG PANGKALIKASAN Ang mga makata sa panahon na ito ay sina Jose Corazon de Jesus na sumulat ng tula na “BATO” at is Lope K. Santos na may sa kaniyang akdang “ANG BUNDOK” MALAYANG TALUDTURAN Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit dahul sa paggamit ng matatalinghagang salita madarama pa rin ang kariktan at ritmo ng tula. TULANG TRADISYONAL Ang tulang ito ay yaong nakagisnang anyo ng tula. Ito ay may sukat at tugma. TULANG TRADISYONAL Nasa manunulat nakabatay kung ilang pantig ang lilikhaing tula. Maaring ito ay wawaluhin, lalabindalawahin o lalabing-anim na pantig. TULANG TRADISYONAL Sa tugmaan ng bawat salita ito ay maaring ganap o di-ganap na tugmaan. MGA ELEMENTO NG TULA 1. Saknong 2. Sukat 3. Indayog MGA ELEMENTO NG TULA 4. Tugma 5. Imahen 6. Kariktan 7. Talinghaga 1. SAKNONG Ito ay nagtataglay ng mga taludtod na naglalahad ng isang ideya o imahe na nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa. BILANG NG SAKNONG Dalawahan, Tatluhan, Apatan, Limahan, Animan, Pituhan at Waluhan. TALUDTOD Ito ang bawat linya ng tula sa isang saknong. 2. SUKAT Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. May iba’t ibang sukat ang tula. SESURA Ito ang tawag sa bahagyang pagtigil ng pagbabasa/pagbibigkas. Ito ay may simbolo na (/). 3. INDAYOG O ALIW-IW Ito ay ang tono sa pagbigkas ng tula. Pagbaba at Pagtaas ng pagbigkas Dulas ng pagbigkas ng mga pantig ng salita sa isang taludtod. 4. TUGMA Ito ay ang pagkakatulad ng tunog sa dulo ng mga salita na nasa hulihan ng dalawa o higit pang magkasunod na taludtod. 2 URI NG TUGMA Tugmaang ganap Tugmaang di-ganap TUGMAAN GANAP Ito ay ang pagkakapareho ng tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod. TUGMAAN DI-GANAP Ito ay ang pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod, ngunit magkakaiba ang titik. 5. IMAHEN Ito ay ang tumutukoy sa larawang nakukuha, nakikita o nararamdaman ng mga mata, ilong, tainga, dila, balat at sa pamamagitan ng mga karanasan sa pagpasok sa mundo ng mga makata. 6. KARIKTAN Ito ang mga maririkit na salita upang maakit ang mga mambabasa gayon din ay mapukaw ang kanilang damdamin at kawilihan. 7. TALINGHAGA Ito ang nakatagong kahulugan ng mga salitang ginamit sa tula. May Katanungan ba? Maraming salamat sa inyong pakikinig!