Mga Uri ng Tula at Bugtong (PRELIM PPT. sa FIL 113 Leksyon 3)

Document Details

Uploaded by Deleted User

Colegio de San Juan de Letran Calamba

Loreta A. Yarte

Tags

Tagalog poetry Philippine literature poetry forms Filipino language

Summary

This presentation provides an overview of different types of Tagalog poetry (tula) and riddles (bugtong). It covers topics such as lyrical poetry, narrative poetry, and forms of poetry, including examples of each, aiming to educate learners regarding these Filipino literary forms.

Full Transcript

Tula at Bugtong Inihanda ni: Loreta A. Yarte College Oberbyu ng Leksyon Ang tula sa lahat ng anyo ng panitikan ang pinakagumigising sa damdamin ng tao kaya sa bahaging ito ay pag-aaralan ang hinggil sa tula at mga uri nito maging an...

Tula at Bugtong Inihanda ni: Loreta A. Yarte College Oberbyu ng Leksyon Ang tula sa lahat ng anyo ng panitikan ang pinakagumigising sa damdamin ng tao kaya sa bahaging ito ay pag-aaralan ang hinggil sa tula at mga uri nito maging ang mga sangkap na marapat nitong taglayin upang maging maayos ang daloy nito at hatid na mensahe. Mararanasan din dito ng mga mag-aaral na sumulat ng sariling tula. Kaalinsabay rin ng pag- aaral ng tula ay ipakikilala rin ang isa pang naging libangan ng mga ninuno natin noong unang panahon, maging sa panahon ngayon ay naging aliwan na rin lalo na sa bahagi ng pagtalakay nito. Ito ang nobela o kathambuhay, maikling kwento at dula. Awtlayn ng Leksyon: A. Tula B. Mga Akdang Tuluyan C. Nobela D. Maikling Kwento E. Dula Kinalabasan ng Modyul Matapos ang isang semestre, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang kahulugan ng tula. 2. Napag-uusapan ang mga elementong bumubuo sa tula. 3. Nailalapat sa piling tula ang mga elementong tinataglay nito sa tulong ng maikling pagsusuri. 4. Naibibigay ang malinaw na kahulugan ng nobela, at dula 5. Nasusuri ang iba’t ibang akda.. Itinakdang oras: 1.5 (Isang oras at kalahati) PRE- ASSESSMENT Pagbibigay ng katumbas na bilang ng pantig at tugma sa mga babanggiting salita. LESSON PROPER Patula o Panulaan (Poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma ang mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. Mga uri ng tula: 1.Tulang liriko o tulang pandamdamin- tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni o damdamin ng may akda. A. Dalit- nagbibigay parangal sa Maykapal. B. Soneto- may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay. C. Elehiya- isang uri ng panaghoy o panangis. D. Oda - pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao. E. Awit- ang mga paksa nito ay pag-ibig, pag-asa, kaligayahan, at iba pa. 2. Tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. A.Awit /Korido– tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa. B. Awit- labindalawang pantig C. Korido- wawaluhing pantig A. Epiko- isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. 3. Tulang Patnigan A. Karagatan- paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay. B. Duplo- paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang- aliw sa naulila nito. C. Ensileda- paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang- aliw sa namatayan. Ginagawa ito gabi- gabi hanggang ikasiyam na gabi. D. Balagtasan- isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran pamamaraang patula. E. Tulang pandulaan- dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya F. Balad – uri o tema ng isang tugtugin. G.Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. H. Haiku- isang panitikang tula na nagmula sa bansang Hapon. A. Tula- ito ay uri ng akdang pampanitikan na binubuo ng mga saknong at ang bawat saknong ay binubuo naman ng mga taludtod. Mga Uri ng Tula: 1.Tradisyunal Tinatawag na tradisyunal ang isang tula kung mayroon itong sukat, tugma at indayog. 2. Malayang Taludturan Itinuturing na malayang taludturan ang tula kung walang sukat at tugma o di- regular ang sukat at kumbensyunal ang tono o hagod. Mga Sangkap ng Tula: 1. Tugma- magkakasintunog ang huling pantig ng bawat taludtod 2. Sukat- tumutukoy sa bilang ng pantig, saknong, at taludtod ng tula. 3. Paksa o kaisipang taglay ng tula- ito ang mga nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw at saloobin nito. 4. Talinghaga- kung napagagalaw nang husto ang guniguni ng bumabasa bunga ng pagtataka at 5. Imahen o larawang- diwa- kung may nabubuo sa guniguni ng mambabasa na isang tao, pook, sitwasyon o pangyayari. 6. Aliw- iw- kung maindayog ang pagbigkas. 7. Tono- ito ang damdaming nakapaloob sa tula. Maaaring may kalungkutan, kasiyahan, galit, pag-aalala, at iba pa. Maaari ring ang tono ng tula ay nangangaral o kaya naman ay nang- aaliw. 8. Persona- tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng tula. B. Bugtong- binubuo ito ng mga parirala at mga pangungusap na maaaring patula at patalinhaga kung bigkasin. Mga halimbawa ng bugtong: 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5.Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bumbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, unga’y nakararating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: gunting 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril MGA AKTIBIDAD Aktibidad 1. Pagbibigay ng sampung halimbawa ng bugtong na wala pa sa mga ibinigay na mga halimbawa sa leksyon. LAGOM NG LEKSYON Sa bahaging ito, tinalakay ang Patula o Panulaan (Poetry). May mga uri ng tula: Tulang liriko o tulang pandamdamin, tulang pasalaysay, at tulang patnigan. Ang tulang liriko ay kinabibilangan ng oda, soneto, elehiya, oda, at awit. Ang tulang pasalaysay ay maaaring awit/korido, at epiko. Samantalang ang tulang patnigan na binubuo ng karagatan, duplo, ensilada, balagtasan, at tulang pandulaan. Kabilang din dito ang Balad, Tanaga, at Haiku. Ang tula ay uri ng akdang pampanitikan na binubuo ng mga saknong at ang bawat saknong ay binubuo naman ng mga taludtod. Mayroon itong mga uri gaya ng: tradisyunal at malayang taludturan. Binubuo rin ito ng mga sangkap tulad ng tugma, sukat, paksa o kaisipang taglay ng tula, talinghaga, imahen o larawang- diwa, aliw- iw, tono at persona. Pinag-aralan din ang tungkol sa bugtong na binubuo ng mga parirala at mga pangungusap na maaaring patula at patalinhaga kung bigkasin. PAGTATAYA Pagtataya A. Tingnan ang maikling pagsusulit sa BBL. VII. INTRODUKSYON SA ASYNCHRONOUS A.Pag-aralan ang salawikain at maikling kwento. Mga Batis: 1. Aguilar, R., et.al. (2012). Panitikan ng Pilipinas. (Rehiyunal na pagdulog) Filipino 21. Pateros, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc. 2. Añonuevo, R. (2014). Talab: mga sanaysay sa panitikan, wika at pagtuturo. Naga City: Ateneo de Naga University Press. 3. Casanova, Arthur P. Klasrum Drama. Mga Anyo ng Dulaan para sa Paaralan. Lunsod Mandaluyong. 4. Corpuz, B. & Salandanan, G. (2015). Principles of Teaching with TLE). Quezon City:LORIMAR Publishing. 5. Gojo Cruz R. “Sampung Pinakamahusay na Teknik na Ating Ginagamit sa Pagtuturo ng Panitikan”. Nasa Villafuerte, Pat V., Pamfilo D. Catacataca, PhD. Ang Manghahasik ng Edukasyong Pangwika. Lunsod Caloocan: Suatengco Publishing House. 2009. 6. Marquez, S. T., and Garcia, F. C. (2008). Panitikang Pilipino (interaktibo at integratibong talakay). Makati City: Bookquick Marketing. 7. PPST- RPMS Manual 8. Reyes, S. (2012). Narratives of note: studies of popular forms in the twentieth century. Manila: University of Santo Tomas Pub. House. 9. Torres-Yu, R. (2011). Alinagnag: sanaysay ng mga panlipunang panunuri sa panitikan. Manila: University of Santo Tomas Pub. House. 10. Tumangan Sr., A. (2012). Panitikan ng Pilipinas. Pateros, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc. 11. Villafuerte, Patrocinio V. Pagpapahalaga sa Panitikan (Sining Pantanghalan). Lungsod Malabon: Jimcyzville Publications. 2012 MARAMING SALAMAT

Use Quizgecko on...
Browser
Browser