Panimulang Kaalaman sa Panitikan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Dr. Jennifor L. Aguilar
Tags
Summary
This document provides a foundational overview of Philippine literature (Panitikan). It covers topics including definitions, historical context, different genres of literature (prose, poetry), different styles of poetry (sonnets, epic poems, etc) and various forms of prose (myths, legends, etc). It is intended as an introduction to the subject.
Full Transcript
PANITIKAN DR. JENNIFOR L. AGUILAR NILALAMAN Kahulugan Sulyap-kasaysayan Mga Uri ng Panitikan Anyo ng Panitikan Mga Akdang Patula Mga Akdang Tuluyan Talaan ng buhay ang literatura sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang...
PANITIKAN DR. JENNIFOR L. AGUILAR NILALAMAN Kahulugan Sulyap-kasaysayan Mga Uri ng Panitikan Anyo ng Panitikan Mga Akdang Patula Mga Akdang Tuluyan Talaan ng buhay ang literatura sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kinabibilangan at pinapangarap (Arogante, 1983) Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. (Salazar, 1995) Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigidigang kaisipan at kawalang- maliw. (Webster, 1947) Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha. Ang panitikan ay isang buhay sapagkat ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan. (Azarias, 2018) Kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag: lumilinang ng nasyonalismo; nag-iingat ng karanasan, tradisyon at kagandahan ng kultura (Ramos, 1984) Walang kamatayang nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap na mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran. (Ramos, et al., 1984) PANITIKAN Pinanday ng diwa, Likhang isip o Katotohanang tala Hinabi ng mga salita, Tuluyan o Patula Inihatid sa madla, Patanghal o Pabasa Nanlibang, nangganyak, nagpaibig, Nagpalungkot, nagpangamba, nagpagalit, Nagpasuklam, nagpapoot, nagpahiganti, nagpaligaya, nagbigay-pag-asa, Nagpaalipin at nagpalaya sa bansa. Sulyap sa kasaysayan ng Panitikan Panahong Sagad sa Laya (Panahon ng mga ninuno) Panahong Inagawan ng Laya (Panahon ng Kastila) Panahong Naghahangad ng Paglaya (Propagandista at Paghihimagsik) Panahong Huwad na Paglaya (Panahon ng Amerikano) Panahong Mananakop ang Malaya (Hapones) Panahon ng Isinauling Laya (1946-1970) Panahon ng Malalaya (Batas Militar hanggang Kasalukuyan) Mga Uri ng Panitikan Pasalin-dila – mga panitikang naisalin sa pamamagitan ng bibig ng tao. Pasulat – Mga itinalang akda sa pamamagitan ng pagsulat Patanghal – Bagama’t naisusulat ang mga dula at pelikula, higit na kilala ang mga ito sa pamamagitan ng patanghal na panitikan. Pansosyalmidya – Mula sa pasulat na akda ay inilalagay sa pamamagitan ng mga vidyo at iba pang uri ng midya na higit na naipakakalat sa pamamagitan ng sosyal midya. Anyo ng Tuluyan o Prosa– ito ay nasusulat sa karaniwang Panitikan takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan. Patula- ito ay nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang taludtod ay may sukat at tugmaan o malayang taludturan. Mga Akdang Patula Photo by Guillaume Apollinaire / Public domain Tulang a. epiko- tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pasalaysay- pakikipagsapalaran ng isang pangunahing kwento ng mga tauhan sa gitna ng mga pangyayaring pangyayari ay hindi kapani-paniwala. nasusulat nang patula, may sukat b. awit at kurido– patulang pasalaysay na at tugma. Nauuri paawit kung basahin, kinapapalooban ng romansa, pakikipagsapalaran, ito ayon sa paksa, kabayanihan at kataksilan. pangyayari at tauhan. c. awit– may taludtod na lalabindalawang pantig d. kurido– may taludtod na wawaluhing pantig. Tulang a. Awiting-bayan – maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwang pinapaksa ang pag- Pandamdami ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,pangamba, n o Liriko b. kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod -mga tulang hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang tumatalakay c. naghahatid ng aral sa mambabasa. Elehiya – tulang nagpapahayag ng panimdim sa marubdob dahil sa pagyao ng isang minamahal. na damdamin d. Dalit– isang tulang inaawit bilang pagpuri sa ng may akda diyos o sa mahal na birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. o ang ibang e. Pastoral– tulang naglalarawan ng paraan ng tao. f. pamumuhay sa kabukiran. Oda – ito ay isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay. Moro-moro. Tulang padula na pumapaksa sa 3. Tulang paglalaban ng mga Muslim at Kristiyano na padula o laging nagwawakas sa pagwawagi ng mga Kristiyano. dramatiko- Komedya. Isang uri ng dula na gumagamit ng nakaugaliang martsa para sa pagpasok at pag- mga tulang alis ng entablado. Tibag. Pagsasadula ng paghahanap ng Krus na isinasadula sa pinagpakuan ni Kristo nina Reyna Elena at entablado o Prinsipe Konstantino Panuluyan. Prusisyong ginaganap tuwing iba pang bisperas ng pasko na isinasadula ang paghahanap nina Jose at Maria ng matututuluyan tanghalan. sa pagsilang kay Kristo. Ang mga gumaganap na tauhan ay nagtataglay ng magagandang tinig. Sarsuwela. Dulang musikal o isang melodramang may 3 yugto na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig. Karagatan - ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan 4. itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may Tulangpatnigan– matandang tutula ukol sa paksa ng laro. Mayroon tabong mga larong patula o papaikutin, at kung saan matatapat ang hawakan ng tabo ay syang sasagot sa tanong ng isang dalaga na may paligsahang patula matalinhagang bugtong at matalinhagang sasagot ang na noo’y binata. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karaniwang karagatan. Kung sino man ang makakita ng singsing ay isinasagawa sa siyang mapapakasalan ng prinsesa. bakuran ng mga Duplo - ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang namatayan at patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, pagliligawan. salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay. Balagtasan- ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas" Baltazar "Ang Ama ng Balagtasan". Pinatanyag ito ng "Hari ng Balagtasan" na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute). Mga akdang Tuluyan 1. Alamat- kwento o salaysay na nagsasalamin ng mga matatandang kaugaliang Filipino, kadalasan ay naglalahad ng pinagmumulan ng ngalan ng bagay, pook o pangyayari. Mayaman na nito ang mga Filipino bago pa dumating ang Kastila. Ito’y naisasaling-bibig mula sa mga kauna-unahang Filipino hanggang sa ngayon. Nag-iiwan ng mahahalagang kaisipan ang mga ito sa mga mambabasa, maliban sa naidudulot nitong giliw sa pagbasa ng mga pangyayaring hindi makatotohanan o kapani-paniwala. Halimbawa: https://www.academia.edu/27256901/Alamat_ng_mga_Alamat Mga akdang Tuluyan 2. Mito o Mulamat- kwento o salaysay tungkol sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha. Halos magkatulad sa alamat. Ilan sa mga diyos ng Pilipino ang sumusunod: Agawe Agni Anitun-Tabu Aman Diyari Aman Ikabli Apolaki Aman Sinaya Bathala Bagobo Bayowa Habagat Haik Haliya Hayo Mga akdang Tuluyan 3. Kwentong bayan- ito’y naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan ng panahong yaon. Malimit itong maririnig noon sa mga kasayahan, pagtitipon at mga lamayan. Karamihan sa mga ito ay hindi nagtataglay ng ngalan ng may-akda lalo na’t pasalindila lamang ang uring ito. Mga halimbawa ng kwentong bayan: Si Juan Tamad na’y Matakaw Pa Si Juan Tamad at ang Kura Mga akdang Tuluyan 4. Pabula- kwento o salaysay na ang mga gumaganap ay mga hayop na nagsasalita. Layunin nito na itatak sa isipan ng mga mambabasa o nakikinig lalo na ng mga bata ang katapangan, kagitingan, kagandahang-asal, ang pagkamasunurin sa magulang, pagkamapitagan sa matatanda, at ang pananampalataya sa Diyos. 5. Parabola- kwento o salaysay batay sa banal na kasulatan na naglalahad ng katotohanang moral o espiritwal sa pamamagitan ng mga matalinhagang paraan. Mga akdang Tuluyan 4. Pabula- kwento o salaysay na ang mga gumaganap ay mga hayop na nagsasalita. Layunin nito na itatak sa isipan ng mga mambabasa o nakikinig lalo na ng mga bata ang katapangan, kagitingan, kagandahang-asal, ang pagkamasunurin sa magulang, pagkamapitagan sa matatanda, at ang pananampalataya sa Diyos. 5. Parabola- kwento o salaysay batay sa banal na kasulatan na naglalahad ng katotohanang moral o espiritwal sa pamamagitan ng mga matalinhagang paraan. Mga akdang Tuluyan 6. Anekdota-kwento o salaysay na maaaring batay sa tunay na karanasan o hindi, katawa-tawa at may naiiwang mahalagang kaisipan sa mambabasa. 7. Maikling kwento- kwento o salaysay na nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa mambabasa. Ito ay maikli at maaaring matapos sa isang upuan lamang. May kakaunting tauhan, tagpo at mga pangyayari. Mga akdang Tuluyan 8. Nobela o kathambuhay- ang salitang nobela ay hiram sa Kastila na hiram din sa Italyanong novella. Isang kwento o salaysay na mahaba, maraming tauhan at tagpuang mababasa sa mga kabanata. Isang katha na nagsasalaysay ng anumang bagay na sa kabuuan o sa isang bahagi ay hinango sa isang pangyayari at sinulat upang makabigay kasiyahan sa mambabasa dahil sa magandang paglalarawan ng tagpo, ng ugali at gawi ng mga taong pinagagalaw na nagiging salaminan pagkatapos sa pagkamarangal at pagpapakasakit nang dahil sa isang dakilang bagay o layon. Mga akdang Tuluyan 9. Dula - layunin na itanghal sa entablado ang mga pangyayari na maaring binubuo ng isa o higit pang pangyayari na may isa o higit pang mga pangunahing tauhan at mga katulong na tauhan. Ang dulang iisahing yugto ay naglalahad ng isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at natatapos sa maikling panahon. Samantala, ang mahabang dula ay binubuo ng maraming pangyayari, maraming tauhan at tumatagal ng mahabang panahon. Mga akdang Tuluyan 10. Talambuhay - nagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao mula nang siya’y isinilang hanggang sa pagkamatay. Pansariling talambuhay ang tawag kapag ang talambuhay ay sariling gawa. 11. Pangulong tudling o Editoryal - mababasa sa mga pahayagan na pawang kuro-kuro ng punong patnugot tungkol sa napiling paksa. May layuning hikayatin ang madla. Ito ay may tungkuling magturo, pumuri, tumuligsa at magtanggol. Mga akdang Tuluyan 12. Balita - naglalahad ng mga pang-araw-araw na kaganapan sa loob at labas ng bansa. Sinasaklaw ang halos lahat na larangan tulad isport, pulitika, ekonomiya, edukasyon, kalusugan, relihiyon, espesyal at iba pang kauri. 13. Kasaysaysan - ito’y tala o mga nakasulat tungkol sa mga ulat na matagal nang nakaraan o nakalipas na. 14. Sanaysay - tumatalakay sa isang nakapahalagang paksa. Naglalahad ng sariling opinyon o pananaw ng sumusulat. Maaaring pormal/maanyo o impormal/malaya. Mga akdang Tuluyan 15 Dagli - isang uri o paraan ng pagsusulat ng isang akda na mas maikli sa isang maikling kuwento. Kaya naman ito ay kilala rin sa tawag na “maikling maikling kuwento”. Sanggunian Azarias, Honorio (2018), Ang Panitikan, https://www.scribd.com/doc/ date retrieved 09/10/2021,9:46 p.m Ramos, Maria (1984), Panitikang Pilipino, Katha Publishing Co., University of California. Sauco, Consolacion P. Panitikan ng Pilipinas, Panrehiyon (PDF), Goodwill Trading Co., Inc.,