FILIPINO 7 TULA HANDOUTS PDF

Summary

This document provides a Tagalog language study on the different elements that construct poetry. It presents information such as different types of poetry, meter and rhyme schemes, and includes detailed examples. This is an educational material for secondary school students.

Full Transcript

TULA - Pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino. - Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. TULA - Ito ay may sukat at tugma. - Malaya man ang isang tul...

TULA - Pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino. - Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. TULA - Ito ay may sukat at tugma. - Malaya man ang isang tula ay nararapat na magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. TULA - Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa rito. - May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala ANYO - Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo. ANYO - Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat. ANYO - Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinghagang salita. ANYO - Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma. ANYO - May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma. SUKAT - Isang mahalagang elemento ng tula. - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod. Halimbawa: Ang/ /hin/di/ /mag/ma/hal /sa/ /sa/ri/ling /wi/ka/, /Ma/hi/git/ /sa/ /ha/yop/ /at/ /ma/lan/sang /is/da/, /Ka/ya/ /ang/ /ma/ra/pat/ /pag/ya/ma/ning/ /ku/sa,/ /Na/ /tu/lad/ /sa/ /i/nang/ /tu/nay/ /na/ /nag/pa/la./ TALUDTOD - Ito ay linya na nasa loob ng isang saknong. Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala SAKNONG - Ito ay isang tula na binubuo ng dalawa o higit pang taludtod o linya. - 2 linya– couplet - 6 linya-sestet - 3 linya–tercet - 7 linya-septet - 4 linya–quatrain -8 linya-octave - 5 linya-quintet Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala TUGMA - Isang katangian ng tula na hindi angkin ng mga akdang tuluyan. TUGMA - Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog. Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala TALINGHAGA - Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. TALINGHAGA - Balat-sibuyas — maramdamin; madaling umiyak. - Bukás ang palad — magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot. Halimbawa: Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan. Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya. Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala. PERSONA - Maaaring ang persona ay babae at ang makata naman ay lalaki. - Maaaring ang persona ay daga o pusa at ang makata ay isang bata. - Ang persona ng tula ay ang nagsasalita sa loob ng teksto/tula, maaaring unang tauhan, ikalawang tauhan o ikatlong tauhan. Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: PANUTO: Suriin ang tula sa ibaba batay sa tinalakay na mga elemento ng tula. 1. ANYO 4. TALUDTOD 5. SAKNONG 2. SUKAT 6. TALINGHAGA 3. TUGMA 7. PERSONA

Use Quizgecko on...
Browser
Browser