Pinal na Eksaminasyon sa Filipino 102 (Tagalog)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Batangas State University
2025
Tags
Summary
Ito ay isang past paper sa Filipino 102 --Filipino sa Iba't Ibang Disiplina para sa Unang Semestre ng Taong Panuruan 2024-2025 sa Batangas State University. Naglalaman ang papel ng mga tanong sa Filipino, Tagalog. Ito ay isang pagsusulit.
Full Transcript
**Pinal na Eksaminasyon** **Fili 102 --Filipino sa Iba't Ibang Disiplina** **Unang Semestre, TP 2024-2025** **PANGALAN: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ISKOR: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **SEKSYON: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_...
**Pinal na Eksaminasyon** **Fili 102 --Filipino sa Iba't Ibang Disiplina** **Unang Semestre, TP 2024-2025** **PANGALAN: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ISKOR: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **SEKSYON: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ PETSA: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANGKALAHATANG PANUTO:** 1. Magsagot lamang sa inilaang sagutang papel. 2. **BAWAL MAGBURA**. Ang anumang marka ng bura o pagpapalit ng naunang kasagutan ay hindi makadaragdag sa iyong iskor. 3. **BAWAL MAGTANONG SA KAKLASE**. Ang iyong guro lamang ang maaaring tanungin tungkol sa mga bahagi ng pagsusulit na hindi maintindihan. 4. Ang pagsunod sa panuto ay mahalagang bahagi ng pagsusulit na ito. 5. Ang sinumang mahuling nandaraya sa anumang paraan habang nagsusulit ay makatatanggap ng hulog na marka (50%) sa pagsusulit na ito. **Unang Bahagi:** **TAMA o MALI** **PANUTO: Suriin ang ipinahahayag ng mga sumusunod na pares ng pangungusap.** Titik lamang ng pinaaangkop na sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Sa sitwasyon na kung saan ang mga tao ay nagsawa na sa mga pangakong laging binibigkas ng mga politiko kung kaya sila nagpasyang mag-aklas, ang pagsasawa sa mga pangako na laging binibigkas ng politiko ang maituturing na bunga. Ang pag-aaklas ang siyang maituturing na sanhi. A. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** B. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** C. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 2. Ang pag-aaral ng kaso (case study) ay mainam na paksa ng kwalitatibong pag-aaral. Panayam naman ang higit na epektibong metodo upang makapangalap ng datos para sa kuwantitatibong pag-aaral. A. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** B. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** C. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 3. Ang pagpaparirala ay tumutukoy sa paglalahad ng mga pangunahing ideya sa mga binasang literatura gamit ang sariling salita. Ang direktang sipi ang pinakamadaling kombensyon sa pagsulat ng rebyu sapagkat eksaktong kinokopya ng nagsasagawa ng rebyu ang mahahalagang detalye mg orihinal. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** C. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 4. Ang direktang sipi ay mariing tinutuligsa bilang kasanayan sa pagsasagawa ng rebyu ng isang pag-aaral. Hindi maiiwasan ang direktang pagsipi lalong higit kung may mahahalagang impormasyon na mainam ilahad kung ito ay hindi ipaparirala. A. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** B. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** C. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 5. Kung ang pananaliksik ay nakatuon sa antas ng pagtanggap ng mga Pilipino sa mga polisiya at pamamahala ni Pangulong Duterte sa ugnayang panlabas, ang kredibilidad ng pag-aaral ay mapaiigting kung kwalitatibo ang pamamaraang gagamitin. Mapagbubuti ng kuwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik ang pangangalap ng datos sa limitadong bilang subalit mataas ang kredibilidad na mga respondente. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** C. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 6. Ang two-way focus group ay inilalarawan sa pamamagitan ng paghahati sa dalawa o higit pang pangkat na kung saan ang isang pangkat ay kailangang magsagawa ng obserbasyon o pagmamasid sa talakayan at kongklusyon ng ibang pangkat at *vice versa.* Ang two-way focus group ay mahinang uri ng talakayan kaya hindi tinatanggap na metodo ng pag-aaral. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** C. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 7. Ang pagsasarbey ang pinakakaraniwang pamamaraan ng pangangalap ng datos. Isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatanong, ang sarbey ay may kalikasang kantitatibo. A. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** B. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** C. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** D. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** 8. Ang talatanungan ay mainam na kasangkapan ng sarbey sapagkat hindi ito nangangailangan ng higit na pagsisikap buhat sa mga mananaliksik na katulad ng isinasagawa sa pamamagitan ng telepono. Ang sarbey at talatanungan ay iisa lamang ang kahulugan. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** C. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** D. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 9. Ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap ay mainam na diskurso para sa teoryang Marxismo. Ang Marxismo ay isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitingnan ang ugnayan ng klase (class relations) at tunggaliang panlipunan (social conflict). A. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** B. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** C. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** D. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** 10. Sa lahat ng pagkakataon ang talatanungan ay isinasaayos para sa pagsusuring estadistika sa tugon ng mga respondente. Hindi na kailangan ang pahintulot ng orihinal na may-ari n talatanungan kung gagamitn ang istandardisadong talatanungan sa panibagong pag-aaral. A. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** B. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** C. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** D. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** 11. Ang pag-aaral ng kaso (case study) ay isang pag-aaral na kung saan ang isang indibidwal na nagkakaroon ng personal na karanasan sa isang kultura ay siyang nasa mga tamang posisyon upang magsagawa ng pagtalakay sapagkat kanyang nauunawaan ang lahat ng komplikasyon nito. Ang pag-aaral ng kaso ay metodo ng pag-aaral na maaaring gumamit ng parehong kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** C. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 12. Ang pagtawa (sa pantawang pananaw) ay isang mekanismo ng damdamin na humahanap ng solusyon kung paanong matuturuan ang tao na harapin ang anumang bagay sa paraang magaan at nakaaaliw. Ang pagtawa ng bawat Pilipino at paghagalpak sa mga kakaibang bagay na nakikita sa kapaligiran ay nakadugtong hindi lamang sa damdamin o emosyon kundi sa kamalayang Pilipino. A. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** B. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** C. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** D. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 13. Ang SWOT na pagsusuri ay unang ginamit ni Karl Marx noong 1960s at sa ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamakapangyarihang kagamitan sa pagsusuri para sa isang matatag na kalakalan. Ang pag-aanalisa ng nilalaman ay isang metodolohiya ng pag-aaral na angkop gamitin sa mga mahahalagang datos na nakapaloob sa isang pribado o pampublikong dokumento. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** C. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** D. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 14. Ang pagpaparirala ng orihinal na teksto (paraphrasing) ay hindi mabisang metodo upang maiwasan ang pangungopya o *plagiarism* habang isinasagawa ang rebyu ng isang pag-aaral. Ang pagpaparirala ay ang kompletong pagpapalit ng salita at hindi ang simpleng pag-aayos ng mga salita batay sa orihinal. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** C. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** D. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** 15. Ang mga pangkat etniko at mga kalipunang sosyal, kasama ang kababaihan at LGBT na naghahanap ng pantay na pagtingin ng lipunan ay dapat tingnan sa pagtataglay nito ng pantayong pananaw. Ang teoryang dependensiya ay sumasang-ayon sa teorya ng modernismo.Ang SWOT na pagsusuri ay unang ginamit ni Karl Marx noong 1960s at sa ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamakapangyarihang kagamitan sa pagsusuri para sa isang matatag na kalakalan. A. **Wasto ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y mali.** B. **Parehong wasto ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** C. **Mali ang diwang ipinahahayag sa unang pangungusap, sa ikalawa nama'y tama.** D. **Parehong mali ang ipinahahayag sa dalawang pangungusap.** **MARAMING PAGPIPILIAN** **PANUTO:** Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang pinakawastong sagot. Itiman ang bilog na kumakatawan sa titik ng napiling sagot. 16. Ito ang siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos. A. Sosyolohiya C. Antropolohiya B. Pilosopiya D. Sikolohiya 17. Ito ang ikatlong paradigma ng nasyonalismo na nagmumungkahi na ang nasyonalismo ay dapat tingnan bilang pinakabagong penomenang panlipunan na nangangailangan ng istrukturang sosyo-ekonomiko ng makabagong lipunan. A. Marxismo C. Post-modernismo B. Modernismo D. Etimolohiya 18. Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik upang sikapin na mapaunlad ang kalidad ng isang organisasyon o samahan. Kinasasangkutan ito ng isang siklo o isang paikot na proseso ng pagpaplano, aksyon, kritikal na repleksyon, at ebalwasyon. A. Diskurso C. Kilos Pananaliksik B. Kontekstwalisasyon D. Pagsusuri ng Nilalaman 19. Ito ay ang pag-aaral ng senyas, kanilang anyo, nilalaman, at ekspresyon. Ang ganitong uri ng pag-aaral ay madalas gamitin sa pagsusuri ng midya. A. Semiotika C. Marxismo B. Grounded Theory D. Linggwistika 20. Tumutukoy ito sa isang sistemang pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya na inilalarawan ng pagsusulong sa interes ng partikular na nasyon upang higit na makamtan ang layuninna makuha at mapanatili ang kanyang sariling soberanya o sarili pamahalaan. A. Pantayong Pananaw C. Nasyonalismo B. Pantawang Pananaw D. Marxismo 21. Ito ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahan ng isang tao. A. pagtawa C. Pantayong Pananaw B. Pantawang Pananaw D. Diskurso 22. Sa pamamagitan ng elementong ito ng Pantawang Pananaw, ang pagpapatawa ay binibigyang-buhay ng mga aktor, tauhan o karakter na tinatawag na mga impersonator, komedyante, at pusong. A. konteksto C. kasaysayan B. daluyan o midya D. pananaw 23. Isa itong uri ng pananaliksik na kadalasng ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular sa antropolohiya at ilang sangay ng pag-aaral sa sosyolohiya. Tumutukoy ito sa isang malalimang pag-aaral sa isang kultura. A. Etimolohiya C. Etnograpiya B. Sikolohiyang Pilipino D. Pantayong Pananaw 24. Ito ang pinakamadaling kumbensyon sa pagsulat ng rebyu sapagkat eksaktong kinukopya ng nagsasagawa ng rebyu ang mahahalagang detalye na nasa orihinal na teksto. A. Personal na Komento C. Pagbubuod B. *Paraphrasing* D. Direktang Sipi 25. Ito ay isang uri ng pananaliksik na kung saan ang mananaliksik ay nagsasagawa ng pagsusuri sa nilalaman ng isang konteksto upang matukoy ang dalas ng paggamit sa partikular na salita, parirala, konsepto, o ideya sa isang teksto. A. Pagsusuri ng Dokumento C. Rebyu ng Literatura B. Pagsusuri ng Diskurso D. Pagsusuri ng Nilalaman +-----------------------------------+-----------------------------------+ | E. *Case Study* | | +===================================+===================================+ | A. *Komparatibong Pananaliksik* | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | B. *Kuwentong Buhay* | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | C. *Pagsusuring Etimolohikal* | I. *I. Secondary Data Analysis* | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | D. *Deskriptibong Pananaliksik* | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ 26. (Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman **C** 27. Isang Kritikal na Pag-aaral Ukol sa Epekto ng Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa sa Kita at Pang-ekonomikong Kasiguruhan ng mga Pesante sa Barangay Santiago ng General Trias, Cavite **A** 28. Deaf/Bingi at ang Filipino Sign Language (FSL): Usapin ng Wika at Identidad **G** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | E. *Dependensiya* | | +===================================+===================================+ | A. *Sikolohiyang Pilipino* | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | B. *Wika* | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | C. *Nasyonalismo* | J. *I. Sosyalismo* | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | D. *Pantawang Pananaw* | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ 29. Kinasasangkutan ng pag-iisip ng tao kung saan ay kanyang dinadalumat o binibigyan ng interpretasyon ang mga penomenang makabuluhan para sa kanya sapagkat totoong nangyayari sa kapaligiran **J** 30. Ang pinakamahalagang kasangkapan upang maisalin ng mananaliksik ang kanyang ideya sa kanyang mga respondente, at ng respondente ang kanyang kasagutan sa mga nagsasagawa ng pananaliksik **C** **Ikalawang Bahagi:** **PAGSULAT NG SANAYSAY:** Sagutin nang buong linaw (15 puntos para sa bawat bilang). 1. Paano natin masisiguro na ang isang teoryang pampananaliksik ay mapagkakatiwalaan at maaaring gamitin bilang batayan sa pag-aaral? (15 puntos) Ang isang teoryang pampananaliksik ay isang sistematikong hanay ng mga konsepto, prinsipyo, at proposisyon na naglalayong ipaliwanag, mahulaan, o maunawaan ang isang partikular na aspeto ng mundo. Ito ay isang organisadong pagtatangkang bigyan ng kahulugan ang mga obserbasyon at pangyayari, at magtatag ng mga relasyon sa pagitan ng iba\'t ibang mga variable. Ang isang teorya ay hindi lamang isang palagay o haka-haka, kundi isang maingat na binuo na paliwanag na sinusuportahan ng mga ebidensya. Ito ay nagsisilbing gabay sa mga mananaliksik sa pagbuo ng mga tanong sa pananaliksik, pagdisenyo ng mga pag-aaral, at pag-interpret ng kanilang mga resulta. Sa madaling salita, ang isang teorya ay ang pundasyon ng anumang pananaliksik. Ang pagiging mapagkakatiwalaan ng isang teorya ay nakasalalay sa ilang mga pamantayan. Una, dapat itong nakabatay sa mga empirical na ebidensya. Nangangahulugan ito na ang teorya ay dapat na sinusuportahan ng mga obserbasyon, eksperimento, at datos mula sa totoong mundo. Pangalawa, ang teorya ay dapat na malinaw at maayos na naipaliwanag. Ang mga konsepto at mga relasyon sa pagitan ng mga konsepto ay dapat na madaling maunawaan at hindi malabo. Pangatlo, ang teorya ay dapat na masusubok. Dapat mayroong mga paraan upang patunayan o pabulaanan ang mga prediksyon ng teorya sa pamamagitan ng karagdagang pananaliksik. Sa huli, ang pagiging mapagkakatiwalaan ng isang teorya ay isang bagay na patuloy na sinusuri at sinusubok ng komunidad ng mga mananaliksik. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga bagong pag-aaral at pagsusuri sa umiiral na mga datos, ang mga mananaliksik ay maaaring magbigay ng karagdagang suporta o hamon sa isang teorya. Ang isang teorya na nakakapasa sa pagsubok ng panahon at ng masusing pagsusuri ng mga eksperto ay mas malamang na maging isang mapagkakatiwalaang batayan para sa pag-aaral. 2. Paano pinipili ang pinakamabisang metodolohiya sa isang partikular na suliranin sa pananaliksik? Ang pagpili ng tamang metodolohiya ay isang kritikal na hakbang sa anumang pananaliksik. Ito ang pundasyon kung saan itatayo ang buong pag-aaral at magiging gabay sa pagkalap at pag-analisa ng datos. Ang pagpili ng hindi angkop na metodolohiya ay maaaring magresulta sa hindi valid at reliable na mga resulta. Ngunit paano nga ba natin pipiliin ang pinakamabisang metodolohiya para sa isang partikular na suliranin sa pananaliksik? Ang pagpili ng metodolohiya ay hindi isang arbitraryong desisyon. Ito ay dapat na batay sa kalikasan ng suliranin na nais sagutin, ang mga layunin ng pag-aaral, at ang mga magagamit na resources. Mayroong iba\'t ibang mga metodolohiya na maaaring gamitin sa pananaliksik, tulad ng quantitative, qualitative, at mixed methods. Ang quantitative na metodolohiya ay gumagamit ng mga numero at estadistika upang makuha ang mga datos, samantalang ang qualitative na metodolohiya naman ay nakatuon sa pag-unawa sa mga kahulugan at karanasan ng mga tao. Ang mixed methods ay isang kombinasyon ng parehong quantitative at qualitative na metodolohiya. Ang pagpili sa alin sa mga ito ay depende sa kung ano ang nais malaman ng mananaliksik. Sa huli, ang pinakamabisang metodolohiya ay ang metodolohiyang makakapagbibigay ng pinakamahusay na sagot sa mga tanong ng pananaliksik. Mahalagang isaalang-alang ang mga limitasyon at kalakasan ng bawat metodolohiya upang matiyak na ang napiling metodo ay angkop para sa pag-aaral. Ang isang maingat na pagpaplano at pagsasaalang-alang sa mga iba\'t ibang faktor ay susi sa pagpili ng pinakamabisang metodolohiya para sa isang partikular na suliranin sa pananaliksik.