Filipino 8 Quarter 2 Exam (RUQA) PDF
Document Details
Uploaded by FastestGrowingIdiom
2024
RUQA
Tags
Summary
This is a past paper for Filipino 8, covering questions for the second quarter of the school year 2024-2025. The exam assesses understanding of Tagalog language and literature, with questions on topics such as literary analysis and identifying literary devices.
Full Transcript
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – FILIPINO 8 Pangalan: ___________________________________________ Seksiyon:_______________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Basahin at...
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – FILIPINO 8 Pangalan: ___________________________________________ Seksiyon:_______________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat seleksyon/tanong at bilugan ang titik na katumbas ng iyong sagot. Hila mo’y tabak ang bulaklak nanginig sa paglapit mo. (Halimbawa ng tulang haiku”) 1. Ano ang sinisimbolo ng “tabak” sa tula tumutulong sa pagtuklas ng paksa? a. Nagbabadyang kasawian c. Unos na darating b. Nagbabadyang kapahamakan d. Sakuna sa buhay. 2. Ano-anong mga bagay sa tula ang naghudyat sa iyo para mabatid ang pangunahing paksa? a. tabak at hila c. tabak at bulaklak b. bulaklak at hila d. bulaklak at paglapit 3. Ang aking inay ay nagdinuguan sa piyesta.Ano ang payak na salita ng nakasalungguhit? a. dugo b. dinugo c. dinuguan d. dugoan 4. Anong uri ng paglalapi ang ginamit sa salitang nagdinuguan? a. unlapi b. hulapi c. kabilaan d. laguhan 4. Anong salita ang mabubuo kung gagamitan ng paglalaping kabilaan ang nagdinuguan? a. dinugo b. nadugoan c. nadinugo d. dugo-dugoan Lakandiwa: Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan. Buong galang na sa inyo’y bumabati’t nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi’y balagtasan. Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga. Pagkat nasasangkot dito’y bayan nating sinisinta. Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga, Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga? Kaya’t inyong lakandiwa ay muling nag-aanyayang dalawang mambibigkas na mahusa’y at kilala. Ang hiling ko’y, salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya. 2 6. Ano ang tinatalakay na paksa sa balagtasan ayon sa lakandiwa? a. Ang buong galang na pagbati at pagpupugay b. Ang halaga ng sipag at talino sa pag-unlad ng bayan c. Ang pag-aanyaya sa dalawang mambibigkas d. Ang papel ng sining sa kultura 7. Para sa iyo, ano ang mas mahalaga sa pagpaunlad ng bayan, sipag o tiyaga? a. Sipag, sapagkat magagawa mo ang lahat kapag magsisipag ka lang. b. Sipag, dahil walang saysay ang talino mo kung tamad ka. c. Talino, sapagkat ang talino ang siyang bitbit natin sa araw-araw. d. Talino, dahil kayang mong lutasin lahat kapag may angking katalinuhan ka. 8. Kailangan ba talagang pumili o maaring pagsamahin ang sipag at talino, bakit? a. Hindi maaring taglayin ng tao ang dalawang katangian. b. Kailangan pumili ng isa para maging patas sa lahat. c. Kailangang parehong taglay mo ang sipag at talino upang mas mabibigyang katuparan ang pagpapaunlad ng bansa. d. Kailangang parehong taglay mo ang sipag at talino nang sa ganoon ay mayroon kang maipagmamalaki kapag umunlad ang bansa. 9. Paano nauugnay ang tanong ng lakandiwa na "Sipag ba o Talino ang mas mahalaga?" sa tema ng pag-unlad ng bayan? a. Dahil ang sipag at talino ay parehong puhunan para sa personal na tagumpay b. Dahil ang pag-unlad ng bayan ay batay sa balanse ng sipag at talino ng mamamayan c. Dahil mas mahalaga ang talino para sa progreso ng isang bansa kaysa sipag d. Dahil walang direktang ugnayan ang sipag at talino sa pag-unlad ng bayan. 10.Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na lumahok sa balagtasan, paano mo ipapaliwanag ang halaga ng sipag sa konteksto ng modernong panahon ng teknolohiya? a. Ang sipag ay mas mahalaga kaysa talino dahil mas madaling umunlad ang mga bansang masisipag kaysa maraming matatalino subalit mga tamad. b. Ang sipag at talino ay dapat magtulungan dahil sa modernong panahon, ang teknolohiya ay nangangailangan ng masusing pagsisikap upang mapakinabangan c. Ang teknolohiya ay nagpapalit ng kahulugan ng sipag kaya hindi na ito gaanong mahalaga d. Ang sipag ay limitado sa paggawa ng pisikal na gawain kaya ang talino ay mas mahalaga ngayon Sandatang Pinoy Ni: TJ Demetillo Wikang Filipino tugon sa mga hamon Mula pa noon magpahanggang sa ngayon Pinipilit pa rin nating bumabangon Kalayaang kay ilap hindi naglaon Wikang nagbubuklod ng mga Pilipino Filipino tatak sa ‘ting pagkatao Kasarinlan natin nang tayo’y mabuo Bigkis nitong liping hindi pabubuyo Laging namamanglaw itong pusong uhaw Mahal na bayan lahi mo’y dugong bughaw Identidad at kultura’y umaapaw Wikang Filipino ang pinapagalaw Kahit sa anumang panahon at sitwasyon Wikang Filipino sa ‘ting edukasyon Sandatang pinoy maging sa rebolusyon Malayang lipunan abot-kamay na ngayon 3 11. Ano ang sinisimbolo na sandatang pinoy sa tula? a. Kalayaan b. Wikang Filipino c. Pagka- Pilipino d. Edukasyon 12. Ano ang ibig sabihin ng linyang “kalayaang kay ilap hindi naglaon”? a. Hindi kailaman tayo naging Malaya. b. Ang inaasam na Kalayaan ay napasakamay na. c. Hindi magtatagal tayo ay magiging aliping muli. d. Ipinagkait sa atin ang kalayaang matagal na nating inaasam. 13. Batay sa nabasang tula, paano tayo pinag-isa ng wikang Filipino? a. Ito ang sandata upang tayo ay magkaroon ng sariling identidad. b. Ginamit ito bilang gabay sa ating pagkakaisa. c. Naging kasangkapan ito upang magkaintindihan ang bawat isa sa atin. d. Pinalalakas nito ang kultura at pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. 14. Sang-ayon sa tula, paano tayo nagkaroon ng malayang lipunan? a. Ginamit itong tulay sa pagbabago ng ating mga adhika. b. Ginawang daan ang wika para magkaunawaan ang Filipino sa iisang adhika. c. Paraan ito upang tupdin ng mga Pilipino ang pagiging isang mamayang makabansa. d. Ang wika ay naging sandigan ng Pilipino sa panahon ng sigalot ng pagkakaintindihan. Pagpapahayag: "Ang pagkakaroon ng maagang edukasyon sa mga bata ay mahalaga sa kanilang pangkalahatang pag-unlad. Sa kabila nito, may mga nagsasabi na hindi ito palaging kailangan, lalo na sa mga batang mula sa mahihirap na pamilya." Hudyat ng Pagsang-ayon: "Sang-ayon ako na mahalaga ang maagang edukasyon sa pagbuo ng pundasyon para sa matagumpay na hinaharap ng mga bata." "Tama, ang maagang edukasyon ay nagbibigay sa mga bata ng mga pangunahing kasanayan na mahalaga sa kanilang paglaki." Hudyat ng Pagsalungat: "Hindi ako sang-ayon dahil may mga bata na mas kailangan ang pagtuon sa kanilang pangunahing pangangailangan kaysa sa maagang edukasyon." "Sa aking palagay, ang mga bata mula sa mahihirap na pamilya ay maaaring makatuon sa iba pang aspeto ng kanilang buhay kaysa sa formal na edukasyon." 15.Ano ang paksang sinasang-ayunan at sinasalungat sa teksto? a. Maagang edukasyon sa mga bata b. Pagtulong sa mahihirap na pamilya c. Pagpapalakas ng ekonomiya d. Kalusugan ng mga bata 16. Kung ikaw ay gagawa ng polisiya ukol sa maagang edukasyon, paano mo isasama ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat upang makabuo ng balanse at epektibong polisiya? a. Magbibigay ng maagang edukasyon sa lahat ng bata nang pantay-pantay. b. Magkakaroon ng maagang edukasyon para sa lahat, na may espesyal na suporta para sa mahihirap na pamilya. c. Lahat ng bata ay bibigyan ng maagang edukasyon, ngunit ang may kakayahan ay magbabayad ng gastusin, habang ang mahihirap ay makakakuha ng subsidiya. d. Magbabawal ng maagang edukasyon at ilalaan ang pondo sa ibang pangangailangan ng mahihirap na pamilya. 17. Ano-ano ang mga pangyayaring nagbago sa pananaw ni Juan tungkol sa edukasyon? a. Nawalan sila ng yaman at naunawaan ni Juan ang kahalagahan ng edukasyon b. Naging mahirap ang kanyang pamilya at naisip niyang magtrabaho agad c. Nakinig siya sa kanyang mga guro at natutunan ang halaga ng pag-aaral d. May nagsabi sa kanya na magaling siyang estudyante kaya bumalik siya sa klase 4 18. Paano nagpakita ang kwento ng kaugnayan ng edukasyon sa kakayahang magtagumpay sa harap ng mga pagsubok? a. Ipinakita sa kwento na ang edukasyon ay mas mahalaga kaysa sa kayamanan b. Pinapakita sa kwento na ang edukasyon ay walang epekto sa tagumpay ng tao c. Napatunayan sa kwento na kahit walang edukasyon, basta’t may yaman ay magtatagumpay ang isang tao d. Sa kwento, ang edukasyon ay isang paraan lamang upang magkaroon ng titulo 19. Paano maaaring iugnay ang karanasan ni Juan sa mas malawak na diskurso tungkol sa kahalagahan ng edukasyon bilang puhunan, lalo na sa mga sitwasyong hindi tiyak ang mga materyal na bagay gaya ng yaman o ari-arian? a. Ang edukasyon ay nagiging kasangkapan ng tao upang magtagumpay kahit na mawalan ng kayamanan. b. Sa pagkawala ng yaman, ang edukasyon ay walang halaga dahil hindi ito makakatulong sa pagbangon. c. Ang yaman ay mas mahalaga kaysa edukasyon dahil ito ang nagbibigay ng kaginhawahan sa buhay. d. Ang edukasyon ay opsyonal lamang at walang direktang epekto sa tagumpay ng isang tao. Ang Hiwaga ng Gabi Sa isang tahimik na bayan, may isang maliit na bahay sa tabi ng kagubatan na tinatawag na "Bahay ng Liwanag". Ayon sa alamat, dito naninirahan ang isang matandang mang-uukit ng kahoy na kilala sa kanyang kagalingan at mahiwagang kakayahan. Sa araw, siya ay tila isang simpleng matanda, ngunit sa gabi, nagiging punung-puno ng hiwaga ang kanyang bahay 20. Ano ang denotatibong kahulugan ng "Bahay ng Liwanag"? a. isang lugar na puno ng sikreto b. isang bahay sa tabi ng kagubatan c. isang matandang tahanan d. isang bahay na puno ng ginto 21. Alin sa mga sumusunod ang mga kasingkahulugan ng "simpleng" at "misteryo" batay sa akda? a. Komplikado at hiwaga c. Magulo at kaalaman b. Karaniwan at hiwaga d. Mahirap at kaalaman 22. Paano nagiging kabaligtaran ang "hiwaga" sa "kaalaman" sa konteksto ng akda? a. Ang "hiwaga" ay nagpapakita ng mga bagay na hindi maipaliwanag, samantalang ang "kaalaman" ay tumutukoy sa mga bagay na malinaw at naipapaliwanag. b. Ang "hiwaga" ay tumutukoy sa mga bagay na madaling matutunan, habang ang "kaalaman" ay tumutukoy sa mga bagay na mahirap matutunan. c. Ang "hiwaga" at "kaalaman" ay magkapareho sa kanilang kahulugan sa akda. d. Ang "hiwaga" ay naglalaman ng impormasyon, samantalang ang "kaalaman" ay isang uri ng lihim. 23.Paano makakatulong ang pag-unawa sa denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda sa pagbuo ng mas malalim na pag-unawa sa tema ng misteryo at kaalaman? a. Ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita ay hindi nakakaapekto sa pangkalahatang tema ng akda. b. Ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita ay daan para sa pag-unawa ng mga simbolismo at tema na may kaugnayan sa hiwaga at kaalaman sa akda. c. Ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita ay nagpapahirap sa pagbuo ng tema ng akda. 5 d. Ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita ay nagiging sanhi ng pagkalito sa tema ng akda. Ako si Ricardo Dalisay, labing limang taong gulang at isang mag-aaral mula sa San Luiz National High School at ako ho ay tumatakbo para sa darating na eleksyon bilang isang namumuno sa ating bansa. Ang aming pangunahing plataporma ay ang maprotektahan at maisulong ang karapatan ng ating mga kababayan. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na manalo at mahalal sa darating na eleksyon ay isinusumpa kong aking gagampanan ng buong puso ang aking mga responsibilidad at obligasyon bilang isang namumuno. Sisikapin kong panatilihin ang kaayusan at kapayapaan ng aking nasasakupan. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay akin hong adhika kaya't kung maaari ay ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya upang ang korapsyon ay mawakasan nang sa gayon ay mapunta ang kaban ng bayan sa mas nangangailangan. Sa panahon ngayon ay nangangailangan tayo ng tapat at may malasakit na pinuno na magsisilbing tenga na handang makinig sa hinanaing at sigaw ng ating kababayan. Narito tayo upang magtulungan at hindi makipagpataasan. Tumatakbo ako upang mamuno at hindi para magpayaman. Ako ho ay sanay sa hirap kaya't alam ko ang dinaranas ng karamihan sa atin. Ako ho ay umaasa sa inyong suporta nang sa gayon ay sama-sama nating tugunan ang problema at suliranin ng ating bansang kinabibilangan. Muli, ako po si Ricardo at nagsasabing isang boto para sa ikauunlad ng bansa, kaya't hindi dapat tayo nagpapadala sa bayad. Bumoto ng tapat at iboto ang karapat-dapat. VOTE WISELY! Maraming salamat at mabuhay! 24. Ano ang pangunahing plataporma ni Ricardo Dalisay? a. Maprotektahan ang karapatan ng kababayan b. Magtayo ng mga bagong paaralan c. Palakasin ang ekonomiya d. Maging sikat na politico 25. Alin sa mga sumusunod ang mga adhikain ni Ricardo Dalisay batay sa talumpati? 1. Panatilihin ang kaayusan at kapayapaan 2. Wakasan ang korapsyon 3. Gamitin ang kaban ng bayan sa mga proyekto ng pamahalaan 4. Makinig sa hinanaing ng mga mamamayan a. 1, 2, at 4 c. 2, 3, at 4 b. 1, 2, at 3 d. 1, 3, at 4 26. Bakit mahalaga para kay Ricardo Dalisay na puksain ang korapsyon, ayon sa kanyang talumpati? a. upang maging sikat siya bilang politiko b. upang makatulong sa mga nangangailangan c. upang makuha niya ang suporta ng mayayaman d. upang itaguyod ang mga bagong proyekto ng paaralan 27. Paano nagsasalamin ang mensahe ni Ricardo Dalisay sa pangangailangan ng kasalukuyang lipunan para sa tapat na pamumuno at pagkakaisa? a. Pinapakita nito na kailangan ng lipunan ng mas agresibong pamumuno upang makamit ang kaunlaran. b. Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pinunong tumutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap at hindi pinapatakbo ng pera o kasikatan. c. Ipinapakita nito na ang mga lider na mayaman ay higit na angkop na mamuno. d. Pinapakita nito na walang epekto ang mga pangako ng mga lider sa kanilang nasasakupan. 6 “Ang Tagatagpi” Mariano Proceso Byron Pabalan Iniisip ni Juana na hiwalayan ang asawang si Diego dahil sa suspetsang may ibang babae ito. Dumating si Sianang, ang kasambahay ng mag-asawa. Nang umalis na si Juana, dumating si Pablo, isa ring kasambahay at lihim na kasintahan ni Sianang. Hábang nagpapalitan silá ng matatamis na salitâ ay 6 CO_Q2_Filipino 8_ Module 5 dumating bigla si Diego at nagtago sa ilalim ng sopa si Pablo. Nang itanong ni Diego kung ano ang sanhi ng kaluskos sa bahay, sinabi ni Sianang na ang ásong si Managpe ang sanhi. Ngunit, biglang nabahing si Pablo at nabisto ang magkasintahan. Hábang pinagagalitan ni Diego ang mga kasambahay, umuwi si Juana at siyá namang napagalitan ni Don Diego dahil sa kawalan ng kaayusan sa bahay sanhi ng pagseselos nitó. Natapos ang dula na humihingi ang mga tauhan ng paumanhin sa magulong kinahinatnan ng kanilang búhay. 28. Ano ang kaugnayan ng pagseselos ni Juana sa magulong kalagayan ng kanilang tahanan? a. Nag-ugat ang gulo sa pagseselos ni Juana at napalitan ng galit ni Diego b. Hindi direktang nauugnay ang pagseselos ni Juana sa gulo c. Si Juana ay nagsimula ng gulo ngunit napakalma kaagad d. Ang pagseselos ni Juana ay hindi nagkaroon ng epekto sa dula 29. Paano sumasalamin ang dula sa mas malawak na isyu ng komunikasyon at tiwala sa relasyon ng mag-asawa? a. Ipinapakita ng dula na madali lamang malutas ang mga isyu sa relasyon basta’t nagkakaintindihan ang mag-asawa b. Ipinapakita ng dula na ang kakulangan ng komunikasyon at tiwala ay nagdudulot ng kalituhan at kaguluhan sa pamilya c. Pinapakita ng dula na ang mga problemang tulad ng selos at pagtataksil ay palaging natatapos sa masayang pagwawakas d. Ang dula ay nagpapakita na walang epekto ang mga problema sa relasyon sa buong pamilya Maraming paraan ng pagpapahayag na ginagamit natin sa araw-araw. Narito ang ilan sa mga pangunahing paraan: Pasalita: Ito ang pinakakaraniwang paraan ng pagpapahayag. Kasama rito ang pakikipag-usap, pag-uusap sa telepono, at mga talumpati. Pasulat: Kasama rito ang pagsusulat ng mga liham, email, artikulo, at mga libro. Di-verbal: Ito ay mga kilos at galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, at iba pang anyo ng body language. Visual: Paggamit ng mga larawan, video, at iba pang biswal na materyales upang magpahayag ng mensahe. Digital: Paggamit ng social media, blogs, at iba pang online platforms upang magpahayag ng mga ideya at damdamin. 30. Alin sa sumusunod ang gumagamit ng pasalitang paraan ng pagpapahayag? a. paggamit ng telepono sa pakikipag-usap b. pagsusulat ng liham c. pag-upload ng larawan sa social media d. paggawa ng video 31. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pagpapahayag na gumagamit ng katawan o kilos? a. pasulat b. di-verbal c. digital d. visual 32. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pagpapahayag ang kinabibilangan ng pakikipag-usap sa telepono, pagsusulat ng liham, at paggamit ng social media? 1. Pasalita 2. Pasulat 3. Di-verbal 4. Digital a. 1, 2, at 4 c. 2, 3, at 4 b. 1, 3, at 4 d. 1, 2, at 3 7 33. Paano nagbabago ang ating paraan ng pagpapahayag sa pag-unlad ng teknolohiya, at paano ito nakakaapekto sa ating mga relasyon at komunikasyon sa ibang tao? a. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nagpapabilis sa komunikasyon ngunit minsan ay nagiging sanhi ng mas mababaw na relasyon. b. Walang epekto ang teknolohiya sa paraan ng ating pagpapahayag o sa ating relasyon. c. Dahil sa teknolohiya, mas nagiging personal at malalim ang ating mga ugnayan sa ibang tao. d. Ang teknolohiya ay hindi mahalaga sa pagpapahayag at komunikasyon. Paglipas ng Dilim ni Precioso Palma Si Don Torcuato at ang kanyang pamilya ay may problemang pampinansiyal. Bilang karagdagan sa kanilang problemang pampinansyal, si Caridad - ang anak na babae nina Don Torcuato at Donya Carmen - ay nabuntis ni Don Juanito. Kaya naman, sa handaan ni Makairog, sinimulan ni Don Torcuato, Donya Carmen, at Caridad ang kanilang plano upang hikayatin si Makairog na maging kasintahan ni Caridad. Ang kanilang plano na gawin kay Makairog na isang panakip-butas para sa pagbubuntis ni Caridad ay nadiskubre. At sa wakas, ay natuloy ang pag-iibigan nina Estrella at Makairog nang sa dulo ng dula ay ipinakita ang kanilang pag-iisang dibdib. 34. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang "Paglipas ng Dilim"? a. Don Torcuato c. Donya Carmen b. Estrella d. Makairog 35. Ano ang pangunahing problema ng pamilya ni Don Torcuato? a. Sila ay may problema sa negosyo. b. Sila ay may problemang pinansyal. c. Sila ay nalugi sa palengke. d. Sila ay nawalan ng tahanan. 36. Ano ang dalawang isyung kinaharap ng pamilya ni Don Torcuato? 1.Problemang pampinansyal 2.Problema sa pagbubuntis ni Caridad 3.Problema sa negosyo 4.Problema sa pag-aaral ni Caridad a. 1 at 2 b. 1 at 3 c. 2 at 4 d. 3 at 4 37. Paano nauugnay ang plano nina Don Torcuato at Donya Carmen kay Makairog sa pagbubuntis ni Caridad? a. Ipinakilala nila si Makairog kay Caridad para maging mabuting kaibigan. b. Gusto nila na si Makairog ang managot sa pagbubuntis ni Caridad. c. Gusto nila si Makairog dahil mayaman siya. d. Gusto nila na si Makairog ang magturo sa kanilang negosyo. 38. Paano ipinapakita ng akdang "Paglipas ng Dilim" ang epekto ng mga pampinansyal na problema at mga personal na isyu sa mga relasyon sa loob ng isang pamilya? a. Ang akda ay nagpapakita na ang mga personal at pampinansyal na problema ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga relasyon sa pamilya. b. Ipinapakita ng akda na ang pamilya ni Don Torcuato ay lumapit at nagkaisa dahil sa kanilang mga problema. c. Ipinapakita ng akda na walang epekto ang mga problema sa relasyon ng pamilya. d. Ang mga problema ay nagdulot ng kalungkutan ngunit hindi nakaapekto sa relasyon sa pamilya. 8 Ang Aking Bayan Sa bawat sulok ng aking bayan, Kaligayahan at kapayapaan ang nararamdaman. Mga bundok at dagat na kay ganda, Yaman ng kalikasan, ating pagyamanin pa. Sa bawat ngiti ng mga bata, Pag-asa ng bukas, ating makikita. Kultura at tradisyon, ating ipagmalaki, Pagmamahal sa bayan, ating ipagbunyi. Sa bawat pagsubok na dumarating, Tayo’y magkaisa, laban ay harapin. Pagmamahal sa bayan, ating ipakita, Sa bawat hakbang, tagumpay ay makakamit na. 39. Anong pangunahing tema ang makikita sa tula? a. Kalikasan c. Pag-aaral b. Pagmamahal sa bayan d. Pag-ibig 40. Ano-ano ang mga aspeto ng bayan na binigyang-diin sa tula? 1.Kalikasan 2.Kultura at tradisyon 3.Edukasyon 4.Kapayapaan a. 1 at 2 c. 1, 2, at 4 b. 2 at 3 d. 1, 3, at 4 41. Paano nauugnay ang kaligayahan at kapayapaan sa bayan ayon sa tula? a. Kapag mayaman ang kalikasan, magkakaroon ng kaligayahan at kapayapaan. b. Kapag magkakaisa ang mga mamamayan, magkakaroon ng kaligayahan at kapayapaan. c. Kapag sumusunod ang lahat sa batas, may kaligayahan at kapayapaan. d. Kapag maraming mga bata, may kaligayahan at kapayapaan. 42. Paano maaaring ipakita ng mga mamamayan ang pagmamahal sa kanilang bayan batay sa tula? a. sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon b. sa pagpapakita ng galit sa gobyerno at paninisi sa kapwa c. sa pagpapayaman ng sarili at pagbibigay ng donasyon d. sa pagsuporta lamang sa lokal na produkto Ang Pagbabalik ng Liwanag Sa isang tahimik na bayan sa tabi ng kagubatan, may isang maliit na bahay na tinatawag na "Bahay ng Liwanag." Dito naninirahan si Mang Aling, isang matandang mang-uukit ng kahoy. Kilala siya sa kanyang kagalingan at mahiwagang kakayahan na tila nagmumula sa isang lihim na pinagmumulan ng kapangyarihan. Araw-araw, nag-uukit siya ng mga kahoy na naglalaman ng mga kamangha- manghang disenyo at simbolo. Sa araw, ang kanyang bahay ay tila isang ordinaryong lugar, ngunit sa gabi, nagiging lugar ng misteryo. Maraming tao ang pumupunta sa kanyang bahay upang makakita ng mga himala na tila nangyayari sa ilalim ng malamig na liwanag ng buwan. Isang araw, dumating ang isang batang babae na nagngangalang Lila. Siya ay dumaan sa kanyang tahanan, nagdala ng isang maliit na kahoy na piraso na gusto niyang ipagawa kay Mang Aling. Nais niyang magkaroon ng isang espesyal na kahoy na may simbolo ng pag-asa para sa kanyang nagdurusa at mahirap na pamilya. Nang gabing iyon, habang ang buong bayan ay natutulog, nagtrabaho si Mang Aling sa kahoy na piraso. Sa kabila ng kanyang pagod, tila may maliwanag na enerhiya na nagmumula sa 9 kanyang mga kamay. Ang simbolo ng pag-asa ay naging kumikinang sa kanyang mga mata habang tinatapos ang ukit. Kinabukasan, dumating si Lila upang kunin ang kanyang kahoy na piraso. Nang makita niya ito, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa tuwa. Sa kanyang pag- uwi, ang kanyang pamilya ay nagpasalamat sa kanya sa bagong kahoy na nagbigay ng pag-asa at liwanag sa kanilang buhay. Ngunit sa kabila ng kaligayahan, hindi nagtagal, ang buong bayan ay napansin ang kakulangan ng liwanag sa "Bahay ng Liwanag." Ang bahay ni Mang Aling ay bumalik sa pagiging ordinaryo, at hindi na muling nakita ang misteryosong liwanag na dati’y nagbigay inspirasyon sa lahat. Ang matandang mang-uukit ay umalis na sa bayan, nang hindi nag-iiwan ng bakas. 43.Ano ang nangyari sa bahay ni Mang Aling pagkatapos na makumpleto ang ukit para kay Lila? a. nagkaroon ng bagong misteryo b. bumalik sa pagiging ordinaryo c. pinalitan ng bagong bahay d. puno ng liwanag 44.Ano ang simbolo ng kahoy na ipagawa ni Lila kay Mang Aling? a. pagkakaisa c. pagkakaibigan b. pag-asa d. kasayahan 45.Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing elemento ng kuwento? a. Si Mang Aling, ang mahiwagang kahoy, at ang pagtulong kay Lila. b. Si Mang Aling, ang kanyang magkaibigan, at ang paglisan ng bayan. c. Ang mahiwagang ilaw, ang pag-uwi ni Lila, at ang pagbabago ng bahay. d. Ang piraso ng kahoy, ang pagdating ni Lila, at ang misteryo ng liwanag. 46.Paano naiiba ang epekto ng pag-alis ni Mang Aling sa bahay ng Liwanag kumpara sa epekto ng kahoy na piraso sa pamilya ni Lila? a. Ang pag-alis ni Mang Aling ay nagdulot ng pagkawala ng liwanag, habang ang kahoy na piraso ay nagbigay ng pag-asa sa pamilya. b. Ang pag-alis ni Mang Aling ay nagdala ng bagong liwanag, habang ang kahoy na piraso ay nagbigay ng kalungkutan. c. Ang pag-alis ni Mang Aling at ang kahoy na piraso ay parehong nagdulot ng kasayahan sa bayan. d. Ang pag-alis ni Mang Aling ay hindi nagkaroon ng epekto, samantalang ang kahoy na piraso ay nagdulot ng panganib. 47.Paano mo maaaring isulat ang wakas ng kuwentong ito upang ipakita ang patuloy na epekto ni Mang Aling sa bayan kahit na siya ay umalis na? a. Magiging malinaw na kahit wala na si Mang Aling, ang mga tao sa bayan ay patuloy na nakakaranas ng kanyang mga aral at inspirasyon. b. Magiging malinaw na ang bayan ay hindi na muling magtatagumpay pagkatapos ng pag-alis ni Mang Aling. c. Magiging malinaw na ang mga tao ay agad na nakalimutan ang kontribusyon ni Mang Aling. d. Magiging malinaw na ang lahat ay nagpatuloy sa kanilang buhay na walang pagbabago mula sa epekto ni Mang Aling. Pamana ng Kalikasan Sa bawat pagpatak ng ulan sa lupa, Kalikasang kay ganda, ating pamana. Mga puno’t halaman, nagbibigay-buhay, Sa bawat nilalang, ito’y gabay. Mga ibon sa himpapawid, malayang lumilipad, Sa kagubatan, kanilang tahanan, walang kapantay. Tubig sa batis, malinaw at dalisay, 10 Sa bawat patak, kalikasan ay buhay. Ating ingatan, kalikasang yaman, Sa bawat hakbang, ito’y ating alagaan. Pagkat sa bawat pagkasira, tayo rin ang apektado, Kalikasan ay buhay, ating pahalagahan ng todo. 48. Anong elemento ng kalikasan ang binanggit bilang nagbibigay ng malinaw at dalisay na tubig? a. Dagat b. Batis c. Lawa d. Talon 49. Paano nauugnay ang ulan at batis sa kahalagahan ng kalikasan ayon sa tula? a. Ang ulan at batis ay parehong pinagmumulan ng tubig na mahalaga sa buhay ng mga nilalang. b. Ang ulan ay nagpapalakas sa batis, na tumutulong sa paglaki ng mga puno at halaman. c. Ang ulan at batis ay simbolo ng kasaganahan at kalungkutan sa buhay. d. Ang ulan at batis ay nagpapakita ng kagandahan ng kalikasan ngunit hindi mahalaga sa kapaligiran. 50. Paano nagiging mahalaga ang pagpapahalaga sa kalikasan tulad ng ipinapakita sa tula sa konteksto ng pagbabago ng klima at modernisasyon? a. Ang pagpapahalaga sa kalikasan ay mahalaga dahil ang pagbabago ng klima ay dulot ng kapabayaan ng tao sa kalikasan. b. Ang pagpapahalaga sa kalikasan ay nagiging hadlang sa modernisasyon, kaya’t hindi ito dapat isaisip. c. Ang kalikasan ay maaari namang palitan ng mga teknolohikal na inobasyon, kaya’t hindi na ito dapat alagaan. d. Ang kalikasan ay nagbibigay lamang ng ganda sa mundo ngunit hindi mahalaga sa modernisasyon. _______________________________________________________________________________ Binabati kita! Natapos mo ang pasulit! _______________________________________________________________________________