M5_Q2_AP8 PDF - Araling Panlipunan
Document Details
Uploaded by AuthoritativeAllusion
CCDCAGothong MNHS
Rowena C. Pantaleon
Tags
Summary
This is a past paper for Araling Panlipunan, a Filipino social studies subject. The questions cover the topics of medieval period European history and politics. The paper is for secondary school students.
Full Transcript
8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 5: Ang Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon Naikonseptwalisa ni: Rowena C. Pantaleon CCDCAGothongMNHS 1 Modyul 5: Ang Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang P...
8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 5: Ang Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon Naikonseptwalisa ni: Rowena C. Pantaleon CCDCAGothongMNHS 1 Modyul 5: Ang Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Pamantayang Pangkasanayan Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Kakayahan Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon. Paksa/Subject Code: Ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon. AP8DKT-IIg-9 Subukin (Panimulang Pagtataya) Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 5 sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong. Panuto. Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado. A. Encomienda B. Manor C. Manoryalismo D. Piyudalismo 2. Ano ang naging dahilan ng pagkakatatag ng Piyudalismo? A. Dahil sa mga makasariling pinuno. 2 B. Dahil ayaw na nila na pamunuan pa sila ng hari. C. Dahil gusto ng mga mamamayan na magkaroon ng malayang pamumuhay. D. Dahil sa madalas na pagsalakay ng mga barbaro, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon. 3. Alin sa mga sumusunod ang kinikilalang kataas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe? A. Kardinal B. Papa C. Pastor D. Presidente 4. Siya ay nagmamay-ari ng lupain. A. Baron B. Kabalyero C. Lord D. Pesante 5. Ito ay sistemang politikal at militar sa kanlurang Europa noong Gitnang Panahon. A. Encomienda B. Hacienda C. Manoryalismo D. Piyudalismo6 6. Ano ang pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada? A. Upang makapaglakbay ang mga Europeo sa Gitnang Asya B. Upang sakupin ang mga teritoryong inangkin ng mga Muslim. C. Upang lalong maging makapangyarihan pa ang Imperyong Romano D. Upang maipalaganap ang relihiyon ng Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig. 7. Ano ang tawag sa tungkulin ng vassal kung sakaling mabihag ang kanilang Lord sa digmaan? A. fief B. homage C. ransom D. Wala sa nabanggit 8. Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at pagpapalawak ng mga bayan, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Ano ang tawag sa mga taong ito? A. Bourgeoisie C. Serf B. Dugong bughaw D. Panginoong-maylupa 9. Si ______________ ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari sa Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Romano. A. Charles the Great C. Pepin the Short B. Cyrus the Great D. Darius the Great 10. Ito ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe. A. Ginto B. Lupa C. Palamuti D. Pilak 11. Ito ay tawag sa paraan ng pagtatanim sa Manoryalismo. A. Dual System C. Three Field System B. Four Field System D. Tri-System 12. Siya ang nagbigay-diin sa Petrine Doctrine ng Simbahang katoliko. A. Papa Leo the Great C. Papa Gregory II B. Papa Gregory I D. Papa Alexander VI 13. Ang tawag sa lupaing ipinagkaloob ng lord. A. Fief B. Minahan C. Lupain D. Sakahan 14. Ang tawag sa ipinagkakaloob na lupa sa vassal. A. fief B. homage C. ransom D. Wala sa nabanggit 15. Ang mga Vikings na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na? A. Denmark B. Morman C. Normandy D. Paris 3 Aralin Piyudalismo 1 Alamin Magaling mga mag-aaral! Ngayon tingnan natin ang mga kasagutan sa mga katanungan sa Subukin. Halika! Samahan ninyo ako at suriin natin ang sistemang politika sa Europa sa Gitnang Panahon. Ngayon samahan ninyo ako sa Modyul 5 Aralin 1, dito nagkaroon ng malaking pagbabago naganap sa Europa. A. Nasusuri ang uri ng lipunan at politika sa Europa sa Gitnang Panahon; B. Natatalakay ang sistemang piyudalismo na pinairal sa Europa; at C. Nailalarawan ang uring panlipunan sa sistemang piyudalismo. Sa araling ito, tuklasin at suriin ang mga pangyayaring naganap sa Europa sa Gitnang Panahon sa ilalim ng Piyudalismo. Ang paghina ng pamamahala ng tagapagmana ni Charlemagne ang nagpasimula ng sistema kung saan ang lokal na pamamahala ay lumakas at dito nag-uugat ang sistemang piyudalismo. Panimulang Gawain GAWAIN 1: LARAWAN KO, SURIIN MO! https://www.slideshare.net/enricobaldoviso/gitnang-panahon-medieval https://www.slideshare.net/enricobaldoviso/gitnang-panahon-medieval 1.Ano ang ipinakita sa larawan? 2.Anong uring panlipunan ang pinacate sa lawman? 4 Tuklasin at Suriin ANG PIYUDALISMO Mula sa ika-siyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay- ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ay ang hari. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang vassal ay isang lord dahil siya ay may ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw. Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty. Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar. Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo? 2. Sa iyong nabasa, paano mo mailalarawan ang relasyon ng lord at vassal? 5 ANG PAGTATAG NG PIYUDALISMO Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlika katulad ng mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon kaya naitatag ang sistemang piyudalismo. ANG KABALYERO SA SISTEMANG PIYUDAL Ang lalaki na mula sa mababang antas ng lipunan ay halos hindi nabibigyan ng pagkakataong maging kabalyero. Para makatiyak na ang mga magiging kabalyero ay manggagaling sa angkang maharlika, ang pagsasanay sa pagkakabalyero ay mahigpit. Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “Chevalier” na ang ibig sabihin ay mangangabayo. Ang nagnanais na maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa kodigo ng pagiging Kabalyero. Ang pagsasanay ay nagsisimula sa mga gulang na pitong taon kung saan siya ay nagsisilbi sa Korte ng kastilyo o palasyo bilang “valet” (little vassal) o damoireau (little lord) habang natututo ng kagandahang asal at pagsasanay sa pakikidigma. Sa pagbibinata, siya ay magiging “assistant” o “squire” ng kabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan at kung mapatunayan ang kanyang kasanayan sa kagandahang asal at pakikidigma, siya ay gagawin nang kabalyero sa pamamagitan ng isang seremonya kung saan siya ay bibigyan na ng damit at gamit pandigma. 6 Gawain 2: Halina’t Sagutan! Pagtatag ng Piyudalismo Katangian ng Pinuno Nagawa/Tungkulin Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal Katangian ng Kabalyero Nagawa/Tungkulin Gabay na Tanong: 1. Ano ang kinahihinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa iyong binasa? 2. Bakit naitatag ang sistemang Piyudalismo? 7 LIPUNAN SA PANAHONG PIYUDALISMO Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo – ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo, at mga alipin (serf). MGA PARI. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin. MGA KABALYERO. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may- ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, maaaring magpamanahan ng kanilang lupain. MGA SERF. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Gitnang Panahon. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sa maliliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao. Makapag-asawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon. Isaisip Gawain 3: Tara’t Mag-Isip! Panuto: Isulat ang mga katangian at tungkulin ng mga pangkat ng tao sa lipunan sa panahon ng piyudalismo. LIPUNAN SA PANAHONG PIYUDALISMO Uri ng Lipunan Katangian Tungkulin 1. Pari 2. Kabalyero 3. Serf 8 Gabay na Tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng uri ng lipunan sa sistemang Piyudalismo? 2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging Lord o may -ari ng lupa, kanino mo ipamigay ang iyong lupa at bakit? 3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang sistemang Piyudalismo? Pangatwiranan. Isagawa at Pagyamanin Gawain 4: Word Hunt Puzzle. Kopyahin sa isang buong papel ang puzzle at kulayan ang mga salitang may kaugnayan sa paksang pinag- aralan. Pagkatapos nito, pumili ng limang mahahalagang salita at bigyan ng kahulugan o paglalarawan. P I Y U D A L I S M O A A R E I L A V E H C N D R O L X Z F T S H G Q V I K I N G H Q A I D F I E F X C G U R N O B I L I T Y I I L O W Z S E R F Q N R E O R E Y L A B A K E M N Y Q Z X L A S A V A L I E G E M U X Z C G M A H A R L I K A Q N I N V E S T I T U R E 9 Aralin Manoryalismo 2 Alamin Mapag-aaralan mo sa araling ito ang sistemang manoryalismo sa gitnang panahon. Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod: A. Nabibigyang kahulugan ang salitang Manoryalismo; B. Napahahalagahan ang buhay ng mga tao sa sistemang Manoryalismo; at C. Nakasusulat ng maikling sanaysay kung paano nagkakaiba ang Manoryalismo sa sistemang ekonomiya ng ating bansa sa kasalukuyan. Balikan Pag-Isipan Mo: Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa nakaraang aralin. 1. Ano ang Piyudalismo? 2. Ano ang ugnayan ng panginoon at ng basalyo sa isang fief? 3. Sa iyong palagay, nananatili pa ba hanggang sa kasalukuyan ang sistemang piyudal? Tuklasin at Suriin Natutunan mo sa nakaraang aralin tungkol sa Piyudalismo. Sa araling ito, pag-aralan mo naman ang Manoryalismo. Basahin at unawain ang teksto. 10 Pagsasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa manor na kaniyang magiging kayamanan. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nag- iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat. Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot ng 1/3 hanggang 1/2 ng kabuuang lupang sakahan ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa. Ang common ay lugar na ginagamit bilang pastulan ng mga alagang hayop ng mga karaniwang tao. (Halaw mula sa “Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon) nina Mateo, et.al pahina 195) GABAY NA TANONG: 1. Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga magbubukid? 2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan. 11 Ang Pagsasaka ng Manor Ang pagtatanim ay ginagawa ng mga magbubukid. Tatlo ang uri ng mga magbubukid. Ang una ay ang mga alipin na maaaring bilhin at ipagbili tulad ng hayop. Ang pangalawa ay ang mga serf na hindi maaaring umalis ng manor at hindi rin maaaring paalisin sa manor. Nagsasaka sila nang walang kabayaran kung hindi kapirasong lupa at proteksiyon mula sa mga knight ng kanilang lord. Ang pangatlo ay mga freeman kung saan sila ang mga pinalayang alipin na kadalasa’y may sariling lupa. Nagtatrabaho ang mga magbubukid sa lupain ng lord tatlong araw sa loob ng isang linggo. Ang sistema ng pagtatanim na sinusunod sa manor ay tinatawag na three-field system. Hinahati ang lupain sa tatlong bahagi, ang isang bahagi ay maaaring tamnan, tulad ng trigo. Ang ikalawa ay gulay at ang ikatlo ay hindi tatamnan. Ang sistemang ito ay sinusunod upang mabawi ng lupain ang sustansiya nito. Ang Nayon Sa tabi ng sinasakang bukid ay may isa o dalawang nayon kung saan naninirahan ang mga magbubukid ng sinasakang lupa. Ang mga tirahan dito ay nasa magkabilang gilid ng isang makitid na daan. Ang mga ito ay yari sa mga sanga na binalutan ng putik. Ang iba ay may pausukan subalit ang karaniwan ay mayroon lamang isang butas sa bubong kung saan lumalabas ang usok ng apuyan. Halaw Angngbawat mula sa “Kasaysayan Daigdig (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, nayon ay may simbahan na nagsisilbing sentro ng buhay. Ikatlong Taon) nina Mateo, et.al pahina 195-197) Ang Kastilyo Ang kastilyo ay tirahan ng lord. Itinatayo ito upang ipagtanggol ang lord laban sa kanyang mga kaaway. Mayroon itong keep o malaking tore na lubos na pinagtibay upang maging ligtas na taguan ng mga tao sa panahon ng pananalakay ng mga kaaway. Ang mga silid ng kastilyo ay madilim, malamig at amoy-amag. Sa panahon ng taglamig, iilan lamang sa mga gilid ang napapainitan. Sa gabi, inaaliw ng mga payaso ang lord ng kastilyo. Ang mga manlalakbay ay kadalasang tinatanggap sapagkat nagdadala sila ng balita mula sa iba’t-ibang lugar. Bukas din ang kastilyo para sa mga tumutugtog ng musika o kaya tumutula o umaawit tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran at dakilang pakikipaglaban ng mga knight. GABAY NA TANONG: 1. Ilarawan ang tirahan sa mga nayon, bakit mahirap ang pamumuhay ng mga magbubukid? 2. Para sa’yo, sapat ba ang pamumuhay sa manor? Patunayan. 12 Isaisip Nabatid natin batay sa ating talakayan na ang Manoryalismo ay katapat ng Piyudalismo. Ngayon naman ay kumpletuhin ang pahayag at isulat sa sagutang papel. Ang (1.)_________ ay sistemang (2.)_________ na gumagabay sa paraan ng pagsasaka at ang ugnayan ng (3.)__________ at magbubukid. May tatlong uri ng mga magbubukid na nagsasaka sa manor ang mga ito ay (4.)_________, (5.)_________, at (7.)_________. Ang mga magbubukid ay naninirahan sa (8.)_________; ang lord ay sa (9.)__________. Isagawa at Pagyamanin I. TALASALITAAN: Piliin sa loob ng kahon ang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel. Alipin Common Freeman Kastilyo Manor Manoryalismo Serf Three-fold system 1. Ang sistemang pangkabuhayan at panlipunan sa panahon ng Gitnang Panahon sa Europe ay tinatawag na _________. 2. Isang malawak na lupain na sinasaka ang _________. 3. Ang matibay at malaking gusali o tahanan ng lord ay ang __________. 4. Hinahati ang lupain sa tatlong bahagi na tinatawag na __________. 5. Uri ng magbubukid na maaaring bilhin at ipagbili ay ang __________. 6. Uri ng magbubukid na hindi maaring maalis sa manor ay ang __________. 7. Uri ng magbubukid na may sariling lupa at malaya ay __________. 8. Ang lugar na ginagamit bilang pastulan ng mga alagang hayop ay tinatawag na __________. Karagdagang Gawain Sumulat ng maikling sanaysay kung paano nagkakaiba ang Manoryalismo sa sistemang ekonomiya ng ating bansa sa kasalukuyan. Isulat ito sa sagutang papel 13 Aralin Paglakas ng Simbahang Katoliko at 3 Krusada Alamin Magaling mga mag-aaral! Ngayon tingnan natin ang mga kasagutan sa mga katanungan sa Subukin.Halika! Samahan ninyo ako at suriin ang Simbahang Katoliko bilang makapangyarihang institusyon sa Gitnang panahon at paglulunsad sa Krusada. Ngayon samahan ninyo ako sa Modyul 5 Aralin 3, dito nagkaroon ng malaking impluwensya ang Simbahan sa Europa: A. Nasusuri ang dahilan ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang Panahon; B. Natutukoy ang mga pinuno o Papa na may maraming naiambag sa pamumuno sa simbahan; at C. Naipaliliwanag ang dahilan at bunga ng Krusada sa Gitnang Panahon. Panimulang Gawain Gawain Larawan-Suri: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Ipaliwanag. 2. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang pinuno ng simbahan? 3. Bakit mahalaga na may pinuno ang isang simbahan? https://www.canstockphoto.com/illustration/pastor.html 14 Tuklasin at Suriin Mga Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Simbahang Katoliko Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang mga daan sa Paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa Gitnang Panahon at paano itinaguyod ng mga pinuno ang Simbahan. Nagkaroon ng malaking impluwensya ang simbahan sa Gitnang Panahon. Sa unang bahagi sa panahong ito, ang mga tao sa Europa ay nagsisikap na makaahon sa kaguluhang dulot ng pagbagsak ng imperyo, nagkaugnay ang tradisyon ng mga pangkat-etnikong Aleman, Romano at Kristiyano. Nagsanib ang tatlong kultura at nabuo ang isang bagong sibilisasyon. Sa paghubog ng bagong kultura, ang simbahan ay nagsilbing isang malakas na puwersa sa pag- uugnay ng mga Romano at barbarong Aleman. Ang simbahan ay naging pangunahing institusyon sa Gitnang Panahon. Nakasentro ito sa Roma at bagamat watak-watak ang lipunan at pamahalaan, binigkis ng simbahan ang mga tao at ang simbahan ang tumugon sa mga pangunahin nilang pangangailangan. Ang simbahan ang naging kanlungan ng tao. Sa maraming pagkakataon nakialam sila sa pagpapasya ng pamahalaan. Dahil sa kawalan ng pag-asa na manumbalik ang matiwasay na pamumuhay at umaasa na lamang ang mga Romano sa Simbahan para sa kanilang kaligtasan. Pagbagsak ng Imperyong Romano Sa panahong na ito ang simbahan ang nangangalaga sa pangangailangan ng tao. Dahil dito ibinaling ng mga tao ang kanilang buhay sa Simbahang Katoliko. Maging ang mga barbaro ay naimpluwensyahan din ng Simbahan at pumayag sila na mabinyagan sa Kristiyanismo at maging tapat na kaalyado ng mga pari. https://i.pinimg.com/originals/ff/f6/b8/fff6b87a8737fbad2fa712def69818b6.jpg Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan Anyong tatsulok ang organisasyon ng simbahan kung saan nasa tuktok nito ay ang Santo Papa na nagsisilbi bilang pangkalahatang pinuno. Bilang pinakamataas na pinuno at tinawag na Papacy o Kapapahan. Ang Obispo ang ikalawang antas na katuwang ng Santo Papa sa pamamahala. Tungkulin ng Obispo na lutasin ang sigalot na may kaugnayan sa mga aral ng Simbahan at gabayan ang 15 mga Pari. Katulong niya ang isang Curia, na binubuo ng mga Kardinal na pinili mula sa pangkat ng Arsobispo. Lumakas ang kapangyarihan ng simbahan Santo nang bumagsak ang pananalakay ng mga Papa barbaro sa kanluran bahagi ng Imperyong Romano. Bumuo ang simbahan ng batas na tinawag na Batas Canon. Ito ay batas tungkol Obispo sa mga aral ng Kristiyanismo, kaasalan, at moralidad ng mga pari. Ang sinumang Arsobispo sumuway ay paparusahan ng Simbahan. Ang pinakamabigat na parusa na ipinataw ng Simbahan sa mga nagkakasala ay eskomulgasyon/excommunicado at interdict. Ang eskomulgasyon ay isang parusa ng pag-aalis ng karapatan at pribilehiyo ng isang tao bilang kasapi ng Simbahan. Kapag ang isang hari ay patuloy sa pagmamatigas, ipapataw ang interdict. Ang interdict ay pagtigil sa pagganap ng Simbahan sa mga sakramento sa isang kaharian. Noong 1073, nahirang na Santo Papa si Gregory VII. Sa kanyang pamumuno, kanyang ipinatupad ang reporma tulad ng pagbuwag sa lay investiture. Ang lay investiture ay karapatan ng mga hari na pumili ng Obispo ng Simbahan. Tumutol sa kautusan ni Santo Papa Gregory VII si Haring Henry IV ng Imperyong Romano. Naniniwala si Henry IV na hihina ang kanyang imperyo kapag tinanggal ang lay investiture. Sumulat siya patungkol sa panunuligsa laban sa Santo Papa at nagpahayag na hindi niya kikilalanin ang kapangyarihan nito. Ikinagalit ito ng Santo Papa at pinatawan ng ekskomulgasyon ang hari. Ang pangatlong sandata ng simbahan ay ang deposition o pagpatalsik sa mga hari upang ipawalang-bisa ang pangako ng katapatan. Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa sumusunod na talahanayan. Uri ng Pamumuno ng Simbahan C Constantine the Great Pinagbubuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag. Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinag-uri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko 16 Romano. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN:978-971 Papa Leo the Great Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang (440-461) doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong http://upload.wikimedi a.org/wikipedia/comm ons/5/5b/Pope_St._L eo_IV.jpg kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang sa panahong ito. 17 Papa Gregory I Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe. Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na hindi pa sumasampalataya sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga http://upload.wikimedi a.org/wikipedia/comm ons/9/97/Francisco_d e_Zurbar%C3%A1n_ misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang 040.jpg England, Ireland, Scotland, at Germany. Papa Gregory VII Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon at http://hist2615.wikispa ces.com/file/view/Gre gory_VII- 1.jpg/251843136/174 masidhing pag-aaregluhan. Pamumuno ng mga Monghe Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palilimbag at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman 18 sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinumang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno at tulong. Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba’t ibang dako ng kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland at Scotland; at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asya para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN:978-971- 9601-67-8, pahina 235-236 Isagawa at Pagyamanin Gawain 1: Pamumuno Ko, Nagawa Ko! Panuto: Kopyahin ang Talahanayan B at piliin ang mga sagot sa Talahanayan A. Talahanayan A Nagawa Paraan Natamo ang sukdulan ng tagumpay Sa panahon nya kinikilala ang kapangyarihan ng Papa Isinagawa ang power of investiture Nagpadala siya ng misyonero para ipalaganap ang Kristiyanismo Pinili nya ang Rome bilang Pinarusahan ang Hari dahil sa pangunahing diyosesis pagtiwalag sa simbahan Ginawa niya ang Petrine Doctrine Pinagbuklod ang lahat ng Kristiyano Talahanayan B Papa/Pinuno Paraan ng Mga Nagawa Pamumuno 1. Constantine the Great 2. Papa Leo the Great 3. Papa Gregory I 19 4. Papa Gregory VII Gawain 2: Pamproseso na Tanong: 1. Paano nakatulong ang mga monghe sa simbahang Katoliko sa pamumuno ng Papa? 2. Ano ang naging papel ng simbahan ng bumagsak ang Imperyong Romano? 3. Ano ang paniniwala ni Haring Henry IV, bakit siya tumutol sa kautusan ng simbahang Katoliko? Gawain 3: Tara’t Ating Gawin! Batay sa binasang teksto, kopyahin ang graphic organizer at ibigay ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Europe. Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa 20 Tuklasin at Suriin ANG KRUSADA Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero o knights na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga https://www.slideshare.net/noe pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” miadaomarcera/holy-roman- mula sa lupa na kanilang masakop. empire- Unang Krusada Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3,000 kabalyero at 12,000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristiyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim. Ikalawang Krusada Noong 1147-1149, hinikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang grupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahuli-hulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. 21 Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin. Krusada ng mga Bata Noong 1212 isang labin- dalawang taong gulang na French, ang pangalan ay Stephen ay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria. https://www.slideshare.net/noemiadaoma rcera/holy-roman-empire- Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na Krusada na inilunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinubuo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada. Iba pang Krusada Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang mga lupain. 22 https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/holy-roman-empire- Ruta ng Ilan sa mga Krusada Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan. Sa kabilang panig, ang Krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN:978-971- 9601-67-8, pahina 242-244 Isaisip at Pagyamanin Gawain 1: Sariwain ang mga Pangyayari. Isulat sa loob ng kahon ang mga petsa, pinuno at mga nagawa sa bawat krusada. Mga Krusada Petsa Pinuno Nagawa Matagumpay na Halimbawa: Prinsipe at mga nabawi ang 1099 A.D. Unang Krusada Pranses Jerusalem sa kamay ng mga Muslim. 23 1. Ikalawang Krusada 2. Ikatlong Krusada 3. Ikaapat na Krusada Gawain 2: Pamproseso na Tanong: 1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig? 2. Sa kasalukuyan, anong pangyayari ang maihahambing sa naganap na krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag. Gawain 3: Pagnilayan at Gawin Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata. Hanapin sa teksto ang sagot at isulat sa sagutang papel. Ang Krusada ay isang (1.)________________ na inilunsad ng mga taga Europe sa panawagan ni (2.)______________________. Layunin nito na (3.)______________________________________________________________________________ __. Sa kasaysayan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay (4.) __________, (5.) _______________ (6.) __________ (7.) ____________. Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga inilunsad na Krusada dahil (8.)________________________________________________________. Tayahin Panuto: Sa pagtatapos ng modyul na ito, tayahin natin ang iyong natutunan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Noong 481, pinag-isa ni __________ ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman. 24 A. Charlemagne B. Clovis C. Pepin the Short D. Charles Martel 2. Ito ang banal na pook na pinag-aagawan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim. A. Egypt B. Israel C.Jerusalem D. Jordan 3. Sila ang mga pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. A. monghe B. papa C. pastor D. sakristan 4. Ano ang tawag sa isang malaking lupang sinasaka? A. Encomienda B. Manor C. Manoryalismo D. Piyudalismo 5. Ang ___________ ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ni Pope Urban II noong 1095. A. kalakalan B. krusada C. rebelyon D. rebolusyon 6. Ano ang tawag sa lugar na ginagamit bilang pastulan ng mga alagang hayop? A. Common B. Field C. Manor D. Village 7. Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na “____________”. A. crux B. cruz C. Panginoon D. Simbahan 8. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na freeman? A. Aliping magbubukid C. Alipin na maaaring bilhin B. Aliping maaaring umalis D. Pinalayang alipin 9. Bakit hinahati ang lupain ng tatlong bahagi sa pagtatanim ng manor? A. Dahil umiikot ang sistemang ito sa agrikultura. B. Dahil sinusunod lamang ng magbubukid kung ano ang gusto ng lord. C. Dahil ang sistemang ito ay sinunod upang mabawi ng lupa ang sustansiya nito. D. Dahil ang bawat lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa pangangailangan 10. Ang ikaapat na Krusada na inilunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga Krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay ideneklarang A. Kabalyero C. Suwail sa pamahalaan B. Excomunicado D. Traydor sa bayan 11. Ito ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno sa simbahan. A. baptism B. investiture C. excomunicado D. petrine doctrine 12. Paano pinalakas ni Constantine ang kapapahan? A. sa paglakas ng kalakalan B. sa paglusob ng mga barbaro C. sa pamamagitan ng konseho ng Constantinople D. sa pagsasamantala ng malalakas na lokal na burgis 13. Sino ang humalili bilang kapalit ni Charlemagne noong siya ay namatay noong 814 C.E.? 25 A. Cyrus the Great B. Louis the Religious C. Pepin the Short D. Pope Urban ll 14. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na serf? A. Pinalayang alipin B. Aliping magbubukid C. Alipin na maaaring bilhin D. Aliping hindi maaaring umalis 15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pamumuno at pamamahala ng Obispo? A. mga gawaing ispiritwal B. pagkawanggawa ng simbahan C. pangangasiwa ng pangkabuhayan D. pangangasiwa ng kalakal sa ibang bansa Sanggunian Aklat: Mactal, R.(2015). Kasaysayan Ng Daigdig, Padayon. Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House. Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Soriano, C. et al. (2017). Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig.Quezon City, Philippines: REX Bookstore. Online Links: Baldoviso, E. (2016).Gitnang Panahon (Medieval Period) Retrieved October 03, 2020 from https://www.slideshare.net/enricobaldoviso/gitnang-panahon-medieval Chakrabortysubrata. (2016) Feudalism Retrieved November 3,2020 https://subratachak.wordpress.com/2016/11/01/feudalism/ CrashCourse (2012) The Crusades - Pilgrimage or Holy War?: Crash Course World History #15 Retrieved November 08, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=X0zudTQelzI Davao City National High School.(2015).LM’s and TG’s. Retrieved Oct.30,2020 from https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgs 26 Division of Negros Occidental.(2017).LRMDS-Learning Resource Management and Development System. Retrieved Oct. 30,2020 from https://sites.google.com/a/deped.gov.ph/mylrmds Jess Aguilon, J. (2013) Bahaging Ginampanan Ng Simbahang Katoliko Sa Paglakas Ng Europe, Retrieved September 05, 2020 from https://www.slideshare.net/VIXII/bahaging-ginampanan-ng-simbahang Jerlie. (2016) Krusada, Retrieved from November 08, 2020 from https://www.slideshare.net/JerlieMae/krusada-65204310 MGH.(2015) Medieval Feudalism: Way of Life Retrieved November 4,2020 from https://www.youtube.com/watch?v=rR0Dbp3wdKI Mungcal, M.A.(2016) Ang Holy Roman Empire Retrieved September 12, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=WAdHQ8GI1BE Marcera, N. (2015). Holy Roman Empire. Retrieved October 18, 2020 from https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/holy-roman-empire- PegEntLtd.(2018).Richard The Lion Heart Retrieved October 10, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=eQsrJN0sCMg Wikipedia.(2010).Feudalism Retrieved October 29,2020 from https://simple.wikipedia.org/wiki/Feudalism 27