Filipino Final Exam Notes PDF
Document Details
Uploaded by LuckiestLove796
Tags
Summary
These notes cover various aspects of Filipino literature, including poetry, fiction, and historical analysis. They include topics such as characteristics of poetry, novel elements, and historical figures. This gives an overall understanding of the curriculum.
Full Transcript
Mga Katangian ng Tula Paghahanap ng Formal na Elemento ng Tula ○ May sukat at tugma? ○ Ilang saknong? Ilang taludtod bawat saknong? Ilang saknong sa buong tula? ○ Sino ang persona? Sino kinakausap? ○ Ano ang dramatikong sitwasyon? ○ Anong imaheng ginag...
Mga Katangian ng Tula Paghahanap ng Formal na Elemento ng Tula ○ May sukat at tugma? ○ Ilang saknong? Ilang taludtod bawat saknong? Ilang saknong sa buong tula? ○ Sino ang persona? Sino kinakausap? ○ Ano ang dramatikong sitwasyon? ○ Anong imaheng ginagamit? ○ Ano ang mga ginagamit na tayutay (figures of speech)? ○ Ano ang mga halaga (values) at konteksto ng mga halagang ito? Mga Katangian ○ Persona - identidad ng nagsasalita Minsan, may partikular na persona. Kung hindi, tingan ang tinig Tinig - boses na kinukuha ng persona kapag nakikipag-usap sa tagapakinig/mambabasa ○ Patalastas ○ Pananambitan ○ Imahen at Balintuna/Parikala Imahen representasyon ng isang bagay sa kalikasan o realidad maaaring kumatawan sa mga kahulugang metaporiko’t simboliko Balintuna/Parikala (Irony) Panglalarawang magkakasalungat ○ Pagtutugma Katha (Maikling Kuwento at Nobela) Fiction Maaaring batay sa realidad (realistiko) o sa kakaibang pangyaayri (fantastiko) Anyo ng prosa Nobela ○ Uri ng katha ○ Mahaba dahil sa pag-usbong ng limbagan sa Europa (printing press) Elemento ng Katha ○ Tauhan - Tauhang gumagalaw sa loob ng kuwento ○ Tagapagsalaysay (Narrator) - nagsasalaysay ng kuwento sa mambabasa Unang panauhan - Tagapagsalaysay = tauhan Ikatlong panauhan (omnescient) = Mala-diyos ang pananaw Ikatlong panauhan (limited) - May tauhang sinusundan ○ Tagpuan - Kailan at saan nangyari ang katha ○ Banghay (plot) - Pangunahing pangyayari sa kuwento. Batay dito ang kilos ng tauhan ○ Tunggalian (conflict) - Pangunahing tensiyon o suliranin ng mga tauhan Pagtatanghal Theater. Sino ang mga “Filipino”? Bago ng 1860’s = Espanyol na ipananganak sa Pilipinas/insulares Pagdating ng 1860s, sinasakop na ito ang mga indio at mestizo ○ Padre Pelaez at Padre Burgos Kampanya laban sa mga prayleng Espanyol para sa kontrol at pamamahala sa parokya sa Pilipinas Religious vs Diocesan Priest ○ Diocesan Priest = Serve under diocese, bishop ○ Religious Priest = Serve anywhere GomBurZa Gomes, Burgos, Zamora Binitay dahil sa kanilang pagkakadawit sa pag-aaklas ng mga sundalong Filipino sa Fort San Felipe sa Cavite (involvement in strike) ○ Walang kinalaman Tunguhin ng Kilusang Propaganda Pagbibigay sa mga Filipino ng kapantay na karapatan na katumbas sa mga Espanyol. Pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes sa Espanya (Representative of the Philippines in Spanish Court) Pagpapahina ng kapangyarihan ng frailocracia Dasalan at Tocsohan Marcelo H. Del Pilar Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896 Bulakan, Bulacan Dasalan at Tocsohan Parodya na atake laban sa praylokrasya ○ Uri ng panggagagad o panggagaya ng isang akdang pampanitikan o sining na ang tunguhin ay magpatawa o mangutya. ○ Ginagagad ang anyo ng dasal Laban sa Praylokrasya Pagbinyag bilang paraan upang masakop and katutubo Lupain na pagmamay-ari ng mga prayle mula ika-18 - ika-19 na siglo ○ Pangunahing panggagalingan ng kanilang yaman Puna Laban sa Praylokrasya ○ Nawawala ang tunay na turo ng Kristiyanismo ○ Pagkita lamang mula sa inulhensiya (indulgences) ○ Pagiging mapang-api sa pamamagitan ng kamangmangan (oppression through ignorance) Mga Unang Impresyon Ko (Sa Madrid) Antonio Luna October 29, 1866 – June 5, 1899 Binondo, Maniia Nakababatang kapatid ni Juan Luna Nag-aral ng fencing at taktikang militar sa ilalim ni Don Martin Cartagena, isang major sa hukbong Espanyol Naging mananaliksik sa Pasteur Institute at naging eksperto ng laboratoryong munisipal ng Maynila Naaresto nang magsimula ang Himagsikan ng 1896 kahit na hindi siya kasapi ng Katipunan Magiging pangunahing heneral ng Hukbong Rebolusyunaryo sa ilalim ni Emilio Aguinaldo Papatayin ng kapwa mga Filipinong sundalo dahil sa hidwaan sa kaniyang pamamalakad at sa kaniyang pagtututol sa alok ng autonomiya sa ilalim ng mga Amerikano Rasismo at Kontrarasismo sa Panitikang Paglalakbay Ginagaya ang mga sulating paglalakbay (travel writing) ○ Palasak (popular) sa iba’t ibang bansa at imperyo sa Europa Kolonyang nasakop ng Europeo Eksotisisasyon (exoticization) at rasismo upang ipakita ang pangangailangan ng patukoy na kolonisasyon Puno ng mga panlalait laban sa Pilipinas at mga Filipino para sa mga Propagandista tulad ni Antonio Luna ○ Maling impormasyon Sa Mga Impresyon, binabaliktad ni Luna dahil isang mamayan ng nasakop na bansa ay pumunta sa bandang mananakop upang ilarawan Mga Unang Impresyon Ko (sa Madrid) Unang inilathala bilang mga artikulo sa La Solidaridad, tinipon bilang libro at inilathala noong 1891 Puno ng pananabik (excitement) dahil sa mga larawan at libro na ipanapakita ng Espanya at Madrid bilang dakilang bayan at lungsod ○ Puerta del Sol – puno ng buhay at aktibidad ○ Maynila – makikitid (narrow) ang mga daan; Pilipinas – magubat at sariwa ang hangin (forests and fresh air) ○ Espanya – mabato at mala-disyerto; Madrid – matatalas ang mga bato ng mga kalye (rocky and desert-like, sharp rocks) Nadismaya si Luna, dahil hindi kasing ganda na kaniyang inaasahan Ano ang nagiging unang impresyon ni Luna sa mga Espanyol na nakilala niya? ○ Pagkarasista ang mga taong nakakasalubong niya Tinatawag na Tsino o Igorot ng isang binibini at ng mga bata Napag-isa ng isang Ministro ang indio ng Pilipinas sa mga indio ng Pampas Alam lang ng mga tao sa Maynila ay doon galing ang balabal (shawl) na mula sa Maynila (panuelos de Manila) na galing talagang Tsina Hindi mailagay ng mga tao sa mapa ng daigdig ang Pilipinas Paano inilarawan ni Luna ang buhay ng mga taga-Madrid? ○ Umiikot ang buhay nila sa mga café ○ Puerta del Sol – puno ng mga tambay na walang ginagawa Mensahe sa kaniyang kapwa Filipino - Huwag maniwala sa mga tula, awit, at kuwento tungkol sa Madrid kung ayaw nilang madismaya Noli Me Tangere at El Filibusterismo Jose Rizal June 19, 1861-December 30, 1896 Calamba, Laguna Nagaral ng Medisina sa Espanya noong 1882 ○ Naglakbay sa Berlin, Londres, at Paris Miyembro ng Kilusang Propaganda mula 1888-1891 Noli Me Tangere - 1887, El Filibusterismo - 1891 Bumalik sa Pilipinas noong 1892 upang itatag ang La Liga Filipina Ipinatapon sa Dapitan mulang 1892-1896 Binaril noong Disyembro 30, 1896 sa Bayumbayan, Maynila dahil sa pagsiklab ng Himagsikan ng 1896 “Tinig ng mga Inuusig” Pinaguusapan nina Elias at Crisostomo Ibarra habang nasa laot ng lawa ang mga repormang nais ng mga tulisan o mga inuusig Tinatangkang kumbinsihan ni Elias na pamunuan ni Crisostomo ang mga nais nilang mga pagbabago: ○ Pantay-pantay na karapatan para sa lahat ○ Pahinain ng kapangyarihan ng Guardia Civil ○ Bawasan ang kapangyarihan ng mga prayle Ano ang pananaw ng bawat isa? ○ Ibarrra - konserbatibong pananaw Ipinagtanggol niya ang mga prayle at Guardia Civil sa kabila ng nangyari sa kaniyang ama at sa kaniya ○ Elias - repormistang pananaw Inilatag niya ang mga butas sa kolonyal na pamamalakad “(Sa Landas ng Paglaya)” Bilang huling kabanata ng El Filibusterismo, inilalatag nito ang panapos ng mensahe ng nobela Nabuwag (failed) na ang pagtatangkang paghihimagsik na pinlano ni Simoun Ibarra Sugatan na si Ibarra at nangungumpisal (confess) kay Padre Florentino Pinagdedebatihan nina Ibarra at Padre Florentino kung ang masamang kalagayan ng Pilipinas ay bunga ng tadhana (plan) ng Diyos Nabubulaanan (refute) ni Padre Florentino ang pagtatangka ni Simoun na ipilit ang himagsikan (attempted revolution) gayong hindi pa handa ang mga Filipino para dito Heteroglossia at ang Nobela Bakit ba mahirap na sabihin kung si Rizal ay pabor o hindi para sa rebolusyon? ○ Tinatangka ni Rizal na hulihin ang iba’t ibang pananaw at tinig na nakapaloob sa lipunang Filipino Heteroglossia - pagpapaloob ng nobela sa iba’t ibang pananaw o tinig na ito Epektibo ang nobela sa paghuli ng iba’t iba at magkakasalungat na mga saloobin at katangian ng lipunan ○ Pananaw ng mga tauhang tulad nina Elias, Crisostomo/Simoun, at Padre Florentino Donya Victorina (kolonyal na pag-iisip), Pilosopo Tasyo (malayang pag-iisip) Kontradiksyon ng mga tauhan ○ Bagaman kontrabida, nauunawaan natin si Padre Damaso bilang isang amang gusto lamang ang mabuti para sa kanyang anak na si Maria Clara Pagkabansa ayon kay Benedict Anderson “Imagined political community” ○ Imagined - nasa isip ng mga tao na bahagi sila ng komunidad kahit hindi natin sila makilalang lahat Polotical - sovereignty o kasarinlan ang komunidad na ito na nakaugat sa pagkakapantay-pantay at pagiging makakapatid ng mga mamamayan nito sa isa’t isa Paano ba umusbong ang nasyunalismo at mga bansa? ○ “Print capitalism” - iba’t ibang wika Diyaryo/pahayagan Nobela Dahil sa pagbabasa ng Noli at Fili ay magkakaroon ang mga Filipino ng kamalayang pambansa (national consciousness/pride) Paghina ng Kilusang Propaganda at Pagtatatag ng Katipunan Humina ang Kilusang Propaganda sa Espanya nang magkaroon ng hidwaan (disagreement) sa pagitan nina Rizal at Marcelo H. del Pilar sa tunguhin (direction) ng kilusan 1891 - hindi na naniniwala si Rizal na makukumbinsi ang mga politikong Espanyol na bigyan ang Pilipinas at ang mga Filipino ng mga karapatan nito Babalik si Rizal sa Pilipinas upang itatag ang La Liga Filipina ngunit agad siyang aarestuhin at ipapatapon sa Dapitan Hulyo 7 1892 - Itinatag ang Katipunan ○ May dokumentong nadiskubre na Enero 1892 pa lamang ay may plano na Ang Katipunan bilang reaksiyon sa pagpapatigil sa La Liga Filipina at pag-aresto kay Rizal Upang iorganisa ang mga Filipino para sa isang himagsikan laban sa mga Espanyol Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog Andres Bonifacio Disyembre 2, 1863 - Mayo 10, 1897 Tondo, Maynila Panganay siya sa anim na magkakapatid Nagtrabaho siya sa mga trading companies bilang kleriko’t mensahero. Marunong siya ng Tagalog, Espanyol, at Ingles. Isa sa mga tagapagtatag ng Kataas-taasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong 1892 Naging pinuno ng Katipunan noong Enero 1895 Namatay siya sa gitna tunggalian sa pagkapinuno ng himagsikan kalaban si Emilio Aguinaldo noong Mayo 1897 Talakayan ng "Ang dapat mabatid ng mga Tagalog" Ang kalagayan ng Pilipinas bago dumating ang Espanyol ayon kay Bonifacio ○ Masagana at maginhawa ang Pilipinas at ang mga Filipino ○ May ugnayang-pangangalakal sa Hapon at ibang bansa ○ Mataas ang karunungan ng mga mamamayan. Marunong magbasa at magsulat ang lahat Anong uri ng relasyon ang pinagkasunduan ng mga Filipino sa mga Espanyol? ○ Nagsawaga ng mga Pacto de Sangre o Sandugo ang mga pinunong Espanyol sa mga datu Ritwal na ginagawa sa pagitan ng dalawang pinuno upang isakatuparan ang relasyon ng pagiging magkapatid Para kay Bonifacio, hindi pagpapasakop ang isinagawa ng Filipino sa pagsasandugo kundi isang pantay na relasyon (not colonozation, but equality) Ginagawa ang sandugo sa pagkuha ng miyembro ng Katipunan Ano ang nangyari sa Pilipinas pagkatapos sumailalim sa sanduguan ang mga Filipino sa mga Espanyol? ○ Nagsimulang dumanas ng matinding paghihirap ○ Lahat ng kasaganahan at kaginhawaan ay mawawala pagdating ng mga Espanyol ○ Higit na pahahalagan ng mga Espanyol ang kanilang kaginhawaan habang nagdurusa ang mga Tagalog (Filipino) Ano ang solusyon sa hirap na dinadanas ng mga Filipino sa ilalim ng kolonyalismo? ○ HIMAGSIKAN lamang at ang pagpapatalsik sa mga Espanyol ang natatanging paraan upang muling guminhawa ang Pilipinas Tatlong-Bahaging Pananaw sa Kasaysayan Tinutuligsa (criticize) ni Bonifacio ang bipartite na pananaw sa kasaysayan ng mga kolonyalista Sa ganitong pananaw, naniniwala ang mga mananakop na sila ang nagdala ng kaliwanagan sa Pilipinas/mga katutubo Para kay Bonifacio, na nakuha niya mula kay Rizal, naniniwala siyang hindi liwanag kundi hirap ang dinala ng mga mananakop sa Pilipinas. Tatawagin ito ni Zeus Salazar na tripartite o tatlong-bahaging pananaw sa kasaysayan. Sa ganito'y lilikha ng bagong pananaw sa kasaysayan sina Rizal at Bonifacio na magiging mahalaga sa pagbuo ng isang bago't makabayang pananaw at pagkilala sa sarili ng tatawaging "bayang Filipino." MODYUL 4 Kolonyalismong Amerikano Pagkatapos ng madugong kampanya sa pagitan ng mga Filipino at Espanyol, lalo na sa Cavite, tatakas si Emilio Aguinaldo sa Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan noong dulo ng 1897 ○ Itatag doon ang Republika ng Biak-na-Bato noong Nobyembre 2, 1897 Sa tulong ni Pedro Paterno, itinulak ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang kolonyal at ng mga rebolusyunaryo Lalakas ang Himagsikang Filipino laban sa Espanya nang magsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong Abril 21, 1898 Pipirmahan ang Kasunduan ng Biak-na-Bato noong Disyembre 14, 1897 at pansamantalang titigil ang labanan sa Pilipinas Papangakuan diumano ng mga Amerikano si Emilio Aguinaldo ng kasarinlan para sa Pilipinas (promised independence for the Philippines) (didn’t happen) Tratado ng Paris - Disyembre 10, 1898 ○ Ibinenta ng Espanya ang mga karapatan nito sa Pilipinas at ang iba pa nitong mga kolonya sa Estados Unidos ○ Sa pagratipika ng tratado ng Senado ng Estados Unidos noong Pebrero 6, 1899, inilatag na ang landas tungo sa digmaan sa pagitan ng mga Filipino at mga Amerikano (path to war was paved) Digmaang Filipino-Amerikano – Nagsimula Pebrero 4, 1899 ○ Dahilan kung bakit boboto ang mga senador na Amerikano para iratipika ang Tratado ng Paris ○ Nagdeklara ng kalagayan ng digmaan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo ni Aguinaldo – Hunyo 2, 1899 Sakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas sa isang marahas na kampanya ○ Torture at concentration camps upang pahinaan ang gerilyang Filipino Magtatapos ang Digmaang Filipino Amerikano nang sumuko si Miguel Malvar noong Abril 16, 1902 bagaman, para sa mga Amerikano, magtatapos ito noong Hulyo 1, 1902. Himagsikan Laban sa Espanya at Digmaang Filipino-Amerikano Magdalo (Aguinaldo) at Magdiwang (Bonifacio) Ang Ikalawang Hati ng Himagsikang 1896-1898 ○ Bilang bahagi ng kasunduan, kinakailangang umalis ni Aguinaldo kasama ng pamunuan niya mula sa Pilipinas papuntang Hong ○ P800,000 (Mexican) kapalit ng kapayaan habang palalaganapin ng mga Espanyol ang reporma sa Pilipinas Hindi natugampay dahil: Hindi naitupad ng mga Espanyol ang repormang gusto ng mga Filipino Ginamit ni Aguinaldo ang perang nakuha niya para bumili ng baril ○ Nagdeklara ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at sinimulan ang paggawa ng isang konstitusyon Benevolent Assimilation ○ “...the mission of the United States is one of benevolent assimilation substituting the mild sway of justice and right for arbitrary rule…” – Pres. William McKinley, Executive Mansion, Washington, December 21, 1898 Lalaki ang yaman at impluwensiya ng elite na Filipino kapalit ng katapatan sa kolonyal na pamahalaan Upang mapanatili ang kontrol, nakipagsabwatan (conspired) ang mga Amerikamp sa ilang piling politikong Filipino tulad ng miyembro ng Partido Federalista ○ Federalista - Sumusporta sa pagiging bahagi ng US ng Pilipinas ○ Nacionalista - kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas Nananatiling dominante ang Partido Nacionalista pagkatapos ng unang halalan para sa Philippine Assembly noong 1907 sa pamumuno nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña Benipisyo ng Kolonisasyon ng Pilipinas para sa mga Amerikano ○ 1. Akses at foothold sa Asya. ○ 2. Akses sa likas na yaman ng Pilipinas. ○ 3. Akses sa murang lakas-paggawa. ○ 4. Akses sa bagong merkado na puwedeng bentahan ng mga produktong Amerikano Bakit Hindi Ginawang Federal State ang Pilipinas ng Estados Unidos? ○ 1. Masyadong malakas ang damdaming makabayan ng Filipino ○ 2. Masyadong malaki ang populasyon ng Pilipinas ○ 3. Masyadong malaki ang ekonomiya ng Pilipinas ○ 4. Masyadong magastos ang panatilihin ang kontrol dito. Estrangheretis Inigo Ed. Regalado Marso 19, 1888 - Hulyo 24, 1976 Sampaloc, Maynila Anak siyá nina Iñigo Corcuera Regalado, isa ring sikat na manunulat, at Saturnina Reyes 1900 - Sumulat si Regalado sa mga pahayagan tulad ng Ang Mithi, Pagkakaisa, Watawat, at Pliegong Tagalog Naging patnugot (editor) din siyá ng mga magasing Ilang-ilang at Liwayway Naging konsehal din siyá ng Maynila nang ilang termino Isa sa mga tagapagtaguyod ng wika’t panitikang Tagalog Ang Anyo ng Dagli Dagli - Isang maikling akda—mala-katha, mala-sanaysay, mala-balita, mala-panitikan—na pinapaksa ang ilang politikal at personal na isyu ○ Umusbong at lumaganap noong simula ng kolonyalismong Amerikano ○ Maglalaho nang higit na maging popular ang mga maikling kuwento Katangian ng Dagli ayon kay Rolando Tolentino ○ Maikli dahil nakabatay sa domestiko at politikal na realidad… ○ Temporal, o may panahon lamang ang halaga, kadalas sa kagyat na panahong may mainit na balita… ○ Kinatha, o fiksyonalisadong realidad, bilang subersiyon sa matinding sensura noong panahon ng mga Amerikano… ○ Eseyistiko, o gumagamit ng editoryal na interbensiyon… ○ Partisano, may kinikilingan… ○ Moderno, sa referensiyang wikang ginaganamit… Estrangheretis Diyalogo sa pagitan ng dalawang magkaibigan nang magtagpo sila sa kalye ○ Kaibigan 1 ○ Estranghero Estranghero dahil halos lahat ng kaniyang tinatangkilik ay mga tindahan at produktong banyaga Kolonyal na pag-iisip Saan nananghali – Hotel Metropole Saan patungo – Casino Española Kalesin (kalesa) – American Stables Lana – Paris Manila Patahian – White House Sapatos – American Shoes Sumbrero – Juan Seiboth Baston – Puerta del Sol Kuwako – American Bazaar Tabako – Smoke Yebana Relos – Brillante Bera Kurbata – Botica Boie Butones at alpiler – Estrella del Norte Panyo – Bazaar Japones Kamisa – Juan Soler Medyas – Intsik Velasco Ano ang ibig sabihin ng tanong na “Sa mga Pilipina ba?” ○ Tinatanong ng kausap kung anong uri ng babae ba ang nililigawan sa Sampaloc ○ Sampaloc – distritong pinipiling tirhan ng mga Amerikano at iba pang mga banyaga Black and White Jose Corazon de Jesus Nobyembre 22, 1896 - Mayo 26, 1932 Santa Cruz, Maynila Hari ng Balagtasan matapos ng unang balagtasang ginanap noong April 6, 1924 Isa siyang kolumnista, boses sa radyo, at aktor sa pelikula Tulsa Race Massacre Petsa: Mayo 31 hanggang Hunyo 1, 1921 Lokasyon: Greenwood District, Tulsa, Oklahoma, USA Pangyayari: Isang marahas na pag-atake ng mga puting residente laban sa komunidad ng mga African American Sanhi: Isang insidente sa pagitan ng isang batang African American na lalaki at isang batang puting babae sa isang elevator Epekto: Mahigit 300 katao ang namatay, libu-libo ang nasugatan, at maraming ari-arian ang nasira Pagkawasak: Ang Greenwood District, kilala bilang "Black Wall Street," ay halos ganap na nawasak Pagkilos ng Gobyerno: Hindi sapat ang naging tugon ng mga lokal na awtoridad upang mapigilan ang karahasan “Black and White” Formal na katangian ○ Saknungan – 5 saknong ○ Taludturan – Anim na taludtod bawat saknong; 40 na taludtod lahat-lahat. ○ Sukat – 8, 16, 16, 16, 16, 8 ○ Tugmaan Unang Saknong tagumpay, pantay-pantay, dangal, Kalayaan, Papurihan - Katinig, mahina Ikalawang Saknong ulikba; dakila; mawala; dalubhasa; maisagawa; nga - Patinig, a, may impit Ikatlong Saknong maitim; damdamin; rin; alipinin; tumingin, sumpain - Katinig, mahina Ikaapat na Saknong tagumpay, tunay, tahanan, daigdigan, aral, iyan - Katinig, mahina Ikalimang Saknong Daigdig; linis; Protektores; hinagpis; umiimik; lintik - Katinig, malakas Talakayan Hindi talaga pinupurihan ng persona ang demokrasya ng Estados Unidos Puti – mabuhay, mala-diyos Itim – mamatay, hayop, walang dangal Ulikba ○ Manok na maitim ang buong katawan, pati ang butó at lamán ○ Mapanlait na tawag sa isang táong maitim ang balát Pieles rohas ○ Redskin ○ Rasistang tawag sa Katutubong Amerikano Pinupuna ng persona ang kabalintunaan ng “demokrasya” ng Estados Unidos (criticizing the irony of “democracy”) Tinutukoy ang genocide na dinanas ng mga Katutubong Amerikano Di pagkapantay-pantay kahit na “pinalaya” na ang mga alipin Pananaw ng persona ○ Mga maitim o Negro ay mga tao at may damdamin rin ○ Pinupuna ng persona ang pagsalig sa balat at lahi bilang tanda ng halaga (criticizing value from skin color) Ano ang pagtrato ng Estados Unidos sa mga Afrikano-Amerikano? ○ Pinapatay, pinalalayas sa kanilang mga tahanan, at lumaboy sa daigdig ○ Puna ni de Jesus, ito ba ang demokrasya na ipinagmamayabang ng Estados Unidos? Bakit paulit-ulit na isinisigaw ng tula ang salitang “demokrasya”? ○ Hipokrito ang pagtawag ng Estados Unidos sa sarili nito bilang pangunahing demokratikong bansa ng daigdig ○ Kung hindi kayang protektahan ang karapatan ng mga Afrikano-Amerikano, paano pa kaya ang sa mga Filipino? Kontrarasismo at Kontrakolonyalismo Kontradiksyon ng Estados Unidos Demokratikong bansa na naitinayo sa pundasyon ng rasismo at genocide Kailangnag surring mabuti ng mga Filipino ang ating relasyon sa US Ang kilusan ng Afrikano-Amerikano para sa karapatan ay kaugnay sa kampanya ng mga Filipino para sa kasarinlan Ang mga rasistang atake ay replektibo sa malaaliping relasyon ng Pilipinas at Amerika Dapat itaguyod (promote) and kontrorasismo para sa dekolonisasyon at kasarinlan Politika ng Kalayaan at Kasarinlan Pagkatalo ng Pamahalaang Rebolusyunaryo: Naging mahalaga para sa mga Amerikano na akitin (attract) ang mga ilustrado at mayayamang Filipino Pagkilala ng mga Amerikano: Posibleng lumaya ang mga Filipino at magkaroon ng sariling bansa Pagkakaiba ng Opinyon: May mga elite na nais maging pederal na estado ang Pilipinas, ngunit hindi ito nais ng karamihan Patuloy na Paglaban: Halimbawa, ang Republika ng Katagalugan ni Macario Sakay Unang Pambansang Eleksiyon (1907): Partido Nacionalista ang nagwagi, na nagtataguyod ng kalayaan at kasarinlan Pakikipagsabwatan (Conspiring): Sina Osmeña at Quezon ay nakipagsabwatan sa mga Amerikano para sa kalayaan ng Pilipinas Pag-asa sa Kalayaan: Lumakas ang pag-asa sa pagkapanalo ng Democratic Party sa Estados Unidos noong 1912 Lobbying sa US Congress: Mula 1919 hanggang 1934, nagpadala ng mga commissioner at misyon ang mga Filipino sa US Fairfield Bill: Itinataguyod noong dekada 20 dahil sa pagka-mainipin ng mga Filipino Tydings McDuffie Law (1934): Nagbigay ng sampung taong transisyon tungo sa kasarinlan Pamamahala ng Pilipinas (1935-1945): Pamamahalaan ng Pilipinas ang sarili nito, ngunit ang ugnayang internasyunal ay nasa kamay pa rin ng Estados Unidos Kasarinlan ng Pilipinas (1945): Makakamit lamang ang kasarinlan pagdating ng 1945 Greta Garbo Deogracias A. Rosario Oktubre 17, 1894 - Nobyembre 26, 1936 Tondo, Maynila Nagsimulang magsulat para sa mga pahayagan tulad ng La Democracia, Buntot Pagi, Taliba, Pagkakaisa ng Bayan, at Liwayway noong 1912 “Greta Garbo” Sino si Greta Garbo? ○ Pinakapopular na aktres sa Hollywood noong dekada 20-30 ○ Swedish na aktres bago madiskubre at lumipat sa Hollyowood ○ Kilala sa pagganap ng tauhang babaeng pangahas (daring) at malaya Monina Vargas ○ Galing sa marangyang (luxurious) buhay ○ Maganda (dating kanditata sa “Miss Philippines”) at alam niya iyo kaya medyo suplada (snobbish) ○ Ibinabatay niya ang kaniyang buhay kay Greta Garbo ○ Paano tinatrato ni Monina ang mga manliligaw niya? Hindi pinapansin dahil hindi sila exciting. Hindi sila si John Gilbert Octavio ○ Pogi at mayaman (may roadster) ○ Kaakit-akit siya dahil sa kaniyang pagkakahawig kay John Gilbert ○ Ngunit ikakasal na pala si Octavio at niloloko lang pala niya si Monina Ang Epekto ng Kolonyalismong Amerikano sa Kultura ng Pilipinas Pagbabago ng kulturang Filipino sa ilalim ng Amerikano dahil sa dalawang paraan: ○ Sistema ng edukasyon itinayo sa Pilipinas Pampublikong Edukasyon Bagaman mayroon nang pampublikong edukasyon sa panahon ng mga Espanyol, itatatag lamang ito sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo ○ Kulang sa pondo at guro para maging accessible Ang Amerikano ang nagpalawak ng sakop ng pampublikang Edukasyon ○ Magiging susi para umangat sa lipunan Natakdang gawing wikang Ingles and Pangunahing wika ng edukasyon sa Pilipinas ○ Upang baguhin ang kultura ng mga Filipino at ihulma (mold) ang kanilang pag-iisip sa gusto ng mga Amerikano ○ Kontrobersyal hanggang ngayon Mahalaga ang ginagampanan ng mga Thomasites (Gurong galing sa Estados Unidos na nagpunta sa Pilipinas para magturo) sa paghubog ng edukasyon at kamalayang FIlipino (shaping Filipino Education and Consciousness) ○ Paglaganap ng kulturang popular na Amerikano Pagpakalat ng kulturang popular na Amerikano upang maipasok ang kanilang dita and kanilang kultura Musika at pelikula Makikita sa “Greta Garbo” ang impluwensiya sa tauhan katulad ni Monina Vargas Popular ang musikang Amerikano katulad ng Jazz ○ Kilalalang musikero ng jazz na Filipino na magdadala nito sa iba’t ibang bansa tulad ng Hong Kong, Japan, at ibang bahagi ng Timog Silangang Asya "Greta Garbo" bilang Kritika ng Kolonyalismong Amerikano Kritikal ang “Greta” Garbo sa pagpasok ng kulturang impluwensiya ng imperyalismong Amerikano ○ Donya Victorina = kolonyalismong Espanyol, Monina Vargas = imperyalismong Amerikano Pagsemplang ng mukha ni Monina Vargas ○ Babala sa pagyakap ng mga Amerikanong values ○ Materyalistiko at paimbabaw (superficial) ang hinahanap ni Monina Vargas sa kaniyang minamahal Pagiging mayaman at guwapo (Octavio) Niloloko niya lamang ni Octabio dahil ikakasal pala sa ibang babae Para kay Rosario, dapat panatilihin ang maka-Filipino na pananaw sa buhay