Aralin sa Tula Third Quarter 2024-2025 PDF

Summary

This document details different types of Filipino poems, including types of narrative poems, dramatic poems, and descriptive poems, for the third quarter of 2024-2025. It also discusses characteristic features of each type and gives examples of Filipino poets.

Full Transcript

THIRD QUARTER Aralin sa Tula “Ang Pinuno sa Kinabukasan” tula mula sa bansang Africa” Kaurian ng Tulang Pandamdamin a.Kantahin-Ito ay payak maging sa pananalita at sukat. Nahahati ito sa ilang taludturan, maikli at tiyakin. Ang damdaming ipinahahayag ay pansarili o panlipunan. Ka...

THIRD QUARTER Aralin sa Tula “Ang Pinuno sa Kinabukasan” tula mula sa bansang Africa” Kaurian ng Tulang Pandamdamin a.Kantahin-Ito ay payak maging sa pananalita at sukat. Nahahati ito sa ilang taludturan, maikli at tiyakin. Ang damdaming ipinahahayag ay pansarili o panlipunan. Kaurian ng Tulang Pandamdamin b. Oda- sa simula, ito’y sinulat upang awitin, datapwat ngayon, ito’y sinulat upang basahin. Sa panulaang Ingles, ito’y may tiyak at palaging kaanyuan sa pagpapahayag ng masisiglang Kaurian ng Tulang Pandamdamin damdamin, ng isang kapusukang pigil ng maguniguning pagbubulay-bulay, ng isang papuri, o panaghoy kapitapitagan. Kaurian ng Tulang Pandamdamin c. Elehiya- tulang liriko na naglalaman ng pagbubulay-bulay na udyok ng isang pangyayari o guniguni ukol sa kamatayan. Kaurian ng Tulang Pandamdamin d. Soneto- binubuo ng labing-apat na taludtod na pandalawang taludturan, isang waluhan, isang animan. Kaurian ng Tulang Pandamdamin Ang pagkakatugma ng unang walong taludtod ay a/b/b/a/ a/b/b/a/, ang pagkakatugma ng huling anim ay karaniwang c/d/e/c/d/e/. 2. Tulang Pasalaysay-isang uri ng tula na nagsasalaysay ng isang kawil na pangyayari na maaaring tunay o hango lamang sa guniguni ng makata. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay Epiko ( Tulabunyi )- ito’y may kahabaang salaysay ng mga kabayanihan ng isang dakilang nilikha, na kadalasa’y angat sa kalikasan. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay Ito ang pinakamatayog at pinakamarangal na uri ng mga tulang salaysay na ang mga pangyayari at kawilihan ay napipisan sa pagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat o Mga Uri ng Tulang Pasalaysay kasaysayang naging mapagtagumpay sa mga panganib at kagipitan. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay b. Tulasinta ( Metrical Romance ) – ito ay tulang pasalaysay na mahirap makilala ang kaibahan sa epiko. Ang uri ng tulang ito ay lumaganap sa Europa sa pagitan ng ika-11 at ika-14 na dantaon. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay Ito ay dinala sa ating bansa ng mga Espanyol. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay c. Tulakanta ( Rhymed or Metrical Tale ) – kapag ang tulang salaysay ay naging payak ito ay tinatawag na tulakanta. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay Bagama’t sinasabing mahirap kilalanin ang pagkakaiba ng tulasinta at tulakanta, nagkakaisa naman ang mga makata na ang huli ay higit na payak kaysa una. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay d. Awit at Korido-ang paksa ng dalawang ito ay hango sa mga kuwento ng pagkamaginoo at pakikipagsapalaran na dinala rito ng mga Kastila buhat sa Europa. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay Ito ay puno ng kababalaghan at mga pangyayari na tila mahirap maganap sa totoong buhay. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay e. Balada ( Tulagunam) - ito’y isang uri ng tulang pasalaysay na naglalahad ng kasiphayuan ng isang dakilang pagkasi. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay Dito ay inilahad ang mga pagsisikap ng mga magkasintahan na mapagtagumpayan at maalpasan ang lahat ng mga balakid at hadlang sa kanilang pag-iibigan, subalit ang lahat ng ito ay nawawalan din ng saysay. 3. Tulang pandulaan-isang uri ng tula na naglalahad ng mga pangyayari sa anyong padula. Taglay ng tulang ito ang mga katangian ng dula, kaya’t ito ay isinulat upang itanghal sa dulaan. a.Tulang Dulang Mag-isang Salaysay ( Dramatic Monologue )- isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi gayon din para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy sa tula. Halimbawa: The Love Song of J. Alfred Prufrock ni T.S. Eliot b. Tulang Dulang Liriko-Dramatiko- taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan. Ang tulang dulang-liriko ay nagbibigay ng tuon na mailantad ang mga damdaming nakapaloob sa mga pangyayari. Halimbawa: Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus c. Tulang Dulang Kalunos-lunos ( Dramatic Tragedy in Poetry )- tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana. Kalimitang ang wakas nito ay nagbubunga ng pagkahabag o pagkasindak sa panig ng mga nakikinig at nanonood. d. Tulang Dulang Madamdamin ( Melodrama in poetry )- ito ay isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao. Halimbawa: Annabelle Lee ni Edgar Allan Poe e. Tulang Dulang Katawa-tawang- Kalunos-lunos ( Dramatic Tragicomedy in Poetry)-ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos. Ang ilan sa ating matatandang komedya o moro-moro na may halung tagpo ay masasabing mga halimbawa nito. f. Tulang Dulang Katatawanan ( Dramatic Comedy )-ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa-tawa; may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakalilibang at nagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos. Halimbawa: Old Comedy ni Aristophanes g. Tulang Dulang Parsa ( Farce in Poetry )-ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa. Ang balangkas nito ay higit na katawa-tawa kaysa makatwiran. Halimbawa: Ode on Indolence ni John Keats 4. Tulang Patnigan- ito ay ang pagtatalong patula na nagpapalawak ng paksa ng dalawa o higit pang pangkat o kaisipan. Isang magandang halimbawa ng tulang ito ay ang Balagtasan. Ito ay paligsahan ng katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. a.Karagatan- isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao na bago pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno. b. Duplo- ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katwirang ginagamit dito ay karaniwang hango sa salawikain, kawikaan, at kasabihan. Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal ng isang “ Ama Namin’, isang “Aba Ginoong Maria” at isang Rekyemeternum para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan. c. Balagtasan-ang kauna-unahang balagtasan ay pinaglabanan ng mga makatang sina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes na may paksang “ Paruparo at Bubuyog”. Ang naging lakandiwa sa pagtatalong ito ay si Lope K. Santos. Si Jose Corazon ang tumayong paruparo at si Collantes naman ang bubuyog; si Sofia Enriquez naman ang siyang naging Kampupot o Bulaklak ng Kalinisang pinag-aagawan ng dalawa. Si Jose Corazon de Jesus ang kinilalang unang naging Hari ng Balagtasan. d. Batutian-bilang pagpaparangal sa yumaong Jose Corazon de Jesus ay sumilang ang isang bagong anyo ng tulang patnigan noong taong 1933 sa mga dahon ng Magasing Batute sa panulat at panukala ni G. Fernando B. Monleon na katulong na patnugot noon ng nasabing magasin. Ang malaking kaibahan nito sa balagtasan ay ang pagkamapang-uroy nito. Ang pangunahing layunin niti ay makapagbigay- aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan. Tandaan: Ang Simbolismo Isang masining na pamamaraan ng pagsulat ay ang paggamit ng sagisag. Sinasabing masining ang anumang katha kung nakapaglalaro at nakapaglalakbay ang isipan at napalulundag ang puso. Tandaan: Ang sagisag ay ginagamit upang maging malinaw ang paglalarawan at pagsasalaysay ng mga bagay-bagay. Ayon kina Bernie C. Santos at Dr. Corazon L. Santos, may dalawang paraan sa paglikha ng sagisag. Ito ay ang sumusunod: 1.Pagtingin sa isang bagay sa kanyang karaniwang anyo at saka mag-isip ng maaaring isagisag nito. 2. Pagtingin sa mga katangian ng isang tao, karanasan, at pangyayari at maghanap ng isang bagay na maaaring sumagisag dito. References: 1. Concha, Christopher Bryan A. et.al. (2020) WOW Filipino! 10 Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc. 1253 G. Araneta Avenue Corner Ma. Clara St. Sto. Domingo, Quezon City 2. Angeles, Mark Anthony S. et.al. (2019 ) FILIPINO ng LAHI,Tagapaglathala at tanging tagapamahagi ang DIWA LEARNING SYSTEMS INC. 4/F SEDCCO 1 Bldg. 120 Thailand corner Legaspi St. Legaspi Village,1229 Makati City 3. Santos, Bernie C. et.al. ( 2017 ). PUNLA (Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig at El Filibusterismo) Rex Bookstore, 856 Nicanor Reyes, Sr. St. Manila, Philippines

Use Quizgecko on...
Browser
Browser