Pag-aaral ng Panitikan (PDF)

Summary

Ito ay isang presentasyon tungkol sa panitikan sa Filipino. Tinalakay nito ang mga iba't ibang anyo, uri, at mga halimbawa ng panitikan. Ang presentasyon ay naglalaman ng mga detalye at pag-uuri ng mga uri ng panitikan gaya ng tula, dula, at maikling kwento.

Full Transcript

PANITIKAN Ang panitikan ay tumatalakay ng buhay, pamumuhay, pamahalaan, lipunan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin ng tao katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkabigo, pagkapoot, paghihimagsik, sindak at pangamba....

PANITIKAN Ang panitikan ay tumatalakay ng buhay, pamumuhay, pamahalaan, lipunan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin ng tao katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkabigo, pagkapoot, paghihimagsik, sindak at pangamba. Salamin ng buhay. MGA AKDANG NAGBIGAY NG IMPLUWENSIYANG PANDAIGDIG Bibliya o banal na kasulatan- naging batayan ng pananampalataya ng mga kristiyano. Koran na nagmula sa Arabya- Bibliya ng mga muslim. * Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagmulan ng pandaigdig na paglaganap ng demokrasya. * Iliad at Oddysey ni Homer ng Gresya- Kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya. * Divina Comedia ni Dante ng Italya- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon. Canterbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles. Aklat ng mga Araw ni Confucius – * naging batayan ng pananampalataya at kalinangang Intsik. * Isang Libo at Isang Gabi- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya. * El Cid Campeador- tumatalakay sa kasaysayan ng Espena at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga kastila. Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng panahong * ginto ng kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya. * Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipto. * Mahabharata- ipinalalakay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya. * Tula- may sukat at tugma o Malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining at kariktan. URI NG PANITIKAN * PATULA- Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga sumusunod : tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pantanghalan, at tulang patnigan. * TULUYAN O PROSA Nabubuo ito sa pamamgitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may- akda. Kabilang dito ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editoryal. MGA URI NG TULA 1.TULANG LIRIKO O TULA NG DAMDAMIN- Ito’y nagsasalaysay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ang uring ito ng tula ay maikli at payak. MGA URI NG TULANG LIRIKO a. Awit- ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag- asa, pangamba, poot at kaligayahan. b. SONETO- Nagtataglay ito ng mg aral ng buhay, may labing-apat ng taludtod, ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c.ODA- Pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. d. ELEHIYA- Tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. e. DALIT- Ito ay tulang nagpaparangaral sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya. 2. TULANG PASALAYSAY-Ito’y naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapatan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. MGA URI NG TULANG PASALAYSAY a.EPIKO- Nagsasalaysay ito ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapani-paniwala ang ibang pangyayari at maituturing na kababalaghan. b. AWIT AT KURIDO Tungkol ito sa mga paksang may kinalaman sa kaharian tulad ng pakikisapalaran ng mga kilalang tao sa mga Kaharian tulad ng hari, prinsipe, prinsesa,duke at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Espanol. c. KARANIWANG TULANG PASALAYSAY-Ang mga paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay. 3. TULANG PANTANGHALAN O PADULA- Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibhan nga lamang ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga dayalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya. 4. TULANG PATNIGAN (JOUSTIC POETRY)- Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. MAIKLING KWENTO-Ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Pangunahing layunin nito ang manlibang… Edgar Allan Poe- “Ama ng Maikling Kwento” MGA URI NG MAIKLING KWENTO SALAYSAY- Ang uring ito’y walang 1. katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan. 2. KWENTO NG KATUTUBONG KULAY Ang binibigyang diin sa uring ito’y ang kapaligiran ng isang pook, ang tagpuan ang higit na binibigyang pansin. Inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga kaugalian at mga paniniwala. 3. KWENTO NG KABABALAGHAN likha ng Binibigyang kasiyahan sa kwentong ito ang ating pananabik sa mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan karaniwang likha ng mayamang guniguni ng may-akda ang ganitong uri ng kwento… 4. KWENTO NG KATATAWANAN May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari sa kwentong ito. 5. KWENTO NG TAUHAN Ang tauhan o mga tauhan sa kwento ang binibigyang diin. 6. KWENTO NG KATATAKUTAN-Ang damdamin, sa halip na ang kilos ang binibigyang diin sa uring ito. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan… 7. KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN Ang kawilihan sa ganitong uri ng kwento ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kwento. 8. KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI- Kapansin-pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng kwento. Ang pangyayari’y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kwento. 9. KWENTO NG SIKOLOHIYA Inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang suliranin ng may-akda ay maipadadama sa mambabasa, ang damdamin ng isang taosa harap ng isang pangyayari. 10. KWENTO NG TALINO-Ang may –akda ay lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng paglalahad. NOBELA Ang nobela’y isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, maraming tauhan at nangangailangan ng mahabang kawing ng panahon. URI NG NOBELA 1. Nobela ng tauhan- pinangingibabaw sa uring ito ng nobela ang mga pangangailan, kalagayan at hangarin ng mga tauhan. 2. Nobela ng romansa-ang layunin at mga simulating lubhang mahalaga sa buhay ng tao at ng lipunan ang binibigyang diin. 3. Nobela ng kasaysayan-ang binibigyang diin dito ay ang kasaysayan ng bayan o isang pook. 4. Nobelang makabanghay –ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari ay isang ikinawiwili ng mga mambabasa sa uring ito. DULA- Ay isang akdang pampanitikan na may layuning itanghal ang kaisipan ng may may-akda Sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ng mga tauhan.. TATLONG BAHAGI NG DULA 1. YUGTO- Ang bahanging ito ang ipinaghahati sa dula. Inilalahad ang pagkhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manood.. 2. Tanghal- ito ang ipinaghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan. Ito ang paglalabas – 3. TAGPO- pasok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula. MGA URI NG DULA 1. TRAHEDYA- May mahigpit ng tunggalian sa dulang ito. Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng masidhing damdamin. Nagwawakas ito sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan. 2. Komedya- Ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood. 3. Melodrama- Ang dula ay nagwawakas mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito ay may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito. 4. Parsa-b Ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawil-kawil na pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa. 5. Saynete- Ang pinapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali.katulad ng parsa, ang dulang ito ay may layuning magpatawa. ALAMAT- Ay isang akdang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay … KWENTONG BAYAN-Kwentong walang may-akda at nagpapalipat-lipat lamang sa bibig ng mga tao. PARABULA- Salaysay mula sa Banal na kasulatan, nagpapahayag ito nga katotohanan At may layuning magbigay aral.. PABULA-Mga hayop ang gumaganapna binigyan ng mga katangian ng mga tao.. ANG TALAMBUHAY-Ay akdang tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao… MGA URI NG TALAMBUHAY 1.PANSARILI-ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay. 2. PAIBA- ang talambuhay ay sinulat ng ibang tao. SANAYSAY-ay isang akdang nakatuon sa isang tanging paksa at may layuning maglahad ng mga kuru-kuro o pananaw ng may-akda. MGA URI NG SANAYSAY 1.Maanyo o pormal- nangangailangan ito ng maingat na pagpili ng mga salita 2.Malaya o di pormal-higit na madali at magaang sulatin ito sapagkat simple. TALUMPATI-Ay isang pagpapahayag sa harap ng mga handang makinig. MGA BAHAGI NG TALUMPATI 1. PANIMULA-bahaging naghahanda sa kaisipan ng mga nakikinig upang maakit ang kanilang kawilihan. 2. Paglalahad –bahaging nagpapaliwanag. 3. Paninindigan-bahaging naglalaman ng mga katunayan o ebidensya ng nagtatalumpati.. 4. Pamimitawan-pangwakas na bahagi ng talumpati. BALITA- Ay paglalahad ng mga nangyayari sa loob at labas ng bansa. PALAISIPAN-Ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong. hal. May isang prinsesang sa tore ay nakatira Balita sa kanyang pambihirang ganda Bawal tumingala upang siya ay Makita Ano ang gagawin ng binatang sumisinta? Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makikita ang prinsesa. KASABIHAN O KAWIKAAN Ay ginagamit sa pamumuna ng kilos o gawi ng ibang tao. Hal. Tualak ng bibig Ang lahat ng gubat Kabig ng dibdib. tirahan ng ahas Ubus-ubos biyaya Kung ano ang bukambibig Pagkatapos nakatunganga siyang laman ng dibdib. URI NG KANTAHING BAYAN A. Soliranin ( rowing songs ) B. Talindaw ( boat songs ) C. Diona ( nuptial or courtship songs ) D. Oyayi ( lullaby ) E. Dalit ( hymns ) F. Kumintang ( war or battle songs ) G. Sambotani ( victory songs ) H. Kundiman ( love songs ) PASYON-Ang awit ito ay tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo. PANUNULAYAN O PANANAPATAN- Ay lokal na bersyon ng paghahanap ng matutuluyan ng mag-asawa San Jose at Birheng Maria sa bisperas ng Pasko. * TIBAG- Ang layunin ng pagpapalabas ng tibag ay malinang KARILYO-Ang dula-dulaang ito’y ginagamitan ng mga kartong ginupit katulad ng”puppet show”. SENAKULO-Ay pandulaang bersyon ng pasyon.ito’y ipinalalabas kung Mahal na Araw. URI NG SENAKULO Cantada (inaawit ) Hablada ( sinasalita ) SARSWELA Ang sarswela ay masayang dula. ito’y tigib ng tugtugan at awitin

Use Quizgecko on...
Browser
Browser